You are on page 1of 4

42 - Ito ang aking kamatayan!

(Lalabas si Narciso sa screen, parang nagagalit na nagsisisi. ) Narciso: Ano kayang mga hirap ang darating sa akin? (Itatanong sa sarili habang nakatitig sa langit) (Nakatingin sa langit) Narciso: Bakit? Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa aming mag-asawa? Alam kong si Neneng ay isang mapagkakatiwalaan at mahinhing babae ngunit ano kayang bumabagabag sa aking pagtulog. Mga langit, ang isip ko'y liwanagan! (Habang naglalakad sa tapat ng kanilang bahay) (Pagkatapos ay uupo sa hagdanan) Narciso: Marahil, ito'y isang malaking tukso lamang (Pagkatapos nito ay aakyat siya, lalapit sa asawa at pagmamasdan ng buong giliw at ang mukha ay magpapakita ng tunay na kasiyahan) Narciso: Hindi, hindi sa kagandang iyan tutubo ang maruming asal, hindi rin sa kahinhinan niyang yan kakapit ang paglilihim. Kaya naman nararapat ko nang ipayapa ang aking sarili. (Biglang magigising si Neneng at sisigaw) Neneng: Nariyan ang asawa ko! (Ipapakita na nababangungot si Neneng sa kwarto, tapos babalik kay Narciso) (Tatakbo si Narciso sa kwarto) Narciso: Neneng! Neneng: Huwag, huwag (Babalik ulit sa pagtulog) Narciso: Neneng, huwag kang mangamba andirito lang ako (Biglang nagising si Neneng) (lalapitan ni Narciso at hihiga sa tabi ng kama) Narciso: Anong napanaginipan mo? (Hindi makakibo si Neneng, at parang nawalan ng malay-tao at pagulat na sumagot)

Neneng: Sochong! Ay! Bakit gising ka pa? Hindi ka ba makatulog (Bubuntunghininga si Narciso at di makapagsalita) Narciso: Ito ang aking kamatayan; ito ang marawal na tugtog ng masama kong palad. Sinong tampalasan ang ipinanganganib sa akin? (Uupo din si Neneng) Neneng: Bakit Sochong? nalulungkot ka ba? Narciso: Hindi. Neneng: Ay, bakit ka naghihimutok? Matulog ka na, ano ba ang masakit sa iyo? Narciso: Wala. (Hahawakan ni Nene gang noo ni Narciso, tapos ang pisngi) Neneng: Ay bakit matamlay ka at tila nahihirapan ang loob? Narciso: Hindi, Neneng Neneng: Mahiga ka na at tila malalim na ang gabi. Papaypayan kita, hane? Narciso: Huwag na. (Hihiga si Narciso sa papag, bigla siyang mapapaiyak, ikakandong ni Neneng at aaluin) Neneng: Sochong, mamamatay ako sa iyong paglilihim. Ipagtapat mo ang iyong nararamdaman. Bakit ka nagdalamhati nuong makita mo ako at bakit ka pa gising kanina? Sabihin mo sa ngalan ng pagmamahal mo sa akin. Narciso: Hindi ako nagdadalamhati ng panghihinakit sa iyo. Nahahabag ako kung ikaw'y madili-dili Neneng: Bakit? May nahahanda ka bang pag-api sa akin at kahahabagan mo ako? Narciso: Labis na minahal kita at akin kitang aapihin? Hindi, Neneng, iya'y pangarap mo lang Neneng: Nagkulang ba ako sa iyo? Narciso: Hindi pa, ngunit....

Neneng: Kung gayo'y magkukulang ako? Narciso: Aywan; ikaw ang makasusukat ng iyong loob. Neneng: Wala akong dapat ipagkulang. Narciso: At kung magkaroon, di magkukulang ka rin. Neneng Sa kalinisan ng pag-ibig ko ay di ako makapagkukulang. Narciso: At kung dumungis ang pag-ibig ko, ito'y isang palagay lamang, di may matwid ka na? Neneng: Sa ano? (titigil si Neneng sa pag-duyan at paghimas sa likod ni Narciso) (Narciso titingin sa mga mata ni Neneng) Narciso: Sa pagkukulang sa akin. Neneng: Hindi mangyayari ang gayon, at kung lumamig man ang loob mo sa pag-ibig, ay papagningasin kong ulit ang tunay na pagmamahal ko saiyo Narciso: Kung mahal mo ako, ay bakit lalamig ang aking loob? Neneng: Hindi kataka-takang magkagayon at marami sa pinagpala ang gumaganti ng masama. Narciso: Iyan din ang dahilan ng aking pagkahabag saiyo. Neneng: At gagantihan mo baga ng pahirap ang pag-ibig ko? . . . . . . . (Sa isang bahay, Narciso at Nena?)

N1:Bangon na't lalamig ang kakanin mo. Nar:Napakaaga mo namang nagluto ngayon, N1: Ito man lamang ay makapag-iba ng masama mong tangka sa akin eh.

{black out}

You might also like