You are on page 1of 5

ANG KASAYSAYAN NG ISANG BROWNIE NA

NAGING BITUIN

NARRATION: Noong unang panahon may isang


munting batang babae na
nakatira sa isang pulo sa gitna ng
malalim at bughaw na karagatan.
Ang pulong ito ay ang Pilipinas.
Dahil sa mga batang babaing ito
ay kayumanggi, tulad ng kulay ng
kanyang lupang tinitirhan siya ay
tinawag na Brownie.
Ang kanyang bayan ay
sagana sa magagandang bagay
na mapaglalaruan. May mga
mababangong bulaklak na iba't
iba ang kulay. May mga malalaki
at maliliit na ibon na nag
aawitan sa paligid. Ang damo ay
palaging berde at malambot. Ang
mga punong kahoy ay madahon
at sagana sa lilim at mga prutas.
Ang tubig sa dagat ay
maligamgam. Kung malinaw ang
panahon makikita ang mga
isdang naglalangoyan, dito at
doon. Kung gabing walang ulap
ang langit, ito ay nangniningning
sa dami ng mga bituin.
Subalit ang maliit na
Brownie ay hindi masaya,
nahahalikan niya ang mga
bulaklak at naririnig ang mga huni
ng ibon. Maaari siyang maupo sa
damo o kaya ay mamitas ng mga
hinog ng bungang kahoy.
Maaari siyang maligo sa dagat o
kaya maupo sa dalampasigan.
Ang langit kapag kanyang
napagmasdan ay kanyang abot
kamay lamang ngunit ang mga
bituin ay hindi niya nahahawakan.
Paano kaya niya maabot ang
mga bituin? Kung titingnan
parang napakalapit, subalit kung
tangkang abutin ay napakalayo.
Kung gabi ang mga ito'y
nagkikislapan, kung araw ang

mga ito'y hindi makita. Ngunit


may isang malaking bituin na
laging nasa kanyang lugar, hindi
umaalis sa kanyang kinalalagyan
at ito ang Hilagang Bituin,
nakakausap at nakakaalam ng
mga pangarap sa buhay ng
munting Brownie.
sang gabi habang ang
munting Brownie ay namamasyal
sa hardin, may nakita siyang
isang napakagandang babae na
ang mga kamay ay nakalahad sa
kanya. Siya'y nakasuot ng
mahaba at kulay gintong baro at
may bituin sa noo.
ILAGANG BITUIN "Hindi mo ba ako kilala?
Ako ang Hilagang Bituin na lagi
mong kinakausap kung
nakatingala ka sa langit. Naparito
ako upang kausapin ka.
BROWNIE: Kung ganoon, sabihin po ninyo sa
akin kung paano ako
makikipaglaro sa mga
magagandang bituin na nasa
langit?
ILAGANG BITUIN: Upang makasama mo at
makalaro ang mga bituin
kailangan ikaw ay laging
magpapakabait, maging masaya
at masunurin, iyan ang dahilan
kaya sila ay malapit sa langit.
Aalis na ako, isang tanong lang
ang maaari kong sagutin.
Dadalawin kitang muli.
NARRATION: At ang Hilagang Bituin ay nawala.
Naiwan ang munting Brownie na
nag iisip kung paano siya
magiging mabait, masaya at
masunurin. Binuksan niya ang
pinakamalaking diksyunario ng
kanyang tatay, subalit hindi niya
makita ang kasagutan. Binuksan
niya ng pagkalakas-lakas ang
radio pero ang sagot ay hindi
matagpuan. Kaya kinabukasan,
namasyal uli sa hardin ang

munting Brownie at hihiling sa


Hilagang Bituin na magpakitang
muli sa kanya. At gaya ng dati
ang Hilagang Bituin na nakasuot
ng mahaba at kulay gintong baro
na may gintong bituin sa noo ay
muling nagpakita sa munting
Brownie.
BROWNIE: Paano po ako magiging mabait,
masaya at masunurin? Hindi ko
po alam kung papaano? Hindi ko
matagpuan ang kasagutan.
Tulungan mo po ako.
ILAGANG BITUIN Magsimula ka sa iyong
tahanan. Maaari kang maging
mabait, masaya at masunurin
kung tutulungan mo ang iyong
nanay at tatay sa kanilang gawain
at kung sila ay lagi mong
paliligayahin.
NARRATION: At muling nawala ang Hilagang
Bituin sapagkat isang tanong lang
ang maaari niyang sagutin.
Kinabukasan, maaga pa ay
bumangon na ang munting
Brownie. Binuksan niya ang
pintuan at lumabas. Nakita
niya na malapit nang sumikat
ang araw. Dali daling
nagbihis ang munting Brownie.
Tahimik na tahimik ang
kanilang tahanan. Sinilip niya
ang silid ng tatay at nanay.
Tulog na tulog pa ang mga ito.
BROWNIE: Paano ako magiging mabait? (ang
sabi sa sarili) Ah! Alam ko na
tutulungan ko ang nanay.
NARRATION: Kinuha niya ang walis at naglinis
sa loob at labas nang bahay.
Pinunasan niya ang mesa at
naghanda ng almusal.
BROWNIE: Paano ako magiging masaya? Ah!
Papagandahin ko ang bahay at
aawitan ko ang nanay at tatay.
NARRATION: Pumunta siya sa hardin at
namitas ng mga mababangong

bulaklak habang umaawit.


nilagay niya ang mga bulaklak sa
plorera at nagpatunog ng radio.
Pinakain ang mga manok, aso at
pusa.
BROWNIE: Paano ako magiging masunurin?
Ah!, gagawin ko ang mga
ipinagagawa sa akin.
NARRATION: Binuksan niya ang kanyang aklat
at nag aral ng leksyon,
sapagkat sabi sa kanya ng tatay
huwag siyang pupunta sa
paaralan ng hindi nag aaral ng
leksyon.
Samantalang siya'y
nakaupo at nagbabasa ng aklat
sa harap ng mesang nakahanda
na para sa almusal, na may
plorerang puno ng mababangong
bulaklak at malapit sa radyong
nagpaparinig ng magandang
tugtugin, ang kanyang tatay at
nanay ay nangagising at
magandang tanawin ang kanilang
napagmasdan.
NANAY/TATAY: Wow! Brownie, kalugod lugod
ka at nagniningning. May bituin
ka sa mukha.
BROWNIE: May bituin po ako sa mukha? Ang
ibig po ninyong sabihin ako'y
isang bituin,
NARRATION: ang kanyang tanong.
NANAY Oo
NARRATION: sagot ng nanay.
NANAY Walang bituin sa langit na
kasingganda ng isang anak na
mabait, masaya at masunurin.
Magmula ngayon hindi na kita
tatawaging Brownie, kundi
Bituin. ang aking munting Bituin.
NARRATION: Kaya nang gabing iyon ang
munting bituin ay hindi na
tumitingin sa langit. sinama siya
ng Hilagang Bituin, dumaan sila

sa kalangitan at nakipaglaro sa
mga maliliit na bituin na naging
Brownie rin noong araw, na
ngayon ay mga bituin na rin dahil
sa sila ay mabait, masaya at
masunurin.

--WAKAS

You might also like

  • ST 02
    ST 02
    Document3 pages
    ST 02
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet
  • ST 01
    ST 01
    Document1 page
    ST 01
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet
  • 1st GP ST 01
    1st GP ST 01
    Document13 pages
    1st GP ST 01
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet
  • 1st PT
    1st PT
    Document7 pages
    1st PT
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet
  • 1st PT
    1st PT
    Document24 pages
    1st PT
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet
  • 1st GP Test
    1st GP Test
    Document19 pages
    1st GP Test
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet
  • Bec-Pelc 2010 - Ep
    Bec-Pelc 2010 - Ep
    Document21 pages
    Bec-Pelc 2010 - Ep
    Francis A. Buenaventura
    No ratings yet
  • 1st GP ST 01
    1st GP ST 01
    Document10 pages
    1st GP ST 01
    Divina Gracia Barrion Cuya
    No ratings yet