You are on page 1of 1

APRIL 1, 2012 DATE

NR # 2696B
REF. NO.

Alagan ang kagubatan


Ang House Bill no. 5860, na tatawaging Final forest Limits Act of 2012 ay inaprubahan sa Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa na mag-aayos ng limitasyon at hangganan ng mga kagubatan. Dito magkakaroon ng pagkakataon ang estado na magtipid, protektahan at pagyabungin ang mga kagubatan na likas-yaman ng bansa upang maabot ang ecological balance, ingatan ang mga mahahalagang ecosystems, prevent environment degradation at itaguyod ang mananatili ng kagandahan ng kagubatan para sa mga susunod na henerasyon. Ang forest land, ay mga lupain ng public domain na na-classified bilang forest land na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro) Sa ilalim ng panukala, ang mga lugar o areas na unclassified lands ng public domain na naa-assessed ng DENr ay classified pa rin bilang forest lands. Layunin din ng panukala na maglikha ng National Review and Evaluation Committee, na tututok sa proseso, pag-evaluate at mag-approve ng lahat ng kumpletong assessment at delineation reports. (30) eag

You might also like