You are on page 1of 1

NAHULOG SAYO

Ikaw ba’y mayroong ibig


Sa akin ipahiwatig
Sa bawat sulyap na titig
Puso ko ay pumipintig

At sa tuwing magtatama
Paningin nating dalawa
Ang nais ko sa tuwina
Ang oras ay mahinto na

At nang lumapit ka mandin


Ang nais mo’y maangkin
Ang puso na iibigin
Natagpuan mo sa akin

Wala nang hihilingin pa


As diyos na mapagpala
Ikaw lamang aking sinta
And nais na makasama

You might also like