You are on page 1of 2

Ervic K.

Angeles 2009-78780

Ang Anomalya ng Ratings


Isa sa ako sa mga biktima nitong tyrant na audience rating. Paano ba naman lahat na lang yata ng mga palabas na gustong gusto ko at pinakaaabangan ko eh yun pa ang na tsutsugi. Siyempre, ang walang kamatayang rason (insert drum roll) .. mababa ang ratings. Korak! kaya naman mula pa noon ay abot langit na ang galit ko sa salitang ratings at tumindi pa pagkatapos kong basahin si Ien Ang sa ilang bahagi ng Desperately Seeking Audience. Tungkol ito sa dyanamikong relasyon ng telebisyon, advertising at mga audience nito. Naging partikular siya sa pagbubukod kung anu ang pinagkaiba ng consumer sa citizen; ng audience as market sa audience as public; ng commercial television sa public service television. Subalit, nilinaw din niya na maski malaki man ang pagkakaiba sa konfigurasyon ng dalawang nagtutungaling diskurso sa telebisyon ay may iisa itong sistema upang isalarawan ang kanilang mga manonood, at ito ay ang audience research. Subalit, katwiran ni Ang na ang sistema ng ratings ay walang makabuluhan o masusing katibayan sa pamamaraan nitong maipakita ang relasyon ng telebisyon sa audience nito bagkus ay isa lamang kinakasangkapang metodologo ng kapitalismo upang masuri kung gaano karami ang gumagamit ng telebisyon sa partikular na oras. Hindi ito maituturing na instrumento ng social science at mananatili lamang isang istratehikong kaalaman ng mga taga industriya ng telebisyon. Kaya mula rito ay masasabi natin na ang mga ratings ay hindi sapat na katibayan upang makilala natin ang mga manonood o audience. Unang-una, ay hindi ito tumpak o accurate. Ipinapakita lamang nito kung kailan nanonood ang mga tao. Tulad na lamang dito sa Pilipinas mayroong dalawang kumpanya na mapagkukuhaan ng ratings ang TNS at AGB na madalas ay mayroong magkaibang datos. Ayon na nga rin sa kanila mga tala ay household lamang ang kanilang sinusukat. Masasabi ba nating mas popular ang palabas na may dalawang kabahayan sumusubaybay na may tig dalawang tao kaysa sa iisang bahay laban sa palabas ng kabilang istasyon na may labing isang miyembro? Gayundin, ang mga pamamaraan nito. Reductionist, ito ang matatawag ko sa mga ratings. Tulad na lang sa aming bahay, bakit wala kaming people meter o kung anu-anu pang devices sa ratings gumagamit din naman kami ng telebisyon, nag kokonsumo rin naman kami pamilihan at kabilang din naman kami sa isang partikular na demographiya? Mula rito makikita natin ang anomaly ng ratings. Paano maisusukat ng matino ang mga audience kung tanging sample population lamang ang tinitignan. Dito papasok kung may siyentipikong basehan ba ang mga ratings, para sa akin ay wala. Bagamat ginagamit nitong kasangkapan ay istatistika, wala pa rin itong sapat na metodologo upang maisalarawan ang audience at kung paano ito naapektuhan ng telebisyon. Tulad na lamang ng ibinigay na

halimbawa ni Ang ay wala itong kakayahang magpakita ng hinaharap pagkat hindi ito tiyak o precise, pseudoscience nga kung tawagin. Dito papasok kung reliable nga ba ang ratings. Nakita na naman natin na hindi ito mapagkakatiwalaan. Mula sa pagsukat nito hanggang sa pagpapakita ng datos. Sabi nga ni Ang na tangi lamang nitong nililikha ang isang lipunang mala Utopia kung saan lahat ay nakabatay sa isang perpektong predictable na mga tao. Pagkat ang ratings ay wala naman talagang kakayahan na suriin, sukatin o alamin man lamang kung ano ba talaga ang palagay ng mga audience sa kanilang pinapanood. Argumento pa nga ni Ang na pinagmumuhkang objective ng ratings ang mga audience samantalagang subjective naman talaga ito. Kung susuriin tama si Ang batay sa epistemolohiya ng panonood ng telebisyon. Tulad na lamang sa bahay namin kung saan may mga palabas naman na pinapanood pa rin naming maski na sukang suka na kami sa istorya. Ngunit ang mga ganitong pananaw ay kailanman ay hindi maipapakita ng ratings. Itinuturing nitong walang muhka ang mga audience; walang kasaysayan; pare-pareho ang nararamdaman, ang karanasan, at iba pa. Kung gayon bakit patuloy pa rin ang ratings sa pagpapasiya sa kung ano ang lalabas sa ating mga telebisyon, bakit patuloy itong pinag-aawayan sa kung sino ang mas malakas? Tulad nga ng sabi ni Ang sa paradigma ng komersiyo. Ito ay isang panukat tila ruler sa kung saan itatapon sa partikular na oras partikular na istayon ang limpak-limpak na pera. Sapat na ang mag assume, sapat na ang mag hypothesize na sa tuwing manonood sila ay nakukuha nila ang mensaheng nais ipaabot na kani-kanilang mga screen. Kahit pa nagdudulot ito ng hegemonya, stereotype at walang kamatayang pormula. Hangga t milyon-milyon ang nagbubukas ng telebisyon pansinin man ito o hindi ay ayos lamang. Ang nais lang naman talaga ng industriya ay maibenta ang mga audience o commodity. Bilang pagtatapos isa sa hindi ko malilimutang pangaral ng ating ama ay laging hanapin ang long term solution. Ito rin ang iiwan kong mungkahi sa paggamit ng ratings, hanapin ang long term solution. Pagkat ang ratings ay datos lamang maaring maggamit sa kasalukuyan wala itong kakayahan masilip ang hinaharap at mas malalim na kaugnayan ng tao sa brodkast. Kung talagang seryoso ang kapitalismo sa paglikom ng mga audience bilang kanilang commodity marahil ang mas epektibo, mas scientipiko at mas kumplikadong pamamaraan ang kanila dapat pagbuhusan ng pansin upang mas mahawakan nila sa kanilang kamay ang kanilang mga audience. Ngunit, bilang tao, audience at nagmamahal sa telebisyon maari ko na rin i-mungkahi na kung maari ay waksiin na lang ito pagkat isa lamang ito diskurso na walang ibang hinahangad kundi kontrolin ang lipunan. Kung mas magiging epektibo ang audience research at gagamitin ito ng kapitalismo nakikinita ko na posible na mas tumindi pa ang stereotype, pormula, hegemoniya atbp. Ngunit bilang mag-aaral ay tanging hiling ko na lamang na huwag itong mangyari.

You might also like