You are on page 1of 2

Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon Mas mahal na kita ngayon, at sa habang panahon Wala akong

pakialam sa 'king nakaraan Kahit na ako'y pinagtatawanan Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon Dahil... Di mo na 'ko tinutulak sa'ting hagdanan Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam At sa gabi pag ako'y tulog nang mahimbing Di mo na ako tinatakpan ng unan Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan At mas makinis na rin ang balat sa dibdib Dahil hinding hindi mo na 'ko pinakukulam Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon Di ko na ramdam pagkat mas mahal na

Mas mahal na kita ngayon 'Wag ka nang magtatanong Basta't mahal na kita ngayon Yan ang lagi kong tugon Kahit di mo nakikita o nararamdaman Ang aking tuwa ay walang paglagyan Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon Dahil... Di mo na pinapakain ng para sa pusa Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa At pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda Di na masyadong malakas ang iyong tawa Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga Hindi na kulay dugo ang aking paningin Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon Dahil... Di mo na kinukwentong satanista ako At ang nanay ko'y nireyp ng isang maligno Nabawasan na rin ang bukol sa ulo Dahil hindi mo na'ko pinapalo ng tubo 'Di mo na pinapalayas ng nakahubo 'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon... howohuwohuwo ('Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon) Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon Ang cute mo naman bagay ka sa iyong... atao

You might also like