You are on page 1of 8

KABANATA 1

Panimula:
Sa mundong ito, ang mga tao ay may kanikanilang kagustuhan at pangarap na nais makamit.Gagawin ang lahat para sa pangarap upang mamuhay ng matiwasay. Dahil ditto ibatibang klaseng tao. May mga trabahong di gaano kahirap ngunit napakalaki ng kanilang sweldo . Ang mga taong may ganitong trabaho ay sinasabing Mapalad. Ngunit sadyang meron rin nmang trabahong masasabing Kasamaang Palad dahil ito ay napakahirap, mabigat, nakakapagod at ang sweldo ay di sapat sa kanilang pinaghihirapan. Minsan pa ngay trabahong delikado na maaring mawala ang buhay sa ilang saglit lamang . Isa na rito ang pagiging isang gwardya sa Kolehiyo ng Saint Alexius na maaaring mabuwis o di kayay mapahamak ang kanilang buhay dahil lang sa kanilang trabaho. Ayon kay Jan Robert Ramos Go. Nanakalap sa Internet, isang manunulat na aniya hindi raw sapat ang sweldo ng mag gwardya. Dahil ang nakatakdang sahod para sa mga gwardya ay kukunti lamang di pa kasama ang kaltas sa mga kontribusyon sa mga organisasyon, tulad ng Social Security System(SSS), PhilHeath, PAG-IBIG kung meron man. Nabanggit rin niya na ang mag gwardya nakahit piyesta opisyal, lingo, at gabi, kinakailangang pumasok dahil tungkulin nilang protektahan ang kanilang lugar. Kaya kung kukwentahin di sapat ang sinusweldo nila sa kanilang trabaho.

Layunin:
Ang layunin ng mananliksik ay ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. Nalalaman ang kahalagahan ng isang gwardya. Nalalaman ang kanilang mga hinanaing sa gobyerno. Nalalaman ang mga paghihirap nila sa kanilang trabaho. Nalalaman ang kanilang karapatan bilang isang gwardya.

Saklaw at Limitasyon:
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa impormasyong aking nakalap tungkol sa buhay, kahalagahan at hiananaing ng mag gwardya sa kolehiyo ng Saint Alexius. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa paaralan ng Kolehiyo ng Saint Alexius

Kahalagahan:
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga gawa ng ibat-ibang dahilan 1. Upang malaman natin ang kahalagahan ng gwardya sa lipunan. 2. Upang matukoy natin kung ano ang kanilang mag hinanaing sa gobyerno 3. Upang malaman king gaano kahalaga ang sweldo at kumakasya ba ito sa kanilang mga gastusin sa araw-araw. 4. Upang mabigyan natin ng pag-unawa ang mga gwardya.

Termino:
Upang mas lalong maintindihan ang pananaliksik, may mga sumusunod na termino upang mas maintindihan ang mga kahulugan

Gwardya - Taong tagapag-bantay o tagapagpangalaga (Nahango sa diksyonaryo)

Pito

- Ang pigurang, Isang instrumentong hinihipan na naglalabas ng matinis na tunog,

gamit halimbawa ng pulis o gwardya. (http://tl.wiktionary.org/wiki/pito) Baril - gamit ng mga gwardya upang proteksyon at panlaban sa masasamang loob. (Nahango sa diksyonaryo) Aso gamut - gamit ng mga pulis o gwardya sa pag hahanap ng bomba o ipinagbabawal na

(http://tl.wiktionary.org/wiki/) Uniporme ng Gwardya -kasuoutan na dapat isuot ng mga gwardya patunay na sila ay gwardya (Nahango sa diksyonaryo) Boss - Amo o nakakataas na posisyon (Nahango sa diksyonaryo) Kakusa -kapwa gwardya na karaniwang kasama o kapalit sa dut (Nahango sa diksyonaryo) Walkietalkie -radyong gianagamit bilang pakikipagkumunikasyon sa mga kasamang kapwa gwardya. (Nahango sa diksyonaryo)

KABANATA 11
Nilalaman: Ang buhay ng mga gwardya ay di basta-basta. Lalo na itoy isang delikadong trabaho na maaaring mabuwis ang kanilang buhay. Sa trabahong ito wala raw kasiguradohang kaligtasan. Alinsunod sa pananaliksik di biro ang pagiging asang gwardya. Dahil ibat-ibang tao ang makakausap at makakaharap sa araw-araw. Kadalasan pa ngay may masusungit at di sumusunod sa mga alintuntunin. Kung minsan sila pa nga raw ang napag bubuntungan ng galit. Ngunit di sila maaring pumatol dahil bawal itu sa kanila. Kayat kailangan nilang magtimpi. Ang pagiging isang gwardya ay kinakailangan na mahang pasensya upang tumagal ito sa trabaho. Kinakailangan din nilang maging responsible sa kanilang pinag tatrabahuan dapat maging alerto at mapagmasid sa paligid. Kinakailangan rin nilang sumunod sa utos at kagustuhan ng kanilang amo lalo na sa mga nais ipatupad nito. Dahil kung hindi maaari silang mapatalsik sa trabaho. Kaya kung minsan may mga gwardyang strikto na labis na kinaiisan ngnakakarami na sinasing epal(mapapel) raw sila sa kanialang amo. Ngunit ang totoo raw di natin alam sila lamang ay sumusunod sa utos ng kanilang amo. Sabi nila nasasaktan rin raw sila dahil sila ay tao pa rin may damdamin at nasasaktan. Lalo na kung sila ay nilalait at pinag tataasa ng boses ng mag galit na tao. Ngunit kahit sila raw ay nasasaktan ay kailangan pa rin nilang mag timpi minsan raw ay mainit na ang ulo nila kapag nmay taong sobra kung manlait. Kayat ang hirap raw talaga ang pagiging isang gwardya. Oo ngat mahirap ang kanilang trahabo ngunit di raw sapat ang kainlang sinusweldo. Dahil kadalasan sa pagdating ng sweldo ito ay kinakaltasan ng mga organisasyong tulad ng SSS, PhilHeath, PAG-IBIG at iba pa. Sa kanila ang Overtime Pay na karaniwang mas malaki sa regular na oras ay isang pangarap lamang sa kanila. Mas maliit ang Overtime Pay nila kaysa sa regular na oras. Kaya kung minsan ang mga gwardyang kahit day-off, kailangang pa ring pumasok para dumagdag ang kita. Bilang isang gwardya kinakaiulangan nila nila na pag-unawa sa kanilang trabaho. Dahil kung minsannag kakaruon ng di pagkakaintindihan ang mga naturang tao at gwardya. Na kung totousin ginagawa lang raw nila ang kanilangtrabaho. Kaya/y ang pagiging isang gwardya ay di lamang pagbabantay ang trabaho bagkus kinakailangan rin nilang makisama at mag timpi sa mga taong masasamang ugali. Nais nilang iparating sa mga taong nakakataas na posisyon lalo na sa gobyerno na sanan dagdagan ang kanilang sweldo dahil minsan di ito sapat. Nais ring humingi ng pasensya an gating mga gwardya

at ng inyong pag unawa dahil malaki raw ang makakatulong natin kung unawain natin sila sa bawat tuntunin na nais ipatala.

Kabanata III
Buod, Konklusyon, Rekomendasyon:

Buod: Ang pagiging isang gwardya ay hindi madali. Ngunit handa silang gawin ang kanilang trabaho upang maiahon nila ang kanilang pamilya sa hirap. Dapat rin nating respitohin ang kanilang karapatan. Sa ating buhay likas na ang pagsubok ngunit di dapat tayo sumuko bagkus gawin na lamang ang nararapat. Kayat wag nating maliiting ang ating mga kapwa gwardya dahil kung walang gwardya maaring magsilipa ang mga masasamang loob sa mga lugar na dapat may bantay. Kayat dapat nating pahalagahan ang ating mga kaibigang gwardya dahil sila rin ay mahalaga sa lipunan.

Konklusyon:
Batay sa mga nailahad na datus, ang pananaliksik ay humantong sa mga sumusunod:

may mga gwardyang di nasisiyahan sa kanilang sweldo nasasaktan ang mga gwardya kapag may naiinis sa kanila ang sweldo ang gwardya ay nakakasalalay sa kanilang ahensya

Rekomendasyon:
Para sa mga sumusunod: guro- magpatuloy sa pagbibigay ng pag aaral ukol sa larangang ito para sa mga studyante upang mas mapalawak at mapaunlad ang kanilang kaalaman sa larangang nabanggit. Estudyante ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga pag aaral na ukol sa larangang upang mamulat at bigyang pansin ang kahirapang nagaganap. Para sa lahat inirerekuminda sa lahat ng tao lalo na sa kolehiyo ng St. Alexius na magbasa ng mga libro tungkol sa buhay ng isang gwardya upang mapagtuunan ng pansin ang kanilang mga hinanaing at nais mangyari. Upang malaman natin ang kanilang kahalagahan at marespeto ang kanilang karapatan bilang tao o mamamayam.

BIBLIYOGRAPIYA

(http://tl.wiktionary.org/wiki/)

http://www.bing.com

You might also like