You are on page 1of 1

Muling Paglalakbay Joyce Catacutan 11107928 Isang mahabang paglalakbay ang muli kong tinahak Mga bagong larawan

ang pikit-mata kong nasilayan Hiling ko lang naman, sa aking isipan ay tumatak Matandaan, at huwag sana ito maglaho ng tuluyan

Sa aking pagdating sa lugar na patutunguhan Isang tinig ang naghudyat nitong katapusan Totoo mang labag sa aking kalooban, Ang masayang paglalakbay, nagwakas na naman

Ako ba y handa na? Ang tanong sa sarili O nais pang lumayo ang aking paroroonan Ako y napatigil, napaisip at agad na namili Subalit humadlang ang likas na katamaran

Walang isang iglap at hindi ko na namalayan Sa aking pagpikit nawala na sa kasarinlan, Nagbalik na ako sa paglalakbay na naiwan At sa aking unang klase, tiyak huli na naman

You might also like