You are on page 1of 10

Panimula

Ayon sa Article IV ng Philippine Nursing Law o Republic Act No. 9173, ang
isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Nursing ay dapat na sumailalim sa isang
Licensure Exam bago siya matawag na isang Registered Nurse ng bansang Pilipinas. Sa
madaling salita, ito lamang ang makapagsasabi kung sila ay magiging isang tunay na
Nurse o hindi. Ngunit sa kasalukuyan kapansin-pansin ang mababang passing rate ng
narsing sa mga nakaraang taon na umaabot lamang sa 32,617 o 41.87 mula sa 77,901
kumuha noong Hunyo 2009 board examination samantala mas bumaba pa ito ng 39.77
o 37,527 mula sa 94,462 kumuha ng Board examination noong Nobyembre ng
nakaraang taon.
Isa sa tinuturong dahilan ay paglipana ng mga nursing school na mababa ang
kalidad ng pagtuto at kakulangan ng kaalaman at eksperiensya ng mga propesor. Isa rin
dahilan ay ang mababang kalidad ng edukasyon dulot ng mahinang kurikulum na
ginagamit sa bansa.
Kaugnay nito, nagpalabas ang Commission on Higher Education O CHED ng
mga pagbabago sa kurikulum hindi lamang sa kursong narsing kundi pati na rin sa iba
pang kurong kinukuha ng apat na taon. Sa kursong narsing, ipinalabas ng CHED ang
CHED Memorandum Order No. 5 o 'Policies and Standards for Bachelor of Science in
Nursing Program` na nagsasaad ng pagdaragdag ng 33 units sa dating 169 units ng
nasabing kurso. Magdaragdag din ng kurong Theoretical Foundations in Nursing` and
'Fundamentals of Nursing Practice sa unag taon. Bilang epekto, tatlong semestre ang
madadagdag sa dating apat na taong pag-aaral at ang dating 2,142 oras na requirement sa
practicum o clinical training ng mga nursing students ay itataas sa 2,499 oras. Halos
umaabot ng lima at kalahating (5 1/2) taon na ang kursong taon ang kursong narsing na
nananatiling pinakamataas na bilang ng enrollees. Ayon kay CHED acting Chairman
Romulo Neri (2008), ang mga pagbabagong ito ay ginawa upang makapagsabayan ang
kalidad ng narsing sa internasyonal na istandard. Ito ay ipapatupad sa mga susunod na
taon. Nagbigay din sila ng mga babala sa unibersidad at kolehiyo na hindi susunod na
kurikulum n sila ay matatangalan ng lisensya upang magturo ng nasabing kurso.
Sa paglabas ng bagong kurikulum na, hati ang tingin ng iba`tibang sektor ng
lipunan. Ang iba ay nagsasabing ito ay hindi makatarungan para sa mga estudyante, sa
mga magulang, sa mga unibersidad at kolehiyo. Sa kabilang banda, ito naman ay
suportado ng grupong tulad ng Philippine Nurses Association (PNA) sapagkat naniniwala
silang raysunal ang bagong kurikulum, ang paghasa ng mgamakabagong nars na
magagawa ng de-kalidad kani-kanilang responsibilidad at gawain. Tayo bilang mga
Pilino, kailangan makialam tayo sa mga nangyayari sa ating bansa. kailangan bantayan
natin ang bawat pagbabago maging makabubuti man o makasasama. Ito ang mga dahilan
kaya ang pananaliksik na ito ay isinagawa.



Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga Pananaw ng mga
Estudyanteng nasa Unang Taon ng Kursong Narsing ng Pampamahalaang Kolehiyo
ng Catanduanes ukol sa Pagbabago ng Kurikulum SY 2009-2010. Layunin nitong
ilahad sa mga mambabasa at mamulat ang kanilang kaisipan ukol sa usapin sa pagbabago
ng kurikulum.
Sinisikap din ng pag-aaral na ito na masagutan ang mga sumusunod na mga
katanungan:
1. Alam ba nga mga estuadyanteng nasa unang taon ng narsing ang mga pagbabago
kurikulum ng narsing?
2. Ano ang mga reaksyon nila ukol sa mg apagbabago sa kurikulum ng narsing?
3. Anu ang mga dahilan ng pagbabago ng kurikulum ng narsing?
4. Ano ang mga epekto ngmga pagbabago ng kurikulum sa sumusunod:
a. sa mga magulang
b. sa mga inibersidad at kolehiyo n nagututro ng kursong narsing
c. sa mga estudyante ng kursong narsing
d. sa mga estudyante ng hayskul na nagnanais maging nars


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga hindi lamang sa mananaliksik kundi pati na rin
sa mga magulang, sa mga estudyante ng kursong narsing at sa mga estudyante sa hayskul
na nagnanais na maging isang nars, sa mga unibersidad at kolehiyo na nagtuturo ng
kursong narsing at sa kinauukulan patrikular na ang CHED Curriculum Committee.
Sa mga magulang, estudyante ng kursong narsing at hayskul na nagnanais na
maging isang nars, ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa kanilang kamalayan ukol sa
mga pagbabago ng kurikulum ng narsing. Magbibigay ito sa kanila ng mga kaalamn ukol
sa mga pagbabagong ginawa at ang mga kadahilanan sa mga pagbabagong ito. Nang sa
gayon ay mapaghandaan nila ang mga kaakibat na epekto partikular na sa pinansyal na
aspeto at ang mas mahirap ng mga asignaturang ituturo.
Sa mga unibersidad at kolehiyo na nagtuturo ng kursong narsing, ang pag-aaral na
ito ay magbibigay sa kanila ng kamalayan ukol sa mga pananaw ng kanilang mga mag-
aaral ukol sa mga pagbabago sa kurikulum. Sa gayon ay magkapag-debelop sila ng
stratehiya upang mas mapagbuti ang kanilang pagtuturo. Isa kasi sa mga tinuturong
dahilan ng mga pagbabago sa kurikulum ay ang mababang kasanayan ng mga propesor.
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang dahilan upang mas lalo pa nilang
pataasin ang antas at kalidad ng kanilang pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.
Sa mga kanauukulan partikulat na ang CHED curriculum committee, sa pag-aaral
na ito makikita nila ang mga reaksyon/pananaw ng mga estudyante. Kaugnay nito,
makakapagbigay sila ng kasagutan sa mga ito, partikular na sa mga sinasabing hindi ito
magiging tulong kundi ay pabigat lamang sa mga magulang at mga mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga Pananaw ng mga estudyanteng nasa
Unang Taon ng Kursong Narsing sa Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes
ukol sa Pagbabago ng Kurikulum SY 2009-2010.

Depinisyon ng mga Termino
Commission on Higher Education (CHED) ito sy isang sangay ng pamhalaan na
namamahala ng mga programa para sa ikatlong antas ng pag-aaral
Kurikulum ito ay ang listahan ng mga pinipiling asignatura kukunin sa mga taon ng
pag-aaral para sa isang kurso
Kurso. Isang programa o palatuntunan ng pag-aaral na maaaring tapusin ng isang mag-
aaral sa loob ng maikli o mahabang panahon.
Nars isang taong ngangalaga ng mga may sakit katulong ang mga doctor at ibang pang
sangay pang-medikal
Nursing Board Examinations. Ito ay isang uri ng pagsusulit na ibinibigay sa
mga mag-aaral na nagtapos sa kursong Nursing bago sila matawag na isang rehistrado o
legal na Nurse.
Pananaw kasingkahulugan reaksyon. Nangangahulugan ito ng mga hinuha ng mga tao
ukol sa isang particular na bagay o pangyayari
Philippine Nurses Association. Isang samahan na binubuo ng mga Registered o
legal na Nurses ng bansang Pilipinas.
Philippine Nursing Law. Ito ay ang kalipunan ng mga batas na dapat sundin ng mga
Nurse ng bansang Pilipinas.
Registered Nurse. Ang tawag sa isang mag-aaral na nakapagtapos ng kursong
Nursing at nakapasa sa Nursing Licensure Examinations.

Passing Rate. Ang porsiyento o bahagdan ng mga pumapasa sa isang pagsusulit.



Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura
Pinakamababang passing rate ng Nursing Licensure Examination ang naitala sa
pinakahuling pagsusulit na ibinigay ng Professional Regulations Commission PRC)
noong Nobyembre ng nakaraang taon. Sinasabing sa 94,462 kabuuang nursing graduates
na kumuha ng licensure examination ay 37,527 examinees lamang ang pumasa o
katumbas ng 39.77. (Jimenez, 2009)
Ayon sa Board of Nursing (2009), na ang kawalan ng mga ospital ng mga
eskwelahan para sa hands-on learning ng mga estudyante ng narsing ang isa sa
pangunahing rason ng pagbagsak sa licensure exam ng maraming examinees. Lumalabas
rin na ang mababang bilang ng pumapasa ay resulta ng animo`y kabuteng paglaganap ng
mga unibersidad at kolehiyong nagtuturo ng kursong narsing sa bansa. Isa rin sa
itinuturong dahilan ay ang mababang kalidad na pagsasany na itinuturo ng mga nasabing
mga paaralan.
Ayon naman kay Ironside (2007), sa kanyang aklat na pinamagatang `On
Revolutions and Revolutionaries. 25 Years of Reform and Innovation in Nursing`,
nararapat na nakatuon ang pansin ng mga paaralan o unibersidad sa patuloy na
pagsasagawa ng mga epektibong reporma o inobasyon upang mabago at mas mapaunlad
ang uri ng edukasyon sa kursong Nursing. Isa sa mga halimbawa ng mga nasabing
reporma ay ang paggamit ng mga educators ng kongkretong ebidensya sa kanilang
pagtuturo.
Ang mababang passing rate sa mga nakalipas na taon ang pinaka-primaryang
dahilan ng pagpapatupad ng CHED Memorandum Order No. 5 o 'Policies and
Standards for Bachelor of Science in Nursing Program.` Ayon kay Commission on
Higher Education (CHED) executive director William Medrano (2008), kapansin-pansin
ang pagbulusok ng kalidad ng narsing sa bansa kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga
nursing schools. Upang masoluayunan ang problemang ito, ipatutupad ang mga
pagbabago sa kurikulum at ang sinuman sa mga paaralan ang hindi makasunod sa bagong
kurikulum ay matatangalan ng lisenya upang magturo ng kursong narsing. Ipatutupad ang
bagong curriculum sa kursong nursing sa susunod na school year 2009-2010 sang-ayon
sa CHED Memorandum Circular No. 5.
Ayon naman kay Dr. Amelou Benitez- Reyes ng Philippine Association of
Colleges and Universities (PACU) (2008), ang bagong kautusan ay nagsasaad ng
pagdaragdag ng talong semestre sa dating apat na taong pag-aaral ng kursong ito. Hindi
na 4-taong kurso ang nursing dahil magiging lima at kalahating taon na itong bubunuin
ng mga estudyanteng kukuha ng kurso. Ito ay makaraang dagdagan pa ng 33 units ang
dating 169 units ng kursong narsing. Ngunit ito ay kukunin sa mga summer classes.
Kaugnay din nto ang pagdaragdag ng 357 oras ng practicum o clinical training mula sa
2,142 hanggang sa 2,499 na oras. Kaugnay din nito ang pagdaragdag ng mga asignturang
tulad ng 'Theoretical Foundations in Nursing` and 'Fundamentals of Nursing Practice
sa unang taon.
Agad namang umani ng batikos mula kay Ines Basaen, program oIIicer ng
Coordinating Council oI Private Educational Association (Cocopea). Ayon sa kanya
(2008), ang desisyong ito ng CHED dahil magiging pabigat sa mga magulang at
estudyante ang dagdag na tatlong semestre at pati na sa mga paaralan. Ikanga, hindi
pagpapahaba ng taon sa kurso ng nursing ang solusyon. Ang pagbabago ng mga
programa, subjects, strategy, pamamaraan, Iacilities, etc ang siyang dapat pag-ibayuhin
upang lalong maging competent ang ating mga nursing students, both here and abroad.

Giit pa Basaen (2008),

'It is a disastrous policy that would do more harm than good. Six to eight
hours a day and six days a week. II this will over burden the students,
we`re not producing quality students,
Ayon naman kay Escudero (2008)
'Instead oI adding another year in college, CHED should work
within the existing Iour-year courses and improve the educational
standards without increasing the cost on the part oI the students and the
parents. This is an utter denial oI the Filipino youths' right to education as
enshrined in the Philippine Constitution. With the ongoing oI global
Iinancial crisis, this move will guarantee the unprecedented increase in the
number oI out-oI-school youth, as only a very Iew will be able to aIIord
university education due to the high tuition and other Iees.
Sa kabilang banda, ang hakbanging ito ng CHED ay suportado naman ng
Philippine Nurses Association (PNA) (2008), isang kalupunan ng mga nars na ajreditado
ng Philippine Regulatory Commission (PRC), sang-ayon sila sa layunin nitong makapag-
prodyos nga de-kalibreng mga nars sa kayang makapagsabayan sa internasyunal na
istandard.

Mga Kaugnay na Pag-aaral
Sa pag-aaral ni Laoingco (2002), '21
st
Century Trends in Nursing: Aligning
Nursing Education with the Future, nakatuon ang kanyang pag-aaral sa mga dahilan ng
pagbaba ng passing rate sa board exam ng mga Pilipinong Nursing Graduates. Ayon sa
kanya, mas mainam kung gagawa ng mga pagbabago sa Nursing Curriculum ang mga
pamantasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraang bunga ng makabagong
panahon upang mas lalong mapalawak, mapaunlad, at mapataas ang kalidad ng
edukasyon pagdating sa kursong Nursing.
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ukol sa mga pagbabago sa kurikulum na
ginawa sa mga nakalipas na mga taon ni Ray T. Vincent (2008), ang pagdaragdag ng
yunit sa sa iba`t-ibang mga kurso ay dati ng paraan ng CHED. Ang ilan sa mga
labintatlong (13) kursong dinagdagan ng yunit ay mas nakasira kaysa nakatulong. Taon-
taon, ang labintatlong (13) kursong ito at nagpuprudyos ng halos 200,000 estudyante at
kanilang magulang ng halos labindalawang bilyong piso (P12, 000,000,000.00). Labing-
apat na beses ang katumbas sa Fertilizer Fund Scam (P728, 000,000.00)

You might also like