You are on page 1of 4

SELDA

January 1, 2001.

Ate, bakit kayo pumatay? tanong ko sa babaeng nasa loob ng rehas na bakal. Ako si Angela. Kasama ko ang mga kaklase ko sa pananaliksik tungkol sa mga kaso sa mga bilangguan. Dahil sa pagmamahal. sagot nya. Nagulat kaming grupo sa sinabi nya. Hindi naming inaasahan nay un ang dahilan kung bakit sya nasa loob ng isang maruming selda. Bakit po ganun? tanong ng kasamahan ko. Ayoko ng magkwento. Tangging sagot nya sabay yuko. Nandito po kami para making. Sabi ko habang pinagmamasdan ang kanyang mahabang buhok. Tumingin sya sa akin. Nagkatiniginan kami sa mga mata. Kitang kita ko yung lungkot nya. Yung pighati. Yung pagsisisi. Sa totoo lang. Hindi ko naman talaga sinsadya yung mga nangyari. Nabulag lang ako. Dahil sa pagmamahal. Masyado akong nagmahal at nasaktan. Tandang tanda ko pa kung paano nagsimula ang lahat. ..................... Jeff, Babe? tawag ko sa boyfriend ko sa baba ng apartment nya. Naiinis na ko. Hindi ko alam kung san sya nagsuot o kung talagang pinagtataguan nya lang ako. Kanina pa ko naghahanap. Hindi ko sya makontak. Ayaw mag reply. Nakaka-init ng ulo. May narinig akong ingay sa taas. Sigurado. Nandito sya. Nagpasya akong pumasok sa loob. Walang ilaw. Nagtaka ako. Pumunta ako sa kusina para buksan yung ilaw. May nakita akong bag. Bag ni Jeff. Andito nga sya. Umakyat ako sa hagdan. Pag akyat ko, may narinig akong musika. Theme song namin. Nothings gonna change my love for you. Natuwa naman ako sa narinig ko. Dagli dagli akong umakyat. Pero may kakaiba akong ingay na narinig. Parang ungol ng dalawang tao. Yun bang ungol ng nagtatalik.

Kinabahan ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo palayao sa apartment nya pero nanaig sakin ang kuryosidad. Tumakbo ako paakyat sa kwarto nya. Huminga ako ng malalim at binkusan ang pinto. Nagulat ako sa tumambad sakin. Nakita ko si Jeff na nakahiga at may nakapatong na babae. Hindi ko nakilala yung babae. Nakatalikod kasi. Bigla akong sumigaw. Paano mo nagawa sakin to? Nagulat silang pareho. Paglingon nung babae. Mas lalo akong nagulat. Si Bettina. Kababata ko at kaibigan kong matalik. Nanigas ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta ang alam ko, nasasaktan ako. Para akong tinutusok ng kutsilyo sa dibdib sa sobrang sakit. Hindi ko to kaya. Lumapit si Bettina sakin. Dianne? Dianne, Im sorry. Naiiyak na sabi nya habang papalapit sakin.. Sorry? Anak ng tokwa! Paano nyo nagawa sakin to? Anong klase kang kaibigan? Nagtiwala ako Jeff. Hindi pa ba ako sapat? Lumapit si Jeff sakin. Hinawakan yung kamay ko. Lumuhod sa harap ko. Babe, Im sorry. Lasing kaming pareho. Nakita ko nga yung mga nakakalat na bote. Hindi pa rin tama yung ginawa nila. Hindi ako sumagot sa sinabi nya. Napakawalanghiya nya. Walanghiya silang dalawa ni Bettina. Binigay ko sa kanya ang lahat. Ang lahat lahat. Pagkatapos, ito lang ang igaganti nya sakin? Nasan ang hustisya dun? Wala na nga akong tinira sa sarili ko.

Tumingin ako sa tiyan ko sabay hawak dito. Nakita kong nagulat si Jeff. Ganun din si Bettina. Pero biglang nagdilim yung paningin ko. Parang gusto kong pumatay ng tao. Dahan dahan kong kinuha mula sa bag ko yung baril na bigay ni Jeff.

Boom!! Boom!! ............. Nagulat ako ng biglang umiyak si Dianne. Hindi ko sinasadya. Alam nilang dalawa na hindi ko sinasadya. Mahal na mahal ko sila. Humahagulgol na sabi nya.

Pag kayo ba ang nasa sitwasyon ko, maiisip nyo rin ba yung nagawa ko? Pagpapatuloy na sabi nya. Hindi kami sumagot. Nag isip lang ako. Napaisip ng mga bagay bagay. Pag mahal mo nga naman talaga ang isang tao, ibibigay mo lahat sa kanya. Pati sa sarili mo wala ka ng ititira. Pero ganun ba talaga dapat? Mawawala ang tunay na ikaw kasi may mahal kang tao? Nakatitig lang ako sa kanya. Awang awa sa kalagayan nya. Hindi ko na napigilang magtanong. Buntis po ba kayo? Tumingin sya sa akin. Tumigil na sya sa pag iyak. Wala ng tatay ang magiging anak ko. Nagkatinginan kaming magkaka-grupo. Wala pa ring nagsasalita. Nang sa wakas, naisipan ko ng magpaalam. Tumayo kami at nagpasalamat. Ngumiti at kumaway. .............. Hindi ko pa rin lubos maisip na wala ng tatay yung magiging anak nya. Pano sila? Pano sila sa selda? Tumutulo na ang luha ko. Nagtataka na ang mga kaklase ko. Naiisip ko lang kasi yung bata. Wala na syang ama. Ayokong matulad sya sakin. Dahil alam ko kung gaano kasakit mabuhay ng walang tatay na nag aaruga at nagkakalinga sayo. Hindi ako titigil mula dito. Tutulong ako. Hindi dail sa pabor ako sa ginawa ni Dianne, kundi nagmamalasakit ako sa bata. Dadalaw ulit ako sa kanya. Pangako, dadalaw ulit ako.

January 5, 2001.

Excited akong puntahan si Dianne. Naghanda ako ng mga prutas at pagkain. Kailangan maging malusog sya at malakas. Hindi ko na inisip ang gasto. Basta ang alam ko, gusto kong tumulong. Lumabas na ko ng kwarto. Pumunta sa sala at nag ayos ng dadalhin. Nanunuod sila Mama ng balita. Bigla na lang silang tumingin sakin. Nang bigla kong narinig ang sinasabi ng newscaster. Breaking news. Kakapasok lamang po na balita. Isang babae sa New Bilibid ang natagpuang patay kaninang medaling araw. Ang babae ay nagngangalang Dianne

Rodriguez at kasalukayang ng dinadala sa morgue. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga pulisya ang dahilan kung bakit nagbigti ang naturang babae.

Fades . . . . . . . . . Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Ang mga tao talaga ay hindi mo kayang basahin. Hindi mo malalaman kung anong pinagdaraan nila kung hindi ka magtatanong. Minsan, kailangan lang ng pang unawa ng mga tao. Kailangan lang nila ng respeto at pagmamahal. Sa lahat ng alam kong mga relasyon. TIWALA ang tangi nilang pundasyon. Pag ito ang nasira. Mahirap na itong mabuo. Para itong salamin na nabasag na kahit anong pilit mong pagbuo, alam mo sa sarili mong may lapat na.

You might also like