Nagdaos ng pangatlong pagpupulong at taunang “summer outing” noong nakaraang Marso 16, 2012 ang may halos walumpung katao

kasama na ang mga opisyal, kanilang pamilya at kasapi ng Confederation of Ilocano Association “Samahang Ilocano” (CIASI) na idinaos sa may Al Wakra

CIASI nagdaos ng maagang summer outing 2012
Beach, Qatar. Ang CIASI ay isa sa mga Filipino Community dito sa Qatar na aktibo at ang pangunahing layunin ay ang tumulong sa mga kababayan nating distressed OFW (Overseas Filipino Workers). Pinangunahan ni Melvin Ines Yadao na siyang Chairman ng organisasyon na nagbigay ng makahulugang mensahe at nagpasalamat sa bawat miyembro nito. Ayon kay Chairman Melvin hangad nito Your    Global    Remittance    Partner na pag ibayuhin pa NGAYON  ANG  PALITAN  /  HALAGAHAN nila at paigtingin ang  NG  PERA  SA  PILIPINAS kanilang grupo nang sa gayon ay marami pa silang matulungan hindi lang dito sa Qatar kundi sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas lalo na ang mga nasalanta ng MGA  PRODUKTONG  AYON  SA  PADALAHAN: bagyo. Nagbigay pugay RCBC BANCO DE ORO BPI IREMIT PHILIPPINE NATIONAL BANK ASIA UNITED BANK ZAMAN REMIT METRO BANK din ang mga opisyal at kasapi sa kanilang mga bagong miyembro na galing sa Rasl Laffan, Al Khor, Industrial Area at iba’t ibang panig ng Qatar. Labis ang kasiyahan at kagalakan ng bawat dumalo sa kanilang pagpupulong. Nagkaroon din sila ng mga palaro tulad ng pinoy henyo, takbuhan, beach volleyball at iba pa. Sa kanilang pagtatapos nagbigay din ng mensahe si Pacholo Dela Cruz Mejia na siyang National President ng kanilang asosasyon. Sabi niya na “Taos puso akong nagpapasalamat

MARSO 22, 2012

MIDDLE EAST NGAYON

3

sa walang sawang pagsuporta sa adhikain ng ating mahal na organisasyon sana’y manatili tayong matatag, mag-kaisa at maging mabuting halimbawa o ehemplo sa lahat ng grupo sa buong mundo, maraming salamat CIASI –State of Qatar. Salaknib/Molave.” (Hango sa Balitang Q, Sundan sa www. balitangq.org)

12.10

Doha Chapter Adviser Engr. Ricky Bayuga kasama ang kanyang pamilya.

MGA  SANGAY  NG  AMING  KUMPANYA:
Souq Najada Lulu Hyper Market Sanayya(Street 17)
Near  Arab  Roundabout D-­Ring  Road Opp.  White  Rose  Hypermarket Tel:  +974  44670490   Tel:  +974-­44510088   Tel:+974-­44441448   Mob:+974-­66005388 Mob:  +974-­66002133 Mob:+974-­55548977

Al Khor Al  Meera  Road  (M  &  J  Building) Tel:  +974-­44213444 Mob:  +974-­66002265

Matar Qadeem Near  Ahlibank   Opp.  Sulaiman  Jewellery Tel:  +974-­44655559   Mob:  +974-­66041377

Al Meera-­Mansoura
Al  Meera Tel:  +974-­44357552 Mob:  +974-­55993103

www.alzamanexchange.com

Mga bagong kasapi ng CIASI kasama ang kanilang mga opisyal sa Al Wakra Beach na kung saan nila idinaos ang kanilang kasiyahang makapagsama-sama bilang isang pamilya.

Insurance hike dapat tapatan ng benepisyo
Mariin ngayong tinututulan ng mga OFW ang pagtaas ng taunang premium sa Philhealth simula Enero ngayong taon na mula sa dating P900 at P1,200 na at tataas pa sa P2,400 sa susunod na taon. ito ay nakasaad sa Circular No. 022 ng pamunuan ng Philhealth. Ayon sa Migrante, ang pagtaas na ito ay wala raw sapat na basehan at ito ay lumalabag sa Migrant Workers Act 2010. Bukod pa rito, walang konsultasyong nangyari sa mga OFWs bago ito ipinasa. Kung titingnan naman, ang 150 % na pagtaas ay may kalakihan lalo na’t, ayon sa mga Pilipinong nakapanayam ko, hindi naman lahat ng mga OFW ay nakaka-avail ng serbisyo ng Philhealth sa loob ng isang taon. Ito raw ay dagdag-pasanin na naman bukod pa sa OEC at OWWA membership fee. Hindi naman kasi lahat ng OFW ay malaki ang sahod. Taliwas sa paniniwala ng nakararami lalo na ng mga nasa Pilipinas, hindi naman nangangahulugan na pag nasa abroad ka, marami kang pera. Hindi lahat ng nasa abroad ay sapat ang kinikita para sa pamilya at sa sarili nila. Ang kasabihang ísusubo na lang ay ibibigay pa sa pamilya’ ay totoo sa karamihan ng OFW. May kilala akong nagbakasyon na 100 riyals lang ang pera sa bulsa. Lahat kasi ng kinikita niya ay napupunta sa pamilya at halos wala nang natitira sa kanyang bulsa tuwing katapusan. Halos mapabayaan niya na tuloy ang kanyang sarili. Sabi ko naman, tayo ang nagtatrabaho kaya dapat huwag nating kalimutan ang ating kapakanan. Pero mahirap talagang maunawaan ang mga sakripisyo at paghihirap ng isang manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Kailangan ng isang Pilipinong maranasan ang magtrabaho dito para mas maunawaan at makita ng kanyang mga mata ang katotohanang mahirap magabroad at mas maigi talaga kung tayo’y nagtatrabaho sa ating bansa kung meron nga lang sapat na trabaho. Lumabas sa mga diyaryo kahapon ang bagong batas ng Qatar ukol sa health insurance na ipapatupad sa mga susunod na taon na kung saan hindi bibigyan ng residence ID ang sinuman kung walang insurance, ayon ito sa Supreme Council of Health. Ang mga employer at sponsors ang magbabayad ng premiun, hindi ang empleyado, at ang nasabing insurance ay mabebenipisyuhan lahat kahit saang ospital, pribado man o pampubliko. Sa kaso naman ng Philhealth, marami na rin ang nabenipisyuhan. Subalit ang biglaang pagtaas ng bayarin dito ay kailangang tapatan ng magandang serbisyo at mga pasilidad na sasagot sa pangangailangang pangkalusugan ng mga OFW at kanilang pamilya. (email: steinray@hotmail.com)

Printed and Distributed by: DAR AL SHARQ (Foreign Publication) D Ring Road, (Next to Lulu Hypermarket), P.O. Box 3488, Editorial / Advertisements: +974 4455 7622 / 7623. E-mail: alsharqfp@gmail.com

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful