You are on page 1of 1

Ana Elvira S.

Fajardo

H-249

March 7, 2012

Ang Barkada Sa isang kolehiyo sa Maynila, mayroong apat na magkakabarkada. Ito ay sina Pia, Francezca, Mariz, at Emily. Simula pa noong 1 st year college sila ay magkakasama na sila. Silang apat ay magaganda at matatalino. Si Pia ang pinakamabait sa kanila. Siya din ay mapagkumbaba at maasahan sa kahit anong bagay. Siya ang tipong kaibigan na gusto mo laging kasama dahil marami kayong mapagkukwentuhan. Si Francezca naman ang pinakamayan sa magkakabarkada. Kapag lumalabas sila ay minsan wala nang gastos sina Pia, Mariz at Emily dahil lagi niya itong nililibre. Isa siyang spoiled brat na maituturing pero siya ay mabait at matulungin sa kapwa. Si Mariz naman ang pinakamatalino sa kanila. Mahilig siyang magbasa at mas may alam siya sa mga bagay bagay. Kapang may problema sa mga takda sina Pia, Francezca at Emily ay tinutuuan nia ito. Kagaya ni Pia ay maaasahan din siya sa kahit anong bagay. At si Emily naman ay ang pinakamaingay sa barkada. Hindi siya nauubusan ng mga kwento at para bang hindi siya napapagod sa kasasalita. Masaya din siyang kausap. Minsan nga lang ay may pagkaprangka siya at hindi na niya alam na may nasasaktan na siyang iba. Pinapagpasensyahan na lamang ito ng tatlo. Kahit ganoon ang ugali ni Emily ay masayahin ito at minamahal siya ng maraming tao. Ang barkada nila ay maituturing na pinakamasayang barkada. Pero siyempre, hindi naman mawawala sa isang barkada ang mga galitan at tampuhan. Minsan na rin itong naranasan nila Pia, Francezca, Mariz at Emily. Ang maganda dito ay bago matapos ang araw ay napaguusapan naman ng maaga ang mga problema nila at nagkakasundo rin sila o di kaya sa text sila maguusap. Para hindi sila masyado nagkakagulo ay kung mayroon mang sinabi o ginawa sila sa isat-isa ay nagpapakiramdaman muna sila at kinakausap ang isat-isa para madali silang magkasundo. Halos lahat na in ng hindi pagkakaintindihan sa isang barkada ay naranasan na rin nila. Tapat, may tiwala sa isat-isa, at pagmamahal ang susi nila sa kanilang pagkakaibigan. Hindi man maituturing na perpektong samahan ang kanilang barkada ngunit ang lahat ay nandiyan kapag may problema o may kailangan ang isa sa kanila. Para kay Pia, Francezca, Mariz, at Emily, ang tunay na barkada ay nandiyan pa rin kung ikaw ay may pinagdadaanan na kung ano mang problema hindi nandiyan kung sila ay may kailangan lamang sa iyo.

You might also like