You are on page 1of 4

Stephanie Janel Y.

Co

Isang linggo na ang nakakaraan nang si Daniel “Dan” Garde ay nagtapos sa


pag-aaral sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas bilang isang abogado at siya ay cum laude.
Magaling din siya pagdating sa labanan dahil nag-aral siya noong siya ay nasa kolehiyo pa.
Bukod sa matalino siya ay makisig, gwapo at mabait din siya. Dahil walang panahon ang
kanyang mga magulang, si Austin Irao, isang pulis at kaibigang matalik ni Daniel, ang nag-
asikaso para sa parti na magaganap sa linggo. Silang dalawa ay parehong mayaman.
Parehong magkaibigan ang pamilya dahil na rin sa negosyo. Si Austin ang nag-imbita ng
mga bisita, ang pag-aayos sa parti at sa lahat ng iba pang kailangan para maging bongga ang
parti.

Nang dumating na ang linggo ng gabi, marami ang dumating na mga bisita, isa sa
mga bisita ay si Erika “Ika” Gaite at kasama nya ang kanyang matalik na kaibigan na si
Andrea Lague. Si Andrea Lague ay kakilala ni Austin at Daniel. Gusto ni Andrea na may
makakasama siya kaya naisip niyang isama si Erika( tulad ni Daniel, kakatapos din lang ni
Erika sa kolehiyo). Nang nagkita na si Andrea at sina Austin at Daniel ay ipinakilala ni
Andrea si Erika. Hindi pa nakatingin si Daniel kaya biglang tinawag ni Austin ang kanyang
pansin. Nang lumingon si Daniel, ay parang umalab ang kanyang dibdib ng makita niya si
Erika. Hindi kaagad nakapagsalita si Daniel, gayon din naman si Erika. Tinawag ulit ni
Austin si Daniel dahil parang wala ito sa sarili. Kahit si Erika ay tinawag din ang pansin dahil
parang nawala ito sa sarili. Nang nagbalik na sa sarili. Nagkamayan sila at nagkatitigan.
Nakilala nila ang isa’t isa at napag-usapan na tatawagin nila ang isa’t isa sa kani kanyang
palayaw. Ang kanila namang mga kaibigan ay nag-uusap din. Hindi pa natatapos ang
kanilang pag-uusap ay biglang nabuhusan ng malamig na tubig si Ika ng isang waiter. Agad
namang sumaklolo si Dan at pinaalis ang waiter. Pinapasok nya si Ika na basang basa at
sumunod naman si Andrea at Austin. Pinaupo ni Dan si Ika sa sofa sa kanilang sala at dali
daling kumuha ng twalya at damit na pwedeng gamitin. Nagpasalamat si Ika at dali daling
pumunta sa banyo. Paglabas niya ay nakapagpalit na siya ng damit. Tinanong ni Dan kung
ayos lang ba siya. Iba ang sinabi ni Ika, tinanong niya si Dan kung papaano yung damit na
pinahiram sa kanya. Dahil naman sa mabait si Dan ay sinabi niya na ayos lang kahit hindi na
isauli. Nagpaalam si Ika bigla na aalis na siya kasama si Andrea. Pero bago umalis ay hiningi
na muna ni Dan ang kanyang cellphone number.

Nang makauwi na si Ika ay nagpaggawa na siya ng mainit na tsokolate sa kanilang


katulong. Tinanong naman ulit ni Andrea kung okay lang si Ika. Sabi naman ni Ika okay lang.
Sabi pa niya kailangan niya lang ng mainit na tsokolate para uminit naman ang kanyang
katawan. Sabi ni Andrea, o sige, kailangan ko ng umalis, magpahinga ka na. Pahayag naman
ni Ika, Sige, mag-ingat ka sa pag-uwi. Sabi naman ni Andrea, ano ka ba eh ang lapit lapit
lang naman ng bahay namin sa inyo! Sagot naman ni Ika, syempre kailangan mo pa rin mag-
ingat! Pagkaalis na pagkaalis ni Andrea ay bigla namang may natanggap na text si Ika.
Nakasaad sa text na humihingi ulit ng tawad si Dan sa nangyaring kapalpakan ng waiter at
tinanong naman siya ulit ni Dan kung maayos na ba siya. Sagot naman ni Ika, ayos lang,
Stephanie Janel Y. Co

bukas maayos na ako. Sabi naman ni Dan, Sana maayos na ang pakiramdam mo paggising
mo bukas, magpahinga ka na. Goodnight.

Pag kagising ni Dan ay maganda ang kanyang pakiramdam dahil sa babaeng kanyang
nakilala ngunit nag-aalala pa rin siya kaya muli siyang nagtext. Kakatapos lang maligo ni Ika
nang kanyang matanggap ang text na naglalaman ng pagkukumusta ni Dan kay Ika. Ang
reply naman ni Ika ay ayos na raw siya. Kanya pang dinagdag, papunta na ako sa banko para
mag-umpisang magtrabaho. Bigla namang nalungkot si Dan dahil naisip niya tiyak marami
siyang magiging karibal sa puso ni Ika dahil maraming pumupunta sa banko.

Si Dan naman ay nag-umpisa na rin magtrabaho bilang abogado, ang una niyang
kaso, ipagtanggol ang babaeng ginahasa ng isang mayamang lalaki na si Dennis Sultan. Mas
pipiliin ni Dan na ipagtanggol ang mga sa tingin niya ay naaapi dahil gusto niyang
makatulong. Hindi niya na rin naman kailangan ng malaking pera dahil mayaman na sila.
Pinag-aralan niya ang kaso at sa tingin niya ay malaki ang chance na maipanalo niya ang
kaso dahil sa mga nakalap na ebidensya.

Tatlong buwan na ang nakalilipas ng sila ay magkakilala ni Ika. Nagtetext sila sa


isa’t-isa. Isang beses inimbitahan ni Dan si Ika na kumain sa restawran. May sinabi si Dan.
Sabi ni Dan, ang pagkakakilala ko sa iyo ay isang tadhana, at ang pagiging magkaibigan
natin ay isang pagpili, kung liligawan ba kita ay papayagan mo ba ako? Hindi nagpahalata si
Ika na gusto niya rin ang sinabi ni Dan kaya nagpanggap siya na nabigla siya. Tinanong
naman ni Dan kung bakit at kung may boyfriend na ba siya. Sabi ni Ika wala kaya masaya si
Dan. Nang umuwi na sila. Nagtext na naman si Dan. Sabi niya, kapag nilagay daw niya ang
kamay niya sa mainit na stove sa isang minuto ay parang isang oras ng nakalagay pero kapag
kasama niya si Ika sa isang oras, parang isang minuto lang ang oras na kanilang
pinagsamahan. Naging madalas ang kanilang pag-uusap.

Pagkaraan ng dalawang buwan ay pumunta siya sa korte para sa kaso na kanyang


hinawakan. Nanalo ang kanyang kampo at hinatulang mabilanggo si Dennis. Masayang
masaya siya dahil naipanalo niya ang unang kaso kaya masaya siya kaya muli niyang
inanyayahan si Ika para magdiwang ngunit nalungkot siya dahil hindi pumayag si Ika.
Pakiramdam tuloy ni Dan may nanliligaw pang iba kay Ika kaya nagpasya siyang pumunta sa
bahay ni Ika, at tama nga siya, hindi lang isa kundi tatlo pa ang nanliligaw kay Ika! Nag-init
ang kanyang ulo pero sinabi niya sa sarili na kailangan maging mahinahon siya dahil wala pa
naman siyang karapatan para magalit. Inaamin niya nagseselos siya. Pinauupo ni Ika si Dan
sa katabi ng iba pang mga lalaki pero umalis na lang si Dan. Sinundan naman ni Ika si Dan.
Dan! Tumigil ka muna, kaya sila nandirito lahat ay dahil sasabihin ko sa kanila na itigil na
nila ang pagsuyo sa akin dahil may napupusuan na ako at ikaw yun. Sabi ni Dan, talaga Ika?
Biglang nagsilabasan ang iba pang lalaki at binanatan si Dan, syempre hindi magpapatalo si
Dan. Tutal naman ay magaling siya sa labanan, pinagususuntok niya ang iba pang manliligaw
ni Ika hanggang sa tumakbo na ang mga lalaking iyon. Tinanong ni Ika kung ayos lang ba si
Dan. Sabi ni Dan na ayos lang siya. Bumalik sila sa paksa, Ika, sasagutin mo na ako? Sabi ni
Ika, grabe ang pag-aalala ko sa iyo habang ikaw ay wala sa aking tabi. Ngayon ay napag-isip
isip ko na nakaramdam na pala ako ng pagmamahal sa katauhan mo. Nagtatalon si Dan sa
kagalakan. Sabi ni Ika, simula ngayon ay sa iyo na ang aking puso, sana ay ganoon din ikaw.
Stephanie Janel Y. Co

Sabi naman ni Dan. Oo, pangako ko sa iyo! Lagi lagi na silang lumalabas at napapansin
naman ni Ika na sa tuwing lalabas sila ay laging may tumitingin kay Dan na mga babae.
Hindi nga naman maiiwasan iyan. Napansin din ni Dan ang pagkabalisa ni Ika. Tinanong ni
Dan kung anong problema. Sabi ni Ika, bakit parang may umaaligid sa iyong mga babae?.
Sagot ni Dan, Wala yan, ikaw naman, wag ka ng magselos. Sabi ni Ika, Hindi ako nagseselos
nohh!

Pagkatapos ng apat na buwan ay naging busy si Ika sa kanyang trabaho kaya hindi
sila masyadong nakakalabas ni Dan. Naiintindihan naman ni Dan iyon dahil busy rin naman
siya. Gayun pa man ay hindi niya nalilimutang magpadala ng bulaklak at tsokolate kay Ika
kaya kahit busy si Ika ay masaya pa rin siya. Nakasaad sa love card na dapat laging mag-
ingat si Ika at may mga nakasaad na quotes, isa sa mga quotes ay ang sabi ni Dan na sa
tuwing namimiss kita ay nahuhulog ang tala sa langit kaya kapag tumingin ka sa langit at
wala kang nakita kundi ang madilim na langit na walang mga tala, kasalanan mo yan!
Napabungisngis si Ika ng malakas.

Nabalitaan naman ni Dan na nakatakas si Dennis Sultan kaya nag-alala siya. Ang
kanyang matalik na kaibigan ang naatasang maghanap kay Dennis. Nais niya rin namang
tumulong ngunit may kaso na naman siya. Magaan lang naman, pagnanakaw lang, kaya
madali niyang natapos ang kaso pagkatapos ng isang buwan. May nakuha silang balita sa
isang source na kung saan ay makikipagkita si Dennis sa isang tao na kagaya niya ay drug
lord din sa makalawa sa isang bodega sa Pasay City. Nagpunta si Austin kasama ng iba pang
mga pulis ng hindi alam ni Dan kaya ng alala siya. Habang hinihintay nila ang pagdating ng
dalawang drug lord. Nagnenegosasyon na ang dalawa ng kanilang mahalata na may mga
pulis pala. Kaya nagkaroon ng maraming putukan. Napagtanto ni Austin na kailangan niya
ng tulong kaya dali dali niyang tinawagan ang kanilang heneral ngunit walang sumasagot
kaya tinawagan niya si Dan.

Si Ika naman, nabalitaan na may kanegosasyon na naman ang kanyang papa pero
hindi niya alam kung ano talaga ang trabaho ng kanyang papa dahil hindi na siya nakatira sa
papa niya. Nakatira siya sa kanyang lola nang mamatay ang kanyang mama dahil sa sama
ng loob sa kanyang papa. Kaya simula nang mamatay kanyang mama, ay hindi na siya
nakikipag-usap sa kanyang papa. Sinabihan ng katulong si Ika na kailangang pumunta ni Ika
kung nasaan ang kanyang papa dahil may mga pulis din doon kaya dali dali siyang pumunta.

Nauna si Dan sa bodega at nakita niyang binaril ng isa sa drug lord si Austin.
Nakahandusay na sa lupa ang katawan ni Austin at galit na galit na si Dan. Akmang babarilin
ni Dan si Eric nang biglang dumating si Ika. Nabigla si Eric at Dan. Sabay silang
napabulaslas ng anong ginagawa mo rito? Sabi naman ni Ika, huwag mong papatayin ang
aking papa. Papa, huwag mong hayaang maulit at madoble pa ang sama ng loob ko sa iyo.
Siya ang aking minamahal na lalaki.

May dumating ng ambulansya para dalhin sa ospital si Austin. Hindi pinansin ni Dan
ang ambulansya at nakatutok pa rin ang baril kay Eric. Sumigaw si Ika ng Dan! Hayaan mo
na sa mga awtoridad ang aking ama. Tyempo namang dumating at hinuli nga si Eric ng mga
awtoridad. Hinagkan ni Ika si Eric para mawala na ang poot na nararamdaman. Ipinahayag ni
Stephanie Janel Y. Co

Ika kung mawawala ka sa buhay ko ay wala akong meron ngayon pero kung mananatili ka at
mamahalin mo pa rin ako ay meron akong lahat sa ibabaw ng mundong ito. Dinagdag pa ni
Ika habang umiiyak siya na mahal niya si Dan hindi dahil kailangan niya si Dan ngunit
kailangan niya si Dan dahil mahal niya ito. Sabi ni Dan tahan na aking mahal, huwag ka ng
umiyak, hindi na mauulit pa ang nangyari.

Pumunta sila parehas sa ospital at napag-alamang hindi naman masyadong delikado


ang kalagayan ni Austin kaya nakahinga na sila ng maluwag. Pagkatapos ng ilang araw ay
nakalabas na si Austin sa ospital at alagang alaga naman siya ni Dan dahil matalik niya itong
kaibigan. Siya na rin ang nagmaneho. Hindi hinayan ni Dan na mag-isa si Austin sa pag-uwi.

Dumalaw naman si Ika sa kulungan para makita ang kanyang ama. Habang si Dan
naman ay naatasan para sa gagawing mga hakbang para makulong ng matagal si Eric at
Dennis. Nagkaroon ng mga hearing para sa pagpapakulong sa dalawang drug lord.
Pagkatapos ng isang taon ay nakulong nga ang dalawang drug lord. Syempre maligaya si
Dan. Sa parte naman ni Ika, may bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha Sinabi niya na
lang sa kanyang sarili na kailangan tanggapin niya ang nangyari. Umalis na sila at ang mga
tao.

Pagkaraan ng ilang buwan ay inanyayahan niya si Ika na manood ng kwento ng pag-


ibig sa sinehan. Sa kalagitnaan ng kwento, tinanong ni Dan kung gusto bang kumain ni Ika
ng popcorn at softdrinks. Habang kumakain si Ika, may nakuha siyang nakalagay sa papel na
me, tapos hinalungkat niya ang popcorn. Nabuo na ang mga katagang. Will You Marry Me?
Sabay na ipinakita ni Dan ang singsing. Sinabi ni Ika na oo kaya nilagay ni Dan ang singsing
sa kamay ni Ika. Sabi ni Dan, simula ngayon ang aking puso ay maging iyo, tanging iyo
lamang. Sagot naman ni Ika, andito lamang ang aking puso na tumitibok para lamang sa iyo
hanggang magpakailanman. Natapos na pala ang palabas may mga nakakita sa kanyang
pagpapahayag ng kanyang pag-ibig. Nagsipalakpakan ang mga tao sa sinehan.

You might also like