You are on page 1of 1

Antonio, Beatrice Aratea, Jasmine Baria, Carla Katrin Cabiles, Maria Anna Fe Dela Cruz, Bianca Shermaine Guadana,

Sean Mikael Javiniar, Von Yrenz History of Philippine Medicine (Chapters 1 to 6) Ang Pilipinas ay nakaranas ng maraming suliraning pangkalusugan sa mga nakalipas na panahon, ang mga Kastila ay nagkibitbalikat sa tunay na kalagayang medikal ng mga mamamayan, nagkalat ang epidemya ng mga sakit kasabay ng giyera ng mga katipunero para sa kalayaan ng bansa. Sa pagpasok ng mga Amerikano, nagsimula ang malawakang pag-babago sa medical na kamalayan ng mga tao. At noong mga panahong iyon ang estado ng kalinisan at sanitasyon sa bansa ay nabansagang shocking in the extreme. Naging malawakan ang epidemya ng cholera, typhoid, small pox at plague. Sa panahon ng mga Amerikano ay naitatag ang UP-PGH na maganda dahil ito ay nagsilbing ospital ng masa na paunti-unti ay iniiwan na ang tradisyunal na pamamaraan ng pang-gagamot. Sa aming palagay ang mga Amerikano ay ang nagbago sa kalagayang medical ng Pilipinas, ang mga epidemya ay nabawasaan at kinalaunan ay may tuluyan nang naglaho tulad ng small pox na minsan ay nagging malaking suliranin ng mga tao sa buong mundo dahil ito ay walang lunas noon, kung susukatin ang pag-okupa ng mga Amerikano ay nakatuon sa pag-papabuti ng kalagayag siyentipiko ng bansa dahil ditto nag-umpisa ang mga ahensya at samahan na naglalayong mapalawig ang sakop ng siyensya sa bansa. Amin ding nalaman na ang kalagayan ng edukasyong medical ay mabilis na nagbago sa panahong ito, kung dati ay UST lang ang may kursong medisina noong panahong iyon ay naitatag ang UP-PGH sa tulong ng mga gwardyang Amerikano. Sa pag bubuod, kasabay ng mabilis na pag iibang anyo ng bansa sa aspetong political at kultural, mabilis ring ngabago ang kalagayang medical ng bansa sa tulong ng mga Amerikano na ninsang naupo sa pamahalaan, at sa panahon natin ngayon, kung gagamitin ang mga diskarteng pinakilala ng mga Amerikano, magiging patuloy ang mabilis na pag-unlad ng aspetong medical ng bansa na sa kasulukuyan ay mas mahirap pa sa daga kung ikukumpara sa mga kalapit na bansa natin.

You might also like