You are on page 1of 8

Ang Palaka at ang Uwang

Ang gawang pagmamalabis ay sinsama ng pagkukulang na tikis.




Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang
biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang
ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta
pang manakit o maminsala.
Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang
suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang
at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.
Ang Mayabang na Pagong

sang pagong ang naghihingalo dahil sa labis na uhaw at gutom. Dalawang ibon ang
nakakita sa kanya. Tinulungan siya ng mga ito. Kumuha sila ng isang kahoy. Hinawakan
nila ang kahoy sa magkabilang dulo sa pamamagitan ng kanilang tuka. Sa gitna ng
kahoy nakasabit ang pagong sa pamamagitan ng kanyang bibig. nilipad siya ng mga
ibon. Dadalhin siya ng mga ito sa ligtas na lugar.
Nasa ere sila nang marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso. "Tingnan ninyo!
Kamangha-mangha ang mga ibon! Hila-hila nila ang isang pagong sa kanilang paglipad."
big magyabang ng pagong. Nais niyang magpasikat sa mga tao. "Kumusta na kayo?"
sigaw niya.
Dahil sa pagbuka ng bibig ay nahulog siya.


Gintong AraI: Pag-isipan muna ang bawat hakbang bago gawin
Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kna
Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang
naghahanap ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang
sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong
nagtatawa.
Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa
may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya
isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka.
"Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan
ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayoy magiging sunud-sunuran sa
akin."
Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at
Uwang sa pagsakay doon.
"Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang
maikakampay ang kanyang pakpak.
Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang
glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa
gitna ng sapa.
Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo
naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig.
Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos.
"Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang.
Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina
Gagamba at Susuhong.
"Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang.
Mula noon,

Ang PabuIa ng Daga at ng Leon by Katig.Com


rom Katig.Com's book of fables. Alay sa kabataang Pilipino



sang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"pagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.


Mga araI ng pabuIa:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.

Ang Lobo at ang Ubas


Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa
sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Katig.Com:


Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.


Mga AraI:

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim
na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.

Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay
maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.


Mga haIimbawa.

Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang
nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay
maaaring magsabi ng "hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto."
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang.

Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay
dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan
tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil
ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal.
Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay sour-graping lamang.

Ang PabuIa ng Kabayo at ng KaIabaw
A short story from Katig.Com book of fables.
nspired by the ancient fables of Aesop.

Basahin dito kung ano ang pabula


sang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.


Mga araI ng pabuIa:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.

$hort $tory: Ang PabuIa ng Kabayo at ng MangangaIakaI


A short story from Katig.Com book of fables.
nspired by the ancient fables of Aesop.



sang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. nilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay
magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.


Mga araI ng pabuIa:
Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang
balakin ay may katapat na kaparusahan.

You might also like