You are on page 1of 2

DELA MASA, AVELLE MARIE M.

BSCS 4-3

Maynila makikita dito ang Manila Bay na bukas sa kalakalan at puno ng mga
barkong galing sa ibat-ibang bansa, ang kagandahan at kalinisan ng mga parke, ang
National Assembly Building, ang Manila Hotel, ang University oI the Philippines at higit
sa lahat ang mga tao na bumubuo sa Maynila. Makikita mo dito ang masasayang tao, ang
mga batang palangiti at palatawa na nagpapakita ng simple ngunit magandang buhay.
Noon pa lamang, makikitaan na ng yaman sa sining at kultura ang bansa tulad ng
pagkahilig sa mga patimpalak ng pagandahan, sa mga parada, sa mga selebrasyon tulad
ng kasalan at iba pa. Ilan lamang iyon sa mga patunay na ang mga Pilipino ay mahilig sa
kasiyahan.
1942 habang bisperas ng pasko, ang mga hapones ay kumilos upang maghiganti
dahil sa katapatang ibinigay ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Ang masaya at
masiglang Maynila ay nabalot ng takot. Mga putukan ng baril, mga pagsabog, mga
sunog, mga iyak ng bata`t kababaihan ang umusbong sa paligid. Naparahas at walang
awa ang dinanas ng mga Pilipino sa mga hapones. Wala silang pinipili, ang mga
kababaihan ay pinagsamantalahan, pati mga inosenteng bata ay kanilang pinatay at ang
pagsunog sa mga tao ng buhay ay kanilang ginawa. Binaril nila lahat ng doctor, mga
pasyente, mga nurses at ang mga sibilyan. Lahat ng makita nila ay sinisigurado nilang
patay. Ang mga tao ay nagsimlang mabuhay sa hirap, sa takot at sa gutom na siyang
tanging pananampalataya na lamang ang kanilang naging sandigan.
Ang mga Amerikanong sundalo ang tumulong at nakipaglaban sa mga Hapones.
Naging madugo ang kanilang labanan. Madaming putukan at pagsabog ang naganap.
Madami din mga inosente ang nadamay at namatay. Madami istraktura ang nasira at
napulbos. Matapos ang pakikipagbakbakan ay nagtagumpay ang Amerikanong sundalo,
natalo nila ang mga hapones. Isang masayang tagumpay para sa lahat ng mga Pilipino.
Matapos ang digmaan, madaming tao ang nakitang sugatan at patay. Ang mga
matang dati ay makikitaan ng saya ay napalitan ng lungkot at pangugulila. Mga taong
uhaw at humihingi ng katarungan, mga taong umaasa at naghahangad ng kapayapaan at
katahimikan. 80 ng mga istraktura sa Maynila ang nasira, kasama dito ang National
Assembly Center, ang Manila Hotel, ang City hall, ang mga pamilihan at ang mga bahay.
Paglipas ng panahon, ang mga istraktura ay unti-unting maibabalitk sa dati nitong ayos at
ganda ngunit ang mga alaalang naiwan sa mga tao ay habang buhay na babaunin.
Naging mapait at masama man ang karanasan ng mga kapwa Pilipino natin noon,
ang pangyayaring ito ay magsisilbi pa rin na inspirasyon sa kung ano ang bansang
Pilipinas sa ngayon.

You might also like