You are on page 1of 3

Si Vanessa Juharan ay dose na taon gulang. Nakatira sa Rio Hondo.

Siya ay aking kapanayamin sa labas ng McDonalds sa La Purisima street. Meron siyang


kasamahan na tatlong mga babaeng bata na tatantyahan ko na isa o dalawang taon na
nakababata sa kanya at isang dalaga na mas matanda sa kanya.
Nung nilapitan ko sila ay masyadong agresibo sila sa paglimos sa amin; samantala ako
ay hindi mapalagay dahil hindi ako sanay na malapitan ng estranghero at madudumi.
Nang itanong ko ang kanyang edad ay sinabi nya na siya ay walong taon gulang ngunit
halata sa kanyang pangangatawan na siya ay mahigit kumulang na dose na.
Natanong ko kung ano ang pinakamataas na kakayahan ng edukasyon niya. Isinagot nya
na hanggang unang baiting lang ang natapos niya. Sila daw ay umiikot sa pampublikong
Mercado para humingi ng limos. Minsan daw ay nakakauwi sila sa bahay na sa Rio Hondo
at minsan ay natutulog na lang sila sa tabi ng kalsada.
Nililipas nila ang kanilang oras sa pamamagitan ng paglalaro sa daan, pagsagip ng
basurang maibenta, o paglilimos.u
Nais ni Vanessa na sa kanyang paglaki ay makapagtrabaho siya, ngunit hindi niya alam
kung anong klaseng trabaho ang gusto niya.
Ang kanyang mga magulang raw ay mga basurero rin. Ngunit sila ay matagal na niyang
hindi nakikita.
Hindi raw sila pwedeng ikupkop ng DSWD dahil sila ay mga samal" at mga manglilibot.
Nakakaligo daw sila sa dagat at tuwing umuulan.
Hindi na raw niya maalala kung kalian siya huling nagsipilyo ng ngipin.
Nung kami ay kinunan ng larawan siya naman ay masayahing pumuwesto .
Binigyan ko siya ng sampung piso lamang dahil tama na lang ang natitirang pera sa akin
na pampamasahe dahil ginastos ko ang aking pera sa McDonalds

You might also like