You are on page 1of 1

PATAYIN SA SINDAK SI ANASTASHA -Vladimeir Gonzales

Kung bakit magandang talakayin ito sa klase ay dahil nakakatawa sya. Ang sarap nyan gawan ng short play na may magandang lapat ng komedya at pagdadala ng gagaganap. Kung tutuusin, napakawalang makasaysayan ng kwento dahil halos hindi mo maiintindihan kung ano talaga ang nangyari dahil walang katapusan ang naganap, madaming katahimikan sa pagitan ng mga eksena. Ganunpaman, nakakatuwa sya at nakakatawa o baka medyo korni. Siguro ang nababagay napaglalarawan dito ay isang likhang punong-puno ng imahe at katuwaan sa buhay. Naroon ang romansa, aksyon, suspense, komedya at kung anu-ano pa. Kumpleto na sa rekado! Kung maitatanong nyo naman ano naming kahalagan nito sa pag-aaral, simple lang, hindi lahat ng tao na bibiyaan ng kagalingan sa pagsusulat para maipublish sa isang libro. Ibig sabihin, magaling at maganda talaga ang may-akda. Magandang pag-aralan ang mga ganitong gawa lalo na sa aspetong Kulturang Popular dahil hindi nawawala sa tao ang maging malikhain lalo na sa Panitikan. Mas ibayong nailalahad ang damdamin at talent sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit at sa mga pagsasalarawang nakapaloob sa bawat kwento. Kaya nga madalas na sa mga pelikula ay kinukuha pa nila mula sa mga nobela na paniguradong makakakuha ng atensyon mula sa masa. At mas malalaman pa ang kagandahan ng akdang ito kung mas mapagtutuunan ng pansin sa isang mas malawak na talakayan.

You might also like