You are on page 1of 5

Buhay

Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya. Basta ang alam ko, noong mga oras n a yun, asa alapaap ang aking diwa. Congratulations, you've successfully passed th e recruitment process. You re hired . YOU ARE HIRED!!! Marahil, isa sa pinaka masarap na litanyang pwede mong marinig kasama ng Oo, tayo na at Negative ang pregnancy test (joke lang). Kaya naman nakatit ig ako sa kawalan habang pinapaliwanag nung babae mula sa HR department ang mga terms and conditions ng kontrata. Bumalik nalang ang aking ulirat nang pinapirma han niya ang sandamukal na papel mula sa brown envelope. Di ko alam kung para sa trabaho parin yun o last will and testament. Pagkatapos ng ilang online tests and assessments (nakaka-urat talaga yung typing test), mga interviews na susubok sa tatag ng pinahid mong deodorant, sa wakas, isa na akong technical support representative . Oo, call center agent din yun, pero mas mabangis pakingan. Kung baga sa zoology, scientific name. Naks. Di na ako tambay. Isa na akong employed citizen. Maiaahon ko na sa hirap a ng aking pamilya. Mapag-aaral ko na ang kapatid ko. Mabibili ko na lahat ng gust o ko. Makakakain nako sa Jollibee kahit hindi linggo, tuwing pagkatapos mag simb a. Makaka contribute nako sa bayan pamamagitan ng aking buwis. Pwede nakong magr eklamo ukol sa katangahan ng gobyerno. Magtatayo ako ng unyon ng mga callcenter agents (taga-PUP talaga?). Gagawa ng resolusyon upang maibsan ang climate change . Ipo-promote ang world peace. Malulunasan ko ang famine sa Africa. Tatakbo ako at mananalo bilang kauna-unahang non-american citizen president of America (ano da w??) at pwede ko nang ipa-assasinate sa navy seal si Justine Bieber. Spell, Naiv e (ay, ayan na pala). Unang trabaho, unang sabak sa telepono. Memorable ang pinaka una kong call. Sabi nung customer, ipasa ko nalang daw sa iba dahil mukhang wala akong ideya sa gin agawa ko. Sweet naman nya. 3 taon. 4 na employee number. 4 na posing para sa ibat ibang ID ng magkakaibang kumpanya. At kung usapang stereotypes lang naman, heto sila.. 1. Di mo alam ang petsa. Feeling mo ang mundo ay isang exercise wheel na tinatak buhan ng alaga mong hamster. Paikot-ikot. Walang katapusan. Zombie, ika ng iba. Gising, pasok. Uwi, tulog. Pero babalik din ang ating kamalayan tuwing a-kinse a t katapusan. 2. Hirap kang matulog sa bahay, pero di mo mapigilang mapa-pikit pag asa trabaho . Di ko alam kung dahil ba sa aircon o ang sarap lang managinip na isang malakin g punching bag ang kupal mong TL, tuwing nakikita mo siya. 3. Ikaw o may kakilala ka, na energy drink na ang dumadaloy sa mga ugat. Cobra s a almusal. Sting sa tanghalian. Extra Joss ang panulak pag nabubulunan. Lipovita n naman ang nilalagok tuwing umiinom ng biogesic. 4. May kakilala ka din na laging may bitbit na baso ng starbucks kapag papasok. Siguro, importante talaga ang kape pag graveyard shift. Pero ang nakapagtataka e , buong araw na niya itong hawak, at sa paraan na makikita mo ang pangalan niya na nakasulat sa baso. 5. Alam mo ang mga term na pitik at hadouken . At madalas itong masusundan ng pagta-t ype sa notes ng Customer ended the call . 6. Kahit madalas e demonyo ang tingin mo sa kanya, gusto mong halikan sa tuwa an g TL mo pagsinabi niyang Go on aux 4, coaching tayo . 7. Pero malulungkot ka ulit, dahil malalaman mong bagsak lahat ng na-audit mong

calls. Tipong, ang nakuha mo lang ng tama, ayon sa QA, ay opening at closing spi el. Lahat sablay na. 8. Sa lahat ng buttons ng Avaya, Auto in ang pinaka mahirap pindutin, parang may kung anong pwersa na pumipigil, parang invisible force field, samantalang Log O ut naman ang bestfriend ng iyong daliri. Lagi rin itong aksidenteng napipindot. 9. Nakatangap kana ng perfect csat survey kahit hindi para saiyo (sabi nung cust omer , napaka helful daw ni Jenny. E Brando ang pangalan mo sa phone). Pero naka receive ka na din ng Dissat kahit resolved ang issue. 10. Speaking of, kung parang generic name ng gamot ang pangalan mo, walang probl ema yan, dahil legal ang pag gamit ng phone name o alias. Halimbawa, sa totoong buhay, ang pangalan mo ay Godofredo, sa industriyang ito, ayos lang na mag openi ng spiel ka ng Thank you for calling, my name is Summer . 11. Naisipan mo nang mag-amok at sindihan ang smoke detector para magpaulan ng t ubig ang mga sprinkler, tuwing queuing. 12. May kakilala kang bigla-bigla nalang nagwawala, hinahagis ang headset, hinah ambalos ang kanyang mug, dinudurog ang avaya sa pamamagitan ng paghampas ng keyb oard, dahil hindi alam ng customer kung nasaan ang start button. 13. Yung TL mo bigla nalang nagkakaroon ng meeting, pag nakita ka niyang papalap it, sa pag aakalang Sup Call na naman ito. 14. Kung may Teachers Pet, meron ding TL s Annoying Monkey. Siya yung team mate mo na laging ume-epal at kadikit lagi ng team leader nyo. Madalas siyang taga-repo rt ng mga late o overbreak. Lagi din siyang humihirit ng mga helpful tips pag te am meeting. Sarap lagyan ng tattoo sa noo na Wala akong pakialam . Joke lang. 15. mok rth mo Dahil immersed tayo sa konsepto ng tamang customer service , madalas kang mag-a sa mga fast food chain kapag pakiramdam mo ay youre not getting your money s wo . Ano to!! Sabi ko LEG part.. Bakit tuyong BREAST ang binigay mo sakin? Tawagin ang manager!!! .

16. Meron ka o dumating sa buhay mo ang point kung saan nag-apply ka ng credit c ard. 17. May kakilala kang ayaw tumigil kaka-english kahit sa mga pampublikong lugar o PUVs pero parang tanga na kating-kati mag Tagalog sa mga English Only Zone ng opisina. 18. Mahirap umisip ng dahilan kapag na late ka. Dahil walang trapik at imposible ng umattend ka ng PTA meeting ng anak mo, pag alas dos ng madaling araw. 19. May team mate kang aligaga sa buhay at walang ibang nais na i-suggest kundi ang mag team building kayo. TL: Guys, ano bang magandang action plan para bumaba ang AHT ng team? SIYA: Team building tayo!! 20. Mas maangas pa sa CEO ng kumpanya kung umasta ang mga security guard. Nagula ntang ako dati nang minsan kong tanungin si Manong Guard ng Saan po dito yung tes ting area? , sabay sagot ng Im sorry, but you must be aware that this is an *Englis h Only* zone . Muntik nakong sumuka ng dugo. 21. Bukod sa crush mo, isa sa napaka konting bagay na nagpapangiti sayo tuwing s hift ay mga Ghost Calls . Kung saan para kang tanga na uulit-ulitin ang opening lin e, dahil SOP ito. 22. Naranasan mo nang sapilitang tumawa dahil TL, OM o Shift manager ang nag-jok

e nung nakasabay mo siya sa elevator, kahit na sabaw ang kanyang sense of humor. TL: Anong hayop ang magaling mag karate? Ikaw: Bwahahahaha!! (halos masuka ka na sa pag-papangap) Ano boss? TL: E di.. TILAP-YAHHH!! Ikaw: Nyahahahaha!! (gusto mo nang ipitin ang ulo mo sa pinto ng elevator) Nice one!! 23. Pinasok mo ang industriyang ito kalakip ang pag-asa ng mabilis na promotion. Oo, nasa performance mo nakabase ito, pero umamin ka. Pagkatapos ng unang 6 na buwan, narealize mo na mailap ito parang Halley s comet. 24. Naranasan mo na ang sumakay sa isang PUV after shift, kung saan, ikaw lang a ng stressed ang aura, amoy yosi, amoy alak, samantalang lahat ng ibang pasahero ay preskong-presko, mga amoy downy at blooming dahil papasok palang sila. 25. Sa pag-aakalang napindot mo ang mute, nag-tatatalak ka ng tagalog habang may call. Huli mo nang nalaman na naririnig ka ng customer sabay tanong ng Im sorry, what? . Pero dahil maparaan ka, sinagot mo siya ng oh.. that was a secret passage, written in the language of Mordor, that must be uttered to hasten your dwindlin g internet speed.. . 26. Naranasan mo nang mag-google ng mga sakit na pwede mong idahilan kapag tataw ag ka sa sick hotline niyo. Mas uncommon , mas maganda. Dapat binubuo ito ng 3 o hi git pang medical terms. 27. Poker face lagi ang company nurse o physician. Hindi sila madaling mapaniwal a sa mga nagsasakit-sakitan. Sanay na sila dyan. Lumang tugtugin kung baga. Pauu wiin ka lang kung naisuka mo na ang iyong baga o kulay violet na ang iyong buong katawan. 28. Nakauwi na ang lahat subalit naiwan ka parin sa floor dahil sa customer mong isang oras na nagpapaturo, pero hindi parin magets, ang sayantipikong proseso n g pag copy+paste . 29. Kung medyo sablay ang kumpanya, naranasan mo na din ang hot seating . Ito yung mala-espanyang pagsakop sa work station mo ng kung sinong Lucifer, kung offline ang iyong phone status. Hindi epektibo ang pag-iiwan ng gamit, pagpapaskil ng iy ong larawan sa monitor o paglalagay ng note na Ang kumuha ng station na to, tutub uan ng pigsa sa gilagid . 30. Di tulad ng ibang propesyon, hindi big deal dito ang AWOL. Boy A: Asan na si Jayson? Boy B: Nag AWOL na. Boy A: Ah ok. Anong ulam sa pantry ? 31. Ikaw o may kakilala kang buong angas kung maglakad sa recruitment area kapag merong mga bagong aplikante. Minsan doon pa mismo tatambay kapag break para ipa ngalandakan na empleyado na siya. Mas mabisa din kung paiikutin mo ang iyong ID sa leeg na parang hulahoop. 32. Napa-upo kana sa isang work station na puno ng kapalpakan. Kumukurap ang mon itor. Mga duro-durog na chichirya ang nakasingit sa pagitan ng mga keys ng keybo ard. Yung headset naman, its either mahina, di ka marinig ng customer o nababalo t ng sang katutak na scotch tape. Parang embalido lang. 33. Nakakita kana ng isang kumag na pasiklab kung magtype ng password sa mga sys tem tools niyo. Ambilis ng pindot sa keyboard, tulad ng napapanood mo sa mga sci -fi movies. Pero madalas, password incorrect. Maya-maya, mapapansin mo na isa is a nalang ang pag press niya ng mga letter. Kinain ang pride. Busog. 34. Automatic na lumalabas sa bibig mo ang mga phrases na nagpapakita ng sympath

y sa customer, kahit na sa totoong buhay e wala ka namang pakialam kung dumadaan siya sa matinding pagsubok gaya ng pagbagal ng internet connection o pagkalimot ng email password. CX: Bear with me, im such an idiot when it comes to tech stuff. You: Its ok maam . And im sorry that you re an idiot. 35. Halos araw-araw kang makakarinig ng mga istorya tungkol sa isang bagong kump anya na mas malaki ang sahod, mas magandang management at mas magandang faciliti es. Balita ko nga eh, may swimming pool sa ops area nila, at may libre na isang k ilong ubas tuwing pasko . 36. Aminin mo man o hindi, namangha ka din sa pintuan ng opisina na kelangan pan g i-swipe ang ID mo para bumukas. Ay pota.. Magic!!! . 37. Dahil graveyard shift, hindi rin mawawala ang mga kwentong kababalaghan sa c allcenter industry. Kesyo dati daw sementeryo ang site na yun o may namatay nang agent sa opisina niyo dahil aksidente daw nyang nakain ang Avaya at nabulunan. Ikaw: TL, Biglang na-drop yung call!! May multo!!! . TL: Ulol. 38. Meron kang souvenir mula sa kumpanyang balak ata i-declare na critical workin g day ang bawat petsa sa kalendaryo. Maaaring mug na may logo ng company. Ballpen na may logo ng company. Payong na may logo ng company. Burial plan with complim entary lapida na may logo ng company. 39. Hindi rin mawawala ang love team. Naks. Tamis sa gitna ng masalimuot na mund o ng queuing. Sabagay, mahirap din naman kasi ang magkaroon ng matinong relasyon kung hindi callcenter agent ang jowawers mo. Tipong tinext mo, pero tulog siya. Mga 8 oras na ang nakalipas bago pa siya makareply. Tapos, ikaw naman ang tulog . Vicious cycle. 40. Langit ang training phase. Petiks mode. Buddy up lang lagi. Kaso simula na n g impyerno mo paglampas ng nesting. Taliwas sa pinagsasabi ng mga ignoranteng taong tabon, na hindi kailangan ng uta k para makapag trabaho sa isang callcenter, tagisan dito ng talino (kung paano m are-resolve ang issue), abilidad (na magtransfer), creativity (pagiimbento ng da hilan kung bakit dapat niyang sisihin ang kanyang anti virus software) at lakas ng loob (sikmurain ang mga ingles na mura na kadalasan mo lang maririnig sa mga hollywood movies o kanta ni Kanye West). Karamihan sa kakilala kong matatalino, puno ng sense at mababait (kung team mate kita dati, nabasa mo naman siguro ang mga papuring ito, kailangan ko ng dalawan g daang piso, baka meron ka diyan) ay nakasalamuha ko sa nasabing industriya. At kahit kelan, di ko malilimutan ang pagkakaibigan at mga karanasan ko mula dito. Thank you for calling, to which department would you like to be transferred?

You might also like