You are on page 1of 6

.

I.WOUND COMPLICATIONS II. WOUND CARE III. NUTRITION

(KARANIWANG KOMPLIKASYON PAGKATAPOS

I.

WOUND COMPLICATIONS

NG OPERASYON)

1. IMPEKSYON
Ang impeksyon ay isang senyales na dulot ng bacteria. Sa pagkakaroon nito, napapadali ang pagdami ng mga bacteria sa katawan at maaring magdulot ng ibang pang karamdaman. Ito ay maaring malabanan gamit ng ating imuune system o kaya ang paggamit ng antibiotic. MGA SINTOMAS NG IMPEKSYON: Lagnat Pamamaga ng apektadong bahagi Pananakit ng katawan lalo na sa bahaging na-operahan Tuloy-tuloy na pagbaba ng timbang Panghihina ng Katawan

MGA DAPAT GAWIN PAG MAY IMPEKSYON: Palagiang paghuhugas ng kamay Pagsunod sa paraan ng pag-inom ng mga ni-resetang gamut Panatilihing malinis, tuyo ang sugat o tahi. Paghuhugas ng kamay bago at pagkatpos linisin ang sugat

2. PAGBUKA ng TAHI (Wound Dehiscence)


o Ang pagbuka ng tahi o wound dehiscence ay isang maaaring komplikasyon pagkatapos ng operasyon na dulot ng pwersado at biglaang paggalaw ng pasyente lalo na kung ang iginalaw ay ang bahaging naoperahan. MGA SANHI nito: Hindi maayos na pagtatahi ng sugat Pag bubuhat ng mabibigat Biglaang paggalaw ng bahaging inoperahan Matataba Paninigarilyo Pag-puwersa sa bahaging may opera Pag-ubo ng malakas at madalas

MGA SINTOMAS: Pagdurugo Pamamaga Lagnat Pagbuka ng sugat/tahi MGA PARAAN UPANG MAIWASAN: Tamang paglilinis ng sugat Hanggat maaari, iwasan ang pagubo ng malakas. Bracing o pag hawak sa tahi gamit ang kamay o unan na may konting puwersa upang makabawas sa sakit na nararamdaman Wastong Pagkain at Tubig (KUNG PINAHINTULUTAN NA NG DOCTOR NA MAAARI NG KUMAIN ANG PASYENTE.) Hindi pagbubuhat ng mabibigat na bagay (5 lbs pataas) sa loob ng hindi bababa sa dalawang lingo.

II.

WOUND CARE

(TAMA PAGLILINIS NG TAHI)

o Tahi ang karaniwang tawag sa sugat na nagmula sa operasyon. Ito ay ang pagsasagawa ng isang hiwa sa parte ng katawan na kailangan operahan. Maaaring ito ay malaki o maliit na hiwa na dumedepende sa klase ng operasyon. Ang tahi ay dapat panatilihing malinis at bigyan ng nararapat na pagaalaga upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon. MGA SINTOMAS NG IMPEKSYON: lagnat panlalata pamumula ng sugat pamamaga ng sugat pagkakaroon ng nana matinding pananakit o pagkirot ng sugat TAMA PAMAMARAAN NG PAGLILINIS NG TAHI: Maaaring maiwasan ang pagkakaroon ang impeksyon sa pamamagitan ng tamang paglilinis at pagaalaga dito tulad ng regular na pagpapalit ng gasa nito. Ito ang tamang paglilinis at pagpapalit ng gasa: hugasan muna ang kamay gamit ang sabon at maligamgam na tubig siguruhing lahat ng gamit ay nasa tabi at madaling maabot dahan-dahang tanggalin ang dating gasa. Maaring gumamit ng bulak na may alcohol o tubig para mas madali at hindi masakit ang pagtanggal ng tape gamit ang bulak o gasa, lagyan ng betadine ang mismong tahi sa pababang direksyon. Isang bulak lamang ang gagamitin kada isang pahid upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo. Lagyan din ng betadine ang paligid ng tahi. Iwasan ang paggamit ng alcohol o iba pang kemikal na maaaring makairita sa sugat. pagkatapos linisin ang tahi maaari na muli itong lagyan ng panibagong gasa.

*Kung sakaling may napansin na lumalabas sa tahi tulad ng nana o kaya naman ay labis na pagdurugo, kumunsulta agad sa doctor upang mabigyan na tamang lunas

III. NUTRITION
(MGA DAPAT AT HINDI DAPAT KAININ PAGKATAPOS NG OPERASYON)
Mga dapat kainin pagkatapos ng operasyon
Nutrisyon ay tumutukoy sa proseso ng pagsipsip ng sustansiya o pagkain ng katawan ng isang organismo na nagdurulot ng paglaki at pananatiling buhay (pangsuporta ng buhay) nito, na may kaayusan, pagsulong, at malusog. Tinatawag na mga alimento ang mga bagay o pagkaing nagbibigay ng sustansiya sa katawa Kung ikaw ay naggaling sa isang operasyon, ang wastong pagpili ng mga kakainin ay makakatulong ng malaki para sa mabilisang maghilom ng mga sugat. Makakatulong din ito para maiwasan pa ang mga komplikasyon tulad ng constipation (pagtitibi). A. Pagkain na mga fiber rich foods Ito ay isa sa pinakamahalagang pagkain para maka-recover mula sa operasyon. Ito rin ay makakatulong upang maiwasan ang pagtitibi ( isa sa pangkaraniwang komplikation pagtapos ng operasyon) Tulad ng bigas, mais, mansanas, bayabas at saging B. Kumain ng pagkain na may mataas na protina (protein) ito ay nakakatulong sa mabilisang paggaling ng sugat at nagbibigay lakas sa katawan Tulad ng: Manok Baboy Isda Tofu Mani Beans C. Kumain ng mga prutas - ito isang mahusay na pinagmumulan ng mga bitamna at hibla o fiber D. Kumain ng gulay E. Uminom ng maraming tubig F. Iwasan ang matatabang pagkain G. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak

Mga

hindi

dapat

kainin

dahil

ito

ay

ngdudulot

ng

pagtitibi:

Dried or dehydrated foods -potato chips,dried fruits Mga prinosesong pagkain Cheese Milk and Dairy Products Red Meat Matatamis tulad ng pastries, candies, cakes at iba pang matatamis na pagkain

(November- 10,11,17,18,24,25)
SUBMITTED BY: BSN III-C/ GROUP II BATCH 2013

FLOREES, CHARO B. GONZALES, LAUREEN I. GUELAS PAULA MONIQUE GUTTIERREZ, JENNY-LYN P. HERRERA, CHAIM DC. HIPOLOTO, KENT M. INGAL , GENESIS V. LAPUZ, CRISTAN T. LEMORAN, EURIS MANIEGO, JEMELEE L.

SUBMITTED TO: MS. Mary Rose C. Yambao RN,MSN

You might also like