You are on page 1of 2

I.

Panimula

A. Paglalahad ng suliranin: Mahirap na masarap ang pagbabarko. Ang buhay ng isang marino ay napakakumplakado, kailangan naming makipagsapalaran sa ibayo ng dagat at higit sa lahat ay ang mapalayo sa minamahal namin, gayon pa man sa kabila ng hirap at sakit na mapalayo sa aming pamilya tinitiis namin upang mabigyan ng masagana at matiwasay na buhay sa hirap ng buhay, ang pagbabrako ay napakahirap lalo na kailangaan naming mapalayo. Sa mundong ating ginagalawan ang galing at talino ng tao ay sadyang nasusubok, kahit malayo ka man sa iyong minamahal ang pagmamahalan at komunikasyon ay nanatili upang makamusta ang iyong mga minamhal salamat sa napakaagong imbesyong tulay para magkaroon ng kumunikasyon ang bawat isa, dahil sa galing at talino ng tao dito nabuo ang mga satellite communication devices na naglalayong makatulong upang magbigay daan sa pangungulila ng bawat isa. Sa makabagong panahon kung saan tayo ay nabubuhay lahat ay pwede dahil sad ala ng mga makabagong teknolohiya.

B. Kahalagahan ng pag-aaral: Layunin ng pag aaral na ito upag maintindihan ang buhay at paraan ng kumunikasyon ng mga marino sa ibayonng dagat at layunin ng pag aaral na ito ipakit ang mga kagandahang naidudulot ng mga satellite communication devices sa buhay ng mga marino at nating lahat. Ang mga resulta at kakalabasan nito ay ibabahagi sa sumusunod: Mga mag aaral ng JBLCF. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maintidihan ng mabuti ang mga pamamaraan at importansya ng communication satellite devices upang magkaroon ng motibo sa pag aaral ng mga satellite devices.

You might also like