You are on page 1of 13

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG PAG-ALAALA SA HAPUNAN NG PANGINOON" Awit 8 at Pambungad na Panalangin IPINAKITA NI JESUS ANG PARISAN PARA SA HAPUNAN

NG PANGINOON(3 min.) Tayong lahat ay nagkakatipon-tipon ngayon para sa isang napakahalagang okasyon. Ang okasyong ito ay tinatawag na Pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon. Ngunit, bakit dapat nating alalahanin ito? Paano tayo makikinabang sa ating pagkanaririto sa okasyong ito? Ang okasyong ito ng pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon ay punung-puno ng kahulugan para sa lahat ng mga tunay na alagad ni Jesus. Siya mismo ang nagbigay ng tagubilin na ipagdiwang ito at siya din ang naglagay ng parisan para sa pag-alaala nito. Subalit, kalian ba ginanap ang unang Hapunan ng Panginoon? Ginanap ang unang Hapunan ng Panginoon noong Nisan 14, 33 C.E.. Si Jesus at ang kaniyang 11 mga alagad ay nasa okasyong iyon. Pinasimulan ni Jesu-Kristo ang pagdiriwang na ito nang gabi ng Paskuwa ng mga Judio noong 33 C.E. Ang katumbas na petsa nito sa ating modernong kalendaryo ay ngayon __________, ___. _____, pasimula sa paglubog ng araw. Paano natin natiyak na gayon nga? Buweno, ang Paskuwa ay isang pagdiriwang na ginaganap minsan lamang sa isang taon, tuwing ika-14 na araw ng buwan ng Nisan ng mga Judio. Upang makalkula ang petsang iyan, maliwanag na hinihintay ng mga Judio ang spring equinox. Ito ang araw na may humigit-kumulang sa 12 oras ng liwanag at 12 oras ng kadiliman. Ang unang makikitang bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox ang nagtatakda ng pagpapasimula ng Nisan. Ang Paskuwa ay ipinagdiriwang 14 na araw pagkatapos nito, pagkalubog ng araw. Ipinagdiwang ni Jesus ang Paskuwa kasama ang kaniyang mga apostol, pinaalis si Judas Iscariote, at pagkatapos ay pinasimulan ang Hapunan ng Panginoon. Alam ni Jesus noon na malapit na niyang ibigay ang kaniyang buhay bilang isang sakdal na hain. Kaya, isinaayos

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG niya na alalahanin ang kaniyang hain sa isang simpleng seremonya. Ang Bibliya, sa Lucas 22: 19, 20, ay nagbibigay sa atin ng isang simpleng detalye kung paano isinagawa ni Jesus ang pag-alaalang ito:Gayundin, kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat, pinagputul-putol ito, at ibinigay sa kanila, na sinasabi: Ito ay nangangahulugan ng aking katawan na siyang ibibigay alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin. Gayundin, ang kopa sa katulad na paraan pagkatapos nilang makapaghapunan, na sinasabi niya: Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo, na siyang ibubuhos alang-alang sa inyo. Mula sa pananalitang ito ni Jesus mismo, makikita natin ang kahalagahan ng sinabing ito ni Jesus. Sinabi niya, na ang layunin nito ay bilang pag-alaala sa kaniyang kamatayan alang-alang sa sangkatauhan. Kaya naman, kapag inaalaala natin ang Hapunan ng Panginoon, palagi itong nauugnay sa kaniyang Kamatayan. Hinalinhan ng hapunang ito ang Paskuwa ng mga Judio at sa gayoy dapat ipagdiwang nang minsan lamang sa isang taon, na nagsisilbing paalaala sa maibiging paglalaan ng pantubos - ang paraan ni Jehova para iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Napakasakit para kay Jehova, at hindi matutumbasan ng salita ang kaniyang naramdaman nang makita niya ang kaniyang sinisintang Anak na nagdurusa at namamatay sa kamay ng mga makasalanan, subalit nagtiis siya alang-alang sa kaniyang wagas na pag-ibig sa kaniyang mga nilalang, at gayundin naman ang ginawa ni Jesus, sa pagsasakatupan niya ng kaniyang papel sa layunin ng Diyos. Ngunit, bakit kailangan ang gayong pantubos? KUNG BAKIT KAILANGAN ANG PANTUBOS (7 min.) Nang magkasala si Adan, naiwala niya ang pag-asang mabuhay magpakailanman. Dahil dito ay ipinanganak na makasalanan ang lahat ng kaniyang mga inapo. Itoy nilinaw sa Roma 6:23:Sapagkat ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG Nakakalungkot, naging kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Di kasakdalan ang ipinasa ni adan sa kaniyang mga supling. Kaya naman, hindi matutubos ng di sakdal na mga tao ang kaniyang sarili. Ngunit sa pamamagitan ng pantubos, inilaan ng Diyos ang kaloob na buhay na walang-hanggan sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Ito ang ipinakikita sa ikalawang bahagi ng Roma 6:23, sa pagsasabing ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon. Oo, dahil kay Jesus ay may buhay na walang-hanggan tayo. Subalit, paaano tayo makikinabang sa mahalagang kaloob na ito? Sa Juan 3:16: Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kailangang manampalataya kay Kristo upang magkaroon buhay na walang-hanggan. Ang gayong pananampalataya ay humihiling ng pagkilos sa ating bahagi. Ito ay nilinaw sa atin ng Santiago 2:24, 25: Nakikita ninyo na ang isang tao ay ipahahayag na matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. . . Tunay nga, kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayundin ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay. Tangi lamang sa pamamagitan ng mga gawa mapapatunayang buhay ang pananampalataya ng isa. Kapag natugunan ang mga kahilingang ito, nagdudulot ito ng pagsang-ayon. At ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay nakahanay sa buhay na walang-hanggan, sa langit man o sa lupa. Ipinahihiwatig nito na may dalawang grupo na makikinabang sa pantubos. Sino ang bumubuo ng dalawang grupo na ito, at bakit magkaiba ang kanilang patutunguhan?

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG NAKIKINABANG SA PANTUBOS ANG MUNTING KAWAN AT ANG IBANG MGA TUPA (13 min.) Kapag ang isang tao ay nakapag-alay na at nabautismuhan, siya ay nakahanay na tungo sa buhay na walang-hanggan. Sa 2 Pedro 3:13, ipinaliliwanag ng Bibliya ang dalawang pag-asa ng tapat na sangkatauhan, ang maging bahagi ng mga bagong langit o ng kaharian ng Diyos bilang mga tagapamahala sa langit, o ng bagong lupa o ng matuwid na bagong lipunan ng tao na magiging mga sakop ng magiging tagapamahalang iyon sa lupa. Ngunit, hindi tayo ang pipili kung saang dako tayo maglilingkod. Si Jehova ang pumipili kung saan maglilingkod ang bawat isang nakaalay at bautisadong lingkod niya, kung sa langit man o sa lupa, o kung sila ay magiging bahagi ng munting kawan o sa ibang mga tupa. Ang pagbanggit sa dalawang grupong ito ang tutulong sa atin upang maunawaan kung sino ang nararapat makibahagi sa mga emblema ng Memoryal. Una ay pag-usapan natin ang hinggil sa unang grupo-ang munting kawan. Sa Lucas 12:32, binanggit ni Jesus ang grupong ito bilang sinang-ayunan ng Diyos na tumanggap ng Kaharian ng langit, na siya ring mga bagong langit, na tinukoy natin kanina. Sila ay tatanggap ng buhay na walanghanggan sa langit. Sa pagsasabing munti, nangangahulugan ito na ang bilang nila ay limitado. Sa Apocalipsis 14:1 ay isiniwalat ang kanilang bilang, sa pagsasabing: At nakita ko, at, narito! ang Kordero na nakatayo sa Bundok Sion, at ang kasama niya ay isang daan at apatnaput apat na libo na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kanilang mga noo Sa pangitaing ito, nakita ang Kordero [si Jesu-Kristo mismo] at ang 144,000. Samakatuwid, mayroon silang pantanging pribelehiyo na makibahagi kay Jesu-Kristo sa makalangit na kaharian. Natitipon na ang karamihan sa mga ito bago pa ang ating panahon, kung kaya, isang nalalabi na lang ang natitira. Halimbawa, ang dumalo sa Memoryal noong nakaraang taon sa buong daigdig ay _________, ngunit _________ lamang ang

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG nakibahagi sa emblema. Bakit kakaunti lamang ang nakikibahagi? Dahil ang pakikibahagi sa mga emblema ng Memoryal ay nagpapahiwatig na kanilang makalangit na pagasa. Ano ang gagawin ng munting kawan na may 144,000 sa langit? At paano sila nakatitiyak na taglay nila ang pagasang iyon? Sa pangitain sa Apocalipsis 14:1, nakita ni Juan, bilang isang Judio ang pangalan ng Diyos na Jehovah ayon sa titik Hebreo na Tetragrammaton. Sa pagtataglay ng 144,000 sa pangalan ng Diyos sa kani-kanilang mga noo, ipinagbibigay-alam lamang nito sa atin na sila ay mga saksi ni Jehova, ang kaniyang mga alipin. Ang pagtataglay naman nila ng pangalan ni Jesus, ay nagpapahiwatig na kinikilala nila ang pagmamay-ari niya sa kanila. Ang matalik na ugnayan ni Jehova at ni Jesus ay nakakapekto sa kanilang isip at ginagawa. Sa 2 Corinto 5:17 ay binabanggit din sila bilang ang bagong nilalang na naglilingkod sa Diyos at mabuhay sa langit. Upang gawin ang ano? Sinasagot tayo ng Apocalipsis 5:10:At ginawa mo silang isang kaharian at mga saserdote sa ating Diyos, at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa. Sino ang kanilang hahatulan at pamamahalaan? Sa Mateo 19:28 at Lucas 22:30, sinasabi sa atin na hahatulan nila ang labindalawang tribo ng Israel. Kanino lumalarawan ang labindalawang tribo ng Israel sa dalawang tekstong ito? Kumakatawan sila sa lahat ng may makalupang pag-asadoon sa mga nananampalataya sa hain ni Jesus pero hindi kabilang sa maharlika at makasaserdoteng uri. (Ang makasaserdoteng tribo ni Levi ay hindi kabilang sa listahanng12 tribo ng likas na Israel.) Sa mga tekstong ito, ang 12 tribo ng Israel ay lumalarawan sa mga magkakamit ng espirituwal na mga pakinabang mula sa makasaserdoteng paglilingkod ng 144,000. Ang di-makasaserdoteng uring ito ay bayan din ng Diyos, at iniibig niya sila at tinatanggap. Angkop lang na itulad sila sa kaniyang sinaunang bayan. Bilang bahagi ng kaayusan ng kaharian, magdudulot ito ng di-masayod na pagpapala sa masunuring mga tao. Subalit, paano nila matitiyak na taglay nila ang makalangit na pag-asa?

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG Natitiyak nila ito yamang ang munting kawan ay bahagi ng isang bagong tipan. Ano ba ang bagong tipan? Ito ay isang bagong kaayusan ng Diyos na naging saligan upang tipunin ang espitituwal na Israel na siya ring munting kawan. Binanggit ang tipang ito sa Jeremias 31: 31-33: Narito! Dumarating ang mga araw, ang sabi ni Jehova, at makikipagtipan ako ng isang bagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ni Juda; hindi gaya ng tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga ninuno noong araw na hawakan ko ang kanilang kamay upang ilabas sila mula sa lupain ng Ehipto, na ang tipan kong iyon ay sinira nila, bagaman ako ang nagmamay-ari sa kanila bilang asawa, ang sabi ni Jehova.Sapagkat ito ang tipan na ipakikipagtipan ko sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, ang sabi ni Jehova. Ilalagay ko sa loob nila ang aking kautusan, at sa kanilang puso ay isusulat ko iyon. At ako ang magiging kanilang Diyos, at sila mismo ang magiging aking bayan.At hindi na sila magtuturo pa, bawat isa ay sa kaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Kilalanin ninyo si Jehova! sapagkat silang lahat ay makakakilala sa akin, mula sa pinakamababa sa kanila at maging hanggang sa pinakadakila sa kanila, ang sabi ni Jehova. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. Mula sa bagong tipang ito, magkakaroon ng maluwalhati at walang-hanggang katuparan ang ang pangako ni Abraham sa Genesis 22:18 hinggil sa isang binhi na magdadala ng pagpapala sa mga bansa. Sa Lucas 22:20, unang tinukoy ni Jesus ang bagong tipan nang itatag niya ang Hapunan ng Panginoon. Isiniwalat niya na ang ipinangakong tipan ay malapit nang pagtibayin sa kaniyang mga alagad at ni Jehova, na siya mismo ang tagapamagitan. Nang malapit na siyang mamatay, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na ang kaniyang itinigis na dugo ang siyang mabibigay-bisa, at ito ay naganap noong Pentecostes 33 C.E. nang ang banal na espiritu ay mabuhos sa mga 120 alagad na nakakatipon sa silid sa itaas sa Jerusalem. Ang mga Kristiyano na kabilang sa bagong tipan na sumasampalataya sa haing pantubos ay inaaring matuwid,

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG walang kasalanan, at sa gayoy nasa kalagayang pahiran bilang espirituwal na mga anak. Ipinapahiwatig lamang nito na yaon lamang kabilang sa bagong tipan at may makalangit na pag-asa ang makikibahagi sa mga emblema ngayon. Pero, paano malalaman ng isa kung may makalangit na pag-asa siya at kung gayon ay kabilang sa bagong tipan? Tutulungan tayo ng Roma 8:16, 17 upang maunawaan ang puntong ito. Mababasa natin: Ang espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos. Kaya nga, kung tayo ay mga anak, tayo ay mga tagapagmana rin: mga tagapagmana nga ng Diyos, ngunit mga kasamang tagapagmana ni Kristo, kung magdurusa tayong magkakasama upang luwalhatiin din tayong magkakasama. Samakatuwid, ang espiritu ng Diyos ang nagbibigay sa munting kawan ng personal na katiyakan ng kanilang makalangit na pag-asa. Tunay na hindi inilalagay ng Diyos sa pag-aalinlangan ang sinuman sa 144,000, sapagkat ang espiritu ng Diyos mismo ang gumigising sa miyembro ng katawan ni Kristo upang silay magkaroon ng matibay na paniniwala na sila ay isa sa mga espirituwal na anak ng Diyos na makakasama ni Jesus kapag siya ay naghari. Ito ay nagiging posible sa pamamagitan ng bisa ng hain ni Jesus. Kinikilala din nila na ang pag-aampon sa kanila ay bilang mga espirituwal na anak. Taglay ang isang mabuting budhi, sila ay patuloy na makapagpapatotoo na sila ay mga anak ng Diyos. Ikaw sa ganang sarili mo ang magpapasiya matapos ang maingat na pagsusuri. Dapat mong makitang malinaw kung saan ka nakatayo! Pinaalaalahanan ngayon ang mga pinahirang nalabi na makikibahagi sa emblema ng Memoryal hinggil sa landasin at kamatayan na iniwan ng ating Panginoong Jesus na dapat nilang tularan. Yamang sila ay may makalangit na pagtawag, kailangan silang maging tapat hanggang sa kamatayan at handang isakripisyo ang lahat ng makalupang bagay, kasama ang kanilang buhay-tao. Ngayon na ang panahon para sa kanila na suriin ang kanilang mga sarili, upang malaman ang kanilang espirituwal na saloobin: May patotoo ba sila ng espiritu? Malinis ba ang kanilang kalagayan, karapat-dapat

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG sa paningin ni Jehova, na makibahagi mg emblema ng Memoryal? Samantala, sa Apocalipsis 14:4, tinawag ang mga pinahiran na mga unang bunga. Mababasa natin: Ito ang mga hindi nagparungis ng kanilang sarili sa mga babae; sa katunayan, sila ay mga birhen. Ito ang mga patuloy na sumusunod sa Kordero saanman siya pumaroon. Ang mga ito ay binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero Ipinahihiwatig ng pananalitang unang bunga na may iba pa na tatanggap ng pagpapala ng Diyos. Sino ang mga ito? Dito ngayon pumapasok sa eksena ang ikalawang grupong nabanggit na natin-ang ibang mga tupa. Ipinakilala sila mismo ni Jesus nang sinabi niya sa Juan 10:16: At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito; ang mga iyon din ay dapat kong dalhin, at makikinig sila sa aking tinig, at sila ay magiging isang kawan, isang pastol. Ang mga kabahagi sa ibang tupa ay hindi dinadala sa bagong tipan, ni hindi sila bahagi ng munting kawan, subalit sila ay bumubuo ng isang kawan sa ilalim ng isang maibiging pangangasiwa at pangangalaga ni Jesus-Kristo na siyang mabuting pastol-ang ulo ng kongregasyon. Sila din ang nakita ni Apostol Juan sa isang pangitain sa Apocalipsis 7:9, na malaking pulutong na nakaligtas buhat sa malaking kapighatian. Sila ay may naiibang pag-asa,at ito ang buhay na walang-hanggan sa isang paraisong lupa. Lubusang pinagpala ni Jehova ang grupong ito ng ibang tupa, anupat tinawag sila na mga pinagpala at aking bayan. Iyan ang binaggit sa Isaias 65:21-23. Mababasa natin: At tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon; at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon. Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat magiging gaya ng mga araw ng punungkahoy ang mga araw ng aking bayan; at ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng aking mga pinili. Hindi sila magpapagal nang walang kabuluhan, ni manganganak man sila ukol sa kabagabagan;

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG sapagkat sila ang supling na binubuo ng mga pinagpala ni Jehova, at ang kanilang mga inapo na kasama nila. Angkop na angkop ang pagkakalarawang ito sa magiging pinagpalang kalagayan ng ibang mga tupa na umaasang mabubuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa! Tatamasahin nila ang ganap na katuparan nito sa bagong sanlibutan ng Diyos sa ilalim ng paghahari ni Kristo at ng 144,000 sa kanilang Milenyong paghahari. Kaya, habang nakikibahagi sa mga emblema ang mga pinahiran, dumadalo ang ibang tupa bilang mga magagalang na mga tagapagmasid na nagpapahalaga din sa pantubos. May dahilan ang mga kabilang sa makalangit at sa makalupang uri para magpasalamat sa maibiging paglalaan ng pantubos! KUNG ANO ANG INILALARAWAN NG MGA EMBLEMA (2 min.) Bago natin aktuwal na ipagdiwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo, angkop lamang na pag-usapan muna natin kung ano ang inilalarawan ng mga emblema na nasa ating harapan-ang tinapay na walang pampaalsa at pulang alak. Ang mga ito ay lumalarawan sa katawan at dugo ni Kristo, ang sakdal na hain. Iyan ang binabanggit sa atin ng Mateo 26:26: Habang nagpapatuloy sila sa pagkain, kumuha si Jesus ng tinapay at, pagkatapos bumigkas ng pagpapala, pinagputul-putol niya ito at, nang ibinibigay sa mga alagad, sinabi niya: Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng aking katawan. Ang tinapay na walang pampaalsa ay lumalarawan sa walang kasalanang katawan ni Jesus na ibinigay para sa walang-hanggang kapakinabangan sa hinaharap ng buong sangkatauhan. Sa Bibliya, ang lebadura o pampaalsa ay tumutukoy sa kasalanan, kabulukan, o kasiraan. Halimbawa, sa 1 Corinto 5:7, 8, binanggit ang lebadura ng kasamaan at kabalakyutan. Ang mga bagay na ito ay hindi nasumpungan kay Jesus sapagkat siyay walang kasalanan. Kaya angkop ang paglalarawan dito ang tinapay na walang pampaalsa. Ituloy natin Gayundin, kumuha makapagpasalamat, Uminom kayo mula ang pagbasa sa Mateo 26:27, 28: siya ng isang kopa at, nang ibinigay niya ito sa kanila, na sinasabi: rito, kayong lahat; sapagkat ito ay

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG nangangahulugan ng aking dugo ng tipan, na siyang ibubuhos alang-alang sa marami ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan. Mula sa salitang ito, ang pulang alak ay lumalarawan sa sa sariling dugo ni Jesus na ibinuhos ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan sa mga mananampalataya dito Ang dugo ding ito ni Jesus ang siyang nagbukas ng daan upang mapagtibay ang tipan ni Jehova at ng 144, 000 na si Jesus ang siyang tagapamagitan. PAG-ALAALA NGAYON SA KAMATAYAN NI KRISTO (12 min.) Ngayon ay dumating na tayo sa aktuwal na pag-alaala sa Kamatayan ni Kristo. Tutularan natin ngayong gabi ang parisang inilagay ni Jesus para sa pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon. Bago natin ipasa ang tinapay na walang pampaalsa, makabubuting basahin muna natin ang 1 Corinto 11: 23, 24: Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon yaong ibinigay ko rin sa inyo, na ang Panginoong Jesus, nang gabing ibibigay na siya, ay kumuha ng tinapay at, nang makapagpasalamat, pinagputul-putol niya ito at sinabi: Ito ay nangangahulugan ng aking katawan alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin. Pansinin ang tatlong bagay na ginawa ni Jesus: (1) kumuha siya ng tinapay, (2) nagpasalamat o nananlangin siya, at (3) pinagputol-putol iyon. Ang pagpuputol-putol ng tinapay ay walang anumang seremonyal na kahulugan; itoy upang maipasa lamang sa kaniyang mga apostol na nasa kaniyang palibot. Mahalaga sa lahat, si Jesus ay nanalangin at pagkatapos ay ipinasa ang tinapay sa 11 apostol. Kaya naman, tawagin natin si kapatid na __________________, upang pangunahan tayo sa panalangin. Pagkatapos nito, ay ipapasa natin ang tinapay. [Opsyonal kung magkokomento ang tagapagsalita habang ipinapasa ang tinapay na walang pampaalasa] Ngayon naman ay isunod natin ang pulang alak. Subalit, bago natin gawin iyan, nais muna natin basahin ang 1

10

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG Corinto 11: 25: Gayundin ang ginawa niya may kinalaman sa kopa, pagkatapos niyang makapaghapunan, na sinasabi: Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo. Patuloy ninyong gawin ito, sa tuwing iinumin ninyo ito, bilang pag-alaala sa akin. Sapagkat sa tuwing kakainin ninyo ang tinapay na ito at iinuman ang kopang ito, patuloy ninyong inihahayag ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya. Oo, si Jesus ay nanalangin at pagkatapos ay ibinigay ang alak sa mga alagad. Sa katulad na paraan, mananalangin din tayo sa Diyos na Jehova bago natin ipasa ang alak. Si kapatid na ___________________ ang tawagin natin upang tayoy pangunahan sa panalangin. MGA PAKINABANG SA PAGDALO SA MEMORYAL NA ITO (8 min.) Pagkatapos natin aktuwal na ipagdiwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo ayon sa parisang itinatag niya mismo, bumabangon ngayon ang mahalagang katunungan: Ano ang kapakinabangan sa pagdalo sa Memoryal? At paano natin maipakikita ang pagpapahalaga dito? Marami ang dumalo ngayon ay mga naimbitahan upang magmasid sa pag-alaalang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova para sa Hapunan ng Panginoon. Ang inyong pagkanaririto ay hindi lamang siguro upang magmasid, kundi upang matuto rin hinggil sa pag-ibig at kamangha-manghang gawa ng Diyos ng paglalaan ng pantubos. Maipapakita ninyo ang inyong pagpapahalaga sa paglalaang ito kung susundin at ikakapit ninyo ang sinasabi ng Juan 17:3, ang pagkuha ng tumpak na kaalaman tungkol sa tanging tunay na Diyos at sa isa na kaniyang isinugo, si Kristo Jesus. Hinihimok naming na gawin ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa Bibliya, at ang inyong kaibigang mga Saksi ni Jehova na katabi ninyo ay malulugod na tumulong sa inyo. Para naman sa kaibigan naming nakikipag-aral ng Bibliya at sa mga hindi pa nababautismuhan, patuloy ninyong abutin ang tunguhing iyan. Upang magawa ito, nararapat ninyong pagtibayin sa inyong sarili, ang pananampalataya sa hain ni Jesus, sa patuluyang pagkuha ng hakbang na

11

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG nakabalangkas sa Juan 17:3. Habang tumitibay ang inyong pananampalataya, magkakaroon kayo ng lakas para gawin ang iba pang kahilingang ang magsisi, makumberte, mag-alay ng sarili, at mabautismuhan. Sa gayong paraan lamang, lubos ninyong mapaglilingkuran ang Diyos na Jehova, at mapapahalagahan ang pag-ibig na ipinakita niya. Minsang nabautismuhan, ang isa ay kinakailangang maging tapat. Ano ang tutulong sa atin upang magawa ito? Una, ang lahat ay dapat na regular na dumalo sa pulong, at hindi lamang sa mga pantanging okasyon na katulad nito. Pinapayuhan tayo ng Hebreo 10: 23-25 na hindi natin dapat pabayaan ang ating pagtitipon, kundi nagpapatibayang loob sa isat isa, samantalang ating nakikita na papalapit na ang araw. Kapag palagian tayong dumadalo sa mg apulong Kristiyano, matutulungan tayo nito na manghawakang mahigpit sa pangmadlang pagpapahayag ng ating pag-asa na walang pag-uurong-sulong. Ikalawa, nararapat tayong makibahagi sa gawaing pangangaral. Bago umakyat si Jesus sa langit, nagbigay siya ng tagubiling masusumpungan sa Gawa 1:8 na sinasabing kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa. Ito ay tagubilin, hindi lamang para sa mga pinahirang Kristiyano at sa mga nalalabi nito, kundi ito ay patungkol din sa lahat ng mga tagasunod ni Jesus, kasali na yaong mga kabahagi sa ibang tupa. At yamang kalooban ng Diyos na ang lahat ng uri ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanan, ang pag-ibig natin sa Diyos ang dapat na magudyok sa atin na ipaalam at sabihin sa iba ang hinggil sa maibiging paglalan ng Diyos ng pantubos upang silay makinabang din sa pagpapalang dulot nito. Kung gayon, inaanyayahan naming ang lahat ng kuwalipikado na makibahagi sa ministeryo sa larangan sa linggong ito. Ngayon na ang panahon ng pagtitipon sa mga karapat-dapat ay malapit nang matapos, kaya naman ito ay ginagawa na sa buong lupa. Ginagawa ba ninyo ang pinakamainam upang suportahan ang gawaing ito? Nararapat naman na samantalahin natin ang pagsuporta rito.

12

MEMORIAL MANUSCRIPT TALK-TAGALOG Dapat abutin kapuwa ng mga munting kawan at ng mga ibang tupa ang magkaparehong pantayan ng paggawi. Patunayan natin sa lahat ng panahon na tayo ay maingat na sumusunod sa yapak ni Jesus. Kasali na rito ang pagpapanatili ng mabuting pag-uugali at udyok ng pag-ibig sa iba, ang aktibong pakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Sa katunayan, ito ay isa sa mga gawa ng pananampalataya na kailangang isagawa ng isa upang siya ay makinabang sa mga pagapapala ng pantubos. Sa mga kapatid naman namin na di palagian o di aktibo na naririto ngayon, panahon na ngayon upang panumbalikin ang espiritu ng kasiglahan. Yamang kaunti na ang panahon, samantalahin na natin ang paggawa ng sarili nating kaligtasan at gayon din ang sa iba. Kasabay nito, patuloy na kumuha ng tumpak na kaalaman hinggil sa mga layunin ng Diyos na Jehova. Sa gayoy higit nating mapapahalagahan ng sama-sama ang tunay na kahulugan ng Memoryal at ang maibiging paglalaan ng pantubos. Ngayon ay tapos na ang ating pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon para sa taong ito. Kagaya ni Jesus at ng 11 tapat na apostol winakasan nila ang Hapunan sa pamamagitan ng pag-awit ng papuri kay Jehova. Ganito ang mababasa natin sa Mateo 26:30: Sa wakas, pagkatapos na umawit ng mga papuri, sila ay lumabas patungo sa Bundok ng mga Olibo. Angkop lamang na tularan natin ang parisang ito Samantala, naway naging makahulugan sa ating lahat ang okasyong ito ngayong gabi-ang pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon! Awit Blg. 109 at Pansarang Panalangin

SASAKLAWIN SA 45 MINUTO S-31-TG 2006 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Reserbado ang Lahat ng Karapatan

13

You might also like