You are on page 1of 22

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang priority number system ay isang mas maayos at organisadong sistema ng pagpila na sumusunod sa first come, first serve na patakaran, ginagamit ito sa pagbili ng mga kagamitan, lupa, at mga ari-arian, sa pagbabayad ng mga matrikula at pagpapatalang mga asignatura.

Kadalasan itong nakikita na ginagamit sa mga bangko sa pagseserbisyo sa kanilang mga kustomer, pagpasok ng mga kustomer sa bangko ay kumuha sila ng numero, hihintayin nila ang kanilang pagkakataon na maserbisyuhan sa pamamagitan ng isang monitor display na nagpapakita kung anong numero na ang kasalukuyang sineserbisyuhan ng mga teller, kadalasang sinasamahan ng tunog ang pagtawag o pagpapalit ng numero

Sa sistemang ito ay mas nagiging madali at maayos ang pagpipila, di nakakapagod dahil maayos na nakakaupo ang mga kustomer habang naghihintay na maserbisyuhan, ngunit kapag di maayos ang pagsasagawa sa sistemang ito ay lalo itong nakakagulo at nakakapagpabagal sa pila, kaya nararapat na malaman natin kung naisasagawa ba ito ng maayos sa unibersidad, upang magawan ng karampatang aksyon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang Pamanahong papel na ito ay naglalayong matugunan ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano angadbentahe at disadbentahe na paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula? 2. Ano ang mas pipiliin ng mga estudyante, ang paggamit ng priority number o ang dating sistema ng pagbayad ng matrikula? 3. Ano-ano ang mga reaksyon ng bawat estudyante sa pagkakaroon ng prority number sa pagbayad ng kanilang matrikula?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay naniniwalang mahalaga ang mga impormasyong makukuga sa pananaliksik na ito.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaring malaman ang ibat ibang opinyon at reaksyon ng mga mag-aaralng Unibersidad ng Katimugang Mindanao hinggil sa paggamit ng priority number sa pagbabayad ng matrikula at kung ito ba ay epektibo at sinasang-ayunan ng mga estudyante.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng opinyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao hinggil sa paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Naniniwala ang mga mananaliksik na mainam na magkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang mga hinaing at saloobin ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sapagkat sa kanila lamang nakatuon ang pananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mababasa, nararapat na mabigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano gingamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito.

Adbentahe magandang naidudulot o pakinabangan; kalamangan

Disadbentahe kawalan o masamang naidudulot

Matrikula tuition fee kung tawagin sa Ingles; ito ang halagang ibinabayad ng mga estudyante batay sa kung ilang yunit ang gusto nilang kunin. Opinyon sariling pagtingin sa isang bagay, tao, o ano pa man

Priority Number isa o mahigit na numerong pang-aplikasyon o paghahanap ng kailangan kung saan ang karapatang pangprayoridad ay nakamtan.

Reaksyon ay ang ekspresyon ng tao sa isang bagay.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilahad sa bahaging ito ang mga babasahing may kaugnay sa isinagawang pananaliksik.

Ang sistema ng numerong pamprayoridad ay ipinapatupad upang mapanatili ang kaayusan ng mga estudyante sa pagpila tuwing nagbabayad ng matrikula. Ito ay kahalintulad ng isang numerong hawak-hawak nila ay natawag, nangangahulugan lamang itong pagkakataon na nila upang makabayad ng matrikula.

Masasabing epektibo ang paggamit ng sistemang ito sapagkat napapadalin nito ang sirkulasyon ng pangangasiwa sa pagbayad ng matrikula.

Maraming katawagan ang ginagamit sa sistemang ito tulad ng, take-a-turn system, take-anumber system, take a ticket system, queuing system, at priority number system.

Ang sistemang ito ay gumagamit ng server , maaring iisa lang o pwede ring madami depende sa pangangailangan. Ang server ang nag seserbisyo sa mga kustomer kaya sa kanila nakasalalay ang ikabibilis o ikababagal ng pila.

Walang gaaanong pag-aaral ang naglalahad tungkol sa sistemang ito, Ngunit alam nating ginagamit ito sa mga bangko dito sa bansa at maging sa ibang bansa, ngunit di gaanong ginagamit ang sistemang ito sa mga paaralan at sa pagbabayad ng matrikula kaya msasabing ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral sa priority number system.

KABANATA III METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang Pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang opinyon, at reaksyon sa paggamit ng priority number ng mga rerspondente.

Mga Respondente Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa ikalawang semestre ng taong akademiko 2011-2012.

Pinili ng mga mananalikssik ang isandaang respondente sapagkat sila ang makakatugon sa pangangailangan sa pamanahong-papel na ito.

CAS CENCOM CHS CBDEM CA CHEFS CED IMEAS CVM CIT Kabuoang Bilang

Unang Taon 3 4 3 2 4 1 3 2 5 2 29

Ikalawang Taon 3 2 3 2 3 2 3 5 2 4 29

Ikatlong Taon 2 2 3 2 2 3 3 2 2 2 23

Ikaapat na Taon 2 2 1 4 1 4 1 1 1 2 19

Kabuoang Bilang 10 10 10 10 10 10 10 10 10 10 100

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga mananaliksik na naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang opinyon, at reaksyon ng mga respondente sa paggamit ng priority number.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibatibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon, at pamanahongpapel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Tritment ng mga Datos

Ang Sarbey kwestyoneyr sa pamanahong-papel na ito ay ibinahagi ng mga mananaliksik sa mga respondente para sa layuning makakuha ng impormasyon. Pagkatapos nito ang sarbeykwestyoneyr ay kinulekta mula sa mga respondente at sinuri ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagtatally at pagkuha ng mga porsiyento lamang ang kailangan gawin ng mga mananaliksik.

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYONG NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon

Grap I

Opinyon ng mga respondente tungkol sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula

Grap 1
50 45 40 35 30 25 20 15 10 5 0 A B C 17 40 43

Leyenda: A. Napapadali ang proseso ng pagbayad B. Nababawasan ang siksikan C. Pwedeng umalis sa pila

Sa isandaang respondente (100%), Apatnapo (40%) ang nagsasabing napapadali ang proseso ng pagabayad. Apatnaput tatlo (43%) sa kanila ang nagsasabing nababawasan ang siksikan. Ang natitirang labing pito (17%) naman ay nagsasabing pwedeng umalis sa pila. Pansinin ang kasunod na grap:

Ipinapahiwatig sa grap na karamihan sa mga respondente ay nagsasabing nababawasan ang siksikan sa paggamit ng priority number.

Grap 2

Opinyon ng mga respondente hinggil sa disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagabayad ng matikula

Grap 2
C 18

42

33

10

15

20

25

30

35

40

45

Leyenda: A. Bumabagal ang proseso ng pagbayad B. May limit ang bilang ng maaaring mabigyan ng priority number C. Hindi nasusunod ang :first comes, first serve na patakran
9

Hinggil naman sa disadbentahe ng paggamit ng priority number, Tatlumput tatlo (33%) ay nagsasabing bumabagal ang proseso ng pag bayad. Apatnaput siyam (49%) naman ang nagsasabing may limit ang bilang ng maaaring mabigyan ng priority number, at ang natitirang labing-walo (18%) ay nagsasabing hindi nasusunod ang first come, first serve na patakaran.

Batay sa grap, ipinapalagay ng karamihan sa mga respondente na ang pinakadisadbentahe ng paggamit ng priority number ay may limit ang bilang ng maaaring mabigyan ng prioriy number

Grap 3

Opinyon ng mga respondente hinggil sa kung alin ang epektibong proseso sa pagbayad ng matrikula.

23% A B

77%

10

Leyenda: A. Paggamit ng priority number B. Dating proseso ng pagbayad ng matrikula

Hinggil sa kanilang opinyon tungkol sa kung anong proseso ang epektibo sa pagbayad ng matrikula, pitumput pito (77%) ang nagsasabing paggamit ng priority number at dalamput tatlo (23%) ay nagsasabing ang dating proseso ng pagabayad ng matrikula.

Mapapansin sa grap na karamihan sa mga respondente ay mas pinili ang paggamit ng priority number para sa epektibong proseso ng pagbayad ng matrikula.

Grap 4

Reaksyon ng mga respondente sa pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula

8%

21%

43% 28% A B C D

11

Leyenda: A. B. C. D. Nababagot Naiinis Natutuwa Nadidismaya

Inalam din ng mga mananaliksik ang reaksyon ng mga respondente hinggil sa pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Mapapansin sa kasunod na grap na dalawamput isa (21%) sa kanila ay nababagot. Samantala, Dalawamput walo (28%) ay naiinis, Apatnaput tatlo (43%) sa kanila ay natutuwa at ang natitirang walo (8%) ay nadidismaya.

Samakatuwid, karamihan sa mga respondente ay natutuwa sa paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

12

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang opinyon at reaksyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa adbentahe at disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbeykwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente, Sampung (10) respodente sa bawat kolehiyo.

Kinalabasan ng Pag-aaral Batay sa mga nakalap na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumsunod na resulta ng pag-aaral:

a. Ang adbentaheng nababawasan ang siksikan ay ang may pinakamataas na porsyento sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

b. Ang adbentaheng pwedeng umalis sa pila ay nasa pinakamababang porsyento sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

13

c. Ang disabentaheng hindi nasusunod ang first come, first serve na patakaran ay nasa pinakamababang porsyento sa disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula. Samantalang ang may pinakamataas na porsyento ay ang disadbentaheng may limit ang bilang ng maaring mabigyan ng priority number.

d. Higit na mas marami ang nagsasabing mas epektibon ang proseso ng pagbayad ng matrikula kung gagamit ng priority number.

e. Karamihan sa mga respondente ay natutuwa sa paggamit ng priority number.

Rekomendasyon Kaugnay ng mga kongklusyong nabuo ng mga mananaliksik, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ang mga sumusunod

a. Para sa mga gumagamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula ugaliing hintayin ang pagtawag ng numero para maiwasan ang pagbagal ng proseso.

b. Para sa mga kahera ng admin ugaliing dumating sa tamang oras at iwasan ang pagkainis sa mga nagbabayad upang hindi maging magulo ang proseso.

c. Para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao, huwag hintayin ang araw ng eksaminasyon bago ang pagbabayad para maiwasan ang mahabang pila.
14

d. Para sa administrasyon ng Unibesidad, isaalang-alang ang mga mabubuti at masasamang

epekto ng anumang bagong sistemang nais ipatupad na may kauganayan sa pagbayad ng

matrikula.

15

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

http://www.alzatex.com/productgroup.php?productFam=fam_waiting

http://www.takeanumbersystems.com/take.asp

http://www.microframecorp.com/category/TANM.html

http://courses.csusm.edu/ba662jh/docs/QueuingModels.pdf

16

APENDIKS A Lihan Pahintulot UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO KOLEHIYO NG SINING AT AGAHAM Marso 21, 2012 Mahal na mga respondente,

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao, na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Development Communication at nasa unang taon sa kolehiyo. Kasalukuyan kaming nagsasagawa ng pag-aaral na pinamagatang OPINYON AT REAKSYON NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO TUNGKOL SA ADBENTAHE AT DIS ADBENTAHE NG PAGGAMIT NG PRIORITY NUMBER SA PAGBABAYAD NG MATRIKULA bilang bahagi ng pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Isa po kayo sa napili naming respondente sa pag-aaral na ito. Hangad lang po namin ang inyong kooperasyon at konsiderasyon.

Maraming salamat! Lubos na gumagalang, Mga mananaliksik

Pinagtibay: Anesa P. Mangindra Guro sa Fil 121

17

18

Bio-data Personal na mga Datos ng mga Mananaliksik

Pangalan: Ruth Casonete Oyao Kasarian: Babae Tirahan: Takepan, Pikit, North Cotabato Taon ng Kapanganakan: Marso 31, 1995 Edad: 16 Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan: Charlene Joy Solin Basal Kasarian: Babae Tirahan: Brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato Taon ng Kapanganakan: Oktobre 8, 1994 Edad: 17 Relihiyon: Roman Catholic

19

Pangalan: Cayetano Tamao Daquiado Jr. Kasarian: Lalaki Tirahan: Sittio Torres, Sultan Kudarat, Maguindanao Taon ng Kapanganakan: Setyembre 21, 1991 Edad: 20 Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan: Sunshine S. Gellado Kasarian: Babae Tirahan: New Panay, Aleosan, North Cotabato Taon ng Kapanganakan: Nobyembre 27, 1993 Edad: 18 Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan: Mark Anthony F. Tayco Kasarian: Lalaki Tirahan: La Suerte, Mlang, North Cotabato Taon ng Kapanganakan: Abril 24, 1994 Edad: 17 Relihiyon: Roman Catholic
20

Aktwal na Larawan ng Pagsasarbey

21

22

You might also like