You are on page 1of 2

CAS Enrollment Guidelines Kinakabahan ka na ba sa enrollment next sem? Takot sa mahabang pila? Ayaw ma hassle sa process?

Well, dahil freshie ka pa lang, madali pa ang enrollment process kase given pa lahat ng subjects nyo at hindi kailangang makipaga patayan para sa slots. Medyo parehas lang din nung una kang nag enroll, para maging mas confident sa pagdating ng enrollment, heto ang step-by-step procedure: Things to bring: ID/Form5 (kung nawala ang id at hindi pa napapalitan, form5; kung nawala ang form5 at di na kumuha ng kapalit, id; kung wala parehas, *disappear*) ESF (nasa blockhead) Classcards (yung ibang adviser, tinitignan talaga, pwede ding ilagay na sa curricular checklist ang grades) Curricular Checklist (two copies, isa sa'yo, isa sa adviser) Ballpen (siguraduhing may tinta, iwasan ang gtech, fountain, gel at sign pen) Pasensya (pila. pila. pila) Pamaypay (baka lang naman kase maiinit diba?)

Step1: Issuance of Form 5 (Cybernook) Kailangan ang id at ballpen dito. Pumila, hintaying papasukin, Ibibigay ang form5-A, i-check kung tama lahat ng subjects at section na nakalagay, baka naliligaw.

Step2: Waiting Room (Sa room malapit lang sa cybernook) Stay sa waiting room, dun nila ibibigay uli sa inyo ung form5 ninyo para mafill-out. Nakasulat na sa board nun kung ano yung mga dapat sulatan and kung ano yung dapat ilagay. Wag mahiyang magtanong kung may hindi alam o hindi sigurado. (kaylangan nyo din ilagay dito yung annual income nyo para sa bracket assessment, magtanong na kagad para hindi na matagalan :D)

Step3: Advising (Department) Punta sa department, tulad nung first enrollment mo, magpapasign, kadalasang dito tinitignan yung grades mo nung first sem, and from the title itself, bibigyan ka ng pointers/advice ng adviser mo :)

Step4: Student Fund (SC Office)

Parang nung dati din, magbabayad ng SC fund, maghanda na ng bente para mabilis :)

Step5: Checking (table sa may RH lobby) Pumunta para ma-check nila yung form 5 mo kung ok na or kung may namiss na step :)

Step6: Reassessment (RH11-B/TBA) Re-assessment ng bracketing, kung may scholarship/ SLB, punta sa OSA :)

Step7: Payment (OUR-Cashier) Pwedeng hindi muna magbayad sa araw ng enrolllment, pero dapat bago mag umpisa ang sem, nakabayad na, or merong deadline kung hanggang kelan lang pwedeng magbayad. :)

Step8: ID Sticker (OUR) Pila sa Window 1/2 (?)

Step9: Gala/Uwian/Sembreak uliiiiit! =))) (kahit saan mo gusto)

Madali lang naman diba? :D You have to get used to this procedure, parang ritual na susundin mo yan every sem, except kung magkaron ng aberya, pero most probably, you'll still do the same :)))

Have a happy Sem Break! :D

You might also like