You are on page 1of 2

Ang Tunay Kong Kaibigan

Ang tunay kong kaibigan di ako iiwan Hihintayin ako magpakaylanman Saan man ako magmunta, siyay malapit Dahil siya ay tunay kong kaibigan Ang tunay kong kaibigan ay laging nariyan Tuwing siya ay aking kailangan Dadamayin ako sa oras ng kalungkutan Dahil siya ay tunay kong kaibigan Ang tunay kong kaibigan ay maaasahan Sa pagtago ng sekreto kami lang ang may alam Siyay laging nagbabantay ng aking likuran Dahil siya ay tunay kong kaibigan Ang tunay kong kaibigan ay mahal akong tunay Tanggap ako bilang ako at hindi bilang sino man Siya ay laging nasa aking kalooban at hindi malilimutan Mahal ko ang aking tunay na kaibigan

You might also like