You are on page 1of 1

DOHA: Ilang courier companies sa Qatar ang inirereklamo ng maraming kustomer dahil naaantala ang mga ipinapadala nilang

bagahe at ibang kargamento. Sinisisi naman ng mga operator ng mga courier companies ang mga awtoridad sa Customs dahil matagal bago aprubahan ng mga ito ang mga consignments. Ipinahiwatig naman ng ilang taong nasa negosyong courier na magkaroon ng mga bagong patakaran sa courier trade sa bansa. Isang impormante sa isang major courier firm ang nagsa bing inuupuan umano ng mga opisyal ng Customs ang mga courier consignment kaya naantala ang pagpapadala ng mga bagahe o package o iba pang kargamento ng kanilang mga kustomer. Nakatambak lang sa customs department ang napakaraming courier consignments, ayon sa impormante na nagsabing, bilang isang empleyado ng isang malaking courier firm, arawaraw siyang nagtutungo sa nasabing departamento. Ayon sa mga impormante lokal na courier business, pinapatawan lang ng customs duties o buwis ang mga dumarating na kargamento na nagkakahalaga ng mahigit na $500 o mahigit pa na inorder ng mga kumpanya (hindi ng indibidwal). Pero maaari umanong bumaba ang customs levy sa bawat corporate parcel kapag nagkaroon ng bagong regulasyon. Ang isang kumpanyang tumatanggap ng isang courier ay maaaring pagbayarin ng QR250 hanggang QR260 bawat consignment kahit ano pa ang sukat. Ito ang naririnig namin sa mga customs official, sabi ng impormante. Ang isang indibidwal naman ay maaaring hindi pagbayarin ng customs duty para sa dumarating na pakete o parcel. Itinanggi ng mga impormante na seguridad ang dahilan ng pagkakaantala sa pagpapadala ng mga kargamento dahil bawat pakete ay dumaan na sa security. Hindi pa makuhanan ng reaksyon ang customs department pero mainit na pinagdedebatihan sa komunidad ng mga Qatari ang isyu. Sinasabi ng mga tao na nagpoposte ng komentaryo sa mga Qatari social networking sites sa internet na nakakadismaya ang pagkakaantala sa pagpapadala ng mga pakete o kargamento dahil tumatagal nang ilang linggo at hindi ng mga araw. Sinasabi ng ibang tao sa sites na ipinahihiwatig sa nasagap nilang impormasyon na ipapataw ng customs department ang bagong regulasyon kaugnay sa mga courier companies at consignments. Narinig namin na para sa interes ng publiko ang ipapatupad na bagong mga patakaran dahil sa naaantalangn mga courier deliveries, sabi ng isang komentarista.

Bagong patakaran sa courier ipapalabas?


Doha- Matagumpay ang pagbubukas ng 3rd Sarong Boses Qatar Invitational Basketball League sa Al Wakrah Sports Stadium noong Pebrero 17, 2012. Panauhing pandangal sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Welfare Officer Danny Flores na nagbigay ng talumpati sa harap ng 16 na koponan na hinati sa dalawang bracket, team officials, league organizer, ang Sarong Boses QatarUnified Bicolanos at ang officiating group na Samahang Basketbol ng Pilipinas-Qatar chapter. Ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) Deputy Labor Attache na si Violeta Illescas naman ang nagsagawa ng ceremonial toss. Nagkaroon ng masayang pagbubukas sa pagbibigay ng masayang sayaw ng sikat na Beats n Bytes Dance Troupe ni Rocky Lumicao.

PEBRERO 20, 2012

MIDDLE EAST NGAYON

Sarong Boses Cup Season 3 binuksan


Sa ginanap na pre-tournament competition, nanalo ng Best Muse si Rona Angeline ng Al Emadi team samantalang inuwi naman ng Paris Gallery ang Best Team Uniform. (Manny Camato)

Nagbigay ng mensahe si OWWA Officer Danny Flores

Sarong Boses Cup 3 Table Officials

Kasalukuyang inihahanda sa Bahrain ang isa sa pinakamalaki nitong taunang fundraising events, ayon sa isang ulat ng Gulf Daily News. Takdang idaos sa Al Bander Hotel and Resort sa Sitra sa Abril 6 ang 36th Charity Raft Race na pinamamahalaan ng Rotary Club of Salmaniya. May 26 na koponan ang kalahok sa okasyon noong nakaraang taon na nakakalap ng BD20,000. Inaasahan ng mga organiser na aabot sa 30 koponan ang magpapalista ngayong taong ito. Ang makokolektang pondo ay ipagkakaloob sa mga kawanggwang organisasyon o institusyon laban sa sickle cell disease, ayon sa tagapangulo ng organizing committee na si Khalid Turk. Umaasa kaming makakakolekta kami ngayon ng BD30,000 para malabanan ang sickle cell disease, sabi pa niya. Dalawang klaseng karera ang gagawin sa okasyon. Ang isa ay para sa kalalakihan sa open waters sa resort at halo-halong aktibidad sa lagoon area. Bawat koponan ay may 10 miyembro. Walo ang nasa raft at dalawa bilang reserba. May bayad na BD350 ang pagpasok ng bawat koponan. Ang mga rafts o balsa ay ilalaan ng rotary club habang ang mga kalahok na koponan ay magpapraktis at dadalo sa training session isang buwan bago isagawa ang karera. Nauuwaan naming mahirap ang buhay ngayon, sabi ni Turk. Tanggap naming mahirap makakuha ng pera sa mga kumpanya para makibahagi o maging sponsor sa okasyon. Pero meron pa ring mga nangangailangang pamilya at mga bata kaya sinisikap naming makakalap ng donasyon. Idinagdag niya na ang karera ay magiging isang araw na katuwaan para sa mga pamilya at libre ito sa mga gustong manood. Ang raft race ay unang sinimulan noong mga taong 1970 at, mula noon, mahigit BD2 milyon ang nakalap ng mga kalahok at naipagkaloob sa mga proyektong tulad ng Isa Town Rehabilitation Centre, Health Ministry, Al Noor Institute, Uco Parents Care Centre at Bahraini Society for Mental Retardation.Ilang kumpanya ng pamahalaan, banko, hotel at negosyo ang nagkaroon ng kinatawan sa 26 na koponang lumahok sa okasyon noong nakaraang taon.

Bahrain naghahanda sa taunang raft race

Ang mga pamilya ng FODQ (Filipino OFW Doha Qatar) ay nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang araw ng mga puso noong Pebrero 10, 2012. Ito ay isinagawa sa tahanan ni Rose na isa sa mga miyembro ng grupo at matatagpuan malapit sa Doha Clinic/Food Max. Ang FODQ ay isang community page sa social networkingsite sa internet na Facebook at may layuning malunasan ang homesickness o pangungulila ng ating mga kababayan na malayo sa kanilang mga pamilya. Ang grupo ay nakikiisa rin sa ibat-ibang organisasyon sa pagsasagawa ng mga aktibidad at pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng social media. Isa sa malaking okasyon Your Global Remittance Partner na nilahukan ng grupo ay ang kampanya upang NGAYON ANG PALITAN / HALAGAHAN manalo ang Puerto Princessa Underground NG PERA SA PILIPINAS River sa 7 wonders of Nature. Ang pagtatala sa pangalan ng mga bisita ay nagsimula sa ganap na alas-dose ng tanghali samantalang ang programa naman ay nagsimula sa ganap na 1:20PM sa pangunguna ni Joseph na mas kilala bilang Doc Tongek. Pinangunahan naman ni Ma. Leonora ang panalangin ng grupo at ito ay sinundan ng pagMGA PRODUKTONG AYON SA PADALAHAN: papakilala ng mga miembro ng FODQ. Ikinagalak ng bawat miyembro ang lahat RCBC ng mga larong inihanda. Isa-isa ring tinawag BANCO DE ORO ang mga bisitang lalaki upang bigyan ng pagBPI kakataon na mag-abot ng bulaklak at tsokolate IREMIT sa mga mapipili nilang bisitang babae. Naging PHILIPPINE NATIONAL BANK bahagi din ng programa ang pagpili sa isang ASIA UNITED BANK lalaki at babae bilang magkapareha sa pagsaliw sa isang himig ng pag-ibig at upang pagkalooban ZAMAN REMIT ng handog bilang alaala sa okasyon. METRO BANK Damang-dama pa rin sa puso ng bawat isa MGA SANGAY NG AMING KUMPANYA: hangang ngayon ang kasiyahan na iniwan ng Souq Najada Lulu Hyper Market Sanayya(Street 17) okasyon sa mga miyembro. Ang okasyon na Near Arab Roundabout D-Ring Road Opp. White Rose Hypermarket isang beses lamang sa loob ng isang taon Tel:+974-44441448 Tel: +974 44670490 Tel: +974-44510088 isinisagawa ay nag-iwan ng makabuluhan at Mob:+974-55548977 Mob:+974-66005388 Mob: +974-66002133 Al Khor Matar Qadeem Al Meera-Mansoura hindi malilimutang alaala para sa mga miyembro Al Meera Road (M & J Building) Near Ahlibank Al Meera Opp. Sulaiman Jewellery Tel: +974-44357552 ng FODQ. Ito ang naging pagkakataon para Tel: +974-44213444 Mob: +974-55993103 Tel: +974-44655559 sa bawat isa upang maipadama ang kanilang Mob: +974-66002265 Mob: +974-66041377 pagpapahalaga sa mga mahal nila sa kanilang www.alzamanexchange.com buhay. (Mula sa Balitang Q)

FODQ nagtipon para sa Araw ng mga Puso

12.10

VISA AVAILABLE FOR FILIPINO / KABAYAN

COME AND VISIT OUR OFFICE FOR MORE INFORMATION

LUSAIL TRAVEL, Bin Mahmoud Area


Tel: 44317812 / 44374384/ 44313854 Contact Person : Divine and Lanie Email : info@lusail-travel.com

You might also like