You are on page 1of 8

2 3 4 6 8

Paigtingin ang paglaban para sa karapatan, kabuhayan at tunay na pagbabago!

SUMA TOTAL: Pagsahol ng krisis Hinggil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis Panghihimasok ng U.S. sa Pilipinas, tumitindi
No ordinary crime: Political motive behind attack vs. UP student leader Lordei Hina seen

Paigtingin ang paglaban


para sa karapatan, kabuhayan at tunay na pagbabago!

MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Photo from Pinoy Weekly Mas matinding krisis, kahirapan at pambubusabos ang sumambulat sa taumbayan nitong mga nakaraang mga linggo. Walang ibang patutunguhan ang bayan kundi sa higit pang pagtindi ng krisis at kahirapan, at pagsasamatala ng iilan at dayuhan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.
Kaltas pondo, tuition hikes, K12 at bulok na edukasyon Matagumpay ang ating mga pagkilos noong nakaraang taon laban sa budget cuts at bulok na sistemang panlipunan. Malakas nating inihayag ang pagtutol sa muli na namang pagkaltas ng pondo para sa edukasyon at serbisyong panlipunan. Nakiisa tayo sa mamamayan sa pagsasabing sawang-sawa na tayo sa bulok na sistemang pahirap sa taumbayan. Sa kabila nito, nanatiling maliit at pinagkakaltasan ang mga pondo ng pamantasan at serbisyong panlipunan habang dinagdagang muli ang pondo para sa kurupsyon, dole-outs, militar at utang panlabas. Kaya naman tiyak na titindi pa ang komersyalisasyon at mga hakbangin para itaas ang matrikula at mga bayarin sa pamantasan, gayundin sa mga serbisyo ngayong taon dahil sa mga budget cuts. Muli na namang itinutulak ang mga iskema ng pagtataas ng matrikula at singilin sa ibat ibang SUCs habang lumulubha ang prublema ng kakulangan ng mga pasilidad at kawalan ng pondo para sa operasyon. Sa mga pribadong pamantasan, higit na lumalakas ang loob ng mga kapitalista-edukador na magtaas ng bayarin dahil sa direksyon din ng gubyerno na magkomersyalisa. Kabi-kabila na naman ang nakatakdang pagtataas sa napakamahal na ngang matrikula at hindi makatwirang mga bayarin. Nananatiling walang aksyon ang gubyernong Aquino sa taon-taon na pagtataas ng matrikula at mga hindi makatwirang bayaring sinisingil ng mga pamantasan. Tinataya pang tataas ng mahigit 10-15% ang matrikula ngayong taon sa mahigit 400 na pamantasan. Sa pagtindi ng patakaran ng komersyalisasyon ng edukasyon, higit na mas marami ang pagkakaitan ng kanilang karapatan at kinabukasan. Imbis na tugunan ang lumalalang krisis sa edukasyon, pursigido ang rehimen na ipatupad ang dagdag-taon sa HS sa pamamagitan ng K12. Dagdag pahirap at krisis ang idudulot nito sa mga magulang, at higit na pabigat sa bulok na ngang kalidad ng edukasyon dahil sa kakapusan ng pondo. Lalo nitong patitibayin ang kolonyal at elitistang katangian ng edukasyon. Malinaw ang tunguhin ni Aquino: higit na pagkakait ng karapatan sa edukasyon at pagpapasahol ng katangian nito na komersyalisado, kolonyal at pasista. Tumitinding krisis at atake sa kabuhayan ng mamamayan Dagdag pahirap sa mamamayan ang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng langis at mga bilihin na bumungad ngayong taon. Walang ginagawa ang gubyernong Aquino para pigilan ang pagtataas ng presyo sa kabila ng overpricing ng kartel ng mahigit P9 kada litro ng produktong petrolyo. Kasabay nito, nagtaas rin ang singil ng kuryente, tubig at toll sa SLEX. Nakaamba pa rin ang pagtaas ng pamasahe ng LRTMRT. Umaabot na sa lagpas P1000 ang kinakailangan ng isang karaniwang pamilya para mabuhay ng matiwasay, habang nakapako naman ang minimum wage sa P404 sa NCR. Bumungad agad sa unang buwan ng taon ang marahas na demolisyon sa Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan. Direksyon ng gubyerno na idemolish ang kalakhan sa mahigit 2.5 milyong Pilipino na informal settlers sa NCR at sa buong bansa para sa paglalarga ang Public Private Partnership (PPP) projects ni Aquino. Ang nararanasan ng mamamayan ay malagim na epekto ng bulag na pagtalima ni Aquino sa patakaran ng neoliberal na globalisasyon at pagpabor nito sa interes ng dayuhan at iilan. Habang pinababayaan ang ka-

sundan sa pahina

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2012


ng manggagawa ay kontraktwal, at 20% ng lahat ng mga kumpanya ay lumalabag sa minimum wage. Pinapayagan ng gobyerno ang kontraktwalisasyon para makaakit ng napakaraming mga dayuhang korporasyon sa ating bansa. DEMOLISYON NG MGA TAHANAN ang bawas sa pondo ng mga pampublikong pamantasan. Ang ipinagmamalaking dagdag P4.2 bilyon ay kondisyunal at hindi naman direktang ilalagay sa pondo ng mga pamantasan. Sa loob ng dalawang taon ni Noynoy, dalawang beses rin kinaltasan o binarat ang pondo ng mga serbisyong panlipunan. Ngayong taon, ang pinagsamang pondo ng lahat ng serbisyong panlipunan ay P568 bilyon, habang ang pondo ng pambayad utang ay P738 bilyon. MABABANG SAHOD, KONTRAKTWALISASYON, AT KAWALAN NG TRABAHO Tatlo sa sampung Pilipino ay walang trabaho: 4.3 milyon ang walang trabaho, habang 7.2 milyon ang kulang ang kinikita. Hindi nakapagtataka na 77.4 milyong Pilipino, o halos 8 sa kada 10, ay nabubuhay sa di-lalampas sa P104 kada araw. Kahit ang mga mapapalad na may trabaho ay di rin sapat ang kinikita. P404 ang minimum wage sa NCR, subalit P1008 ang minimum na kinakailangan para mabuhay ng disente ang isang pamilya. Malaking papel ang kontraktwalisasyon, o pagiging diregular ng mga manggagawa at empleyado. Dahil walang kasiguruhan ang kanilang trabaho, madali silang takutin ng mga kapitalista na huwag sumali sa mga unyon at igiit ang mga karapatan tulad ng pagsunod sa minimum wage, pagbigay ng tamang overtime pay, sick leave, maternity leave, atbp. Sa kasalukuyan, 55% ng lahat Maraming komunidad ng maralitang-lungsod ang winasak noong 2011 para bigyangdaan ang mga malalaking proyektong PPP (Public-Private Partnership), tulad ng Quezon City Central Business District at National Government Center. 29 na demolisyon (18 sa NCR) ang naganap, at 29,303 na pamilya (107,910 tao) ang nawalan ng tirahan. Dahil sa nabanggit na napaka-babang budget sa pabahay, ang mga biktima ng demolisyon ay dinadala sa mga relocation sites na walang mga hanapbuhay, paaralan, klinika, kuryente, malinis na tubig, atbp. Sa mismong pagtataya ng gobyerno, 556,000 na pamilya, o nasa 2.5 milyong Pilipino sa NCR pa lamang (o 1/4 ng buong populasyon ng rehiyon) ay target pang i-demolish na mga tahanan. Samantala, aminado ang gubyerno na nasa 30,000 lamang ang nakahanda nitong relokasyon, na nasa malalayong lugar pa at di matitirhan. PYUDALISMO, PANG-AAGAW NG LUPA, PAGSIRA SA KALIKASAN Nananatiling konsentrado sa kamay ng iilan ang mga lupang agrikultural, at nagdudulot ng di-sapat na kabuhayan sa mayorya ng mga magsasaka. Bulok at mapagpanggap ang land reform program ng gobyerno: sa kasalukuyang bagal ng pamamahagi ng lupa, tinatayang kailangan pa ng 5 taon pagkatapos ang deadline ng CARPER sa 2014 para maibigay ang mga lupang tinatarget na ipamahagi. Isang ehemplo ang Hacienda Luisita ng pamilya Aquino: gagawin ng gobyerno at ng mga landlord ang lahat para manatili ang mga lupain sa kamay nila (just compensation, o pag-

3
bayad sa mga landlord). Hindi lamang mabagal ang pamamahagi ng lupa, binabawi pa ito ng mga landlord o kaya nang-aagaw ng mga bagong lupain. Bukod sa mga landlord, mga dayuhang korporasyon rin ang nasa likod nito. Halimbawa sa San Mariano, Isabela, 11,000 ektarya ang inaagaw para pagtamnan ng isang korporasyong Hapones ng bio-ethanol. Pati mga dayuhang mining companies, nanghihimasok sa mga lupain, inaagawan ang mga katutubo at magsasaka, at nagdudulot ng matinding pagwasak sa kalikasan. Ilan sa mga tampok ay sa: Palawan, South Cotabato (SMIXstrata), Zamboanga (TVI Canada), Compostela Valley (RMMI U.S), Cagayan, Nueva Vizcaya (OceanGold at FCF Australia), Pampanga (Shuley China), Ilocos, at Pangasinan. PASISMO NG ESTADO, KAWALAN NG HUSTISYA Patuloy na walang nananagot para sa napakaraming paglabag sa karapatang pantao na naganap noong nakaraang administrasyon. Ang tinaguriang The Butcher, si Gen. Jovito Palparan, ay nananatiling malaya pagkatapos siyang sampahan ng kaso noong Disyembre. Maaaring siya ay kinukupkop ng mga nasa kapangyarihan (tulad ng militar), hindi talaga sinsero ang gobyerno sa paghahanap sa kanya, o pareho. Samantala, dumadami ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ni Aquino, lalo na sa mga kabataan. Dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang hinuli ng militar: si Maricon Montajes sa Batangas, at si Ericson Acosta (dati ring campus journalist) sa Leyte. Tatlo ang pinaslang: Lester Barrientos (aktibistang pang-kultural) ng Mindoro, Kenneth Reyes ng Batangas (taga-pangulo ng BayanBatangas at dating miyembro ng Anakbayan), at Jerwin Antonio (kabataang manging-

PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS AT IBA PANG BILIHIN Noong nakaraang taon, 44 na beses nagtaas ang presyo ng langis, na ngayoy mas mataas na ng halos P11 kumpara sa presyo nooong Enero ng nakaraang taon. Tinatayang overpriced, o mas mataas sa aktwal na presyo, ng P9 kada litro. Nagpatuloy ito ngayong 2012: nagtaas na ng siyam na beses ang mga kartel ng langis sa loob pa lamang ng dalawang buwan. Nangangahulugan na nahigitan na nito ang average na pitong beses na pagtataas sa bawat dalawang buwan noong nakaraang taon. Nagtaas rin ang singil ng kuryente (Meralco 6.8%, Napocor 14.2%), tubig (Manila Water 25%, Maynilad 35%), at toll sa SLEX. Nakaamba rin na 100% pagtaas ng pamasahe ng LRTMRT. EDUKASYONG MAKA-DAYUHAN AT PARA SA IILAN Ngayong taon, umabot na sa P71,336 ang average na matrikula at mga bayarin sa isang taon ng college education (P35,668 kada semestre). Dulot ito ng mga patakaran gaya ng CHED Memo Order 13 at Education Act of 1982 na nag-aalis sa kapangyarihan ng gobyerno na magtakda ang matrikula ng mga pamantasan at inilipat ito sa mga administrasyon ng mga paaralan. Tatlong daang pamantasan na naman muli ang magtataas ng matrikula ng aabot sa 15%. Sa kabila ito ng lumolobong kita: ang top 5 na pamantasan ay kumita ng mahigit P3.45 bilyon sa nakaraang anim na taon. Ngayong 2012, P583 milyon

sundan sa pahina

4
Ilang beses na nagtaas ng presyo ng langis? Ano ang epekto nito sa mamamayan?
ibang grupo ng drayber at operator ng jeep ng P1 pagtaas sa pamasahe, at pagtaas ng flagdown ng taxi papuntang P50. Bakit hindi makatarungan ang walang habas na pagtataas ng presyo ng langis? Una, malinaw na overpriced ang produktong petrolyo dahil monopolyado ng kartel ang lokal na suplay ng langis. Pangalawa, dahil monopolyado din ng kartel ang pandaigdigang merkado, minamanipula nito ang presyo ng langis sa daigdig, sinisirit pataas at pinapatungan bago pa man ito dumating sa bansa. Pangatlo, artipisyal na isinisirit pa pataas ng spekulasyon ang presyo ng produktong petrolyo sa daigdig para pagkakitaan pa ng husto ng mga pinansyal na institusyon at malalaking kumpanya ng langis. Paano nakakapanggoyo ang kartel ng langis at nag-ooverprice sa lokal na pump prices? Dahil kontrolado ng Shell, Caltex at Petron, ang tatlong pinakamalalaking kumpanya ng langis sa bansa ang halos 90% ng pamilihan, kaya nilang magkontsabahan para dayain ang presyo ng produktong petrolyo. Kahit na may imbak pa nang aabot sa tatlong buwan ng langis, agad nang magtataas ng presyo ang mga kumpanya oras na gumalaw ang presyo sa pandaigdigan o di kayay tumaas ang halaga ng dolyar. Awtomatiko ding may patong ang mga kumpanya sa bawat paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado na higit sa halagang dapat na katumbas. Kapag bumababa naman ang presyo sa pandaigdigang pamilihan o halaga ng dolyar, hindi naman nag-

MARSO 2012 | TINIG NG

Ngayong taon (as of Marso 05):


Nagtaas ng P2.85/litro ang diesel Nagtaas ng P4.70/litro ang gasolina

Sa ilalim ni Noynoy (as of Marso 05)


Nagtaaas ng P14.39/litro ang diesel Nagtaas ng P15.03/litro ang gasolina
Nagbabadya pa ang higit na tataas ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo. Sobrang dalas at laki ng pagtaas ng presyo ng langis. Mula 2001, higit triple na ang itinaas ng halaga ng bilihing petrolyo. Premium mula P16.56/litro noong 2001, P58.50 na Diesel mula P13.82/litro noong 2001, P48.28 na Anong epekto ng pagtataas ng presyo ng langis sa mamamayan? 12.9 milyon na mga pamilya, o katumbas ng mga 70 hanggang 80 milyon na Pilipino, ay nabubuhay sa di-lalampas sa P104 kada araw. Ang tinatantyang kailangan ng isang pamilya kada araw para sa disenteng pamumuhay ay P1,008, subalit ang minimum wage sa kasalukuyan ay nasa P426. Sa pagtaas ng presyo ng langis, lalong lalayo ang agwat ng kita ng mamamayan, at ng kanilang mga gastusin. Halimbawa: Pagliit ng kita ng mga magsasaka at mangingisda Nagmamahal ang gastusin ng mga magsasaka at mangingisda sa produksyon, tulad ng mga de-makina na barko o patubig sa sakahan. Kasalukuyan, di-bababa sa P75,000 kada ektarya ang ginagastos ng mga magsasaka ng palay. Pagmahal ng singil sa kuryente Maraming mga planta ng kuryente sa bansa ay gumagamit ng mga makinang kumokonsumo ng diesel imbes na uling. Pagtaas ng gastusin ng mga maliliit na negosyante Kasalukuyan, tayo ang may pinaka-mahal na singil sa kuryente sa kahit anong bansa sa Asya. Nagdudulot ito ng pagtaas ng gastusin ng mga maliliit na negosyante, isang mahalagang salik bakit nalulugi ang mga SMEs (small and medium enterprises). Pagmahal ng mga pagkain at iba pang bilihin Dahil nagmamahal ang produksyon ng pagkain at iba pang kalakal, pati ang gastusin para sa transportasyon, nagtataasan ang presyo ng mga bilihin. Pagmahal ng pagluluto Nagmamahal ang gastos sa pagluluto gamit ang LPG. Maaapektuhan nito ang kita ng mga karinderya at restaurant, pati ang presyo ng mga pagkain nila. Pagliit ng kita ng mga drayber at operator ng jeep, taxi, at tricycle Ayon sa pag-aaral, nababawasan ng P210 ang arawang kita ng mga tsuper ng jeep sa bawat pisong itinataas ng presyo ng langis. Pagtaas ng pamasahe Ngayon ay humihirit ang

HINGGI WALAN HABAS PAGTA PRE$ LANGIS

KABATAANG MAKABAYAN
bababa ng angkop na halaga ang mga kumpanya. Kadalasan pa ngay nagtataas pa sila ng presyo. Ang mga iskemang ito ay hinahayaan at higit pang sinusuhayan ng patakaran ng deregulasyon ng gubyerno. Sa kabila ng panggogoyo ng mga kumpanya, walang ginagawa ang gubyerno para pigilan ang mga pagtataas ng presyo nito. Sa halip, pinabibigat pa nga nito ang pasanin ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa binabayaran ng mamamayan na lumalaki din sa pagtaas ng presyo ng langis. Ayon sa pag-aaral ng IBON, mula Enero ng 2008 hanggang sa 2011, nasa P9.00/ litro ang overprice o di makatwirang patong ng mga kumpanya sa presyo ng produktong petrolyo. Dahil pa lamang sa overpricing, tinatayang P369.65 million araw-araw ang nakakamal ng kartel ng langis! Hindi bat tumataas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan? Ito raw ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Ang pagtaas ng presyo sa tinatawag na spot market o sa kaso natiy presyo ng Dubai crude, ang pinagbabatayan ng pagtataas umano din ng presyo ng langis. Pero malaking kalokohan ito pagkat sa totooy hindi naman talaga dito bumibili ng krudo ang kartel. Ang totooy 33% lamang ng lahat ng ibinebentang krudo sa mundo ay dumadaan sa world spot market. Ang natitirang 67% ay ipinagbebenta ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa isatisa. Halimbawa, ang Pilipinas Shell ay nakakontrata ng suplayan ng krudo ng Royal Dutch Shell, na parent company nito. Hindi ito apektado ng paggalaw ng presyo pagkat kontrolado na ng pandaigdigang monopoly kartel ang mga prosesong dinadaanan ng langis at higit na mas mababa ito sa kumpara sa presyo ng spot market. Dahil monopolyado nila ang produksyon mula umpisa hanggang dulo, kaya nilang magpatupad ng mga iskema kagaya ng transfer pricing, kung saan pinapatungan nila ang presyo sa kada dinadaanang proseso ng produksyon ng langis mula pagmimina hanggang pamamahagi. Nadidikta din nila ang presyo at naitutulak ito sa pamamagitan ng pagmamanipula sa suplay ng langis at spekulasyon. Bakit nga ba sumisirit pa pataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado? Itinuturo nilang dahilan ang kakulangan ng suplay ng langis sa daigdig kaya sumisirit ang presyo. Pero kung tutuusin, may sapat na suplay ang daigdig ng krudo. Walang totoong krisis sa suplay upang maging sapat na dahilan para sa pagtataas ng presyo ng krudo. Ispekulasyon at manipulasyon ng mga monopolyo sa langis sa daigdig ang tunay na dahilan ng pagsirit ng presyo ng sa pandaigdigang merkado. Sa pamamagitan ng ispekulasyon, artipisyal na isinisirit pataas ang presyo ng langis para pagkakakitaan ito ng mga malalaking pinansyal na institusyon. Habang itinutulak pataas ang presyo ng langis, binibili na ang suplay ng langis para sa mga susunod na taon, sa taya na maibebenta pa ito sa mas mataas na halaga. Isinisirit pa nito pataas ang presyo at sa ganitong paraan pinipiga pa ng mga pinansyal na institusyon ang malaking tubo. Mangangahulugan naman ito ng todong pahirap sa nakararaming mamamayan ng daigdig. Sa ilang pag-aaral, aabot sa $50-$60 kada bariles (katumbas ng P23.72-P24.88 kada litro) ang ipinapatong ng mga dambuhalang kartel

5
sa presyo. Tinatayang 60% ng presyo ay dahil lamang sa spekulasyon! Anung ginagawa ng gubyerno ni Aquino bilang tugon sa pagtataas ng presyo ng langis? Walang makabuluhang ginagawa ang gubyernong Aquino para pigilan ang pagtataas ng presyo ng langis. Hinahayaan pa ang overpricing ng presyo ng langis. Protektor pa ito ng malalaking kumpanya. Ano ang Oil Deregulation Law? Higit na sumahol ang pagtataas ng presyo nang isabatas ang Oil Deregulation Law (ODL) noong 1998 o RA 8472. Bago nito, dumadaan pa sa proseso ng pagpasa ng Energy Regulatory Board (ERB) ang pagtataas ng presyo ng langis. Bagamat nakapagtataas din ng sobrasobra sa panahong ito, higit pa itong dumalas at sumahol nang tanggalin ang regulasyon. Ikinatwiran ng gubyerno sa pagpapatupad ng patakarang deregulasyon na mabubuksan umano ang kompetisyon, mabubuwag ang mga kartel, at mapipigil ang pagtataas ng presyo ng langis. Sa totoo, layunin ng deregulasyon na higit na patindihin ang kita ng mga monopolyo at higit na pigain ang sobra-sobrang tubo mula sa mamamayan. Sa panahon ng deregulasyon, sinamantala ng husto ng kartel ang walang limitasyong pagtataas. Nagtaas ng higit sa 60 ulit mula 20012011 ang presyo ng langis. Samantalang sa 25 taon bago nito, 23 beses lamang nagtaas ang presyo. Paano nakikinabang ang gubyerno sa buwis na ipinapataw ng langis? Naghihirap na nga, higit pang pinahihirapan ng gubyerno ang mamamayan sa

IL SA NG S NA AAS NG O NG S

sundan sa pahina

MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN


pakanan ng mamamayan, protektor naman ito ng mga kartel at malalaking negosyo at dayuhan. Panlilinlang at panunupil sa mamamayan Ang pagsusulong ni Aquino ng impeachment ni Chief Justice Renato Corona ay hindi sinserong hakbangin para panagutin si Arroyo at inappoint na si Corona. Malinaw ang tunay na motibo nito: ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kanyang pananagutan sa hindi pagkakaso kay Arroyo; pagtakpan ang kainutilan nito sa pagtugon sa mga karaingan ng taumbayan; at baliktarin ang ruling ng Korte Suprema na ipamahagi ang Hacienda Luisita. Samantala, tumitindi naman ang kurupsyon at kabulastugan ng kanyang mga kaklase, kabarkada, kabarilan at kapartido. Pabor sa kanyang mga kroni ang mga patakaran at kontrata ni Aquino sa PPP. Imbis na tugunan ang prublema ng mamamayan, pinasasahol ni Aquino ang panlilinlang at pandarahas sa mamamayan. Halimbawa ang mga dole-outs na CCT, habang itinutuloy ang pandarahas at panunupil sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Kam-

Panghihimasok ng U.S. sa Pilipinas, tumitindi


rafaeL antonio duLce
Tsina at mga bansang Muslim sa Timog-Silangang Asya. Mamamayan ang magdudusa sa mga salot na dala ng mga dayuhang sundalo: paglabag nila sa mga karapatan ng Pilipino, tulad ng nangyari sa Subic Rape Case; paglaganap ng mga bisyo tulad ng prostitusyon at droga; pagpasok ng mga sandata at iba pang kagamitang nukleyar na nakakapinsala sa kalusugan at kalikasan; Labas pa dito ang paglabag sa ating soberanya sa pamamagitan ng paglunsad ng mga operasyong militar ng mga Kano sa ating sariling bayan (airstrike ng mga drones at mga sundalo na nakahalo sa mga yunit ng AFP). Ang mga tropang Kano ang numero unong pwersa na manunupil sa mamamayang lumalaban kontra sa dominasyon at pananamantala ng U.S sa ating ekonomiya, likasyaman, lakas-paggawa, atbp; pati na rin sa mga polisiya ng deregulasyon, pribatisasyon, at liberalisasyon na sapilitang ipinataw sa atin. Higit pa dito, gagamitin nila ang Pilipinas bilang lunsaran ng mga atake sa isang posibleng gera laban sa Tsina, o kaya naman para durugin ang mga kontra-U.S na mga grupo sa mga katabing bansa. Tungkulin ng bawat tunay na makabayang kabataan ang labanan ang patuloy na panghihimasok ng U.S sa Pilipinas, ang kawalan ng tunay na kalayaan at demokrasya, at ang pagkalat ng agresyon sa bawat sulok ng mundo. AB

MuLa sa pahina 2

Ito ang sinisimbolo ng Strategic Defense Dialogue (SDD), isang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at militar ng Estados Unidos at Pilipinas na inilunsad noong nakaraang Enero 26-28. Napagkasunduan dito ang patuloy na pamamalagi ng mga tropang Kano sa bansa sa bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA). Sa ganitong paraan, nailulusot ang Rehimeng U.S-Aquino ang permanenteng presenya ng mga nasabing sundalo sa pagdadahilan na sila ay bisita lamang at hindi namamalagi sa mga permanenteng base. Kaya bagamat nagsasalitan sila, sa kahit anong pagkakataon ay mayroong mga sundalong Kano sa ating bansa, kaya masasabi natin na sa totoo ay permanente sila dito. Sa katunayan, ilulunsad ang pinakamalaking war exercises ngayong Abril sa pagitan ng U.S at Pilipinas kung saan ilulunsad ito sabay-sabay sa ibat-ibang bahagi ng bansa. Bukod pa dito, pinagkasunduan rin ang pagbubukas ng mas maraming daungan sa Pilipinas para pasukin ng mga barkong pang-gera ng U.S, ang pananatili ng 600-katao na Joint Special Operations Task Force (JSOTF-P) na nakabase sa Camp Navarro sa Zamboanga City, at kahit ang pagbabalik ng mga base militar ng Amerika sa ating bansa. Lahat ito ay bahagi ng pagpapahigpit ng kontrol ng U.S sa Pilipinas bilang isang mala-kolonya, at bilang isang base para maglunsad ng mga operyasong militar laban sa mga tinuturing nitong kaaway tulad ng

akailan lamang, tatlong magaaral ng UP ang hinaras ng militar habang nagfifield work sa Pampanga. Sunod-sunod ang mga atake at panghaharass sa mga aktibista. Samantala, bigo si Aquino sa pananagot sa mga pasistang militar na may utang na dugo sa mamamayan kabilang si Jovito Palparan. Nakalatag ang plano para sa pagpapatindi ng interbensyon ng Estados Unidos sa ating bansa. Matapos ang umanoy terror threat noong Enero, bigla na ngayong nag-aanunsyo ng ibat ibang antas ng pakikipagusap ang rehimen sa US para dagdagan ang tropang Kano sa Pilipinas at patindihin ang panghihimasok nito sa bansa. Sawang-sawa na tayo! Palawakin ang pagkakaisa, patindihin ang paglaban Hindi na natin maaari pang hayaan ang pambubusabos at pagpapahirap ng naghaharing sistema ng iilan at dayuhan sa mamamayan. Sa harap ng patong-patong na pahirap, papalaki at papatinding paglaban din ang ating dapat na itapat. Mabisa ang naging pagkakaisa at malawak na pagkilos natin noong mga nakaraan na dapat nating ipagpatuloy, palawakin at higit pang palakasin. Nanawagan tayo muli sa kabataan at mamamayan ng malalaking pagkilos sa mga susunod na mga linggo. Tanging sa nagkakaisang tinig at pagkilos natin maipaglalaban ang ating mga karapatan at mabibigo ang mga hakbangin ng rehimen laban sa bayan. Ilunsad natin ang mga makasaysayang mga walk-outs, strike, camp-outs, occupations sa mga pamantasan, komunidad, opisina at pagawaan. Palakasin natin ang mga pakikibaka ng mamamayan at malakas itong tungtungan para sa ilantad at labanan ang bulok na sistema. Palawakin natin ang pambansa demokratikong paglaban: buuin ang maraming mga balangay at yagakin ang mamamayan na kumilos para sa tunay na pagbabago at kalayaan. AB

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2012


HINGGIL SA WALANG HABAS NA PAGTAAS| MULA SA PAHINA 5
pagpapapasan sa kanila ng VAT sa langis. 12% ng ibinabayad ng mamamayan ay VAT. Halimbaway P50 kada litro ang presyoy nagiging P56 kada litro dahil sa buwis. Hindi napupunta sa taumbayan ang VAT na ito. Napupuntang kalakhan sa pambayad utang sa malalaking dayuhang bangko at kinukurakot ng gubyerno. Utos ng mga dayuhang bangko ang patakarang ito na higit na nagpapahirap sa mamamayan. Ano-ano ang mga solusyon ni Aquino? Nananawagan ang gubyerno sa mga ahensya nito na magtipid ng enerhiya at bawasan ang konsumo. Ngunit kahit naman bumaba ang konsumo, na sa katunayan ay nangyari noong mga nakaraang taon, pataas pa rin ang presyo ng langis. Karaniwang nililihis din ang usapan sa paghahanap ng mga alternatibong source ng langis. Pero wala namang seryosong programa ang gubyerno para dito at sa katunayan ay ibinebenta pa nga sa malalaking dayuhang kumpanya ang mga alternate sources ng energy gaya ng Malapaya na 90% kontrolado na rin ng dayuhang kartel ng langis. Ano ang dapat gawin sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis? Labanan ang overpricing ng langis Kinakailangan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng ibat-ibang sektor ng lipunan para pigilan ang sobra-sobrang pag-presyo sa langis. Sa bansang Nigeria, inatras ng gobyerno ng 35% ang presyo ng langis (katumbas ng P12/litro) pagkatapos ng mga dambuhalang protesta noong Enero: welga ng mga manggagawa, walkout ng mga estudyante, at daan-daang libo na nagmamartsa sa mga lansangan. Ibasura ang Oil Deregulation Law. Walang duda na ang deregulasyon ay higit pang nagpasahol sa pananamantala ng ganid na kartel sa langis at pagpapahirap sa taumbayan. Dapat kagyat na itulak ng mamamayan ang pagbabasura ng ODL at simulan ang makabuluhang mga hakbang para kontrolin ang presyo ng langis at itigil ang pagsasamantala ng mga monopolyong kartel. Isabansa ang industriya ng langis. Wakasan ang imperyalistang kontrol sa langis. Dapat magkaroon ng makubuluhang mga hakbang para sa pagsasabansa ng industriya ng langis, na tuluyang wawasak sa dayuhang kontrol sa langis. Kailangang tapusin ang pagiging lubusang palaasa ng ating ekonomiya sa import, gayundin tapusin ang suliraning idinudulot ng monopolyo ng mga TNC sa industriya ng langis at enerhiya. Dapat tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng krudo at mga produktong petrolyo, at tiyakin nagsisilbi sa kapakanan ng bayan at pangangailangang pangekonomiya ang industriya ng langis. Ilan sa mga mungkahi ng IBON na hakbang ng gubyerno para sa pagregulate ng oil industry: Sentralisadong pagbili ng langis at mga produktong petrolyo; Commodity swap at/o ibang mga pamamaraan ng pagbili ng langis;

Pagkakaroon ng buffer fund para sa epekto ng mga biglaang pagtataas ng presyo; Buy-back ng Petron Corp; Aktibong partisipasyon ng estado sa petroleum refining; Mekanismo para sa pagtitiyak ng makatwirang presyo ng langis; at Kontrol ng estado sa mga lokal na sources ng langis. Kailangang patindihin ang paglaban at likhain ang papalawak na pakikibaka laban sa pagtataas ng presyo ng langis at pagsasabansa ng industriya ng langis. Dapat palawakin at palakasin ang pambansa- demokratikong pakikibaka ng mamamayan na magluluwal ng isang kinabukasang ang lipunan at gubyerno ay malaya na sa dikta ng dayuhang interes at mamamayan na ang nagpapasya para sa kanilang interes at para sa pagbubuo ng lipunang sosyalista: tunay na malaya at masagana. AB

SUMA TOTAL | MULA SA PAHINA 2


isda, miyembro ng Anakbayan) ng Navotas. Kamakailan, hinarass ng militar ang tatlong estudyante ng UP na nakikipamuhay sa mga katutubong Aeta sa Porac, Pampanga, at isang lider estudyante si Lordei Hina, ay tinangkang paslangin sa loob ng student council office. Inulat din ang paniniktik sa mga opisyal ng Colege Editors Guild of the Philippines. Inaasahang titindi pa ang panunupil sa mamayan habang tumitindi rin ang panghihimasok ng Estados Unidos (US) sa Bansa. Inuupatang ng US ang sigalot sa pagitang ng Pilipinas at Tsina at nagpapakawala ng terror scare para bigyang dahilan ang plano ng US na magbalik muli ng baseng militar na kagaya ng Subic Base at ilunsad ang malalaking military exercises sa bansa. AB

Ang Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan Pambansang Tanggapan

PATNUGUTAN

PUNONG PATNUGOT | Rafael Antonio Dulce KAWANIHAN | Vencer Crisostomo, Charisse Banez PAGLALAPAT | Edward Pastor, Paolo Lorenzo Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa anakbayan.media@gmail.com.

www.anakbayan.org

No ordinary crime: Political motive behind attack vs. UP student leader Lordei Hina seen
The attack vs. University of the Philippines (UP) student leader Lordei Hina cannot be simply considered a case of an ordinary crime. After careful evaluation of the circumstances with consideration to the cases of harassment and psy-ops (psychological warfare operations) done against progressives in the past few weeks we have reason to believe that the attack could be part of a campaign by the Armed Forces of the Philippines and the Aquino administration against activists. Hina was attacked in broad daylight last February 1, inside the Office of the University Student Council (USC) in Vinzons Hall, UP Diliman, a known meeting place of student leaders and activists. She was waiting to attend an important organizational meeting when she was attacked. The perpetrator was later caught with Hinas bag, hers and her companions laptop and several cellphones, which contained important information regarding her activities, which could might as well be the assailants target. Hina was stabbed in the head several times by an ice pick which pierced through her temples. She was found lying unconscious in a pool of blood about an hour later. She was immediately rushed to the hospital where she have been critical and in a coma for several days. Doctors have said the possibility of brain damage and effect on her basic sensory skills was high. Hina is a known student leader and organizer. She is a former Secretary General of the Center for Nationalist Studies (CNS) and a key organizer of Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP). She was a key player in the nationwide fight against budget cuts in UP and social services. She is committed to organizing students and youth in campuses and urban poor communities in struggles for basic rights and social change. A day after the attempted mur-

Photo Credits Pher Passion


der of Lordei, news broke out that former student leader and known cultural activist Ekis Gimenez of Sining na Naglilingkod sa Bayan (Sinagbayan) was also attacked by unidentified assailants on his way home. He suffered a skull fracture and had to undergo surgery on his head. This also happened weeks after several UP students were harassed by military elements in Porac, Pampanga and Calatagan, Batangas. These events simply cannot be dismissed as coincidental. It is all too easy for the military to hire criminals to murder or maim activists and progressives. In fact, this tactic has been employed many times during the Marcos dictatorship and the Low Intensity Conflict of former president Cory Aquino. Corrupt politicians are also known to do this against their political opponents, journalists, and ordinary critics. One such example is that of the late Bishop Alberto Ramento of the Aglipayan Church, a human rights advocate and staunch supporter of the Hacienda Luisita strike. He was stabbed several-dozen times while he was sleeping in his Tarlac residence in October 2006. Despite claims by the police that it was part of a robbery by gang members, no valuables were taken from the bishops home. The attacks and harassment being done against UP students, who are known for their fierce criticism of the Aquino administration and its budget cuts against social services, can be viewed as part of an overall psy-ops campaign by the AFP. Psy-ops are meant to paralyze activists and progressives from undertaking their work through a variety of means: terrorizing, maligning, demonizing and criminalizing them. These activities fit the array of programs and activities described in the Aquino governments Oplan Bayanihan. The new military plan focuses on psy-ops and propaganda: people-centered approach, civicmilitary and non-combat operations. The attacks against Hina, Gimenez, the Porac 3, and other cases in different regions carry these marks. Notably, fake statements have also been consistently released to media, purportedly from Kilusang Mayo Uno (KMU) and Prof. Jose Ma. Sison to sow intrigue and malicious rumors about the progressive movement. In the case of the former, KMU purportedly said that it believed in justice and thus supports the current administration. In the case of the latter, it was claimed that Sison would be a part of the Aquino cabinet, despite repeated denials. Both are apparently being made to confuse the public and in one way or the other marginalize the progressive movement. We urge the UP community to hold an independent and impartial investigation regarding the incident. We call on students and youth, human rights advocates, and the Filipino people in general, to be critical and vigilant and to intensify the call for justice for Lordei Hina. We must mobilize thousands upon thousands of youth and students to call for an end to state violence and repression, and strengthen further the struggle for genuine social change. AB

bisitahin ang www.anakbayan.org

You might also like