You are on page 1of 2

BUOD Nag umpisa ang lahat sa usapan ng mag-ina, isang batang babae ang nagtanong sa ina, Inay, ilang

buwan niyo ho ba ako binibreastfeed? Tatlong buwan sagot ng ina? Ganun Na nalang ang pagtataka niya at paniniwala kung bakit higit Na mas matalino sa kanya ang kanyang kapatid Na sampung buwan Na binibreastfeed ng ina. Ang mga nakalap Na impormasyon ng bata ay kanyang nabasa sa Journal of American Medical Association, kung saan inireport Na ang sinumang bata Na pinasuso ng pito hanngang siyam Na buwan ay iyong mga may matataas Na level ng IQ o kilala rin sa tawag Na Intelligence Quotient kaysa sa mga nabreasfeed ng ilang lingo lamang. Ang nasabing impormasyon ay pinagtibay ng 3,253 Danes Na ipinanganak sa pagitan ng 1959 hanngang 1961, nakakuha ng dagdag pang 6 points sa natural o mataas ng IQ score Na 100 points. Hindi mo kailangang maging matalino upang malaman Na ang pinakamahusay Na pagkain ng bata ay ang gatas ng ina. Ito ang nagbibigay ng proteksiyon para sa kanila sa ibat-ibang uri ng sakit at higit Na nagbibigay ng sapat Na nutrisyon sa isang sanggol. Ang patuloy pa ring pinag-uusapan ngayon ay ang tagal kung hanggang kailan dapat pasusuhin ang isang sanggol ng ina. Kung alin sa mga nakalap Na impormasyon ang nagbibigay ng postibong resulta at mas nakahihigit sa pagbibigay ng tamang nutrisyon. Ngunit patuloy pa ring pinaniniwalaan Na mas marami mas mabuti basta ba daw IQ ang pinaguusapan. Ngunit ano nga bang mayroon itong gatas ng ina, kung bakit ito ang pinakamahusay Na pagkain ng sanggol. Ito ay pinaniniwalaang proteksiyon ng central nervous system at nagpapahusay ng kanyang pag-unlad. Ito ay binubuo ng mga polyunsaturated acid Na mas kilala sa tawag Na DHA Na hindi lamang makikita sa gatas ng ina gayundin sa gatas ng baka. Iyan ang nagbukas upang ang mga bagong labas at ineendorsong gatas ay fortified with DHA at tinatawag rin nilang ALA Na nagbibigay ng mga naturang magaling Na benepisyo. Ngunit sa ngayon ay patuloy pa rin ang mga dalubhasa sa paghanap at pagtukoy sa mga tamang impormasyon ukol sa timeframe ng pagpapasuso. Ngunit ano pa man ang lumabas Na resulta manantiling at di Na mababago Na ang gatas ng ina ang pinakamainam Na pagkain ng sanggol.

REAKSYON Alam Na nating lahat kung ano ang mga naibibigay ng gatas ng ina sa isang sanggol. Ngunit dahil sa patuloy ng pagtuklas ng mga dalubhasa ay di pa rin nila makita at matuklasan ang magbibigay sa kanila ng tumpak Na impormasyon ukol sa timeframe ng pagpapasuso. Ako ay nagagalak sa walang sawang pag-aaral at pagsasliksik ng mga dalubhasa Na matukoy ang pinaka mahusay Na resulta. Ang mga ganitong nauulat Na impormasyon ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon Na sa darating Na panahon ay mas marami pang matuklasan Na bagay ang nga dalubhasa Na magbibigay ng kasaganahan para sa buong mundo at hgit sa lahat ay ang iyong makatutulong sa kalusugan ng mga taong nananahan rito!

You might also like