You are on page 1of 2

PAUNANG SALITA Ang paunang salita ay isa sa mga parte ng libro na hindi naisama sa paglilimbag Ito ay nakahandog sa Mga

Mga Pilipino at kanilang Pamahalaan. Ipinaparating sa pinakasimula nito na ang maling kahulugan ng pilibustero kayat ang pilibusterismoy kinatakutan. Kailangan natin itong harapin at hindi na paniwalaan ang kung anu-ano pang mga mitolohiya. Haharapin ito sa pamamagitan ng determinasyon kung hindi man kasanayan. Ang tinutukoy niyang mekanismo ng kalansay ay ang perspektibo na ang pagagalawin niya ay ang mga nakakataas na opisyal at hindi ang mga karaniwang tao. (Kaiba ito sa Noli.) Sa pagtatapos ng paunang salita ay inihambing ito sa isang mag-aaral ng Sais. Magiging malaya rin tayo kapag nalaman natin ang katotohanan, pagbayaran man natin ang mangyayari dahil sa pag-alam natin nito.

ang ilang mga katauhan sa nobela. (gaya ng Simoun = Ibarra) Ito ay ginawa niya para sa mga taong nag-eespiya sa kanya at para rin sa pamahalaan. Kahit ginawa niya ito ay nasa layunin pa rin niya na maipahayag ang mga suliranin ng bayan na nangyayari rin nung mga panahon na iyon.

INSKRIPSYON Ito ay isinulat ni Ferdinand Blumentritt na hindi matatagpuan sa maraming edisyong salin sa Ingles. Patungkol ito sa lihim na nahihikayat ng isang pilibustero ang mga tao upang magawa ang kanilang layunin, ang mapalawak ang kaisipang ito at mahikayat ang lahat ng Pilipino dito. Nagsimula ang El Filibusterismo sa eksena kung saan ang Bapor Tabo ay naglalakbay mula sa Ilog Pasig ng Maynila patungong Laguna. Disyembre noong mga panahon na iyon kayat lulan ng mga barko ang mga estudyanteng nagbabakasyon (Isagani at Basilio) Nandoon rin si Donya Victorina, Padre Salvi, Paulita Gomez, Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Irene, Padre Sybila Don Custodio at si Simoun. Nang papalapit na ang Pasko ay binisita ni Basilio ang puntod ng kanyang ina, hindi niya inaasahan na makikita

BUOD

BABALA Ang babalang ito na ginawa ni Rizal ay para sa mga nagnanais pang tumuligsa ng libro. Isinasaad dito na magsasayang lang ng panahon at mga bagay na kanilang panghahawakan para kalabanin ito. Tinutukoy niya rito ang mga prayle na ginagamit ang aral pang-religiyon upang huwag itong basahin ng mga Pilipino. Inilagay rin niya rito ang mga rason kung bakit niya binago

niya rito ang taong nakita rin niya 13 taon na ang nakalipas, si Ibarra/Simoun. Hindi pinatay ni Simoun si Basilio at hinikayat pa ito sa kanyang balak (ang udyukin na gumawa ng kasamaan ang mga nasa nakakataas sa lipunan upang mag-alsa ang mga tao) ngunit tumanggi si Basilio. Nang muli pang himukin ni Simoun na si Basilio na kunin si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara ay dito niya nalaman na patay na pala ang dalaga. Hindi na sinipot ni Simoun ang kanyang mga kinausap para sa himagsikan. Nakulong sila Basilio at ang kanyang mga kasamahan sa kilusan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Humingi ng tulong si Huli kay Padre Camorra para mapawalan sina Basilio, ngunit ito ay pinagsamantalahan at sa huliy nagpatiwakal din sa pagtalon sa kumbento. Si Simoun na ang tumubos kay Basilio sa kulungan. Kusa ng sumapi si Basilio kay Simoun dahil sa pagkakakulong niya. Kasama na rin dito ang mga taong naging biktima din ng mga kalupitan ng pamahalaan (Hal. Kabesang Tales) Iniwan ni Paulita si Isagani dahil sa pagsuko ng sarili ni Isagani sa bilangguan. Si Paulita ay magpapakasal na lamang kay Juanito Pelaez. Dahil sa kasalang ito ay nabuo ang plano ni Simoun na pasabugin ang pagdarausan ng kasal (Bahay ni Kapitan Tiyago,

pag-aari na ni Don Timoteo sa tulong na rin ni Simoun). Ihahandog niya sa ikakasal ang lamparang naglalaman ng dinamita. Kapag ito ay sumabog na, iyon na ang magiging hudyat ng malawakang himagsikan sa Maynila. Alam ni Basilio ang kabuuan ng plano ni Simoun. Kayat ng makita nito si Isagani na nakatingin kay Paulita sa bahay ay ipinagtapat nito kay Isagani ang planong pagpapasabog ni Simoun. Nang makita na ni Isagani na lumamlam na ang lampara ay dali-dali niya itong sinunggab at inihagis sa ilog. Nabigo man dito si Simoun ay natuklasan pa rin ang kanyang tangka kaya siya ay tinugis ng mga makapangyarihan at pati rin ng mga maghihimagsik na dalawang beses niyang isinubo sa panganib. Siya ay nagtago sa bahay ni Padre Florentino at ipinagtapat niya ang lahat dito. Uminom siya ng lason pagkatapos. Pagkamatay niya ay inihagis ni Padre Florentino ang sisidlan ng kanyang kayamanan sa Dagat Pasipiko upang hindi na makapag-udyok ng kasamaan. WAKAS

You might also like