You are on page 1of 2

Preface: A Random Thinker

Preface /pref-s/ (n.) an introduction to a book stating its subject, scope, etc. (from: Illustrated Oxford Dictionary 1998, 2003)

Is this a book? No. Then, why do we need a preface?

This is a journal. And we do need a preface. Based from the definition above, preface is an introduction wherein the books subject, scope, and the like, is stated. What is the purpose of this journal?

It is to state and share the ideas of a random thinker. A random thinker. THATS ME! :)

Why did I brand (translation: call) myself a random thinker? Wala lang. :) Trip lang. :)

Na-nosebleed ba kayo kanina? Wahaha. Sorry naman po. :) Hindi ako sanay magsulat sa wikang Ingles. Mas gusto ko pa rin gamitin ang wikang Filipino sa pagsusulat. Mas madali ko kasing naibibigay ang ideyang nais kong iparating sa aking mga mambabasa. (Nosebleed. Mag-taglish na nga lang ako. :)) Ayon, kaya ko nga natawag ang sarili ko na random thinker, kasi Im a RANDOM PERSON. :) Magandang explanation yan diba? Haha. SABAW

Seriously, ako kasi ay may mga RANDOM THOUGHTS sa utak na gusto kong i-share sa sangkatauhan. :)

At ako yung tipo ng tao na kapag nag-umpisa na magsulat, lahat nalang ng pwede ilagay, inilalagay ko. :) Ako yung tipo na, HINDI STICK-TO-ONE sa writing. Kaya nga hate ko ang pagsusulat ng essays na may certain topic. Ako kasi yung mahilig mag-connect-connect ng mga bagay na wala namang ka-connect-connect. :) (Not always. But most of the time. Pasensya na, SABAW LANG) Tulad nalang nitong preface ko. Nag-umpisa akong magsulat sa wikang Ingles, tapos Filipino, tapos ngayon, Taglish. Hahaha. Walang consistency.

Ako rin pala kasi yung tipo na, kung ano ang maisip ko. Sinusulat ko. Wala akong pakialam kahit minsan hindi na connect-connect, basta lang naiparating ko ang gusto kong iparating. Tulad na nga lang nitong preface ko. Sabi ko kanina, ang preface ay para sa kung ano ang purpose ng journal na ito, pero napunta na sa pagpapakilala ko sa sarili ko. Naging about the author ang drama. Hahaha. :)

Since na-state ko na ang purpose ng journal ko na ito. Tapusin na natin to. Hahaha. Ayan, isa pa pala. Hindi ako magaling mag-drama ng introduction ng mga essay o magtapos nito. Basta kung ano nalang ang maisip ko, yun na yun. :)

O diba? Napaka-RANDOM ko talaga. At pag trip niyo ang RANDOMness ko, sana suportahan niyo itong aking journal. :)

At alam ko na kahit napa-random ko, marami kayong matututunan sa journal ko na ito. Promise. :)

Basta pag wala kayong magawa, just visit this journal of mine. :)

Salamat sa pagbabasa. Sana na-gets mo lahat ng pinagsasabi ko. O pinagsususulat ko rather. :) Until then. Yours truly, A Random Thinker. ^_^

You might also like