You are on page 1of 5

Kamusta kayo?

Ako nga pala si Nurse Lulu at ikinalulugod kong tulungan kayong maintindihan ang IUD o Intauterine Device.

MGA URI NG IUD


Sa unang taon ng paggamit ng IUD, 8 lamang sa loob ng 1000 kababaihang gumagamit ng copper IUD at 1 sa 1000 gumagamit ng hormonal IUD ang nabubuntis. Ito ang dahilan kung bakit ang IUD ang isa pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Ilan sa iba pang benepisyo ng IUD ay ang mga sumusunod: -Madali itong gamitin, Sa oras na nakakabit na ito, wala ka nang kailangan pang gawin upang maiwasan ang pagbubuntis. -Hindi ito nakahahadlang sa pagtatalik o sa iba pang gawain. -Hindi ito mawawala sa lugar sa paggawa ng mga pisikal na aktibidad -Ang hormonal IUD ay maaaring makabawas at makagaling ng sakit at pagdurugong nararanasan tuwing buwanang dalaw. Ito ay maaari ring gamitin upang magamot ang mga menopause symptoms ng ilang kababaihan. Ang copper IUD ay maaaring gamitin kung sakaling nagkaroon ng di inaasahang pagtatalik sa nakaraang 5 araw. Ang pananakit at pagdudugo tuwing buwanang dalaw ay nadadagdagan sa paggamit ng Copper IUD ngunit nawawala sa hormonal IUD. Ang ibang kababaihan ay nakararans ng cramping at spotting ilang lingo matapos kabitan ng IUD. Maaari ring magkaroon ng Vaginal discharge. Ang mga sintomas na ito ay kadalasang nawawala matapos ang isa o dalawang buwan.

BENEPISYO NG IUD

Ang hormonal IUD at copper IUD ang dalawa sa pinakakaraniwang klase ng IUD. Ang hormonal IUD ay kinakailangang palitan matapos ang limang taon, sampung taon naman ang itinatagal ng copper IUD. Sa oras na tanggalin ang IUD, wala ng proteksyon ang babae laban sa pagbubuntis.

Maaaring mabuntis ang isang babae kung siya ay nakipagtalik sa panahon ng kanyang ovulation. Tuwing nakikipagtalik, naglalabas ang lalaki ng esperma na maaaring makarating sa cervix at sa fallopian tube. Kapag nagpang-abot ang esperma at itlog, maaaring magkaroon ng FERTILIZATION o ang pag-aanib ng itlog at esperma na nagiging ZYGOTE. Ang zygote na ito

Ang IUD (Intrauterine Device) ay isang paraan ng pagkontrol ng populasyon. Ito ay isang maliit na instrumentong gawa sa plastic na ipinapasok sa loob ng bahay-bata upang maiwasan ang pagbubuntis.

ay naglalakbay mula sa fallopian tube hanggang sa bahay-bata at ididikit ang sarili dito.

SIDE EFFECTS

PAANO GUMAGANA IUD

ANG

Bago ikabit ang IUD, ang doctor ay nagsasagawa muna ng ilang pagsusuri upang malaman kung maaari ka bang gumamit ng IUD. Ang ilan sa mga pagsusuring ito ay ang mga sumusunod: -Medical History -Pregnancy test -Pap smear Dahil sa laki at hugis ng matris, ang ibang kababaihan ay hindi maaaring gumamit ng IUD. Ang IUD ay kadalasang ikinakabit sa panahong ikaw ay may buwanang dalaw o matapos ito. Sa pagkakabit ng IUD, ang doctor ay gumagamit ng mahaba at payat na tubo na siyang gagabay upang mas madaling maipasok ang IUD sa matris. Sa pagkakabit nito, hindi na kinakilangan ang paggamit ng anesthesia, bagaman may kaakibat itong kaunting pagkabalisa. Ang bawat IUD ay may tali o buntot na gawa sa plastic na sinulid. Matapos itong ikabit, puputulin ang buntot ng 1-2 pulgada mula sa cervix sa loob ng iyong vagina. Sa pamamagitan ng buntot na ito, malalaman mo kung nasa tamang lugar ba ang IUD. Walang dapat ikabahala sa taling ito sapagkat hindi mo ito mararamdaman. Mahalagang inpeksyunin ang tali palagi. Para magawa ito, ipasok ang daliri sa iyong vagina at pakiramdaman ang tali. Kapag hindi mo natagpuan ang tali, mahalagang ipaalam ito sa doctor dahil maaaring nawala sa tamang lugar ang IUD.

Ang hormonal at copper IUD ay may hugis at pormang katulad ng sa letrang T subalit sila ay nagiging epektibo sa magkaibang paraan. Ang hormonal IUD ay naglalabas ng PROGESTIN sa matris. Pinapalapot nito ang likido sa cervix at binabawasan nito ang kakayahan ng espermang makapasok sa loob nito. Pinapahina din nito ang esperma at pinapababa ang posibilidad na mabuhay ang esperma at itlog sa fallopian tube. Pinapanipis din nito ang cervix na siyang nagiging dahilan kaya hindi makakabit ang zygote dito. Ang copper IUD naman ay naglalabas ng kaunting copper sa matris na siyang humahadlang sa fertilization at sa pagkabit ng itlog sa bahay-bata. Hinahadlanagn din nito ang espermang makarating sa fallopian tube at matris at binabawasan ang kakayahan ng espermang maka-fertilize ng itlog.

MGA PANGANIB SA PAGGAMIT NG IUD

PAANO KINAKABIT ANG IUD

Bibihira ang nagkakaroon ng seryosong komplikasyon sa paggamit ng IUD. Gayunpaman, ang ilang kababaihan ay nagkakaroon ng problema sa paggamit nito. Ang mga problemng ito ay nangyayari habang o matapos ang pagkakabit ng IUD: Expulsion- ang IUD ay lumalabas mula sa uterus hanggang sa vagina. Ang pangyayaring ito ay tumataas sa tagal ng paggamit. Mas nangyayari ito sa mga babaeng wala pang anak. Sa oras na lumabas ang IUD, hindi na ito masasabing epektibo. Perforation- maaaring mabutas ng IUD ang matris. Ang insidenteng ito ay napakabihirang mangyari. 1 sa 1000 lamang ang posibilidad na mangyari ito. Pregnancy- bihira man, ngunit maaaring mabuntis ang isang babae kahit may nakakabit sa IUD sa kanya. Kung ang buntot ng IUD ay makikita pa sa vagina, kailangan na itong tanggalin ng doctor. Kung hindi natanggal sa IUD, tataas ang panganib sa bata at sa ina na sila ay magkakaroon ng impeksyon, makukunan, o preterm birth. Maaari ring magkaroon ng ectopic pregnancy o pagbubuntis sa labas ng matris. Kung ikaw ay naghihinalang ikaw ay nagdadalang-tao, kumunsulta kaagad sa iyong doctor. Ilan sa mga simtomas na may mali sa iyong IUD ay ang mga sumusunod:

Ang isang babae ay may dalawang obaryo na matatagpuan sa magkabilang gilid ng bahay-bata. Kada buwan, isa sa mga obaryong ito ang naglalabas ng itlog sa fallopian tube. Ang prosesong ito ay tinatawag na OVULATION. Kadalasan, nangyayari ito 12-14 na araw bago magumpisa ang buwanang dalaw.

You might also like