You are on page 1of 7

I. BUOD Tipikal na istorya ng isang Pilipinang may ambisyon para sa pamilya angpapel ni Sarah.

Dahil sa hangarin niyang matulungan ang asawang si Teddy(John Estrada) ay nag-aral siya ng kursongcaregiving at naging isa sa 150,000OFWs na nagtatrabaho sa United Kingdom. Magkasama nilang iniwan saPilipinas ang anak na si Paulo (John Manalo) na binilhan niya ng winter coatkalakip ang pangakong pag-iipunan niya ang pamasahe nito upang makasamanila sa London. Hindi ang oportunidad na makapagtrabaho lamang sa ibang bansa angnaging katuparan ng mga pangarap ni Sarah. Bumigat ang pagtitimbang samaraming bagay. Kaalinsunod nito ang mga pagbabago sa kanyang pagkatao,manapa'y ang pagkakatuklas tungkol sa kanyang sarili. Magmula sa isangpagiging masunurin at maamong maybahay kay Teddy, at bilang katuwang sapagsisinop ng kanilang pamilya hanggang sa pagkakaroon ng kapangyarihan,dignidad at pagpapahalaga sa kanyang sarili bilang isang babae, at bilang isangtaong may silbi sa kanyang mundong ginagalawan. Makalipas ang sigla at kasabikan na makatapak sa London, nagsimulangmatikman ni Sarah ang lahat ng uri ng paghamon na siya ring pinagdaanan nglahat ng OFWs sa kanilang araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa: angkakaibang lamig ng klima, ang hirap nang pakikitungo sa samut saring ugali ngmga nakakasalamuhang tao at ang kalbaryo ng sukdulang pagtitiis sa pag-aalaga sa isang maysakit. Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon - sabanyagang lugar na kanyang kinasadlakan, sa relasyon nila bilang mag-asawa niTeddy, at sa kanyang ginagampananang tungkulin. Ngunit sa gitna nang unos aypinanatili ni Sarah ang pagiging matatag at may naguumapaw na pang-unawa,higit sa lahat, ang dedikasyon at determinasyong mapagtagumpayan ang pinilinglarangan.

Iginupo si Teddy ng mga pagsubok hanggang sa dumating sa puntongnapagpasiyahan na niya ang bumalik sa Pilipinas. Hinimok niya si Sarah nasumama sa kanya upang umuwi. Dito mahahati ang desisyon ni Sarah. Isangmatalinong pagpapasiya kung ano ang nararapat niyang gawin: ang manatili saLondon kakambal nang matiim na hangaring magtagumpay sa kanyangpropesyon sa kabila nang pagkawala ng kanilang relasyon bilang mag-asawa, oang paglaho ng kanyang mga pangarap kapalit nang pagiging buo ng kanilang pamilya.

II. PAGSUSURI A. PAKSA Ang pelikulang ito ay nagbigay diin sa pakikipagsapalaran ng ating mgakababayan upang mabigyan ng magandang buhay o kinabukasan ang mgaminamahal sa bayang pansamantalang iniwan. Ito ay

patungkol sa mga OFWs oOverseas Filipino Workers na nagtitiis sa mga hirap na nararanasan nila at sapatuloy na pagkayod para sa ikabubuti o kapakanan ng kani-kanilang pamilya. Isa pa, napagtuunan din ang transpormasyon ng mga indibidwal tungo saikauunlad o ikababagsak ng kanilang pagkatao. Una, sa parte ni Sarah(SharonCuneta), mula sa nakasanayan niyang pagsunod sa bawat kagustuhan ngkanyang asawa ay nabago niya ang takbo ng kanyang buhay; malaya siyangnakapagpasiya para sa alam niyang mas makabubuti sa buhay niya. Sa kabilangbanda, mula sa nasimulang determinasyong gumanda ang buhay,naipakita niTeddy(John Estrada) ang isang nakakabiglang pagbabago, at ito ay angdesisyon niyang sumuko na sa trabahong sa tingin niya ay hindi naman karapat-dapat sa kanya... Bukod pa rito, natalakay rin ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino.Isa sa mga ito ay buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa abot ngmakakaya, paggalang sa kapwa, at higit sa lahat, ang pagkapit sa tamangpaniniwala o ang pagsulong sa tamang prinsipyo. Ang paksa ay masasabing tunay at matapat. Sa pelikula, ipinakita angrealidad ng buhay sa kabila ng mga paghihirap at problemang kinakaharap. Angpamumuhay nina Sarah at Teddy sa United Kingdom sa kabila ng matindingpagtitiis sa hirap, ang pagsasakripisyo ni Sarah para sa pamilya, lalong lalo nasa kanyang anak na si Pau, ang pagpupursigi ng iba pang pangunahing tauhansa trabaho sa UK, at ang pagharap ng bawat karakter sa mga problemangdumadagsa sa kanilang buhay ay ilan sa mga katibayan na ito ay naging tunayat matapat na paksa.

B. BANGHAY Ang kuwento ay nagsimula noong napagpasyahan na nga ni Sarah nasumunod na patungong UK upang doon ay makasama sa trabaho ang kanyangasawa at upang matulungan na rin niya itong maitaguyod ang pamilya saPilipinas. Nang makarating si Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong unaay naging mahirap sa kanyang gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya masikmura ang maglinis ng puwet ng matandang hindi naman niya kaano-ano. Kinalaunan ay minahal na rin niya ang kanyangtrabaho; na kahit alam niyang naghihintay na lamang ng kamatayan ang mgamatatandang inaalagaan niya, hindi siya sumuko sa mga tungkulin atpananagutan niya. Dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon sa trabaho, napamahalna din siya sa mga ito kaya naman sa tuwing may binabawian ng buhay sasinuman sa kanyang alaga, hindi na niya mapigil ang sobrang pag-iyak atpaghihinagpis. Sa gitnang parte ng kuwento, nasaksihan din ang pagbagsak ng loob niTeddy dahil sa paniniwalang hindi katanggap-tanggap ang trabahong napapuntapara sa kanya. Tunay na nahirapan si Sarah na maayos ang sitwasyon sapagkatdumating ang mga araw na lagi na lamang may inom o kaya naman ay hindipumapasok sa trabaho si Teddy. Nawalan ng loob si Teddy sa kanyang trabaho,at ito rin marahil ang isa sa mga dahilan ng kalungkutan ni Sarah habang siya ay nananatiling nagtatrabaho sa UK kasama ang kanyang asawang si Teddy. Nanghindi na matanggap ni Teddy ang mga kabiguan niya noong siya ay napadpad sabansang UK, nagpasya siyang bumalik na lamang sa Pilipinas upang doon nalamang ituloy ang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Sa kabila nito,nagingmatatag si Sarah habang malaya siyang nakabuo ng pasya para sa

mgapinapaniwalaan niya. Hindi niya hinayaang basta-basta na lamang masira angpangarap na nasimulan na niya para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyanganak. Nagtiyaga siyang ipagpatuloy ang trabaho bilang isangcaregiver atkinalaunan ay natupad niya ang pangako sa anak na madala ito sa UK nang sagayon ay magkasama na silang mag-ina. Napatunayan ni Sarah sa kanyangsarili na kaya niyang paunladin ang sarili niya lalo nat para sa kanyang mgaminamahal at sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya. Masasabing kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sapagiging payak nito ay nag-iwan din ito ng kapani-paniwalang mga pangyayari.Mapapansin din ang natural na daloy ng mga pangyayari, kumbaga, hindi na itonagpaligoy-ligoy upang maintindihan ng mga manonood ang pelikulang ito.

C. SCRIPT Sa pamamagitan ng script, naging organisado ang daloy ng banghay. Isapa, naging malinaw ang bawat mensaheng nais iparating ng pelikula sa mgamanonood. Batid natin na mawawalang bahala ang banghay o ang mgapangyayari kung wala ang script na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Masasabing makatotohanan ang mga paguusap ng mga tauhan sapagkatito ay naging makabuluhan at payak na siyang naging daan para mabilis namaintindihan ang mga pangyayaring nagaganap sa usapan ng mga karakter. Isasa mga patunay dito ay ang pangyayari kung saan naging bukas si Sarah sakanyang anak sa totoong dahilan sa pagsunod niya kay Teddy sa UK. Mapapansing sa natural na paraan ng pag-uusap, ay naiparating ang totoong nais niya iparating. Nagtaglay ito ng maayos na yugto ng mga pangyayari. Sa pamamagitannito, hindi naging mahirap sa mga manonood ang pag-unawa sa bawatpangyayaring nagaganap sa kuwento. Isa pa, dahil din sa kaisahan ng mgapangyayari, madaling napagtanto ng mga manonood ang mensaheng naisiparating ng pelikulang ito. Sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ng pangunahing tauhan na siSarah, mabisang naipakita ang paksa ng pelikula sa script. Litaw na litaw angmatinding mga linyang binitawan ni Sarah lalo na sa parte kung saan hindi niyanapigilan ang sarili niya upang sabihin ang naging saloobin kay Mr. Morgan, angmatandang noong unay naging masama ang pagtrato sa kanya bilang kanyangtagapagalaga. Hindi maikakailang naipakita sa script ang paksa ng pelikula, atito ay ang pagpapakahirap ni Sarah bilang isangcaregiver sa kabila ngkalungkutang kanyang nadarama. Ang kuwentong nabuo sa script ay ang pakikipagsapalaran ng ilan saating mga kapwa Pilipino sa ibang bansa na pinatunayan ng mga paghihirap nakinaharap nila para mapadama sa sarili nila pati na rin sa naiwang pamilya angmagandang buhay na naging mailap sa kanilang sariling bayan. Sa kabila ngamga suliraning kinaharap ng mga tauhan, lalo na ni Sarah, nanatiling buo angloob niyang ituloy kung anu man ang nasimulan na niya sa UK kahit noongbandang huli ay sumuko o nawalan na ng pag-asa ang kanyang asawa. Sapamamagitan ng mabisang script ay madaling tumatak sa isipan ko angistoryang nabuo sa pelikulang ito.

D. PAG-ARTE Si Sharon Cuneta ang gumanap at nagbigay buhay sa kanyangrole bilang si Sarah. Alam nating lahat na ang Mega Star ay kakikitaan ng mgamagagandang katangiang hinahangaan ng balana, at bukod pa rito, kapansinpansin din ang pagiging masayahin ng aktres na kinatuwaan ng madami. Siya ayisang mayamang aktres ngunit sa pagganap niya sa pelikulang ito, taliwas angmga nabanggit na katangian sa pagganap niya bilang Sarah. Gumanap siyabilang isang ordinaryong manggagawa. Bukod pa dito, hindi pansin ang totoongestado niya sa buhay; naipakita niyang kaya niyang gampanan ang mgatungkulin ng kanyangrole sa pelikula. Madamdamin ang pagganap niya atkitang-kita ang pakikisimpatya niya sa kanyang karakter. Natural ang mga kilosniya, at bukod pa rito ay napamalas niya ang tunay na karakter na dapat niyanggampanan. Ang ganap ni Sarah ang nagpatunay sa totoong saloobin ng isanginang naiipit sa bawat kagustuhan ng asawa. Isa pa, siya rin ang nagpamulat ngmga sakripisyong kaya niyang gawin para sa mga taong minamahal atnaniniwala sa kanyang kakayahan. Bilang karagdagan, masasabi rin na waring si Sarah ang tunay natao sa papel na ginampanan niya sapagkat tunay na kapansin-pasin angdedikasyon niya sa kanyang role at ang pag-iinternalisa ng bawat sitwasyongkakaharapin niya. Hindi lamang malalakingrole ang nabigyang-buhay ng mgaartista sa pelikula kundi pati ang maliliit narole. Masasabing malaki rin angkahalagahan ng mga tauhang may maliliit na role sapagkat kahit papaano aynasusuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula. Maliit man ang gampaninng ilang artista, nakatutulong pa rin ito upang maiparating ang maayos namensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari. Ilan sa mga patunaydito ay ang tauhang si David, anak ni Mr. Morgan, na nagbigay kulay sa daloy ngkuwento. Isa siya sa nagpabatid kay Sarah na habang may buhay ay may pag-asa. Kahit hindi ganoon kahalaga ang ganap ni David, nakatulong ang gampaninniya sa pagbuo ng mas matibay na karakter ni Sarah. Isa pang makakapag-patunay dito ay ang ganap ni Sean na noong simula ay nagbigay problema kaySarah dahil sa nagawa nitong pagnanakaw sa isang grocery store. Dahil dito,nagsimulang malapit ang loob ni Sarah sa bata sapagkat gusto niya itong mapagbago. Dahil din sa nangyaring aksidente sa batang ito na kung saan siSarah ang nagdala sa kanya sa ospital, napagtanto ni Sarah ang tunay naestado ng buhay ni Teddy sa trabaho niya. Nalaman ni Sarah ang totoongtrabaho ni Teddy. Makikita natin ang malinaw na koneksyon ng bawat karakter sapelikula. E.DISENYO NG PRODUKSYON Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na kaligirangatmospera sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kabuuang disenyo, kasamaang tagpuan, kasuotan at kulay na nagbibigay daan upang magingmakatotohanan ang pelikula. Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, masmadaling naiparating sa mga manonood ang mensaheng nakapaloob sapelikula. Masasabing ang pagkaka-pili ng direktor ng bansang paggaganapan ngpelikula ay nakatulong upang mas makita ang totoong kaganapan sa bansangito. Isang halimbawa na lamang ay ang pag-snow sa London na nagsilbinginstrumento upang mas mapadama ang kalungkutan ni Sarah sa pagkakawalaysa anak. Kung kasuotan ang pag-uusapan, nabigyang diin ang ganap ni Sarahbilangcaregiver sa pamamagitan ng uniporme ng tunay nacaregiver sa ibangbansa. Kapansin-pansin din ang mga

gayak ng pamilya ni Sarah sa Pilipinas; saunang tingin pa lamang sa kanila, mababatid agad na sila ay kabilang sa gitnangantas ng lipunan. Napatunayan ng mga kasuotan ang kaangkupan nito sapagkatao ng mga artista. F. TUNOG Naging epektibo naman ang pagdaragdag ng tunog at musika sapagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nadarama ang emosyongtaglay ng mga artistang gumanap sa pelikulang ito. Nakatulong ang musika attunog sa pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito.Halimbawa na lamang nito ay ang pangyayari kung saan namatay si Mr. Morgan. Sa pamamagitan ng mabagal at nakaka-iyak na musika, nakatulong ito upangmaging makatotohanan ang pangyayari. Mas maipaparating ang totoongdamdamin ni Sarah sa bahaging ito.Sa pagdaragdag ng mga angkop na tunog,mas maaantig ang damdamin ng mga manonood o kaya namay mas makikitanila ang katotohanang bawat emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyayarisa totoong buhay. G. POTOGRAPIYA Mapapansing ang kamera ay pinagalaw nang maayos mula saumpisa hanggang katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin ang mgapangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa ibatibang anggulo. Tunay na may malaking epekto sa pagbuo ng damdamin angposisyon o paggalaw ng kamera sa larawang ating nakikita sa pinapanood.Kapansin-pansin ang malimit na pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan satuwing may matinding linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, nabibigyangpansin ang emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula. H. DIREKSYON Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos nadaloy ng mga pangyayari. Dahil dito, masasabing naging matagumpay angdireksyon ng pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa tagpuan,pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ngbanghay, at ang pagbabawas o pagdargdag ng script dito. Sa kabila nito, maymga bahaging nagpakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor. Para sa akin, angnagpamalas ng kahinaan ng direktor ay ang parte kung saan binawian ng buhayang isa sa mga pasyente ni Sarah na naging sobrang malapit sa kanya. Naglaansi Sarah ng oras para muling makapiling si Mr. Morgan. Bago pa man binawianng buhay ang butihing si Mr. Morgan ay nakasama pa siya ni Sarah at ginugolang mga natitirang oras sa pagpapalipad ng saranggolang gawa ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi nagtagal ay tuluyan na ngang binawian ng buhay si Mr.Morgan. Pagkatapos nito, hindi man lamang naipakita sa pelikula ang mgadetalye ng pagkamatay ni Mr. Morgan. Ipinakita lamang kapagdaka angpagdadalamhati ni Sarah sa pagkawala ng mahal na kaibigan. Sa kabilangbanda, naipakita naman ang kalakasan ng direktor sa bahagi kung saan natupadni Sarah ang pangako niyang pagkuha sa anak mula sa Pilipinas. Naipakita angpagtatagumpay ng karakter sa desisyong binitawan

at pinanindigan niya. Salahat ng ito, masasabing nagtagumpay ang direktor na maabot ang orihinalnitong layunin. Hindi lamang ito nakapag-abot ng mahahalagang impormasyon,nag-iwan din ito ng aral sa buhay ng tao. I. PAG-EDIT Naipakita sa pelikula ang natural o makinis na daloy ng mgapangyayari. Sa mga nasaksihang pangyayari, mapapansin ang mahusay napagkaka-edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula sa simulahanggang sa wakas ng pelikula na nagbigay daan upang makita ng mgamanonood ang tunay na nilalaman nito. Ang pag-edit ay tunay na nakatulongupang matuklasan at ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pangkaangkop nito. Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga bahaging hindiganoong kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong maunawaan. Isa pa,mas gumaganda ang nilalaman ng pelikula kung ang kabuuang pagpapalabas samga bahagi nito ay detalyado at walang nakasasagabal sa daloy ng bawatpangyayari. II. KONKLUSYON Ang pelikula ay kakikitaan ng tatlong kahalagahan: Pangkawilihan, Pangkaalaman, at Pansining. Kahalagahang Pangkawilihan ito kung nabihag nito

ang interes o kawilihan ng mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa onagpalungkot, nakapagpanabik sa mga susunod na tagpo, nakapagbigay ngtakot, at madami pang iba. Sa unang bahagi pa lamang ng pelikula, nabihag naako na waring walang oras para itoy mawala sa aking paningin. Habangpinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat pangyayarisapagkat nawili na agad ako sa kuwento nito. Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga makabagbag damdamin ngmga tauhan lalo na ni Sarah. Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong-pusong pag-aaruga kay Mr. Morgan na kinalaunan ay naging napakalapit sakanya. Natuwa ako sa pagtratong inilaan niya sa matandang inaruga niya. Hindilamang niya nabigyang ligaya si Mr. Morgan, nabago rin niya ang takbo ng buhaynito na mula sa pagiging masungit, nahalinhan ito ng magaang loob sa lahat ngtaong makakasalamuha niya. Sa isang bahagi ng pelikula kung saan nawalan na ng pag-asa si Teddy,nangamba ako para kay Sarah sapagkat maaari siyang maapektuhan sanangyayari sa kanyang asawa. Dahil dito, lalo pa akong nanabik sa mgasusunod pang mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon ni Teddy, hindinapanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas. Nagpursigi si Sarah satrabaho niya nang sa gayon ay makuha na niya ang kanyang anak sa Pilipinas.Hinangaan ko ang desisiyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahitalam niyang magkakahiwalay sila ni Teddy. Naging buo ang loob niya sa kungano ang pinaniniwalaan niyang mas makabubuti sa kanya at sa mga taongminamahal niya.

Sa kabilang banda, litaw ang Kahalagahang Pangkaalaman ng pelikulangito sapagkat napakaraming kaalaman o karagdagang impormasyon ang handognito. Sa pelikulang ito natin mapapagtanto ang tunay na pagpupunyagi ng atingmga OFWs o ang mga tinatawag nating mga bagong bayani sa ibang bansaupang mapaganda ang buhay ng mga minamahal na pansamantalang iniwan sapaghahangad ng ikabubuti at mas ikauunlad ng kanilang buhay. Dito rin matututunan ang totoong ibig sabihin ng sakripisyo. Sapagsasakripisyo natin malalaman kung tayo ay nagmamahal ng totoo. Saginawang sakripisyo ni Sarah, hindi maikakailang nagsilbi siyang isang tunay namapagmahal na asawa, anak at higit sa lahat, sa pagiging mabuting ina.Maipaparating din nito ang maayos na pagtrato ng kapwa. Katulad ni David,ipinaglaban niya si Sarah mula sa maling iniisip ng kanyang kapatid. Bukod parito, mas nabigyang diin ang pagiging relihiyoso ng mga Pinoy saan mang sulokng mundo. Kahit na saan magpunta, hindi pa rin mawawala sa mga Pinoy angmga santo na pinaniniwalaang gagabay sa pang-araw-araw na pamumuhay saibang bansa. Isa pa sa mga matututunan at mas maiintindihan dito sa pelikulangito ay ang kalayaan sa pagbuo ng sariling desisiyon. Kagaya ni Sarah, kahit alamniyang mawawalay siya kay Teddy, pinilit niyang maging matatag para sapagpapatuloy sa mga pangarap niya kasama ang kanyang anak. Higit sa lahat, ang pelikulang ito ang nagbigay diin sa mga pagtitiis atpaghihirap ng mga OFWs sa ibang bansa. Kaugnay nito, nais nito iparating samga manonood na bigyan ng sapat na puri at paggalang ang ating mgakababayang nagpupursigi para sa pag-ahon ng kanilang pamilya, pati na rin ngating bayan. Bilang huli, masasabing kakikitaan din ito ng Kahalagahang Pansiningsapagkat naisagawa naman at napaloob nito ang lahat ng bahaging nararapatupang makatawag pansin at makaantig ng damdamin. Sa pelikulang ito aymabisang naipakita ang realidad ng buhay. Si Sarah, bilang isang caregiver, aynagpamalas ng buong pusong laging handang sumuporta anu mang oras. Hindiniya pinabayaan ang trabaho niya. Sa kabila ng mahirap na trabaho, nagsumikapsiyang magampanan ang lahat; lagi niyang isinasapuso ang bawatresponsibilidad niya bilang isang asawa at ina. Isa sa mga pangyayaringnakaantig ng aking damdamin ay ang parte kung saan nabago ni Sarah angmatandang sa unay nagkaroon ng malamig na pagtrato sa serbisyong ibinibigayniya. Si Mr. Morgan, mula sa pagiging mainitin ang ulo marahil na rin siguro sa problema at mga isipin, ay nakakita ng apeksyon kay Sarah. Naramdaman ni Mr.Morgan na bilang isang tagapag-alaga niya, hindi ni Sarah basta-bastangmapapabayaan ang kalagayan niya lalo nat siya ay may delikadongkaramdaman. Ipinaramdam ni Sarah kay Mr. Morgan kung gaano kahalaga sakanya ang trabahong ginagampanan niya sa kabila ng matinding kalungkutan sapagkakaiwan niya sa pamilya para lamang sa pagganap ng sinabi niyang thankless job. Dahil dito, napagtanto ni Mr. Morgan na mali ang ginawa niyang pagpapabigat ng nararamdaman ni Sarah sa simula. Mapapansin din dito angdakilang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Hindi ni Sarah kinalimutan angpangako sa kanyang anak, na itoy kukunin niya mula sa Pilipinas upang silaymagkasama na muli.

You might also like