You are on page 1of 2

Music Video

St
Starring Reymel dela Cruz Candy Rosell Vero Supporting Cast Erwin Candellario May Ann Somera Patrick Bisis John Walter Galicia Edgar Kevin Bautista Diana, Alester and others

Writer: Eugine Nisperos Director: Eugine Nisperos Camerawoman: Mary Ann Rose Gonzales Video Editing: Reymel dela Cruz

First Scene (~10-15 sec): Isang maulan na umaga, naglalakad ang isang lalaki papasok ng kanyang klase wala siyang dalang payong kaya naman tumakbo ito upang hindi mabasa, may nakita siyang isang gusali na walang gaanong tao kaya naisipan niyang pumunta upang sumilong rito. Hindi lang naman siya ang tao roon may babae ring nakatayo malapit sa kanya na medyo basa narin sa ulan, nagupunas ito ng braso dahil sbasa sa ulan. Naisipan ng lalaking pahiramin ito ng panyo upang magamit ng babae sa pagpunas. Tinanggap naman ito ng babae. Yumuko ang lalaki upang pagpagin ang buhok nang mapansing walang sapin sa paa ang babae. Second Scene (~20-30 sec): May mangilan-ngilan ng estudyante sa silid-aralan. Papasok na ang lalaki, ng nasa pinto na siya ay huminto muna upang pagmasdan ang kaklase. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa silid, nang makaupo ay agad na naglabas ng aklat upang basahin. Sa abala hindi niya napansin na may nakaupo na sa katabing upuan sa kanyang kanan. Nilingon niya ito. Isang babae, pamilyar, inalala ito ng lalaki. Sa pagtutugma ng memorya, ito ang babaeng pinahiraman niya ng panyo kanina. Tinanong niya ito.
1

Music Video

Dito rin pala ang klase mo? Sumagot ang babae Oo May kumalabit sa likuran ng lalaki. Nang lingunin niya ay ang isa pa niyang kaklase, nagtanong ito. Ayos ka lang pare? Tango lang naman ang isinagot ng lalaki. Third Scene (~30-40 sec): Naglalakad ang lalaki, dadaan ito sa tapat ng auditorium, nasa harapan rin ng auditorium ang ibang kaklase ng lalaki. Nang malapit na siya sa harap ng auditorium, nakita na naman niya ang babaeng pinahiraman niya ng panyo. Hinabol niya ito upang sabayan. Nahabol niya ang babae nang nasa gitna na sila ng harap ng auditorium. Hinawakan niya ito sa balikat, nilingon siya nito at ngumiti. Ngumiti rin ang lalaki bilang sagot. Maaari bang sumabay? tanong ng lalaki. Tango lang naman ang isinagot ng babae. Nang lingonin niya ang mga kaklase niya ay tila nagtataka ang mga ito. Nginitian lang naman niya ang mga ito. Forth Scene: Nasa bleacher ang lalaki kasama ang babaeng pinahiraman niya ng panyo, nagpapakiramdaman. Hanggang sa dumating ang mga kaklase nila. Bumati ang mga huli sa lalaki, bumati rin naman ito. Nang lingunin niya ang kasamang babae ay wala na ito sa pwesto niya, tumayo ito upang tanawin ang ibang parte ng gusali ngunit wala na rin ito. Tinanong niya ang mga kaklase niya. Nakita niyo ba yong babaeng kasama ko kanina dito? sabay turo sa pwesto ng babae kanina. Umiling lang naman ang mga ito na may halong pagtataka. Naupo siya at nag-isip. Tila nag-flashback lahat ng pangyayari simula ng makita niya ang babae. Repetition of Scenes; First forth scene without the girl. Last Scene (~XXX): Nakaupo ang lalaki sa bleacher na nakatanaw sa kalangitan, pinapanood ang mga bituin.

You might also like