You are on page 1of 7

Si BENTOT BANTOT by Renmel Solidum

Alyanna: Magandang umaga mga bata... Kayo ba ay mahilig sa mga kuwento? Ngayong araw ay mayroon ako kwentong ibabahagi sa inyo... Ang pamagat ng kwento ay Bentot Bantot, ang batang marungis.... Si Bentot ay isang pitong taong gulang bata. Isa syang batang marungis at mabaho. hindi sya mahilig maligo at magsipilyo ng ngipin. Mahaba at madudumi ang kanyang mga kuko at bihira sya maghugas ng kamay bago kumain. Si Bentot ay batang madaming galis at kuto sa buhok. Madalas tinutukso sya ng kanyang mga kaklase at kaibigan na BENTOT BANTOT, ang batang madungis... Isang araw... *BAHAY NI BENTOT* >>Tumunog ang Alarm clock<< Bentot gumigising Kigi: (yawns) Hay... isang napakagandang umaga! Alyanna: Anak! gising ka na ba? hala! sige maligo ka na jan at bumaba ka na pagkatapos... Kigi: Opo inay... (annoyed face.. raised brows) *Sa banyo* Kigi: Hay... maliligo na naman.. (paghawak sa tubig) Wahhh.. ano ba yan ang lamig naman... (nginig) ayoko na nga maligo. sa susunod na lang. kung sa bagay naligo naman ako nuong nakaraang araw eh. *Bumaba na sa hapag-kainan* Alyanna: Oh anak.. akala ko ba naligo ka na? Kigi: Eh kasi nay malamig yung tubig eh.. baka sipunin lang ako.. sa susunod na lang. naligo naman ako nuong isang araw eh. Alyanna: Ay naku. ang tigas talaga ng ulo mo. Hala sige! kumain ka na ng almusal... Maghugas ka muna ng kamay... Kigi: (Di nakinig) Hmmm... Longanisa! (yum-yum-yum) *Pagkatapos kumain...* Kigi: ahh.... sarap naman ng pagkain.. kailangan ko na pumunta ng school.. (inamoy ang hininga) Hmm... kaya na to ng mumog.. *Bentot bihis na ng uniporme* Kigi: nakalimutan naman ni inay labhan itong uniporme ko.. kung sa bagay, maayos pa naman.. (inamoy) pwede pa itong dalawang gamitan.. hehehe... *Sa paaralan* May tatlong batang naglalaro....

Miguel: Oh si Val na ang taya huh... ikaw yung kailangang matama ng bola.. pag nakailag ka taya ka pa din.. Renmel: oo nga.. masaya toh. Val: Sige gusto ko yan... Gademmit.. *Nag-eenjoy sa paglalaro ang tatlo nang biglang nagbago ang simoy ng hangin...* Val: (hmmmmm..) Naamoy nyo ba yung naamoy ko ? Renmel: Hmm.. oo nga.. ano yun? Miguel: ano ba yan! parang patay na daga.. Kigi: (singit) oo nga.. ano kaya yun... Miguel: ahhh.. ikaw si... Renmel: ikaw si.. Val: Bentot Bantot! All: BENTOT BANTOT! (repeat) *itinataboy nila si bentot* Val: Umalis ka nga dito.. ang baho-baho mo.. Renmel: oo nga.. Kigi: Huh? hindi naman ah.. sige nga.. eto oh... diba hindi nman? Miguel: Utang na loob! Maligo ka nga.. Umalis na nga tayo dito.. Kigi: Maligo? hello... birthday ko ba? Val & Renmel: Sige na nga umalis na tayo.... Miguel: Wag kang susunod huh.. tsk! *Si bentot ay naiwang mag isa sa isang sulok... sya ay malungkot na malungkot..* Kigi: (kinakausap ang audience) Bakit kaya sa tuwing dumarating ako nagsisitakip silang ng kanilang mga ilong? Bakit kaya walang gustong makipagkaibigan sakin? Bakit kaya hindi nila ako pinapasali sa kanilang mga laro? ikaw alam mo ba?? Palagi na lang nila akong tinutuksong bentot bantot? hindi naman ako mabaho.. oh? diba hindi? hay... huhuhuhu... *Germs sa tabi-tabi ay nag-uusap* Miguel: Guys.. meron na nman tayong bagong bibiktimahin.. Val: Huh? asan? Miguel: ayang batang yan oh.. (turo kay bentot) Renmel: Hmmm.. mabuti yan.. makakapagkalat na nman ako ng pagsusuka sa mundo. hahaha Miguel: Sipon at ubo nman ang aking hatid. Val: Pagtatae nman ang sa akin.. Kailangan itong malaman ni Reyna impeksyon.. *si REYNA IMPEKSYON ay dumating* Vicka: Bwahaha! bwahaha! anong kaguluhan ito aking mga masusugid na alagad?

Miguel: Mahal na reynang impeksyon mayroon nman po tayong bagong mabibibiktima.. Renmel: ayan.. yang batang yan. sya ang susunod nating biktima. Val: wehehehe.. gademmit.. Vicka: Aba Mahusay! alam nyo ba na.. Kaming mga germs ay ang mga nagdudulot ng mga sakit gaya ng ubo, sipon, pagsusuka at pagtatae. Miguel: Kami ay sobrang liit at hindi nakikita ng normal na mata. Renmel: mahihilig kami sa mga maruruming bata dahil mahina ang kanilang nananggalang laban sa amin. Val: Sila ang mga taong mas madali nating kapitan at bigyan ng sakit. hahaha Vicka: Tayo na muna sa headquarters para mapagplanuhan natin kung paano lulusubin ang batang ito... *KINABUKASAN* *BAHAY NI BENTOT* >>Tumunog ang Alarm clock<< Bentot gumigising Kigi: (yawns) Hay... isang napakagandang umaga! Alyanna: Anak! gising ka na ba? hala! sige maligo ka na jan at bumaba ka na pagkatapos... Kigi: Opo inay... (kamot buhok) *Sa banyo* Kigi: (hinawakan ang tubig) ngee... malamig pa din.. maghihilamos na lang siguro ako at magbabasa ng buhok para mukhang fresh pa din. yeah! (nanalamin.. nagpacute pa aba) *Bumaba na sa hapag-kainan* Alyanna: Oh anak.. naks naligo na xa.. Kigi: Mali po kayo nay.. naghilamos lang ako at nagbasa ng buhok.. oh diba ang pogi ng anak nyo Alyanna: ngee... kala ko pa naman naligo ka na hay... (may nakitang kuto sa buhok ni bentot) ehh... kuto.. anak ano ba yan may kuto ka.. yuck.. sige kain ka na.. *hindi na nman sya naghugas ng kamay* Kigi: Hmmm.. tsarap tsarap nman ng fried chick.. (chrunch... chrunch) *Pagkatapos kumain...* Kigi: ahh.... sarap naman ng pagkain.. kailangan ko na pumunta ng school.. (inamoy ang hininga) Hmm... buti na lang may mentos ako. hehe.. *Bentot nagbibihis* Alyanna: Oh anak, bat yan namang paborito mong tshirt yan suot mo eh sinuot mo na yan noong

isang araw ah... di ko pa yan nalalabhan.. Kigi: Eh inay nman eh.. favorite ko kasi itong damit na to.. kaya okay lang yan. diba nga pag-favorite dapat sinusuot palagi.. hello? Alyanna: ah oo nga noh... ehe? *Sa paaralan habang recess* Kigi: Ano ba naman ito.. wala na namang akong kalaro ngayong recess. palagi na lang ganito. wala na atang nagmamahal sa kin. huhuhu.. wala akong mga kaibigan.. *Dumating si Reyna Impeksyon* Vicka: Buwahahaha.. Wag kang mag alala bentot bantot.. pwede mo kaming maging kaibigan.. Kigi: Huh? sino? ano kayo? (nalilito na may halong takot) Vicka: Hmmm.. sabihin na lang natin na kami ang kaibigan ng mga madudungis na bata katulad mo. Kami ay ang tinatawag na mga germs.. Ako si Reyna Impeksyon ang reyna ng mga sakit at sila ang aking mga masusugid na alagad... sila UBO, SIPON; PAGSUSUKA; AT PAGTATAE... Kigi: bb-ba-bakit kayo nandito? Miguel: Diba naghahanap ka ng kalaro? Renmel: Diba wala ka namang kaibigan? Val: Puwes.. pwdeng-pwede kami... gusto nmin ng mga maduduming bata lalo na yung mga di naliigo at nagsisipilyo. Kigi: Huh?? ayoko... nakakatakot kayo.. Vicka: Huh? ganon? aba... hindi pwede sa akin yan.. walang tumatanggi kay REYNA IMPEKSYON! Hala! sige mga kampon ko! Hulihin ang batang yan.. Bwahahaha! *Pinalibutan ng mga germs ang batang si bentot* Kigi: Parang awa nyo na po.. pakawalan nyo na po ako dito... Renmel: Hahaha... diba ayaw mo naman maligo? diba di ka nman nagsisipilyo? Miguel: hahaha.. diba hindi ka naman palaging naghuhugas ng kamay bago kumain? Val: diba? dahil sa mga iyon... wala ka nang ligtas sa aming mga germs... hahawaan ka na namin ng sakit... yahhhh!!! *may isang maliwanag na sinag ang dumating* Lecky: Layuan nyo ang kawawang bata! whoo... Alexis: SA NGALAN NG MALINIS NA KATAWAN Lecky: AT MABUTING KALUSUGAN! Alexis: Ako si KUMANDER hugas, tagapagbantay ng kalinisan ng buhok at balat (posing) Lecky: Ako naman si TOOTH FAIRY, diwata ng malinis na ngipin. (posing) bOTH: AT KAMI ANG LINIS RANGERS! (posing again) Vicka: Aba may pa posing-posing pa kayo dyan... sino naman kayong mga agaw eksena aber..?? Lecky: Kami lang naman ang mga linis rangers... narito kami para pigilan ang pagkakalat ninyo ng lagim dito sa mundo. whoo...

Alexis: Layunin namin na gawing ligtas ang mundong lito laban sa inyong mga germs. Vicka: Aba... ang taray.. pwes.. subukan nyo kung kaya ninyo... (fighting position) mga alagad sugod KILI-KILI POWER!!! Germs: Yahhhh!!! Alexis: Humanda kayo mga masasamang Germs at tatalunin namin kayo! Mahiwang tabo!!! Vicka: Ouch! masakit yun huh... aba gusto nyo palang masaktan huh.. MABAHONG HININGA!! YAHHH Lecky: Hindi namin kayo papayang magtagumpay.. Magic Toothpaste at toothbrush linisin ang mabahong bunga-nga.. whoo... Vicka: ahhhh!!! ano yan. yuck tooth paste.. eww.. Miguel: mahal na reyna.. napakalakas nila mahihirapan tayong talunin sila.. Vicka: (hinihingal) ako ang bahala. ipagsama-sama natin ang ating mga lakas... SUPER DIARRHEA!!!! Alexis: Mahiwagang sabon maging pananggalang.. Tooth fairy, kailangan na nating tapusin ang labanang ito.. Lecky: sa tingin ko tama ka kumander hugas.. whooo.... (NAGLALABAN ANG MGA LINIS RANGERS AT MGA GERMS) Alexis: Sa ngalan ng malinis na katawan Lecky: At mabuting kalusugan.. BOTH: tatapusin na namin kayong mga germs.. (pinagsama ang mga weapons) Alexis: Ito ang lakas ng kalinisan... BOTH: LINIS RANGER SUPER CANON... boom!!! Germs: AHHHHH.... (gone) *Lumapit si Bentot sa LinIs Rangers* Kigi: Maraming salamat kumander hugas at tooth fairy dahil niligtas ninyo ako sa mga germs na iyon. Alexis: Walang anuman iyon bentot.. ang mahalaga ligtas ka.. Lecky: alam mo nman.. palagi kaming dumarating pag may batang nangangaailangan ng tulong tungkol sa paglilinis ng katawan. whooo.. Alexis: Hmm.. alam mo bentot.. kailangan mong na matutong ipagtanggol ang iyong sarili laban sa mga germs. Kigi: Papaano po? Lecky: madali lang iyon. panatilihin mo lang na ikaw ay palaging malinis.. Alexis: Kailangan mong maligo araw-araw, palagiang maghugas ng kamay, magsipilyo pagkatapos kumain, magpalit ng damit kapag basa na ng pawis o marumi na at iba pa.. Kigi: ah... oh sige po. pwde ninyo ba akong turuan? Lecky: OO nman.. whooo... PATUTURO: Pagliligo Pagsisipilyo Paghugas ng kamay

*Pagkatapos magturo ng Linis Rangers kay Bentot* Alexis: Oh ayan bentot.. alam mo na kung paano panatilihing malinis ang iyong katawan.. Lecky: Naway gawin mo ang lahat ng itinuro namin sa inyo... Kigi: Opo Linis rangers maraming salamat sa inyo.. Lecky: Walang anuman yun.. alam mo naman.. nandito lang kami palagi.. whooo Alexis: Tooth fairy, mayroon na namang batang nangangailangan ng ating tulong.. oh sya bentot.. aalis na kami.. Lecky: Paalam.. Kigi: bye-bye linis rangers.. whooo... salamat... (linis rangers ay nag exit habang lumilipad) Alyanna: Mula noong araw na iyon ay ginawa na ni bentot ang mga itinuturo sa kanya ng Linis Rangers... at makaraan ang isang buwan... *BAHAY NI BENTOT* >>Tumunog ang Alarm clock<< Bentot gumigising King: (yawns) Hay... isang napakagandang umaga! Alyanna: Anak! gising ka na ba? hala! sige maligo ka na jan at bumaba ka na pagkatapos... Kigi: Opo inay... (masaya) *Sa banyo* King: whooohoo.. ang sarap naman maligo.. nakakapresko ng katawan.. (adlib) Alyanna: oh anak. kanina ka pa jan sa banyo. bilisan mo na... King: opo inay.. (Kinausap ang audience) ngayon ay naeenjoy ko na ang aking paliligo. hindi na ako nagwiwisik wisik lang o nagbabasa ng aking buhok. *Bumaba na sa hapag-kainan* Alyanna: naks nman.. nagbago na talga ang anak ko oh.. hmm.. ang bango-bango pati.. paamoy nga.. hmmm... King: opo inay.. palagi na po akong maliligo para palagi akong fresh at mabango. Alyanna: ay ang bait nman ng anak ko.. at tska ang pogi-pogi na oh.. ayan kumain ka na.. at huwag kalimutang? Kigi: MAGHUGAS NG KAMAY.. alam ko na po yun inay.. wow tocino..hmm sarap.. *Pagkatapos kumain...* King: Nagsisipilyo na rin ako pagkatapos kumain para mapangalagaan ang aking mga ngipin at magkaroon ng mabangong hininga. *Bentot bihis na ng uniporme*

King: Hindi ko na rin hinahayaan na madumi ang damit na aking sinusuot. kapag ito ay basa na ng pawis o marumin na ay nagpapalit na ako ng damit... King: Mula ng nagiging malinis na ako sa aking katawan at pananamit, dumarami na ang aking mga kaibigan. hindi na ako nilalayuan ng aking mga kalaro at palagi nang masaya ang araw ko. marasap pala talga sa pakiramdam ang malinis. Naging malusog na din ang aking pangangatawan.. Mula ngayon hindi na bentot bantot ang tawag nila sa akin. Mas kilala na ako ngayon sa tawag na *bentot bango* *sa headquarters ng mga germs* Vicka: bwahahaha! hindi pa rin nila ako matatalo... HANGGA'T MAY MGA MADUDUMING BATA DITO SA MUNDO.. AKO, SI REYNA IMPEKSYON KASAMA ANG MGA ALAGAD KONG GERMS AY HINDI KAILANMAN MASUSUPIL.. HAHAHA.. *Linis rangers nagsalita* Alexis: Mga bata, palagi ninyong tandaan na ang malinis na katawan ay ang pangunahin nating pananggalang mga germs na nagdudulot ng sakit. Lecky: Kaya ugaliin ninyong gawin ang mga bagay na itinuro namin sa inyo. Hangga't nanapanatili ninyong malinis ang inyong katawan... ang sakit ay maiiwasan. Alyanna: At dyan nagtatapos ang aking kwento... (clap naman oh.. please) (everybody goes to the stage... and ONE, TWO, THREE BOW! WHOO...)

You might also like