You are on page 1of 5

Pasasalamat

Gusto ko po magpasalamat sa aking mga kaibigan, kaklase at sa aking pamilya. Hindi ko po ito magagawa kung hindi dahil sa inyo.
I.

Paninimula

Malimit nating naiisip na ang pikikipagbarkada ay nakaka-lihis ng landas. Malimit itong naiuugnay sa mga masasamang gawain tulad na lamang ng pagkalulong sa bisyo, pagiging rebeldeng anak, pagiging marahas at kung anu-ano pa. Habang tayo ay mga bata pa lamang, madalas na ang ating mga magulang ang pumipili kung sino ang ating kakaibiganin o kung sino ang ating dapat kasama. Gusto siguraduhin na ang ating mga kaibigan ay makakaimpluwensya upang tayo ay mahubog sa mga mabuting Gawain at asal. Ang mga madalas nating kasama an gating nagigikng basehan n gating Gawain at mga kaugalian. Hindi lamang ito ang mga kaibigan natin kundi ang mga taong nakakasalamuha natin sa araw araw. Kasama dito ang mga mag-aaral sa ating silid aralan, mga nakakasabay sa paguwi, at mga mukhang nakikita natin sa paglalakad at kung saan saan pa. Natural lang na i-kompara natin ang ating sarili sa ibang tao na gusto natin gayahin dahil sila ay nakakapagbigay pansin sa marami. Pero hindi naman ito para sa lahat dahil may mga tao rin na ayaw masyado ng nakakasama. Sa kagustuhan ng isang tao na makibagay sa isang grupo, napipilitan silang gayahin ang mga Gawain na kanilang nakikita. Pati rin sa mga bagay o suot na mayroon ang barkada ay kanila ring pilit tinatangkilik upang sila ay makaramdam ng pagtanggap sa kanila bilang miyembro ng grupo.

Mabuting dulot ng pag babarkada Sa pagtahak natin ng daan sa ating buhay teenager, gusto nating may makiramay at makasama sa pag alam ng ating tunay na sarili at kagustuhan na maabot sa ating kinabukasan. Hindi lamang kasamaan ang dulot ng pag babarkada kundi mayroon din itong kabutihang naidudulot sa isang tao. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga mabuting naidudulot ng pakikipag barkada sa ating kapwa:

Pakikpag-salamuha - sa pakikipag-barkada natin sa ating kasama nagbibigay ito ng daan upang mapalawak pa natin ang ating kapasidad sa pakikipag-interaksyon. Lumalawak ang ating mundo ng kaalaman at dumadami an gating mga kaibigan. Pagbibigay ng payo - binibigyan tayo n gating barkado ng mga payo at kanilang opinyon sa ating mga nais gawin.Tayo ay maaring lumapit sa ating barkada sa upang humingi ng payo tungkol na lamang, halimbawa, sa bisyo, suliranin, at mga kinakaharap. Nagbibigay ng lakas ng loob - ang ating kaibigan ay nagbibigay suporta sa atin upang tayo ay mag sikap sa ating mga Gawain tulad na lamang sa pag-aaral, pag-tatrabaho, at pati na rin ang pakikisimpatya sa atin kung naranasan na din nila ang ating pighati. Nagkakaron ng bagong karanasan - ang ating barkada ay humahatak ng mga pwedeng pruduktibong Gawain katulad na lamang ng pag-Sali sa sports, pakikipag kompitensya, pakikipagtugtugan, pagsama sa relihiyosong Gawain upang malayo sa impluwensya ng ng masasamang bisyo. Pakikipagkaibigan - Magkakaroon tayo ng mas madaming kaibigan at impluwensiya. Magkakaroon din tayo ng mga tunay na kaibigan na tatanggapin tayo kung sino tayo.

Mga masamang dulot ng pagbabarkada Sa kagustuhang maging isa sa barkada, tayo ay nakakagawa ng mga hindi kanais-nais na Gawain, na taliwas sa ating kalooban. Nagagawa lamang ito para hindi mapahiya at itakwil ng ating barkada. Maraming paraan ang ginagawa ng kabarkada upang tayo ay hikayatin gawin ang mga gawaing taliwas sa ating kalooban. Tulad na lamang ang pagsasabi ng "cge na pre isang bote lang naman e!", o kaya naman "ano ba yan wala ka namang pakikisama pre e isang hit lang ayaw mo pa!?". meron ding mga indirect na paraan na ginagamit ang ating kabarkada upang tayo ay hikayatin sa maling landas. Tulad na lamang sa pagyaya na pumunta sa isang party upang kumain lamang ngunit, sa pagdating sa party mayroong nakahandang mga bawal na inumin gaya ng alak, beer, at iba pa. Kapag mahina ang loob ng tao, madali silang maimpluensyahan ng kabarkada. Sila ay laging naghahanap ng modelo na kanilang susundin, at ang iba ay susunod na lamang sa kanilang modelo. Ginagawa nila ito upang sila ay makisama at matanggap ng kanilang kabarkada. Kasama sa ating human nature ang kaugalian ng panghihimok ng ating barkada. Karamihan sa atin ay madaling mahulog sa temptation. Ngunit, mayroon din namang mga tao na mas gugustuhin pang gawin ang tama kaysa magpauto sa kanilang kabarkada.

Payo sa Pambubuyo
1.) Makinig sa konsensya. 2.) Mag isip muna bago gawin ang pinapagawa ng barkada. 3.) Maging bukas sa mga magulang. 4.) Matuto humindi. 5.) Piliin mabuti ang kakaibiganin. 6.) Gumawa ng alibi kung ayaw talaga. 7.) Matutong lumapit sa nakatatanda upang humingi ng payo.

IV. Konklusyon
Ang pagkakaroon ng mga kaibigan at tropa ay may mabuti at masamang epekto sa isang tao. Dapat lamang na alam natin kung sino ang dapat at hindi dapat samahan bilang kaibigan. Marahil ay sa ibang tao, ang pagsunod sa mga ginagawa ng kaibigan ay mabuti kahit na masama ito. Dapat lang natin alalahanin na may sarili din tayong kaisipan. Kung alam na natin na masama ang kanilang ginagawa, dapat lamang na pigilan at pagsabihan natin sila. Sa ganitong paraan, mas madali natin malalaman kung dapat ba silang maging kaibigan dahil kung kaibigan ang tingin nila satin, susundin at pakikinggan nila ang ating payo. Bagama't hindi maiiwasan ang pagimpluwensya ng kaibigan sa isang tao, nasa atin parin kung magpapa dala tayo sa kanilang mga ginagawa. Meron din namang mga kaibigan na may mga bisyo katulad ng paninigarilyo at paginom. Subalit kahit may mga bisyo ang mga ito, hindi nangangahulugan na masamang impluwensya sila. Masasabi lang natin na ang isang kaibigan o kasama ay masamang impluwensya ay kung may mga ipinagagawa silang mga bagay sa atin na maaari nating ikapahamak.

V. Metodolohiya
Binusisi kong maige ang aking baby thesis upang makapagbigay ng tumpak na impormasyon. Ako ay nag tanong tanong sa aming mga kaklase, kaibigan, at kabarkada upang malamang ang kanilang damdamin ukol sa nasabing paksa.

http://onebmid.multiply.com/journal/item/8?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal %2Fitem

You might also like