You are on page 1of 15

Reyna't Hari Ng Pag-ibig

Ni: LYKA E. Matugas Oh anu lalaban pa? Porque second year lang ako? Alam mo Mico, kayang-kaya kita dito! Kaya wag kang aarteng HARI sa paaralang ito! yan ang mga huli kong salita bago pa man ako umalis sa aming paaralan kasama sina Clariz at Josh. Tinambangan kasi nila si Josh, bakla kasi yan kaya laging pinagkakaisahan. Buti nalang nakita ni Clariz kaya sinugod ko yang buwisit na Mico na iyan. Forth year student kasi ang loko kaya naman maangas, akala niya kung sino. Kung tinatanong niyo kung bakit ganun ako katapang, malalaman niyo din maya-maya. Nicole, salamat talaga ha. Kung wala ka dun, uuwi nanaman akong may black eye, papagalitan nanaman ako ng tatay kong lasenggo. pasasalamat ni josh sa akin. Lagi naman. Baka gusto mo isunod natin yung tatay mong iyon? Pagbibiro ko. Nasanay na rin kasi kami ni Clariz na laging pinagtataguhan ni Josh kapag nanjan yung tatay niya. Ay wag. Kahit ganun yun mahal na mahal ko iyon. Sagot naman niya.

Sabi ko nga, mahal mo iyon. Sabay tawa. Kahit na parang walang pakialam yung tatat niya sakanya, makkita mong mahal na mahal ni josh ang tatay niya. Mauna na ako. Pagpapaalam ko sakanila. Kailangan na talagang mauna na ako.Sige sige, ingat ka ha. Sa bahay, dahan-dahan akong pumasok para hindi ako mapansin ni tita. Pero nabigo ako Alas sais na ah, saan ka nanaman galling bata ka? Salubong niya sa akin habang iniinum ang isang tasang tsaa. Sa eskwelahan po. yun lang ang sinagot ko habang kumukuha ng tubig galling sa ref. Eskwelahan ba talaga? O nakipag-away ka nanaman? Biglang nagbago ang tingin sa akin ni tita. Tita, Dapat lang na lumaban ako diba? Ginagago na nila kaibigan ko e. Sino nanaman ba yang nakaaway mo? Si Mico? Tanong niya kahit alam naman na niya ang sagot.

Sino pa nga ba ang magiging kaaway ko dun? Sasagot n asana si tita pero biglang nagring yung telepono. si tita ang sumagot. Nicole ang papa mo. Tawag sa akin ni tita. Alam ko na, Alam ko na ang sasabihin sa akin ng aking ama. Nicole anak,May nangyari ba kanina sa school niyo? Tanong agad ni papa Marami po, sobrang dami. Bakit niyo naman naitanong? Tumawag kanina si Mr. Kim, tatay ni Mico Nagkablack eye daw siya. Anu nangyari sakanya? Alam mo ba anong nangyari? Yan nanaman. yan yan Alam na alam ko po siyempre naman Pinatikim ko lang naman po ang galit ko sakanya. Peste yun e. Sabay halhak. Alam mo ba papa, wala siyang kalaban-laban! Sobrang tanga naman nun. kalalaking tao e. pagdudugtong ko. Anak, hindi yan maganda. Dapat magkabati kayo, alam mo naman diba na. Eto nanamantayo, sasabihin nanaman niya.

Ano? di-ki-ta-maaa-r-ri-nig-nig. ba ka ma hi na sig nal ni yo ja an. sig e pa pa bye ne xt tim time na lang. Sabay hang ng telepono. Hayyy, nakaligtas nanaman ako. Nicole Si tita. Tita, paulit-ulit nalang niyang sinasabi iyon.

Nakakasawa na. Hindi naman ako papaya sa gusto nila. Iha, maiintindihan mo rin. Tita, ako muna intindihin niyo! Second year palang po ako! may pangarap pa po ako! At hindi ko pangarap ang gusto niyong mangyari. Ito, ito ang ayaw ko sa lahat. Siga ako pero iyakin. Para makatakas nanaman sa kalokohang pag iyak na ito, pumasok na ako sa kwarto ko at nagkulong. Nakakainis kasi sila! Sa dinami-dami pa kasi!. Kinaumagahan, ayun siyempre pasok pero may kakaiba sa pag gising ko. Pagtingin ko sa salamin. Halos mahimatay ako sa nakita ko. Eyebags? eyebags? eyebaaaaaaaaaags~! nasobrahan ata kadramahan ko kagabi. Teka anong oras ba ako natulog? Ammmmm wag ko na nga lang isipin. Paano to? Hayy,

papasok akong may eyebags. Sige na nga lang. Subukan nila akong asarin mapapatay ko silang lahat.

Biglang ngumiti si Kevin sa amin kaya naman naghiyawan kaming tatlo. Tsaka naman nag wave si Kevin. Bago yun ah, nu kaya nangyari dun? Hayy, baka napansin

Nakakaloka ka Nicolaaa~! Salubong sa akin ni Josh sa classroom. Nakakaloka talaga. Akalain mo iyon? Nagkaroon ng Eyebags ang bestfriend natin Josh. pagsang-ayon naman ni Clariz. ah so pagkaisahan ako dahil sa eyebags? ganun? umupo nalang ako ng biglang Bestfriend! Si Kevin oh! Si Mr. Pappy nagulat naman ako. dumaan si Kevin sa harap ng classroom namin. Ui. itagp mo yang eyebags mo! Baka mahalata niyang iniisip mo siya buong magdamag. Bawas beauty yan teh. Lokong bakla ito. Pag tinakpan ko edi hindi ko na siya makikita angal ko naman habang nakatitig sa gwapong nilalang na ito. Ever since talaga crush ko na siya kahit ganito ako umasta.

narin ako. Sana nga. Nung malapit na yung uwian, bigla niya akong hinila at pinunta sa basketball court. May sasabihin sana ako sayo Nicole e. seryosong sabi niya. ngumiti siya at napangiti ako. Nicole mahal na mahal kita Mahal na mahal kita simula nung una kitang makilala. Siyempre sino ba naman hindi mapapangiti sa sinabi niya diba? Akalain mo yun mahal din pala akong ng taong ito? Hayy. Pero bago pa man ako lubos na maniwala sa lahat ng pinagsasabi niya, nakita ko si Mico sa isang sulok na tumatawa. Alam ko na, binabawian lang ako ng unggoy na iyon. Kevin, may itatanong lang sana ako. Anu yun? Anu yung binigay na kapalit ni Mico sa iyo para gawin ito? Tanong ko sakanya.

Huh? Kung anu anu pinagsasabi mo. Mahal kita Nico-- tinitigan ko siya at tinignan ng masama. Pinupwesto ko na rin ang mga kamay ko. Sabihin mo sa akin kung anu ang ibibigay sa iyo ni MICO! Kung hindi susuntukin ko n asana siya pero sinabi na niya. Tutulungan niya ako kay Jessica. Tapos isasali nila ako sa grupo nila. Well said Kevin paalis na ako nun para lumapit sa tumatawa pa ring si Mico pero bago ako umalis *MAY sinipa muna ako. At Kevin , yang sipang iyan ay para sa pagiging utouto mo kay Mico. pinairal mo lang pagiging tanga mo. oo yun ang mga sinabi ko. Tuluyan na akong lumapit kay Mico. So, Mr. Mico Sa tingin mo ganun ako Katanga katulad mo para hindi malaman na ikaw nanaman ang may pakana nito? Well, mas malayong mas matalino ako kaysa sayo. Nginitian ko siya.

Ms. Nicole, siyempre dahil ako ay anak ng Kim, hindi ko kailanman palalampasin ang ginawa mo kahapon. Pero kahit anong gawin mo, ako pa rin ang panalo. Ngumiti ako At hinding-hindi ako magpapatalo sayo. Napakalaki mong Loser. Pagdudugtong ko bago umalis. Talaga lang ha. Hindi ka papatalo Yun nalamang ang narinig ko sakanya. Talagang-talaga. Anong akala mo sa akin. Ha! bulong ko nalang sa sarili ng biglang. AAAAAAAAH!! nawalan ako ng balanse, hindi ko alam kung paano, akala ko mamamatay na ako kasi mababagok ako sa semento pero naramdaman kong may sumalo sa akin. Nakapikit pa rin ako nun dahil na rin sa takot at pag aakalang mamamatay na ako. (OA noh?) So ano? sino na talo ngayon? tumatawang sabi nito. sinubukan kong kumalas, pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. pag mulat ko ng aking mga mata, nakita ko siyang nakangiti sa akin.

Anu ba! sinubukan ko ulit pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Saka niya ako inilapit sakanya Yung isang hintuturo nalang ang pagitan sa. Ugh! Alam mo Nicole, after five years mas mahigpit pa dito ang tali mo. At sa five years na iyon, dapat ganito na rin tayo ka close. Kung hindi pinapaalala na naman niya sa akin ang bwisit na 5 years na iyan. Kung hindi ano?! Bitawan mo nga ako! binitawan niya naman ako, pero sinalo din agad. Alam mo Mico, kahit anong gawin mo o kahit pati president ng pilipinas ang mag utos sa akin, hindi ko iyon gagawin kung ikaw din lang naman! Aba, ang akala mo ba gusto ko rin iyon?! Siyempre naman hindi! Pero papatayin ako ni papa kapag Eh di mamatay ka na! para wala na. tumalikod na ako. Paano yung papa mo? tanong niya. Bahala na. Eh di titigil nalang ako ng pag-aaral. Ako na tutulong sakanya. kinuha ko na yung bag ko. bahay.

Ganun nalang ba kadali sayo yun? Second year ka palang. paano ka naman tutulong dun? Wala ka ng pake dun. Umalis na ako agad. Tama siya, paano ko matutulungan si papa? Pero mali kasi ang gusto niya. After all, may karapatan din naman akong mag desisyon kung anu ang gusto ko. Papayag na ba ako? Darating na mamaya sa bahay si papa. sigurado ako sasabihin nanaman niya iyon sa akin. Ieexplain lahat lahat kung bakit, na ako nalang ang pag-asa. Na para sa akin din yun. Sa bahay Good eve po. yun lang ang sinabi ko pag pasok ng

Saan ka galing? tanong ni papa. Nanunuod siya ng TV habang nagkakape. Kina mama po, bumisita lang po ako sandal sa sementeryo. Siguro kung buhay pa hanggang ngayon si mama, sigurado akong hindi yun papayag sa gusto ni papa. Gagawa ng ibang paraan si mama. Sigurado ako. Kumain ka na, nagluto ang tita mo bago umalis dito.

Hindi na po, katatapos ko lang. Sige po magpapalit na po ako. Aakyat na sana ako pero nagsalita pa si papa. Nicole, tungkol dun sa Alam mo na, pasensya na anak. Kailangan lang talaga natin e. Wag kang mag alala, mabait naman sila. Pa, ang hindi ko lang maintindihan, eh bakit kailangan pa ng arrangement na ganito? Pilipino po tayo, hindi tayo Chinese, hindi rin naman Korean. Wala sa kultura natin ang ganun. pumasok na ako sa kwarto ko bago pa man magsalita ulit si papa. Arranged marriage. Wala pa nga akong 18 pero pinagplaplanuhan na nila akong ipakasal. Dahil lang sa bwisit na business na iyan. Laban kasi ang pamilya ni mama kay papa, ang business na iyon ay talagang kay mama, pero since namatay na siya, gusto ng kunin iyon ng family ni mama. Pero ayaw ni papa kaya naman naghahanap siya ng paraan para wag kunin ng pamilya ni mama ang business na iyon. Sabi nila, kailangan daw ni papa na bilhin iyon. Pero kulang yung ipon niya. Kaibigan niya si Mr. Kim simula pagkabata. Pinakita noon ni papa sa akin mga picture nila noon. Best friends talaga sila. Walang iwanan. Nalaman ni Mr. Kim ang problema ni

Papa. Nangako si Mr. Kim na tutulungan niya kami pero kailangan na ikasala kaming dalawa ni Mico after 5 years, pag pwede na at pag nasa tamang edad na kami. Bakit naman kasi sa dinami rami ng kundisyon, yun pang pagpapakasal. pwede namang, kapag nakabangon na ulit ung companya, babayaran nalang siya. Sabi naman sa akin ni papa, gusto rin kasi niyang ipagsama yung companya nilang dalawa. haayy, akala ko dati yang yaman na iyan, pang pelikula lang. Mga arrange arrange marriage na iyan akala ko pang Korean lang. pwede rin pala sa Pilipino,.. akalain mo iyon. bwisit diba? Pero malapit na kaming matulog sa kalye. hanggat ayoko pa, hindi pa babayaran ni Mr. Kim ang utang namin. Pamilya o sarili ko? ang hirap pumili. pero siguro nga kailangan na Nahihirapan pa si Nicole na intindihin ang lahat. Mahal na mahal ko siya, ito nay un e. sigurado na akong kami na forever. Ikakasal kami in 5 years, magiging KAMI within five years. Ito na yung hinintay ko, simula naman nung makilala ko siya, minahal ko na siya eh, pero ayaw niya sa akin. Ayaw niya akong pakasalan.

Pa, wag nalang kaya natin ituloy ito? alam kong tatanggi si papa. Ang anu naman anak? Ung pagpapakasal. Si Nicole kasi Mico, hindi lang naman dahil sa magiging utang nila kaya ko napiling ipakasal si Nicole sa iyo. Pero para rin ito sa kompanya natin. May tiwala ako sa iyo, kakayanin mong ihandle lahat ng ito. Pero kakailanganin mo si Nicole, hindi lang ito para sa pamilya nila, pero para rin sa iyo ito. Pero dad, nahihirapan po siya. Masyado pa po kaming bata. Yun nga anak e, kaya nga may five years kayo para kilalanin ang isat isa. Bukas lilipat sila dito I-welcome mo si Nicole ng maayos. Alam ko naman na tuwing nakikita mo siya nag huhugis puso yang mga mata mo. Pa naman e! angal ko. Hay naku Mico, alam ko ang mga nakikita ko. ngumiti nalang si papa. Ito nanaman tayo. Nicoles Pov

Nicole, gising na. Mag empake ka na tapos maligo ka na rin pagkatapos. Kinaumagahan, ito nanaman si papa na gumigising sa akin. Sabado nap ala,buti nalang walang pasok. Empake, saan naman tayo pupunta? Hindi pa namin bakasyon sa school ah. dahan-dahan akong bumangon. Nandun sa kwarto ko si papa, hinahakot yung mga teddy bear ko. Hindi ito bakasyon. Lilipat na tayo ng bahay. Saan naman? Sa kalye? Ahyy yes! Sa bahay nila Mr. Kim. Kina mico? B-bakit naman doon? Pa mas maganda sa kalye, Im telling you. Mas maganda dun, kesa dun sa Bahay nila Mico. Wag ka na mag inarte. bilisan mo kung ayaw mong buhusan kita ng mainit na tubig. Pag bubuhusan niyo ako ng mainit na tubig, lagyan niyo na rin ng kape mas enjoy.

Tumahimik kang bata ka, mag ayos ka na. Eh di no choice! lilipat kami sa ayaw ko man o gusto. Ugh, Pa, ung teddy bear ko! Pag mawala lang ung isa jan a. Oo! Itong batang to! Kung galling lang ito sa mga boyfriend mo tinapon ko na ito e. Kaylan naman ako magkakaboyfriend? Kahit nga BOY na BEST FRIEND wala! binabae naman. Mamaya, magkakaboyfriend ka. Ayyyyyyyyyyokkoo! Umalis na si papa habang tumatawa. anu kaya nakakatawa? Boypren Boypren. epal. Sa bahay nila Good morning po Mr. Kim. Bati ko sa kanya. Naku Iha, wag ng Mr. Kim. Tito nalang ha. Ngumiti nalang ako. Mico, ihatid mo na si Nicole sa kwarto niya. Buhatin mo na rin itong mga to. Walang angal na binuhat ni Mico yung mga gamit ko. Sa tabi ng kwarto niya nakapwesto ang kwarto ko. Mico. niya.

Tulungan na kita mag ayos ng gamit mo. Pag aalok

Wag na, kaya ko naman. Akala ko aalis na siya, pero pagkasabi ko nun, umupo lang siya dun sa kama habang pinapanuod akong nag aayos. Nicole, pasensya na talaga. Mahinahon na sabi ni

Para saan? para dito? wala na akong pakealam. hindi ako lumingon para tignan siya. Patuloy pa rin akong nag aayos. Mico, kung maaari sana, hayaan mo nalang muna akong mag ayos mag isa dito. Medyo naiilang akong may nanunuod sa akin eh. Ah oo. Sige. umalis naman siya agad. Anu kaya meron dun? Napag isip-isip ko na rin. tutulungan ko nalang si papa. Pagkatapos kong mag-ayos,pumunta na ako kay Mr. Kim. Ah Mr. Kim. kumatok muna ako bago pumasok. Yes iha.

Tungkol po doon sa, arranged marriage. Alam niyo naman pong tumanggi po ako dati. Pasensya po. Kasi parang sinasabi kong wala akong tiwala sa anak niyo at parang pambayad utang ang tawag sa akin.Sana po maintidihan niyo po ako. Ayos lang iyon iha, bata ka pa para dun. pero alam kong maiintindihan mo rin. Ayos lang naman sa akin kung ayaw mo, tutulungan ko pa rin naman kayo ng papa mo dahil magkaibigan kami diba? Tungkol po doon, payag na po ako. Makikipag bati na po ako kay Mico. Susubukan ko pong mapalapit sakanya higit pa sa pagiging magkaibigan at kapatid. Well, thats good. Alis na po ako. ngumiti ako. Tama naman siguro ang desisyon ko. Hindi naman masama makipag kaibigan sakanya. Pero kalian ako makikipag kaibigan? Haayyyyyyyyyys. Matapos marinig ang mga sinabi ni Nicole, parang nabuhayan ako. Tama ang narinig ko. Nagmadali akong pumunta sa Sala nung nakita kong palabas na si Nicole. Pag labas niya

Ano nanaman sinabi mo kay papa? Tanong ko agad sakanya habang sinusundan siya pataas. Wala ka na dun. bigla akong napangiti ng walang dahilan. Pumunta siya ulit sa kwarto niya, pumasok din ako. Siguro madami kang naging manliligaw at boyfriend no? Tignan mo oh, ang dami-dami mong Teddy bear. Parang naging Nursery room na itong kwarto mo. Pakealam mo ba kasi kung maraming nagbibigay sa akin ng Bear. Eh sa alam nga nilang paborito ko yan e. Ah so, marami ka talagang manliligaw. Wala akong manliligaw. Wala akong boyfriend. Ngayon, meron ka ng boyfriend. *smirk* Kadiri ka. tumatawa lang siya. Yung hindi katulad ng tawa niya na pang-EVIL. Yung normal lang, yung napak sweet na tawa niya. Hayy. Inlove na talaga ako. Super In love na. Medyo gumaan yung pakiramdam ko ngayon kaya nakakatawa na ako ng maayos. hindi na tawang demonyo.

Kahit papaano pala, masarap pakinggan tawa mo. un ang sinabi ni mico sabay pisil sa pisngi ko. Aray masakit kaya! pinisil ko din yung sakanya. Nagtatawanan lang kaming dalawa. Maganda siyang kasama. Napapasaya niya ako, kahit paano. Kahit ngayon lang. Kahit parang imposible itong nangyayare. Hanggang sa napahiga ako dahil na rin sa pagod kakatawa. Kapatid nalang sana kita, Mico. Kahit kelan kasi hindi ko naranasan magkaroon ng kuya. Biglang napatigil sa pagtawa si Mico. Ayaw sa akin ng mga pinsan ko. hindi ko pa naransan magkaroon ng kapatid na nakakakulitan ko ng ganito. Umupo na ako. ganun din ang ginawa niya. Eh di ako muna kuya mo. Game? alok niya. Kung okay lang sayo. tanong ko sakanya. Kung dun ka magiging masaya. Ngumiti siya. ahhhhyyyy! Salamat! niyakap ko siya ng mahigpit. Kuya na kita ngayon ha. nginitian ko siya.

Siguro nga ito na yung simula Mas maganda na yung ganito. May Kuya ka na, May Boyfriend pa. Ahy teka, boyfriend? Umm, Kuya lang pala. haha. Wala pa kami dun. Ayun, naging maayos na ang lahat simula nung araw na iyon. Lagi kaming magksama kumain. Napansin din nila Josh at Clariz yung mga naging pagbabago. Hindi na nangbu-bully si Mico simula nun kasi un ung promise niya sa akin. Naging close din sila Clariz at josh kay Mico. Lumipas yung mga taon ng hindi naming namamalayan. Pero sa mga panahong iyon, doon ko na napag alaman kung anu na ang tinitibok ng puso ko. Nicole, bukas na birthday mo. 18 ka na bukas pinaalala sa akin ni Josh. Oo nga e, after nun ilalakad na nila papers namin. Alam mo naman si tito. napahiga nalang ako sa kama ko habang hinihintay ang sagot ni josh sa phone. Excited ka ba? Kinakabahan? tumawa lang ako. Excited kasi mahal ko na siya. Kinakabahan kasi baka di niya ako mahal. Anu ka ba! Papakasalan ka niya eh di mahal ka niya.

Malay mo napilitan lang siya, for his dad. Saka friends lang naman kasi kami Ever ka talaga Nicole. sige na, bye na. tinapos na niya yung usapan namin. Nicole kinakatok ni mico yung pintuan. Pasok kuya. umayos ako ng upo. Bakit? tanong ko. Gabi na nun Wala lang naman. gusto ko lang Makita yung Nicole na kilala ko bago siya maging 18 bukas. napangiti ako. umupo siya sa tabi ko. five years na pala nakalipas. parang ang bilis no? tumingin siya sa akin. Dati araw-araw lang tayong nag aaway sa school. biglang lumamig. Naka-open pala yung bintana. Bumangon ako para isara iyon, pagharap ko kay mico, nakatingin pa rin siya sa akin. Alam mo, matutunaw na ako sa titig mo. Lumapit ako sakanya.

tinitignan ko lang kita ng maayos para malaman ko kung may pagbabago ka bukas o wala. ngumiti rin siya sa wakas. Siyempre naman hindi! Hindi ako magbabago. Kuya pa rin kita. Siyempre naman hindi! Hindi ako magbabago, kuya pa rin kita. Masakit man isipin, pero yun ang narinig ko. Mas gugustuhin ko pa sanang sabihin niyang minahal na niya ako. pero napak imposible nun. kapatid nalang ang turing niya sa akin. hindi na siguro hihigit dun. Talaga lumapit ako sakanya. naging pang asar ko na sakanya iyon. yung laging lumalapit sakanya na parang hahalikan ko na siya, pero hindi ko iyon tinutuloy. Oo naman siyempre. kampante lang siya. dahil medyo naging sanay na siya sa asar kong iyon. Bakit di ka umiilag ngayon? tanong ko sakanya habang palapit pa ng palapit. Kasi alam kong hindi mo naman itutuloy iyan. Ano ka! nasanay na ako sayo no. Nan gogood time ka nanaman. pero hinawakan ko yung mga kamay niya.

Paano kung ituloy ko talaga? natatawa na ako sakanya. Kahit madilim, alam kong namumula siya. hindi ako natatawa. un lang ang nasabi niya. hindi na ako nagpaligoyligoy pa. hinalikan ko na siya. Hindi na siya umangal pa. Kung kaya ko lang sanang sabihin sakanyang mahal ko siya. 8:30 am, Pag tingin ko sa orasan ko sa side table medyo inaantok pa ako. humarap ako sa kabilang banda ng kama ng bigla akong napa-upo sa nakita. Aba, bakit naman nandito itong Micong ito? bulong ko sa sarili habang inaalala kung bakit nga ba Kagabi bigla kong nasipa si Mico nung naalala ko. Hoi, naninipa ka nanaman. Aga aga nananakit ng tao. Ano ginawa mo sa akin? Tanong ko agad. Anong ginawa? Kung anu-ano pinag iisip mo, loka loka. Hinalikan lang kita. sabay pisil sa mga pisngi ko bago tumayo at umalis sa kwarto ko.

Magmumog ka. Paalala niya sa akin. Aba siyempre magmumumog ako! Ikaw dapat magmumog ng ilang beses! baho ng hininga mo. Ang kapal mo Ipaamoy ko pa sayo e. tumatawa siyang pumasok sa kwarto niya. Oo nga pala, birthday ko ngayon. Hayy, yung party mamaya. Nakakainis. Pagkatapos ng MORNING RITUALS ko, bumaba na ako at si Mico lang ang nakita kong nandun kumakain at inuubos ung pagkain. Tirhan mo naman ako, baboy na ito oo. Sigaw ko sakanya. nasaan sila? dagdag ko. Somewhere down the road. loko lokong to, ang gandang suntukin, ang ganda ng tanung ko e. Saan kasi?! tanong ko ulit. Aba malay yun lang sinabi niya. Umupo na ako para kumain. Yung tungkol kagabi. Panimula niya, pero ayokong pag usapan un. Yuck Wag mong sisimulan yang topic na iyan, kumakain ako!

Okay po, Okay po. yun nalamang ang sinabi niya. Ilang minute ng katahimikan ang lumipas. Nicole pinutol ko ang sasabihin pa niya sana. Kumakain pa ako. tumahimik siya ulit. Dahan-dahan kong nginunguya ang pagkain. Hanggang say un nga wala na talagang nagsalita. Dumating sina Josh at Clariz. Ahy sa wakas, may makakausap na rin ako. Patama iyon kay Mico. Ewan ko ba kung ano nakain ko. Nagkwentuhan kami nina Josh at Clariz. Nanuod ng TV, nag laroblah blah blah. basta ayun nandun lang si Mico sa gilid, pinapanuod lang kami. Micos Pov Ito nanaman ako, nakatulala kay Nicole. Ewan ko Nakakainis na talaga yang LOVE na iyan. Ang laki kong torpe. Naiiinis na ako sa sarili ko. ang tanga ko talaga. Dapat sinabi ko na iyon kagabi e. hay. Kain tayo Mico. alok nila sa akin. Mag lunch na pala

Sige okay lang Kayo na mauna. Ako nalang ang nanuod ng TV habang kumakain silang tatlo. Pinapakinggan ko nalang sila. Alam mo Nicole, parang may something na nangyari jan kay Mico. Pansin mo? tanong ni Josh kay Nicole. Medyo un lang sinabi niya. Ano naman nangyari? May nangyari ba? Nag-away kayo? Tanong niya ulit. Wala naman nangyari. Baka siguro hindi lang nakatulog ng maayos kagabi yan. hayaan niyo na. Tulungan niyo nalang ako mamaya dun sa make up ko mamaya. di ko alam paano e. Ayan, ayan ang problema mo ngayon Nicole. Dahil hindi ka nagpapakababae for the past years, paglagay lang ng make up, di mo pa alam. Sabat ni Clariz. Oo na, ako na may kasalanan. nagtawanan sila. Pagkatapos ng ilang oras ng pag kwekwentuhan habang kumakain, nilinisan na nila lahat saka tumaas. Mag-aayos na kami Mico. maraming niluto si Clariz na pagkain, pag gutom ka na kuha ka lang dun nasa ref. Maghanda ka na rin, sabay-sabay daw dapat tayong nandun

sabi ni papa. atlast! nagsalita rin si Nicole. ang kaso un lang ang sinabi niya. Ngumiti nalang ako sakanya bilang sagot. After some hours of preparing at waiting Nakalabas na rin kami ng bahay. Pwede naman kasing doon nalang sa resort yung paghahanda at pag-aayos kay Nicole, bakit dito pa sa bahay? Hay naku Parang kasal tuloy ang labas nito. Atsaka ang korni pa. Nakakainis Habang nagkakasiyahan sila sa party, nandun lang nanaman ako sa sulok umiinom ng red wine. Hindi naman siya parang yung nakasanayan na debut party.Simpleng party lang siya, sayawan All of our friends were invited. Lahat sila umiinom, some are tipsy na at yung iba, dahil varsity na sila ng pag inom ng alak, kayang kaya pa nila. Isa na doon si Nicole, hindi ko alam kung paano siyang natutong uminom. Bigla siyang lumapit sa akin at hinila. Sayaw ka naman Mico! Yung mga kaibigan mo nandun oh. pinipisil pisil niya ang pisngi ko. Nicole sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko siya kinaya.

Guys! Guys! Konting tulong nga para maitulak ito sa pool! Mico, swim na kasi! Nababaliw na talaga siya. Itutulak nila ako sa pool na nakaganito? Pero huli na ang lahat naitulak na ako! Tumaas din ako agad. Nabadtrip siyempre, gabing-gabi tapos swimming? Gusto ba nila magkasakit? hay. Umalis na akong basa, dumeretso na ako sa kwarto ko (sabi kasi ni dad, pinareserve niya yung buong resort para sa amin. Overnight daw sila.). at alam niyo bang sa second floor pa yung mga rooms? Ibig sabihin lang naman nun, malayo pa lalakarin ko. Hala guys! Galit na ata siya! tumatawa kong sabi sakanila. Ikaw talaga Nicole! Kung magkasakit kaya iyon! Puntahan mo! ayun pinuntahan ko din si Mico. Nagtatanggal palang siya ng sapatos niya nun. kumuha na ako ng twalya at damit dun sa bag niya. buti nga may dala siyang damit e. Dalian mo, magpalit ka na. Magtimpla lang ako ng kape. Nagmadali din akong pumunta dun sa kusina. buti nalang kumpleto mga gamit dito sa resort na ito. Ibang klase. Never din kasi ako nakapag over night ng ganito. Pagbalik ko,

okay Mico, nakapagpalit na siya pero nandun siya sa azotera. pumunta na rin ako dun para ibigay ung kape. Oh kape para mainitan ka. Baka kasi magkasakit ka. Mas kailangan mo iyan. Ang dami mo ng nainom, ikaw dapat magkape. tumahimik nalang ako. linagay ung kape dun sa table doon. Basa pa yang buhok mo, punasan mo ng maayos. nung aabutin ko n asana para punasan ko, inilag niya ung ulo niya sa kamay ko. Ako na, kayak o naman punasan ito. Bumalik ka na dun Ang totoo kasi may sasabihin sana ako sayo Mico e. Gusto ko sanang malaman mo iyon bago pa man tayo ikasal hindi ko alam kung paano sabihin sa iyo ito e. paano nga ba? Nicole, ako rin sanamay sasabihin. pa gamin niya. anu naman kaya iyon? Anu naman iyon? tanong ko. Ikaw nalang mauna.. Hindi ikaw na.. pilit ko. Ikaw nga.. pilit din niya. Diba ikaw!

Parehas tayo e! sabay kaming nagsalita. Sige na, ikaw na. Sabay nanaman. Anu ba talaga? Ikaw na. at sa ikatlong beses, sabay nanaman kaming dalawa. Mahal na mahal kita. at sa bandang iyon, sigurado akong sabay kami. Mahal niya ako. Tama ang dinig ko diba? Mahal din niya ako! Nag ngitian kami. Akala ko mabibigo nanaman ako. Mahal mo rin pala ako. tumatawa siya habang lumalapit sa akin. Mahal mo rin pala ako. Akala ko masasaktan nanaman ako. un din naman ang sinabi ko. Sa pangalawang beses, maaari ko bang halikan kang muli? tanong niya sa akin. Paano kung sinabi kong hindi? pagbibiro ko. Wala ka ng magagawa. Malapit na ako e. eh di itutuloy ko na. ngumiti siya bago pa man niya ako hinalikan. Mahal din pala ako ng mokong na ito.

You might also like