You are on page 1of 2

Anna Gabrielle D.

Francisco 1SLP

Philippine History August 10, 2011

Pagkakahiwalay at Pagkakaisa

Topic: The Rise of Nationalisms

Bakit kapag tinanong ang isang tao kung anong nasyonalismo mayroon siya, sasabihin nya na siyay isang Espanyol kung siya ay galing Espanya, at Briton kung galing syang Inglatera. Pero kapag tinanong mo ang isang Pilipino kung ano ang kanyang nasyonalismo, ang sasabihiin niya sa iyo ay kung saang probinsya o rehiyon siya galing.

Bakit ba tayo hiwahiwalay? Nagsimula ito nang dumating ang mga Kastila dala-dala ang kanilang relihiyong Kristiyanismo. Ipinalaganap nila ang kanilang relihiyon at naiba ang paniniwala ng mga Pilipino. Sila ay naging mga mananampalatay ng Kristiyanismo. Pero hindi lahat ng Pilipino ay pumayag na maiba ang kanilang paniniwala. Isa na dito ang mga Muslim at ang tinatawag nating mga Lumad. Dahil sa pagkakaiba ng ating mga paniniwala, nahirapan ang Pilipinas na magkaisa kaya nasanay tayong maging hiwahiwalay. Nagkakaisa lanmang tayo kapag may nais sumakop sa ating bansa gaya ng pagsasanib pwersa ng mga Muslim at mga Tagalog at ng ilang tribo ng mga Lumad para labanan ang mga Kastila. Pero bakit hanggang doon lamang ang ating pagkakaisa? Bakit may kaguluhan sa Mindanao? Bakit tinatawag ang Pilipinas na isang Christian country kung alam naman nating may isa pang relihiyong pinaniniwalaan sa timog ng bansa? Dahil sa karamihan ng mga Kristiyano, dahil na rin sa maling pagkakaunawa sa pagkakatawag sa mga Pilipino na Tagalog noong unang panahon at dahil na rin sa pagkakaiba ng paniniwala.

Hindi na ako nagtataka kung bakit gusto ng mga Muslim magkaroon ng sariling gobyerno at humiwalay sa Pilipinas. Parang kasing sinabi nila na walang mga Muslim sa Pilipinas nang tawagin nilang itong Christian country. Kung ako rin naman ang tatanungin mo talagang magagalit ako. Ako ay hamak na estudyante lamang pero tinuruan ako na respetuhin at

intindihin ang relihiyon ng iba. Bakit hindi natin subukan respetuhin sa iba? Kailangan ni PNoy aralin ang wikang gingamit ng mga Muslim at pati na rin ang iba pang wika. Hindi lang naman kasi mga Tagalog ang naninirahan sa Pilipinas. Sa tingin ko kung magagawa nito ni Pnoy ng paraan, kung sakali mang maisip nyang isalin sa ibat ibang wika ang kanyang susunod na SONA, bakit hindi?

You might also like