You are on page 1of 1

Ph 103 G, H, X: Pilosopiya ng Relihiyon Sem 2 SY 2011-2012 Guro: Michael Ner E.

Mariano Pangwakas na Pabigkas na Pagsusulit: Mga Tesis 21-24, 27 Pebrero 2012 Dela Costa Building Consultation Rooms 4 at 9

1) Kung talagang Mysterium ang Diyos (Otto, Stace), paano naging posible ang gawain ng pilosopiya ng relihiyon(Rowe)? Ayon kay Pascal, ang ating isip (na may hangganan) ay hindi kayang itaguyod ang esensiya man ng Diyos o ang Kanyang pag-iral. 2) Ipaliwanag ang mistulang kabalintunaan ni Tillich: Neither scientific nor historical truth can affirm or negate the truth of faith. The truth of faith can neither affirm nor negate scientific or historical truthpero sabayA scientist or a historian is always a human being with an ultimate concern and is a kind of a philosopher. 3) Ipaliwanag nang husto ang isa sa 5 Landas ni Tomas de Aquino (ako ang pipili). Suriin ang tanong na ito: May saysay ba ang mga kosmolohikal at teleolohikal na patunay sa pag-iral ng Diyos? 4) Ipaliwanag ang paralelismo sa pagitan ng ika-5 Landas ni Tomas de Aquino at ang Watchmaker God ni Paley. Mayroon ba talagang makikitang intelihenteng disenyo sa uniberso? Magbigay ng mga argumento pro at contra sa posisyong iyon. 5) Ipaghambing kung alin ang mas mabigat: ang mga kosmolohikal na argumento (Tomas, Paley) at ang mga ontolohikal na argumento (Anselmo, Descartes). 6) Bakit iniisip nina Pascal, Kant at James na ang pag-iral ng Diyos ay hindi isang tanong na masasagot ng katwiran? Ano ngayon ang halaga ng pragmatiko at moral na mga argumento para sa (hindi pag-iral ng Diyos, kundi sa) bisa ng pananalig? 7) Tagumpay bang nakokontra ng konsepto ni James na genuine option ang paghimok ni Clifford na it is wrongto believe anything upon insufficient evidence? Ang pananalig ba sa Diyos ay lampas sa anumang uri ng ebidensiya? 8) Sinasalamin ba ng tatlong mensahe ng Baliw ni Nietzsche ang kritisismo ni Marx sa relihiyon at ang pananaw ni Freud na ilusyon lang ang relihiyon? 9) Magbigay ng lubos na pagpapaliwanag sa isa sa mga mungkahing solusyon ng mga theista sa suliranin ng kasamaan (ako ang pipili), gayundin ang tugon ni McCloskey dito. Kaya pa bang labanan ang tugon na ito? Gayong may kasamaan sa mundo, paano nangyari na sina James at Freud, na parehong sikolohista, ay magkabaligtad ang pagkakaunawa sa pangangailangan ng tao na manalig? 10) Sa harap ng kawalang-pag-asa (despair), maaaring maging Optimista, Stoico, o Pesimista ang isang tao. Ngunit para kay Marcel, ang tunay na pag-asa ay ang magpagpasensiya at positibong di-pagtanggap at ang paglampas sa lahat ng pagkasawi ng isang tao na may panloob na pagkabuhay, na nakaugat sa isang relasyon, sa isang Ka-iba: Umaasa ako sa iyo para sa amin.

You might also like