You are on page 1of 9

DAHIL SA IYO

Mike Velarde -- Composer Dominador Santiago -- Lyricist Sa buhay ko'y labis Ang hirap at pasakit, ng pusong umiibig Mandin wala ng langit At ng lumigaya, hinango mo sa dusa Tanging ikaw sinta, ang aking pag-asa. Dahil sa iyo, nais kong mabuhay Dahil sa iyo, hanggang mamatay Dapat mong tantuin, wala ng ibang giliw Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin Dahil sa iyo, ako'y lumigaya Pagmamahal, ay alayan ka Kung tunay man ako, ay alipinin mo Ang lahat ng ito, dahil sa iyo

This song desribes the reason for one's undying love for someone. Note: words in bold-color are in the glossary list on the right column. Back to Top GLOSSARY

labis

-- more than enough, excessive

pasakit -- suffering mandin -- also, too sinta -- term of endearment, as in "sweetheart", "beloved" dahil sa iyo -- because of you nais -- to want hanggang -- until tantuin -- to remember, understand alayan -- to offer alipinin -- to enslave someone lahat ng ito -- all this

ANG TANGI KONG PAG-IBIG


Constancio C. de Guzman -Composer and Lyricist Ang tangi kong pag-ibig ay minsan lamang

Ngunit ang 'yong akala ay hindi tunay Hindi ka lilimutin magpakailan man Habang ako ay narito at nabubuhay Koro: Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan Ang buhay ko'y unti-unti nang pumapanaw Wari ko ba, sinta, ako'y mamamatay Kundi ikaw ang kapiling habang buhay.

This song describes a man's vicarious "slow death" as he longs for his beloved. It appears that the man's love was thought to be insincere by the object of his affection. Note: words in bold-color are in the glossary list on the right column Back to Top

minsan lamang

-- once only

akala -- thought to be (something), implies wrong assumption magpakailan man -- forever, eternally malasin -- to see unti-unti --- slowly wari -- to think vicariously kundi -- if not

MAALA-ALA MO KAYA?
Huwag mong sabihing ikaw'y hamak Kahit na isang mahirap Pagkat ang tangi kong pag-ibig Ganyan ang hinahanap Aanhin ko ang kayamanan Kung ang puso'y salawahan Nais ko'y pag-ibig na tunay At walang kamatayan Maala-ala mo kaya Ang sumpa mo sa akin Na ang pag-ibig mo ay Sadyang di magmamaliw Kung nais mong matanto Buksan ang aking puso At tanging larawan mo

Ang doo'y nakatago. Di ka kaya magbago Sa 'yong pagmamahal Hinding-hindi giliw ko Hanggang sa libingan O kay sarap mabuhay Lalo na't may lambingan Ligaya sa puso ko Ay di na mapaparam (repeat 4th and 5th stanzas) This song is about promises made by lovers to be faithful to each other. It is also about the way love is able to overcome economic disparities among people in love. What is important, according to the song, is love that is sincere, true, and eternal. Love makes life worth living. Back to Top

HINDI KITA MALIMOT


ni J. Cenezal Hindi kita malimot, alaala kita Hindi kita malimot, minamahal kita Na ikaw lamang ang tangi kong minamahal Hindi kita malimot huwag kang manimdiman Hindi kita malimot manalig ka sinta At kung ikaw man ay lumimot Iyong alalahanin mahal pa rin kita Sa pangarap ko lamang lagi kang nakikita Dahil sa nawawalay ka sa akin sinta Ako'y dumadalangin lalo na kay Bathala Upang huwag kang lumimot Pagkat mahal kita (repeat first stanza)

This song talks about one's beloved who cannot be forgotten. He swears that even if his beloved forgets, he will still love her. He prays to God that she will not forget him even though he sees her only in his dreams because he is so far away from her.
Back to Top

BUHAT
ni Mike Velarde Bawat buhay ay may kasaysayan Tulad ng pinangyarihan Nang tayo'y magtanaw Takot lamang ay di mo pakinggan Ngunit ang katotohanan Kita'y minamahal Buhat ng kita'y masilayan Buhat ng mapanagimpan Laging hinahanap at inaasam Bilin ay damhin yaring pagmamahal At magbuhat ng makita ka lamang Bawat masdan ko'y kariktan Dulot ay sadyang kaligayahan Na nagbuhat sa iyo buhay n'yaring buhay (repeat 3rd stanza)

This song is about someone who reminisces the first time that he saw his beloved's face, and how since then he has been smitten by her. His life has been much happier since he saw her face. Back to Top

DAHIL SA ISANG BULAKLAK


ni Leopoldo Silos at Levi Celerio Dahil sa isang bulaklak Sumilang ang pag-ibig Bawat tibok ng kanyang puso Ay luha at paghihirap Puso'y sadyang natiis Nagdusa sa pag-ibig Di magbabago kailan man Ang pagmamahal Iyan ang pag-ibig Dahil sa isang bulaklak Bawat tibok ng kanyang puso Ay luha at paghihirap Puso'y sadyang nagtiis Nagdusa sa pag-ibig Di magbabago kailan man Ang pagmamahal 'Yan ang pag-ibig Dahil sa isang bulaklak This song is about how, because of a flower, love was born and how that love has to endure all suffering and pain. Love is eternal and changeless, all because of a flower. Back to Top

BASTA'T MAHAL KITA


ni Leopoldo Silos/Levi Celerio Isipin mong basta't mahal kita Wala namang magagawa sila Kapag ako'y kausap ng iba Walang dapat ipangamba Basta't mahal kita'y sapat na 'yan Ituring mong sumpa kailan pa man Basta't mahal kita Tahimik na itong buhay chorus: Kahit tayo'y di magkita Sa puso ko'y kapiling ka Basta't mahal kita sa gabi't araw Basta't mahal kita'y kasiyahan. (repeat 1st, 2nd stanzas, and chorus) This song is about someone assuring his beloved not to be worried about his love for her, that he is forever faithful regardless of what other people say. He asks his beloved to take his assurance (BASTA'T MAHAL KITA) as good enough as a promise. In Tagalog, the word BASTA is an expression that connotes a definiteveness of a statement, sometimes an insistence that what has been said is said and is to be taken to be true, valid, real. BASTA could mean "so be it," "it is so, period, no more arguments," or "I insist, therefore it is so." Back to Top

WALANG KAPANTAY
ni. M.P. Villar/Ed Sangcap

Nagmamahal ako sa iyo Kahit ako'y iyong iniwan Masakit man ang nangyari Hindi kita malimutan Alam kong mayroon kang ibang minamahal At 'yan ang katotohanan Sa wari ko ang sabi niya Pag-ibig ko sa iyo'y Langit ang kapantay Sayang at hindi mo nalaman Na ang aking pag-ibig Ay walang kapantay (repeat 1st, 2nd, and 3rd stanzas) This song is about one's undying love to his beloved, who already loves someone else. He recognizes the hurt and pain of it all but regrets that his beloved failed to realize this his love does not equal anything, even heaven. Back to Top

MINAMAHAL, MINAMAHAL
ni Mike Velarde Minamahal, minamahal kita Pagsinta ay di mag-iiba Hindi mo ba nadarama sinta Bawat kilos ko'y pangarap ka Minamahal, minamahal kita At nasa iyo ang tanging ligaya Asahan mong dalangin ko tuwina Minamahal, iniibig kita Minamahal, iniibig kita

KITA

This song is about one's reassurance of his unchanging love to his beloved. His prayer is always to love and love her alone. Back to Top

SAAN KA MAN NAROROON


ni Resty Umali/Levi Celerio Saan ka man naroroon sinta Pag-ibig kong wagas Ang iyong madarama Kailan pa man sa iyo'y di lilimot Pusong uhaw sa iyong pag-irog Saan ka man naroroon sinta Pangarap ko'y ikaw Pagkat mahal kita Asahan mong sa habang panahon Alaala kita Saan ka man naroroon Asahan mong sa habang panahon Alaala kita Saan ka man naroroon (repeat last stanza) This song is about one's undying love to his beloved, wherever she goes, wherever she may be. His love is eternal and will only be filled of her memory. Back to Top

ALEMBONG
J. Silos/Levi Celerio Alembong, alembong Ang ibig sabihin Pumasok sa puso ang isang paggiliw Alembong, alembong Ay isang damdamin Na kahit kanino ay dumarating Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat Ligaya na 'wag na sanang magwakas Alembong ay napapansin sa sulyap Sa kilos man lamang nagtatapat Alembong, alembong Ang ibig sabihin Halina, halina at ako ay ibigin Alembong, alembong Ika'y mahal sa akin Kaya't mahal sa akin Kaya't ang alembong Ay naglalambing (repeat 2nd stanza) This song is about a girl who is a flirt (alembong), who wants to be courted and be loved. It talks about how every girl may flirt in order to be loved. Back to Top

HAHABUL-HABOL
ni C. Delfino/R. Vega O ang babae pag minamahal May kursunada'y aayaw-ayaw Pag panay ang dalaw ay nayayamot Wag mong dalawin, dadabog-dabog Pag iyong iniwan, hahabul-habol O ang lalaki pag minamahal Kahit may pag-ibig aayaw-ayaw Kapag iyong biniro ay nayayamot Wag mong batiin, dadabog-dabog Wag mong suyuin, ay nagmamaktol Pag iyong iniwan, hahabol-habol Mayroong babae akong nililigawan Kapag aking pinapanhik sa bahay Nagatatago at ayaw malapitan Kung may pag-ibig Ay di mo malaman O, ang babae pag minamahal Maloloka ka ng husto sa buhay O ang lalaki pag minamahal Kahit may pag-ibig aayaw-ayaw Kapag iyon biniro ay nayayamot Wag mong batiin, dadabog-dabog Wag mong suyuin ay nagmamaktol Pag iyong iniwan, hahabol-habol Noong minsan ako ay niligawan Isang lalakeng pogi at mayaman Binasted ko sa isang kadahilanan Lahat ng sinasabi ay kayabangan O, ang lalaki pag minamahal Maloloko ka ng husto sa buhay

(repeat 3rd stanza) This song is about how ficke both men and women are when it comes to courtship. Both are unpredictable, both are emotional, and both are crazy when it comes to love! Back to Top

TITINGIN-TINGIN
ni Tex Salcedo/Levi Celerio Titingin-tingin sa akin ang mama Mamasid-masid na parang kawawa Lilingon-lingon hindi na nagsawa At ayaw mangusap palagay ko'y nahihiya Kahit hindi ko pansinin ang aking nararamdaman Titingin-tingin pa rin Ang lalake nga naman Tingin din ng tingin Akala'y di ko alam Nasisiyahan kayang Ako'y laging tingnan Kahit di ko pansinin aking nararamdaman Titingin-tingin pa rin, ang lalake nga naman Tingin din ng tingin Akala'y di ko alam Nasisiyahan kayang ako'y laging tingnan This song is about a girl who knows that a man loves her. He is unable to express his love, but she knows it well, because he gives her 'the look'. His eyes are fixed on her. Back to Top

LIGAW-TINGIN
ni C. Sta. Maria/Levi Celerio Mayroong isang binata at isang dalaga Na magkapit-bahay Nagkaunawaan sa tinginan lamang Ang pag-ibig kasi hindi man bigkasin Napapansin sa kilos kung mayro'n pag-asa Ang isang pag-ibig Gulat naman ako kung ang isang lalaki Kay sarap gumiliw Kung di man makisig May'rong panghalina Walang romansa ang ganyang ligaw-tingin Pagkat nakakasuya, laging nakatangkod At mukhang kawawa Wala mang salita sa kilos at sulyap Maaaring sabihin ng isang lalaki Ang kanyang paggiliw Mayr'ong nga riyang lalaki Kay sarap mangusap Ngunit sinungaling Ang mga babae ibig lang bolahin Damdamin ng lalaking di umiimik Mahirap mahulaan dapat ay mdoerno Kahit sa pagligaw At iyang ligaw-tingin na sinasabi mo Ay uso noong araw Atrasado tayo kung ganyan ang buhay Kung ang ligaw-tingin ay di mahalaga Pakinggan mo ang samo

Ng pagsuyong tunay at tapat sa puso Minamahal kita, iniibig kita, 'yan ay isang pangako Na iyong asahan, buhay man ay maglaho

This song is about a girl's frustration with a boy's inability to express his love to her. The boy only gives her romantic glances or 'the look' in his eyes. She is so frustrated and hopes that he will soon express his love for her. For her, the modern way of courting a girl is to be verbal about it.
Back to Top

TINGNAN NATIN
ni J. Silos Kaming mga lalaki taksil daw sa pag-ibig Kung totoo'y, tingnan natin Bakit hindi subukin umibig sa akin Halika na, tingnan natin Huwag mo akong buwisitin nang di mo abutin Ang mapahiya, tingnan natin Kung nais mong subukin ay bakit pa sa akin Sa iba na, tingnan natin Magtataksil nga ako kung ibang pagsuyo Ang iyong ituturo pagkat di maglalabo Ang aking pagsamo sa iyo n'yaring puso Kaya ako kailanman ay nag-aalinlangan Baka hindi tunay ang pag-ibig mo sa akin At tatanggapin kung tapat, tingnan natin Ikaw ang mamahalin sa aking puso giliw Asahan mo, tingnan natin Buhat ngayo'y alamin kung ako nga ay taksil Sa pagsinta, tingnan natin Huwag lamang lilimutin Sa ginhawa't hilahil karamay mong walang maliw Ang aking pusong baliw na lagi lang susundin Ang iyong hiling, tingnan natin Tingnan natin (3 x) This song is about a man's desire to prove to his beloved that he is a faithful lover. She tells him to prove to her by loving another girl, but he says it is not good to ask him to love another girl because he loves only her. Tingnan natin is a Tagalog expression that means 'let's see' or 'prove to me'. Back to Top

BITUING MARIKIT
S. S. Suarez -- Publisher Nicanor Abelardo -- Composer/Lyricist Bituing marikit sa gabi ng buhay Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay Yaring aking palad iyong patnubayan At kahit na sinag, ako'y bahaginan Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig Napinakasasamba sa loob ng dibdib Sa iyong luningning, laging nasasabik Ikaw ang pangarap, Bituing marikit Lapitan mo ako, halina Bituin! At ating pag-isahin ang mga damdamin Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin Sa batis na iyong wagas na paggiliw This song is about a man's appreciation for the beauty of his beloved, whom he likens to a little shining star that makes the evening beautiful. He is reminded of that beloved especially at night when he gazes the heavens. Back to Top

GAANO KO IKAW KAMAHAL


Levi Celerio -- Lyricist Ernani Cuenco -- Composer Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman Ang pag-ibig ko sa iyo ay tunay Nais ko sanang patunayan Huwag ka nang mag-alinlangan Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat Ang ating buhay maikli aking Hirang Kung kaya kailangan ang pagsuyong wagas kailanman Ang sumpa ko sa iyo ay asahan Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat Ang ating buhay maikli aking Hirang Kung kaya kailangan Ang pagsuyong wagas kailanman Ang sumpa ko sa Iyo'y asahan Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman Ang sumpa ko sa iyo'y asahan Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman This song is about a man's undying love for his beloved. He assures her that she is the only one in his life and assures her that his love will not fade just like a morning filled with much hope. Back to Top

You might also like