You are on page 1of 5

ANG MAPUSYAW NA ROSAS NA SAN LUIS: PRAKTIKALIDAD O PANININDIGAN Nina: Angeles, Danica Marie DC. at Elevazo, Leonida A.

Ang mundo ay isang teatro, ang ating unibersidad ay isang entablado at bawat isa ay may isang ginagampanang papel. Sa iyong paglalakad sa pasilyo ng San Luis iyong makakasalubong ang mga Paulita Gomez ng ating unibersidad. Nakapusod ang mga malalamyos na buhok, nabibihisan ng kulay rosas na bestida at binabagayan ng puting sapatos, taas-noong naglalakad patungo sa pagamutan na tutulong sa kanila upang abutin ang kanilang mga pangarap. Si Paulita ang isang ulila, mayaman, maganda, edukada, elegante, ismarte at kagalang-galang walang maipipintas dito maliban sa tiyahing bungangera at materyosa pa. ---Basilio(El Filibusterismo) Maganda, edukada, elegante at matalino, marahil ito ang mga katangian ni Paulita na kaakit-akit kay Isagani. Sa umpisa ng nobela mababasa ang pag-iibigan nila Isagani at Paulita. Ngunit mapapansin ang biglang pagbabago ng isip ni Paulita at kanyang pinakasalan si Juanito Pelaez. Maaring sabihin na naimpluwensyahan siya ng kanyang tiyahing si Donya Victorina sa pagiging praktikal at materyosa. Kung ating babalikan sa Noli Me Tangere, pinakasalan ni Donya Victorina si Don Tiburcio dahil sa pagnanais niya ng karangalan at kayamanan. Maraming bagay ang maaring makaimpluwensya sa mga desisyon ng bawat tao, maraming estudyante sa kursong narsing ang naimpluwensyahan ng kanilang mga magulang o kamag-anak upang kunin ang kanilang kurso. Sino nga ba si Paulita sa ating unibersidad? Ang mga estudyanteng may laman ang utak, matayog ang mga pangarap, desidido sa buhay at praktikal.Sa dami ng kanilang populasyon, kailangang magpatayo ng ekstensyon ang ating unibersidad. Sila ang mga estudyanteng narsing ng San Luis . Tingnan ang isang rosas maganda,masamyo,mahaba ang tangkay at matinik. Marami ang naitatago ng kagandahan ng isang bagay. Rosas na dakila sa mata ng lahat,madalas na ibinibigay ng mga lalaki sa mga babaing nililigawan nila dahil ito raw ang simbolo ng pag-ibig. Ngunit may mga bagay na maaring ipahiwatig ang rosas. Ang mahahabang tangkay ng mga rosas ay sumisimbolong mahirap itong abutin marahil sa taas ng pangarap. Nagniningning ang kanyang ganda sa lahat. Masamyo at nakakahumaling, napakagandang pagmasdan kapag namumukadkad na ang mga rosas ngunit ingat lang sa paghawak dahil meron itong mga tinik na maaring sumugat sa iyo. Kagaya ng rosas na sumugat sa puso ni Isagani, si Paulita,isang magandang rosas na mataas ang pangarap ngunit lumaki sa luho at sanay sa mariwasang pamumuhay. Ano pa ba? Ang hirap naman mag-isip ng maisusulat. Nahahati na ang aking mga split- ends ha?. Ayun may naisip na ako, ang mga matinik nitong tangkay na nagsisimbolo ng pagiging maarte. Ito ay dahil bago mo mahawakan ang bulaklak na ito ay kailangan magtiyaga sa pag- iwas sa mga tinik.(nonsense ba?). Seryoso na ito, kahit gaano kalupit ang tadhana sa atin, nariyan pa rin tayo na nagpupumilit makuha ang minimithi.(oooops lalim a?). Basta masabi ko bugso ng puso ko oks na. Madami ba akong naipintas? Pero totoo naman di ba? Siguradong wala nang aangal pa (lets go to business). Nakakasiguro ako na maraming humahanga kay Paulita sa mga nakakatuksong katangian niya. Hala! Baka isa ka sa nalinlang niya? Ang kanyang katauhan ay doble-kara tulad ng mapusyaw na rosas ng San Luis.

(Mga pananaw ng mga manunulat tungkol sa pagnanarsing) Bakit nga ba hindi ako nagnarsing? Hay naku, hindi man lang sumagi sa pinakamaliit na bahagi ng aking katawan .Pagkarinig ko palang sa salitang Mag-narsing ka aysus naaalibadbaran na ako. Noon pa man akoy nagbalak mag-aral sa Maynila, pinagsisiksikan nila sa payat kong katawan ang pagkuha ng narsing. Ang pesteng tiyuhin ko ang may kagagawan, palibhasa pamilya sila ng mga nars.Ang epal niya! Ang hindi ko makakalimutang isinagot MAGBABAGUIO NA LANG AKO,KAHIT AYAW KO ,BASTA GUSTO KO ANG MASUSUNOD.Kayo na lang magnarsing ah?Bastos na sagot pero makatotohanan.Basta final na ayoko mag-narsing.---Leonida Minsan tinanong ako ng tatay ko kung bakit nga ba ayaw ko ng magnarsing,BASTA AYAW KO !!!yun ang bastos na sagot ko kaya nasabon na naman ng tatay ko ang aking bibig. At napaisip ako bakit nga ba kahit kelan eh di pumasok sa isip ko magnarsing. Una sa lahat siguro dahil takot akong makakita ng malalalim at duguang sugat (eew kadiri) at pangalawa dahil ayoko magtrabaho sa hospital nakakhilo kaya ang mga amoy ng gamot at pangatlo, dahil wala siguro sa linya ko ang pagiging nars mas gugustuhin ko pang mamasyal at magkwento sa mga torista kaysa utus utusan ng mga doktor---Danica Nung bago palang ako sa aming dormitoryo, nagkaroon ako ng pagkakataong makipagkwentuhan sa mga bago kung kasama sa kuwarto. Unang una ang sabihan ng kurso, sinabi kung HTM ako, nagkatinginan silang lahat at sinabi nilang OK, tapos ng sinabi ng isa ring baguhan na narsing ang kanyang kurso, aba naging maganda ang kanilang paguusap at buong magdamag, nagkwentuhan sila kung gaano kahirap ang kanilang kurso. Siyempre nainis naman ako dun kasi simula noong araw na yun puro narsing (Nursing Talk) na lang ang pinaguusapan nila, kaya tuwing maririnig ko sila bumubulong bulong sa isip ko Nursing puro nalang NURSING sana bumagsak kayo sa quota!!! Sa kabutihang palad, eh di na nila nahintay ang pagbagsak nila sa quota at lumipat na sila ng eskwelahan (YEHEY!!!) pero maiba tayo ng usapan bakit nga ba tila nagkaka hydrocephalus at lumulobo yata ang mga ulo ng mga estudyanteng nars. Pero hindi naman siguro sila likas na masama. Siguro dahil ang kanilang kolehiyo ay sanay sa parangal at papuri na natatanggap nila nahahawa narin ang mga estudyante. Nakakapagod, nakakainis, nakakasawa na, ang hirap-hirap, yun ang mga salitang,madalas kong marinig sa mga dati kong boardmate. Minsan muntik na akong madulas at sabihin sa kanila eh bakit ninyo kasi kinuha ang narsing kung di rin ninyo magugustuhan Payong kaibigan lang , kung gusto mo ang isang bagay mas madali para sa iyong magsakripisyo at magpagal para abutin ito.ika nga (You MUST have the passion for what you do..) Bakit ka kukuha ng edukasyon kung ayaw mo mag-titser? , bakit ka kukuha ng medisina kung ayaw mo mag-duktor?, bakit ka kukuha ng abogasya kung ang gusto mo talaga ay maging piloto? Wala ring silbi ang pag-aaral momabuti pang wag ka nang mag-aral.di ko naman sinasabing maging Pal ka (short for palamunin) ang ibig ko lang naman sabihin gawin mo ang isang bagay na talagang gusto mo sa buhay. Tulad ni Paulita, sa umpisa sagana sa papuri at para siyang modelong babae sa panahon ni Rizal pero sa banding huli lumabas na maluho pala siya at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Marahil nahawa siya kay Donya Victorina, dahil kung babasahin mo sa Noli maganda rin si Donya Victorina sa kanyang kabataan at masyado rin ang pagpapahalaga niya sa sarili. Marami siyang mga taga hanga kasama pa nga dun si Kapitan Tiyago ngunit dahil sobra siyang mapili walang natira

sa kanya kundi isang matandang kastila na bukod sa pagiging pilay eh bungal pa! Hay! Tadhana nga naman oiba kung magbiro. Katulad rin nang pagpili ni Paulita kay Juanito na isang mestisong kuba kaysa kay Isagani na isang pilipinong makata. Tulad rin ng pagpili ng mga nars na magpaalila sa mga dayuhan sa ibang bansa kaysa magtrabaho dito sa Pilipinas. Sa dinami-dami ng kursong maaring kunin, bakit narsing ang kadalasang kinukuha ng mga estudyante ngayon. Narsing dyan, doon at kahit saan ka lumingon, makakakita ka ng estudyanteng kumukuha ng narsing. Lahat yata ng unibersidad sa pilipinas may narsing.marahil natanong mo din sa sarili mo ito bakit kaya sila kumukuha ng narsing? e ang dami- dami na nila. Isa pa, hindi lang yan ang kursong in demand. Ang iba sa kanila ay napilitan o di kaya pinagpilitan ang kanilang sarili na kumuha ng kursong ito. Malamang dahil sa nakikitang paghihirap ng mga kababayan natin ngayon. Sinusugal nila ang sariling interes para sa pera. Pero karamihan sa kanila, hindi nila alam kung gaano kahirap ang kursong ito. Hindi basta basta na dahil may pera ka ay papasa na. Kailangan itong paghirapan, kailangan ng sipag at tiyaga upang maging ganap na nars. Wow! Medyo madrama yata ang mga nabangit, bigyan naman natin sila ng papuri (hehehe), kahit ano pa man, marangal ang pagiging nars. Maraming estudyanteng narsing ang itinuturing na nakakataas sila kaysa sa ibang kurso (kagaya ng mga buwisit kong boardmates). Sa isang unibersidad, syempre di mawawala ang inggitan (ikaw ba naman ang may maraming kakumpitensya). Likas sa mga tao ang pagiging inggetero at inggetera.may nagsasabi na matalino sila, may iba naman na talentado sila (o baka naman tarantado). Siyempre mataas ang tingin nila sa mga matatalino, proud na proud nga ang SLU sa mga top notcher nila. Tipong napakataas ng lipad, pagmememoryado lang naman ang kanilang pinanghahawakan. Isang napakasakit na katotohanan dito sa unibersidad ng San Luis na kapag HTM ang kurso mo ay BOBO iyon ang pumapasok sa isipan at kapag narsing naman wow talino!ang nakarahistro sa kanila. Sa aking paglagi sa unibersidad, damang-dama ko ang paghihinagpis at marahil hindi lang ako kapag sinasabing htm ang pinakamadaling kursosisiw!. Kung ating susuriin, hindi nga ba sa pagmememorya lang sila magaling? Hindi gaya ng ibang kurso na sa aplikasyon nagpapakadalubhasa. Sa realidad, gustuhin mo man o hindi skills o ang mas makakatulong sa iyo sa hinaharap. Karamihan sa mga estudyanteng nars ang nagpapasyang kunin ang kanilang kurso dahil layunin nilang kumita ng malaki at siyempre kahit hindi nila masyadong gusto ang narsing ito ang pinakapraktikal na kurso sa panahon ngayon, at upang madali silang makuha ng kanilang mga kamaganak sa ibang bansa.

Nagpasya si Paulita na pakasalan si Juanito Pelaez ng malaman niya ang kinasangkutang gulo ni Isagani; naisip niyang mas nakalalamang sa Juanito kay Isagani dahil bukod sa mayaman ito mestizo at nagmula sa magandang pamilya samantalang si Isagani ay isang probinsyanong indio, isang ulila , pinalaki ng tiyuhing pari na si Padre Florentino, na tumututol sa mga kasiyahan at pagtitipon na gustong gusto ni Paulita. Sinunod ni Paulita ang batas ng kalikasan ni Darwin(SURVIVAL OF THE FITTEST) na ang babae ay pumipili ng lalaki na maaring makibagay(To adopt) sa lugar na kanyang tinitirahan at si Juanito nga ang kanyang pinili dahil nasa abot-kamay daw nito ang pamumuhay sa siyudad at kayang kaya niyang tustusan ang mga luho ni Paulita.

Minsan iniisip ko kung bakit nagawa ni Paulita ipagpalit si Isagani kay Juanito, eh ayon sa deskripsyon sa Fili mukhang di hamak na mas matalino, isang mabuting tao at may paninidigan si Isagani kaysa kay JuanitoEh si Juanito, maloko, may pagkamalisyoso, may pagkasinungaling, mapagkunwari(nagkukunyari siya kina Donya Victorina na magaling siyang mag-pranses ngunit ang totoo ginagaya lamang niya ang isa nilang katabi) , hindi maasahan (kahit sa mga pagtitipon ng mga estudyante hindi dumarating) at malaki ang posibilidad na magtaksil siya kay Paulita. Pero pinili lang naman ni Paulita ang bagay na sa palagay niya ay makakabuti sa kanya, tama naman siya dapat mong piliin kung ano o sino ang mas makakabuti para sa iyo kasi delikado nga naman ang buhay niya kung si Isagani ang magiging asawa niya ngunit di niya siguro naisip na baka hindi maibigay sa kanya ni Juanito ang pag-ibig na tinatamasa niya kay Isagani. May pagkaselosa pa naman si Paulita, di malayong maging tulad ang relasyon nila sa mag-asawang de Espadana puro na lang gulo at away. Sa palagay ko kung may pangatlong aklat si Rizal baka mabasa natin ang pag-aaway ng dalawa. Tapos siguro dahil patay na si Simoun, si Isagani na ang bida kasi masyadong duwag si Basilio at mga kontrabida sina Paulita, Juanito ,kung buhay pa si Donya Victorina pwede rin siya , sina Padre Salvi, Padre Camorra tapos idagdag na rin si Placido para may twist ang istorya. Siyempre di mawawala ang bidang babae (Mabuhay ang mga kababaihan!!) kung ako si Rizal gagawa ako ng bidang babae na matapang, matalino, at maprinsipyo yung tipong Gabriela Silang para naman matutong lumaban ang mga babae at magkaroon sila ng mabuting modelo. Kasi parang ang lumalabas kay Paulita kaprichosa, maarte at papansin samantalang si Juli naman parang masyadong martir dahil kung ako yun hahanap ako ng ibang paraan para iligtas si Basilio at hindi ako lalapit sa isang manyakis na pari. Hindi kaya inisip ni Paulita ang maaring sabihin ng mga tao sa mabilis niyang pagpapalit ng nobyo? (Marami rin kasing tsismoso noon) halatang halata na iba ang kanyang interes sa pagpapakasal kay Juanito.Kung gagawin mo ang ganun sa kasalukuyang panahon sobrang pangit ang tingin sa iyo ng mga tao ( pwede ka ring tawaging social climber) isa kang manggagamit sa tingin iba. Sa panahon ngayon my mga taong gagawin ang lahat kahit pa imoral ito sa tingin ng iba. Naalala ko pa nung unang semestre tinanong nung narsing kong board mate yung kaklase niya kung my pagsusulit sila kinabukasan sabi nung kaklase niya wala daw, siyempre naniwala naman yung board mate ko. Nang sumunod na araw nagulat ang board mate ko ng pinakuha sila ng guro nang isang buong papel, may pagsusulit pala sila!! Ayun kawawa naman ang mokong nakakuha ng itlog. Bakit nga ba nagawa yun ng kaklase niya? , eh balita ko nga dati sobrang dikit nila, gumigimik pa sila sa SM tapos ganun-ganun na lang para lang makalamang sa sampung puntos na pagsusulit ipinagpalit niya ang kanilang pagkakaibigan? Pagkatapos ng pangyayaring iyon di na ulit nagtanong ang kawawang mokong dun sa kaklase niya,ang tingin ng lahat,ng buong klase sa kanya eh sinungaling ,hindi mapagkakatiwalaan at sugapa sa grade. Kung minsan ganun tayong mga tao pinagpapalit natin ang bagay tulad ng pagkakaibigan,pag-ibig upang magkamit ng karangalan at kasikatan. Hindi tayo nahihiyang mandaya o manloko,hindi tayo

nahihiya sa maaring sabihin ng iba o sa maaring maging epekto sa kanila dahil iniisip lamang natin ang ating mga sarili,nagiging masyado tayong gahaman. Natatandaan mo ba ang panglalait na ginawa ni Paulita sa bayan ni Isagani? Mga masasakit na salitang binitawan ni Paulita laban sa bayan ni Isagani. Ayaw ni Paulita sa lugar ni Isagani. Maraming reklamo ang lalabas sa mga labi niya. Ang sikat na katagang Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararatng sa paroroonan, ito ang kabaliktarang ugali ni Paulita. Bilang isang ambisyosa sa mga bagay bagay ayaw niyang maghirap at tanggapin ang bayang kinalakihan ni Isagani. Nandiri pa ng lubos ang bruha ng malaman niyang may mga linta sa bundok na kailangan mong daanan para marating ang Tiani at sinabi niyang pupunta lamang siya doon sa pamamagitan ng tren . Madalas kong naririnig mula sa aking mga guro na nagpapatunay na dapat bumalik muna kung saan ka galing at ito ang iyong unang hakbang. Pagkatapos magaral, bakit hindi bumalik sa sari sariling lalawigan at doon gamitin at magpakadalubhasa sa mga natutunan. Maglingkod sa bayan para umunlad ito. Hindi lamang para sa sarili ito kundi para sa anak mo, mga apo mo at para sa susunod pang henerasyon. Ang mga nagnanarsing na pagkatapos magaral, pagpunta sa ibang bansa ang ginagawa. Hindi natin sila masisisi dahil nga naman mas maliit ang sweldo dito. Bagaman ganito sa Pilipinas kung papaunlarin natin ang bansa sa pamamagitan ng paglilingkod, magkakaroon ng pag asang umangat din. (Filipino First!!) Ang masaklap na katotohanan ay panghuli sa listahan ng pagtratrabahuhang lugar ng mga Pilipinang nars ang kanilang sariling bansa.Bihirang-bihira ang mga nagnanarsing na gustong magtrabaho dito sa Pilipinas. Mas pinipili ng mga bagong nars ang pumunta sa Amerika kung saan makikita sa kanilang mga mata ang pagnanasa sa mga dolyares. Pagmamahal sa bayan ang dapat mangibabaw sa atin dahil kung saan tayo galing dito rin tayo babalik kahit ano ang mangyari. Huwag magpapadala sa agos ng kagustuhan ng iba, manindigan ang kailangan! Ako ay nagmamalaki na ang gusto ko ang nasunod sa pagkuha ng kurso. Masasabi ko lang sa inyo, dapat kung ano talaga ang nais mo ipaglaban mo ito. Rebolusyon! Himagsikan! Mabuhay ang mga Pilipino! (JOKE) KahitO.A.dapat pagisipan ng mabuti ang pagawa ng desisyon dahil magkakaroon ito ng epekto sa iyong buhay hanggang sa iyong kamatayan pakaingatang tunay, dahil ito ang signos ng iyong kinabukasan.

You might also like