You are on page 1of 7

1998 - Summer kami nag meet sa AUP - Classmate ko sa Sunday class Naligaw - typical na ligaw ng isang guy (flowers,

chocolates etc..) hatid sundo kung may mga event na pupuntahan sa loob ng campus. Nov. 5, 1999 - naging boyfriend/girlfriend kami. -laging magkasama, mabait pero medyo seloso.. July 1999 nabuntis ako at hindi naming alam kung pano sasabihin sa amin, hanggang umabot ng October na aalis na sya papuntang Mindanao Sanitarium Hospital.. Tuloy naman ang communication namin. tumatawag sya sa bahay. January 2000 - nalaman sa bahay namin na buntis ako, at sinabi ko yun sa kanya, kaya nagdecide sya na papuntahin sa bahay ang papa nya.. February 2000 nagpunta ang papa at kapatid nya sa bahay at napagkasunduan nila nina mommy na magpacivil wedding pagbalik nya.. April 2000 inayos naming lahat ng requirements, para sa kasal.. April 11, 2000 Civil Wedding , sa reataurant kami nag celebrate with families. Before and After ng wedding sa Manila sya nag stay for Board Exam review. April 25, 2000 nanganak ako sa panganay namin (EJ). gabi na sya dumating from manila at kinabukasan umalis na ulit pabalik.. Hanggang sa September nagboard sila at nakapasa naman.. October 2000 Graduation day nila, kaya dun lang nalaman ng lahat na kasal at may baby na kami.. January 2001 inoccupy namin yung boearding house ng parents ko.. June or July 2001 1st job nya, natanggap sya sa St. Cabrini Hospital as a Medical Technologist.. October 2001 - Nagrent na kami ng Bahay sa San Bartolome Sto. Tomas, Batangas.. - Full time mommy naman ako kay EJ..

( Wala akong nahahawakan na sweldo, payslip lang ang nakikita ko, every time namagroceries kami.. ako ang kukuha at sya ang magbabayad..) 2003 nagkawork ako sa Toyota Batangas, Calamba Branch, nung una ayaw nya but eventually pumayag din sya.. (ok naman ang samahan namin , napunta pa sya sa office ko para sunduin ako) 2004 Lumipat kami ng apt. malapit sa Hospital. Meron na syang girl na malimit ikwento sakin (me asawa at anak na din) si Irene. Nagkakalaro pa nga ang anak nya at anak ko pag napunta kami sa Hosp., sa madaling sabi naging friend ko din si Irene, kasi mabait sya sakin at pag night duty sila ni Jomer kasalo pa namin mag dinner, nagpaturo pa sya sakin ng PIniahang manok kasi masarap daw.(fave food ni Jomer). Nung una akala ko super friends lang sila pero habang tumatagal e , sila na lagi ang magkanight duty.. 6am ang duty nila, wala pang 5am umalis na at may problema daw si Irene kaya kelangan nyang damayan..(nagtext pa si Irene na thanks peram muna ke sir Jomz) at sinabi ni Jomer na pinagseselosan na daw sya ng asawa ni Irene..(at yun pala yung paguusapan nila kaya super aga na umalis ng bahay) madaming nakakadating na kwento na sinasamahan daw sa walter kasama pa yung anak nung girl. Akala ko friends lang, may something na pala.. Hanggang one time na, napagusapan namin na manood ng movie after work ko, off nya yun, kaya sa waltermart na lang daw nya ko hintayin at maglalaro sya ng counterstrike. Tumawag sakin ang visor ko sabi nya kasakay ko si Jomer bumaba ng Lipa Sabi ko baka hindi sya yun kasi iba ang paalam sakin.. Hanggang sa nagkita na kami sa movie house e late, nagtanong ako, ayun umamin naman at sinabing sinamahan nya si Irene sa Robinsons Lipa, dahil my project lang na bibilhin para sa anak. (nag sorry, e di pinatawad naman at ganun lang naman ang nangyari) Sa makatuwid natuloy kami sa sa panonood, kahit walang imikan.. -Monday- Nagkausap kami ng visor ko, kinumusta kung anong nangyari, sabi ko ok na kami.. Ang bait mo naman, magkaholding hands na nakaakbay pa sa babae eh ayos lang sayo?

Nagulat ako kaya napaiyak na lang at tinawagan ko si Jomer para umuwi kami at magusap dahil alam ko na. Umuwi naman kami pareho pati c Irene pinapunta ko sa bahay. Nang magkausap kami, napaamin ko naman na me something sa kanila at nag sorry, maghihiwalay na daw, at ndi naman malalim ang ugnayan nila. Thank God at hindi kay Jomer ang ipinagbubuntis nya.. July 2004 nag close ang Toyota Calamba kaya lahat kami napalipat sa Batangas City. Ok naman na ulit ang pagsasama namin, hanggang manganak ako sa 2nd baby namin January 14, 2005 si Liq.. Late 2005 may nalilink na naman sa kanya na kasamahan sa laboratory, ganun ulit, malimit na ka night duty nya. 2006 - Nag b-day si AKE Feb. 9, naloka ako at sya pa ang may bigay na gift kay Jomer, (3pcs. Na panyo) sakin nung una ok lang, pero may onteng duda na ko. Feb. 14, 2006 Wow! May card ako (gawa pala ni ake, pinalampas ko at sayang ang moment) Nagdate kami (typical date) pero may tawag ng tawag.. si ake (ok lang, kasi me toyo daw ang machine) so pag uwi namin ng late na, pinuntahan sa hosp ang machine. After non, malimit ng magkatext. (ex: kumain ka na, inumin mo na mga meds mo.) At pag night duty si Jomer, nagtatawagan pa sila.(nakitaan ko ng sim sa wallet) Nang minsan na ndi ko makontak si Jomer, patay ang phone. Pinuntahan ko sa Cabrini, inabot ko (BINGGO!!) may kausap sa phone nya na ibang sim ang gamit.. Namimili kami sa mall, sabi ko dagdagan natin yung panyo nya, sabi nya wag na.. After 2 days, pagkakita ko me panyo sya nasa lab. Kami nun, sabi ni ake pabili daw ni Sir Jomer. Sabi ko kay Jomer pag-uwi ayos na pabili yun ah, bakit walang etiketa at hanep ha amoy PABANGO nya! sabi ni jomer ewan ko, ganan na nung ibigay nya eh -Nagseselos na ko ng sobra pero kailangan palampasin para hindi na magaway. May mga text pa din akong nababasa. May nakakadating din sakin na nagkikita yung 2..at nakita ko ng minsan na sinundan ko samin na may iaabot lang daw sa kaibigan namin..

Summer 2006 - Nagpaalam sakin na uuwi ng San Juan Batangas. Nung bumalik from San Juan. May swimming naman kami kasama mga friends ko. Ganun na naman, tawag ng tawag at may toyo daw ang machine sa laboratory, napuno na ko at parang nanadya na kapag malayo sya e lagi kaming ginugulo, ng kinausap ko ayun mainit na din ang ulo nya sakin, nagaway na kami, hanggang umagang umuwi walang imikan. Nagkataon naman na yung week na yon may kumakalat na video , na sweet na sweet daw ang dalawa sa Glorietta. (pero walang nagpakita sakin nun) hanggang yung asawa na ni Ake ang naggugulo kay Jomer na maghihiwalay daw sila ng dahil sa kanya.. Nagkagulo silang mag-asawa dahil nakita ng pamilya ang video,at dumating sa point na nakaktakot man e sinamahan ko pa si Jomer sa bahay nila Ake at kausapin ang Biyenan nya na walang namamagitan sa kanila, ipinagtabuyan kami. At Hindi naniwalang walang relasyon ang dalawa dahil nakita daw ang video. Hanggang sa nagresign na lang si Ake sa Cabrini. Ok na ulet kami no hassle Happy Family ika nga.. Pag me mga lakad ako, sumasama sya, pag sya naman at pwede akong kasama, sinasama din ako.. 2006 Nagkaron din sya ng sideline sa isang hospital sa Calamba as a reliever. Hindi naman everyday ang pasok nya dun. Nag gym ako, sinasamahan ako pag minsan, minsan naman e sinusundo na lang ako. Sa mga kasamahan or tropa nya, may bagong nagiging close sa kanya.. sabihan ulet sya nga mga problema at nagkakalabuan na daw.. Si Grace , staff nurse sa 2nd floor, yung boyfriend nya nakakalaro pa ni Jomer ng table tennis sa pinag gyman ko.. Nung nagstart na maging close yung 2, mapapansin mo na naman ke jomer kasi pag minsan ikukuwento nya na nagaaway yung magbf at sa kanya nga daw nagsasabi ang grace.

Pag night duty din sya at magdadala ako ng food nya e me nagbibiro sakin na mga engr. Dun na ay nakow nakakain na si sir Jomer, amin na lang yang dala mo Pag day duty naman sa hospital na daw sya magaalmusal. At malimit ng lumabas ng kasama nya yung buong tropa na yayayin ako, pero sya hindi ako isasama.

Ang pinaka nakakayamot sa lahat kaya nahalata ko na me bababe na naman ay yung night before the celebration ng 7th birthday ng panganay namin. May pupuntahan lang day syang bdayan din ng tropa pero uuwi daw agad. Hanggang mag umaga hindi pa din umuwi at 10am na dumating.(ang dami ng bisitang naghahanap sa kanya, ang daming aasikasuhin. Wala sya) After ng celebration , malimit ang night duty nya sa kabilang hospital.. (dumadami na ang duda ko) Umuwi ulet ng San Juan, tumawag ako ng umaga kinabukasan andun pa daw sya at tinutulungan si papa sa boarding house, e naputol ang usapan at cannot be reach na, so ke papa ako tumawag , para kausapin si jomer, ayun sabi ni papa na hindi daw natulog dun Dumaan lang saglit.. Nang tanungin ko nung umuwi kina parengn JR daw sya natulog.. May 7, 2007 - from night duty sya nun kaya ang alam ko nasa bahay lang sya. Nag half day naman ako nun dahil masama ang pakiramdam ko kaya pinayagan ako sa office na umuwi.. Pagdating ko ng bahay, gising at nagallaro sa PC, nang may nagtext. Ayun nabasa ko na na ang katext ay si grace, lahat ng conversation nabasa ko. Masama daw ang pakiramdam, hindi pa dinadatnan, I trust you hon. Reply naman ang loko na ipreg test daw sa duty nila.. Nakakagulat at nung tanungin ko eh inamin nya na gf nya c grace. Yun nag away na kami nag walkout ako at nagpunta sa kaibigan namin , pina pauwi ako , hondi ako umuwi, Umuwi lang ako nung nakaalis na sya from night duty.. Naginom ako mag-isa, pabalik balik sya sa bahay hindo ko talaga pinagbubuksan ng pinto. Hanggang sa nakatulugan ko at sa pagod na din kakaiyak, me sakit pa.

At nang ahulasan ako, medaling araw yun nagpunta ako sa hospital para mag sorry ika nga at mahal eh. Kaso ang dumating ako sa laboratory wala sya at nasa 2nd floor dam, punta ko dun at nakita ko yung girl, tinanong ko si Jomer ayun ang sweet pa ng gigisingin, nayamot na ko, sinabunutan ko yung babae, hanggang sa nagkasakitn kami, taz nung magising si Jomer e pinagtatanggol pa yung babae at nagkahantungan sa pilian at pinili yung girl, nanlambot na ko nun at umalis, sumunod si Jomer hindi alam bumalik ako at sinampal ko para lang sa mga anak ko yan, naging mabait ako sayo pero yan ang igaganti nyo sakin. Pag-uwi ko ng bahay andun si Jomer galit na, nagkasampalan kami at humantong sa pagpapalayas ko sa kanya. After 2 days pinababalik ko na, tinawagan ko kapatid nya para maconvince ko din sya.. bumalik sya at yung babae pa din nya ang iniintindi nya, mag mula nun malimit na kaming mag-away at hindi magkasundo dahil mahal daw nya yung babae. Nagusap kami at nagdecide ng maghiwalay ng Sept 2007, bago sya umalis papuntang Dubai, walang kaalam alam ang pamilya ko na hiwalay na kami at sumama pa silang lahat sa paghahatid sa airport. Hanggang 2nd week lang ng October kami may communication.. Isang taon na walang support sa mga bata, hindi din nagbibigay ang family nya, pero isang beses dumalaw ang papa nya samin, nahingi ngn tawad sa lahat ng ginawa ng anak nya. Sa kapatid nya lang sya nagpapadala saka ipapadala sakin ng kapatid nya ang support sa mga bata.

You might also like