You are on page 1of 6

Atheism I. Panimula A. Kahulugan 1. Walang Diyos 2. Ang Kalawakan 3. Moral at Ugali B. Bakit? 1. Noon iyon hindi ngayon 2.

Wala namang ebidensya 3. Hindi ito maaari C. Kasaysayan 1. Sinaunang mga pilosopo 2. Imoral ang kristyanismo 3. Ebolusyon Mga Uri A. Humanism 1. Positibong perspektibo 2. Dahil sa karanasan 3. Tao lamang B. Rationalism 1. Katuwiran at ebidensya 2. Magisip ka para sa iyong sarili 3. Pilosopiya, sining at literatura C. Secularism 1. Ang simbahan at pamahalaan 2. Hindi makatarungan 3. Maging patas

III.

II.

IV.

V.

Gnosticism A. Gnostic Bible 1. Gnosis 2. banal na kasulatan 3. Ang Diyos, si Hesus, ang sangkatauhan at ang mga kababaihan B. Ang mga Kasulatan 1. Gospel of Philip 2. Gospel of Mary 3. Gospel of Thomas C. The Da Vinci Code 1. Paksa 2. Ano ang nais nitong iparating 3. Si Hesus, si Maria Magdalena at ang Holy Grail Konklusyon A. May kakayahan tayong mag-isip B. Iba ibang paniniwala C. Respeto at paggalang sa isa t isa Mga Sanggunian A. www.bbc.co.uk B. The Da Vinci Code C. The Da Vinci Deception

Sila ay Kathang Isip Lamang Panimula May Diyos ba? walang magawa. Wala. Oh talaga? Wala nga. Imahinasyon lang yun ng mga taong

Ito ang karaniwang magiging takbo ng usapan kapag tinanong mo siya ukol

sa mga Diyos, Diyosa at kung ano-ano pang mga espirituwal na nilalang. Ang lahat ng mga iyon ay kathang isip lamang ng kung sino-sino diyan sa tabi-tabi ang katuwiran niya. Siya ay isa sa mga taong tinatawag na atheist. Sino nga ba sila? Kahulugan Ang salitang Atheism ay hango sa a na ang ibig sabihin ay pagkawala o wala at sa theism na ang ibig sabihin ay paniniwala sa mga diyos at diyosa. Sa kabuuan, ang ibig sabihin nito ay pagkawala ng paniniwala sa mga diyos at diyosa at ang mga atheist ang mga taong hindi naniniwala sa mga nilalang na ito. Dala narin ng hindi pagkilala sa mga espiritwal na nilalang, ipinapaliwanag nila na ang kalawakan ay nagsimula sa isang maliit na kahiwagaan na lumawak nang lumawak at hanggang ngayon ay patuloy paring lumalawak. Ang mundo naman at mga planeta ay nanggaling sa mga piraso ng bato at metal na nagsama-sama dahil sa grabidad ng mga ito. Sinasabi din nila na ang sangkatauhan ay may kakayahang magkatha ng mga angkop na moral, at batas para makapamuhay na payapa at maginhawa ng walang tulong ng mga diyos at ng mga banal na kasulatan. Sa kasalukuyan, ang mga atheists ay patuloy na dumadami, bakit kaya?

Bakit?

Madaming dahilan kung bakit nagiging isang atheist ang isang tao. Narito ang mga karaniwang dahilan; Dati iyon hindi na ngayon, ang sa mga taong lumaki sa simbahan, mga ipinanganak sa isang kristiyanong pamilya at sa mga nag-aral sa relihiyosong mga paaralan na nakaranas ng mga masasaklap na pangyayari na may kaugnayan sa relihiyon.ang iba naman ay katuruan na hindi nila magawang masangayunan kaya t pinili nalang nila na huwag ng maniwala sa mga ito. Katuwiran naman ng iba na wala namang ebidensiya. Para sa kanila, hindi sapat ang mga patunay na pinapakita ng iba t ibang relihiyon. Ayon naman sa iba imposibleng magkaroon ng Diyos sa ganitong mundo na punong-puno ng kasamaan sapagkat kung mayroong diyos, kabutihan dapat ang mananaig sa sanlibutan at walang krimen o ano mang uri ng samaan ng loob. Saan naman kaya nagmula ang ganitong mga paniniwala? Kasaysayan Sinasabi na nagsimula ang atheism sa mga pilosopong Griyego at Romano gaya nina Epicurus,Democritus, at Lucretius. Iniba man nila ang imahe ng diyos wala silang ipanakita na direktang pagtatakwil sa ideya na maaaring magkaroon ng mga diyos. Noong ika-19 na siglo, hindi inaasahang pagatake sa Kristiyanismo ang naganap. Isang pangkat ng mga atheist ang nagsabi na imoral ang Kristiyanismo. Ayon sa kanila, hindi makatarungan ang parusa na ipinapataw ng diyos at siya ay parang mapaghiganting halimaw. Ang impluwensiya ng kilusang ito ay lalong lumakas matapos madiskubre ang theorya ng ebolusyon. Dahil dito, ipinatupad ang isang batas ukol sa paglapasatangan sa simbahan at ang sinumang sumuway dito ay ibibilanggo.

Kahit na sila ay tinutuligsa, patuloy na dumami ang mga taong hindi naniniwala sa mga espirituwal nilalang. Kasabay ng pagdami nila ay ang pagkakaroon ng iba t ibang uri ng atheism, narito ang ilan sa mga kilalang uri o sangay ng atheism; Mga Uri Atheism Kung ang payak na atheism ay hindi paniniwala sa diyos, ang humanism ay positibong perspektibo sa mundo. Ang pamumuhay ng isang humanist ay nakabase lamang sa mga karanasan, ideya, imahinasyon, at mga pangarap ng bawat isa. Pinaniniwalaan nila na ang mga karanasan, at pag-iisip lamang ang maaring panggalingan ng mga kaalaman at moral na magiging basehan nila ng paraan ng pamumuhay. Itinatakwil din nila ang ideya na kaalaman ay ipinapakita ng mga diyos sa mga tao sa pamamagitan ng mga panaginip. Rationalism, ito ang paraan ng pagharap sa buhay sa pamamagitan ng katuwiran at ebidensiya. Tinatangkilik dito ang mga ideya na maaring mapatunayan gamit ang mga karanasan. Hindi naman ito sangayon sa mga kapangyarihan na walang pagasang mapatunayan sa pamamagitan ng karanasan ng kahit sinuman. Isa sa mga pangunahing prinsipyo ng rationalism ang magisip ka para sa iyong sarili at huwag kang umasa sa iba kaya t karaniwang ang mga rationalists na may iba-ibang ideya. Dahil na din dito, nakahiligan ng mga rationalist ang mga bagay na gumagamit ng kanilang imahinasyon gaya ng pagpipinta, at paglathala ng mga kanta, tula o kaya naman ay mga aklat. Ang secularism ay hindi tunay na atheism sapagkat ang pokus nito ay hindi sa paniniwala sa diyos. Hindi nito inaatake ang ideya ng bawat isa na magkaroon ng paniniwala sa diyos ang nais lamang nito ay ang kumpletong paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan. ang

Sinasabi nila na hindi makatarungan ang patakaran ukol sa mga relihiyosong organisasyon kumpara sa mga karaniwang lamang sapagkat mas maraming pribilehiyo ang mga ito. Hangarin nila na kung hindi man mahiwalay ang simbahan at pamahalaan, nawa ay maging patas ang sistema ng mga ito sa iba t ibang mga organisasyon at kilusan. Gnosticism

Ang Gnosticism ay isa sa mga sangay ng atheism na direktang umaatake sa kristiyanismo. Ang Gnosticism ay hango sa griyegong salitang gnosis na ang ibig sabihin ay naliwanagan. Sinasabi ng mga Gnostics na ang kaliwanagan na ito ay makakamit lamang sa pagalam ng katotohanan na makikita sa kanilang banal na kasulatan ang Gnostic Bible. Sa bibliang ito, maaari nating maingkop ang ating kultura ngayon sa paniniwala natin ukol sa kristyanismo. Ayon sa Gnostic bible, mas mainam ito kaysa sa biblia na alam nating lahat sapagkat ang mga nakasulat dito ay ang mga kasulatan na hindi isinama ng simbahan sa mas popyular na biblia; Sa Gospel of Philip, si Hesus at si Maria ay mag asawa at sila ay may anak. Ayon naman sa Gospel of Mary, sinasabi na ang gusto ni Hesus na mamuno sa simbahan ay si Maria Magdalena, subalit hinidi sangayon si Pedro kaya t napilitan si maria na umalis nalang at alagaan ang kaniyang anak. Kapareho ng naunang dalawa, sinasabi din sa Gospel of Thomas na si Maria at si Hesus ay magasawa at mayroon silang anak.

The Da Vinci Code Ang the Da vinci code ay isang nobela na isinulat ni Dan Brown na nagbigay ng kasikatan sa mga sinasabing Gnostic gospels. Sa nobelang ito, si Robert Langdon isang propesor sa symbolism at si Sophie Neveu isang cryptologist ay nagimbestiga ukol sa pagkamatay ng curator ng Louvre. Sa tulong ng mga gabay na iniwan ng biktima, napagtanto nila na may kaugnayan ang krimeng iyon sa Holy Grail. Ayon kay Dr. Leigh Teabing, si Hesus at si Maria Magdalena ay magasawa at mayoon silang mga anak na nakihalo sa mga dugong bughaw ng mga French sinasabi din ni Dr. Teabing na ang Holy Grail ay hindi ang baso na ginamit sa last supper kundi ang katawan ng pinakamamahal ni Hesus na si Maria Magdalena. Dahil sa takot na maibunyag ito sa buong sanlibutan, ginamit ng simbahan ang lahat ng paraan para lamang mapigilan ito pati ang pagpatay ng tao. Ipinapakita dito na handa ang simbahan na gawin ang lahat huwag lang mabunyag ang sikretong tiyak na magpapabagsak sakanila. Katotohanan o purong kathang isip lamang? Naging kontobersyal ang librong ito noong 2008 sapagkat sinasabi ng simbahan na ito ay purong kasinungalingan lamang at hindi dapat ito ipalabas o kaya naman ay ipabasa sapagkat magkakagulo lamang. ikaw, sa tingin mo, may Diyos ba? Kunga sa atin itatanong ang katanungang ito, ano kaya ang isasagot natin? Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang magisip para sa kanyang sarili at sasagutin natin ang katanungang ito ayon sa ating paniniwala. Magkakaiba man ng opinion at ng pinaniniwalaan ng bawat isa, mahalaga na atin na lamang respetuhin at igalang ang paniniwala ng iba upang ang III-Mg ating mga Final pananalig ay igalang din nila.

Chesedel Jobien M. Limlingan

You might also like