You are on page 1of 5

PROYEKTO SA FILIPINO

Inihanda para kay : Gng. Gemma Capio Inihanda ni: John Kent Casao

BUOD :

Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral. Habang ang Kapitan Henerel ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito aypinanigan, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang sumama sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskil na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at nadamay si Basilio na ipinagdamdam naman nang labis ni Juli na kanyang kasintahan. Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang

mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, dahil sa ppagtalon nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, aynakipagsanib pwersa siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatunaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang plano sapagkat siya ay inilaglag ni Basilio na nagdulot sa paglalason ni Simoun sa kanyang sarili.

Kabanata 28 :

Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Itoy pinatunayan ng mga paskil. Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulburat bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Darami ang madarakip at mabibilanggo. Marami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Ngunit di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kayat pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil nooy nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isay sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. Kina Kapitan Tiyago. Unay ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago. Saka ngayoy dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Ngunit di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig. Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid. Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsimula na raw ang himagsikan. Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit.

Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril sa paa at sa ulo. Patay! Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang may tindahan. Natahimik ang babae. Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin daw malamang. Walang anuman daw sa kanyat walang utang sa kanya si Isagani, anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka raw pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo. Sa tirahan nina Placido Penitente, dinilaan ng mga kawani hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isay si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi. May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunway binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun. Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating. Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi.

You might also like