You are on page 1of 19

Ang buod ng

Noli Me Tangere
ni Dr. Jose Rizal

Kabanata ika-1 hanggang ika-33

Mga Tauhan
Crisostomo Ibarra- Binatang nagaral sa Europa; nangarap makapagtatayo ng paaralanpara sa kinabukasan ng San Diego. Maria Clara- Maganang dalaga na inalagaan ni Kapitan Tiyago, ksaintahan ni Crisostomo Ibarra. Elias- Piloto at magsasakang tumutulong kay Ibarra para makilala ang bayan. Pilosopo Tasyo- maalam na matandang taga payo ng mga marurunong na mamayan ng San Diego. Sisa- Isang Masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawng pabaya at malupit. Basilio at Crispin- magkapatid na anak ni Sisa, Sakriskatan at taga tugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Alperes- Matalik na kaagaw ng Kura sa Kapangyarihan sa San Diego. Linares- Malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Don Juan- Namamahala sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas- taong madilaw na gumawa ng kalong na gagamitin sa pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno- Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng Kastila. Tiya Isabel- Hipag ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara Donya Victorina- babaing nagpapanggap na mistisang kastila kung kaya abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Donya Consolacion- Napangasawa ng alperes, dating labandera na may malaswang bibig at paguugali. Don Tiburcio de Espadaa- isang pilay at bungal na ksatilang napadpa sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran, napasaw ni Donya Victorina. Donya Pia- Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad siyay maisilang. Don Rafael Ibarra- Ama ni Crisostomo Ibarra, nakainggitan ng labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya naging kataguriang erehe. Don Saturnino- Nuno ni Crisostomo, naging dahilan pagkapatay ng ng nuno ni Elias. Kapitan Tiyago- Mangangalakal na taga Binondo, ama-amahan ni Maria Clara. Kapitan Maria- Tanging babaeng makabayan na kakampi ni Ibarra tunkol sa sinapit ng kanyang ama. Kapitan Basilio- isa sa mga kapitan ng bayan sa San Diego kapitan Tinong at kapitan Valentin.

Tinyente Guevarra- Isang Matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsasabi kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Padre Sibyla- Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Padre Damaso- isang Kurang Pransiskano na napalipatng ibang parokyamatapos maglingko ng matagal na panahon sa San Diego. Padre Salvi- Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Kabanata I- Isang Pagtitipon Isang pagtitipon ang ipinag anyaya ni ni Kapitan Tiyago sa kanyang tahanan sa daang Anluwage, ang kanyang matandang pinsang babaeng si Tiya isabel ang magalang na tumatanggap ng bisita. Ang mga panauhing bisita ay sila Tinyente Guevarra, Padre Sibyla, Padre Damaso at dalawang paisano, ang isa ay dati ng taga Pilipinas. Ang mga kararating na dayuhan ay nagtanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipno. Nagkaroon ng matinding pagtatalo ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo sa tabako, lumitaw din ang panglalait ng mga Espanyol tungkol sa mg Pilipino noong mga naka lipas na araw. Naiba ang usapan na naging tungkol sa pagkakalipat ng bayan ni Padre Damaso matapos na makapaglingkod sa kura ng San Diego sa loob ng 20 na taon bilang kura, Ipinaliwanag ito ng tinyente kaya nagalit ang Padre. Sinubukan nalang ni Padre Sibyla pakalmahin si Padre Damaso. Dumating sila Dr. de Espadaa at Donya Victorina. Kabanata II- Si Crisostomo Ibarra Pumunta sila Kapitan Tiyago at Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binati lahat ni Kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay benisyunan dahil sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala. Tulad ng mga taga Alemanya, dito nalaman ni ibarra ang pagpakilala sa paraang banyaga. Kinumbinda ni Kapitan Tinong si Ibarra na manghalian kinabukasan ngunit tumangggi siya dahil nkatakda siyang umalis bukas papuntang San Diego. Kabanata III- Ang Hapunan Sa-isang nagtungo ang mga panauhin sa hapag-kainan. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Sa mga panauhin, tanging siya lamang ang nakaisip na tawagin si Kapitan Tiyago. Pero, magalang itong tumanggi.

Sinimulan ng ihanda ang pagkain, walang alam ang pari, pinaluto ang pagkain para kay Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Crisostomo na marami-rami naring bansa ang napuntahan nito at maraming wika ang kanyang natutunan, pinagaralan din niya ang mga historiya ng mga bansang kanyang binisita. Nabanggit in niya ang tungkol sa pagkapareho ng sistema sa pamumuhay, pulitika at relihiyon. Subalit nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Biglang na tigil ang pagpapaliwanag ni Ibarra dahil biglang sumabat si Padre Damaso na sabi na kung yan lang ang natutunan mo ay nagsasayang kalang ng pera, dahil kahit bata ay alam ang maga sinabi niya, nagulat ang lahat sa biglang pagsalita ng pari. Kalmado lang si Crisostomo, ipinaliwanag lang niya na sinsariwa niya lang daw niya ang mga sandaling madalas pumunta ang padre sa kanilang hapagkainan noong bata pa siya dahil dito hindi nakapagsalita si Padre Damaso. Nagpaalam na si Crisostomo pero pinigilan ito no Kapitan Tiyago sapagkat darating pa daw sila Maria Clara at ang bagong kura ng San Diego. Umalis parin si Crisostomo at nangakong babalik pa bukas. Nang mga gabing iyon ay isinulat niya sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa manok ang alitan sa salu-salo; ang mga handa ay walang silbi sa isang piging at ang hind dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain. Kabanata IV- Erehe at Pilibustero Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang pupuntahan, pagala-gala ang paningin nang biglang may humawak sa kanyang balikat at si Tinyente Guevarra ito. Sila ay nagusap tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama at nalaman nalang ni Ibarra na namatay ito dahil nagkasakit ito sa bilangguan, at pagtataka kung bakit nakulong ito sapagkat napagbintangan na pumatay ito sa taga kolekta ng buwis sa mga sasakyan, ang kanyang ama na si Don Rafael Ibarra. Maraming kaso ang inibintang sa ama mo banggit ni Tinyente, dahil dito naging kaaway narin siya ng simbahan dahil hindi sya nangungumpisal. Gumawa ng paraan ang Tinyente para matulungan ang kawawang ama ni Ibarra sa maganda nitong kalooban ay tumawag pa nga ito ng Abugadong Pilipino. Nang araw na lalaya na sana si Rafael ay nagkasakit ito at namatay, lumabas sa pagsusuri ng doktor na ang ikinamatay ng Artilyero taga kolekta ng buwis ay alta-presyon. Kabanata V- Isang tala sa gabing madilim Sakay ng Kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala, isang hotel sa Maynila. Nagmadali siyang pumunta sa kanyang silid at umupo sa isang silyon, dahil sa pagkadalamhati ay gulong-gulo ang isip ni Ibarra, maya-maya ay patingin-tingin siya sa kanyang paligid sa bintana ay nasilayan niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog, inig niya ang kubyertos at pinggan rinig din niya ang ang tugtog ng musika

mula sa orkestra. nakita sana niya kung sino-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi, may suot na diamante at ginto, halos lahat ay pinagmamasdan si Maria Clara. Aliw na aliw silang tumitingin sa dalaga maliban sa isang batang pransiskanong maputla at payatin. Si Pare Sibyla naman ay sayang saya sa pakikipagusap sa mga dalaga samantalang si Donya Victorina ay tiyagang nagaayos ng buhok ng dalaga. ahil sa kapaguran ni Ibarra ay madali siyang nakatulog, sa gabing iyon, ang batang pransiskano lang ang hindi nakatulog. Kabanata VI- Si Kapitan Tiyago Si Kapitan Tiyago ay pandak; di kaputian at bilugang mukha. Siya ay tintatayang nasa pagitan ng 35 nataong gulang na maitim ang buhok, at kung hindi lang sa pagiging mangangahin siya ay maituturing na magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, sa ay isang maimpluwensyang tao. Siya ay malakas sa gobyerno at halos kaibigan lahat ng prayle. Tinuturing din niya ang kanyang sarili bilang isang Kastila at hindi Pilipino. Si kapitan Tiyago ay anak ng isang mahirap na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa kahirapan ng kanyang ama ay hindi siya nakapagaral. Naging katulong at tinuruan siya ng paring ominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siyay mag-siang nangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na isang naganang alagang tagaSant Cruz. Nagtulong sila sa paghahanap-buhay hanggang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa buong San Diego si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisosotomo Ibarra. Sa anim na taonng pagsasama nina Tiyago at Pia, sila ay hini nagkaron ng anak kahit j\kung saan saan sila namanata. Parai\ng ininig ang asal ni Pia, siya ay naglihi, gayunman naging masakitin si Pia, nang siya ay nagdalantao. Pagkapanganak nya, siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang ank ni Pia ay pinangalananang Maria Clara. Gayunman, nagkasuno si on Rafael at Kapitan Tiyago na maski naglakalyo ang kanilang mga anak, pagdating ng tamang panahonsilang dalawa ay pag iisahing dibdib. Ito ay ay sa kanilang apniniwala na anf dalawa ay tunay na nag-iibigan. Kabanata VII Ang Pag uusap sa Asotea Kinabukasan, maagang-maaga pa ay nagsimba na sina Maria Clara at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria Clara. Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista. Habang nanahi si Maria, nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nag

maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama nag kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagulot ng kaligayahan sa kanilang mga puso. Pamaya-maya, lumipat sila sa asotea. Tinanong ni Maria si Ibarra, kung hini siya nalimutan nito sa pangingibang bansa ahil sa maraning magagandang dalga roon. Sinabi ni Ibarra sa kanya na hindi siya nakalimot. Katunayan, si Maria ang laging nasa isip niya. Inilabas naman ni Maria ang isang liham na binigay namn ni Ibarra sa kanya bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria. Nakasaa sa sulat kung bakit nais ni on Rafael na pag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. ahil siya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang sinilangan. Pagkatapos basahin ay naalala ni Ibarra na may kailangan pa siyang gawin at mag-uunas na. Kabanata VIII- Mga Alaala Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kaganahan ng sinag ng araw ay nakakapagpawi sa kanyang kalungkutang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala. Sa patuloy na pagsusuyod sa kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa san Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita in niya ang mga magaganang karwahe an ang mga sakay ay mga kawaning inaantok pa sa kanilang pagpasok sa tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Ang mga paring nakasakay sa karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong noon na kasam ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati ni Ibarra. Natanaw naman ni Ibarra ang malawak na agat. At naisip niya, sa kabila ng parang walang hanggang tubig na iyon, naroon ang Europa. Ang mga bansa sa Eiropa ay walang humapy sa [agsulong. Kabanata IX Mga Suliranin Tungkol sa Bayan May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang sumakay si Maria. Tiyempong umating si Pare Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong ana nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbubulong ng pari ay inakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.

Nahalata kaaga ni Kapiatn Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hini nito iabot ang kamay nang magtanka itong magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap sila ng sarilinan ni Kapitan Tiyago. PUmasok sila sa isang sili at isinarang mabuti ang pinto. Sa kabilang ako, pagkaraang makapagmisa si Padre Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko Sa Puerta e Isabel II. Dumitetso siya sa isang sili at tumamba sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Naawa siya rito. Ikinuwento ni Padre Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganapna pagkakaaliatn nian Pader damasa at Ibarra. Ipinaliwanag ni Padre Sibyla na si Ibarra ay taong mabait ant mabuti. Ang alawang pari ay nagpaliatn ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lughang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon. Sa kabilang bana naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapiatn Tiyago at Padre Damaso. Sinisi ni Pare amaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsisinungaling sa kanya sapagkat ang inaama ni Maria Clara at ito ay umalis na. Kabanata X Ang San Diego Ang San iego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at may malalapa na bikrin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang maga inaaning proukto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang mura sa tsino. Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang Saniego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na umating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga amit, alahas at salapi. Hini nagtagal ang matanda ay nawala. Isang araw ang mga nagpapapstol ng kalabaw ay nakamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinangagalingan ng amot at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng balete. Kayay kinatakutan ito ng mamamayan. Hini nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunany, nakapagasawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng ank na tinawag niyang Rafael o Don Rafael an siyang ama ni Crisostomo.

Si Don Rafael ay hini malupit bagkus siya ay mabait. ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagigigng nayon. Ito ay naging bayan. Nagkaron ng isang kurang indiyo. Pero nang namamatay, si Padre Damaso ang pumalit. Kabanata XI- Ang mga Makapangyarihan Bagamat Don Rafael ang tawag sa ama ni Ibarra, hini siya kinikilalang makpangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay ginagalang at halos lahat ng tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban. Si Kapitan Tiyago man, kahit masalapi at sinasalubong ng banda ng misiko at hinnainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan, siya ay naktalikod, siya ay tinatatawag na Sakristan Tiyago. Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa tintawag na casique o makapangyarihan. Anh kaniayng pwesto ay nabili niya sa halagang P5, 000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalye mayor. Ang San iego ay maihahalintula sa Roma at Italya sa mahigit na pag aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Padre Bernardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Bagamat may hidwaan ang alperes at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagbabalat kayo. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at parang walang anumang namamagitan. Pero, kapag hini na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isat isa. Ang alperes at Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San iego. Ang tawag sa kanila ay mga casique. Kabanata XII Araw ng mga Patay Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayaan at may bakod na lumang paer at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. ito ay maalikabok kung tag-araw at napakapitik naman kung tag-ulan. Sa isang bahagi ng libingn, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingn na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isang naman ay parang bago sapagkat hini siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hithit ng sigarilyo.

Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang ganong tanawin. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bagkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa itos ngh malaking kura na si Padre Garote. Kabanata XIII- Ang Babala sa Unos Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael. kasama niya ang isang matandang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don rafael.Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra nang ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog na krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Ibarra. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Padre Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang poot at galit sa dibdib. Nararandaman ito ni Padre salvi. Tinanong niya ang Padre kung bakit nagawa nila ang malaking kalupitan sa kanyang ama. Sumagot ang Pardre na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre amaso na tinawag na Padre Garote. Kabanata XIV- Si Pilosopo Tasyo Si Pilosopo tasyo ay ating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang turing sa kanya ng mga kabataan ay baliw at pilosopo naman sa mga may pinagaralan. Anak siya ng mayaman. Pero dahil sa kanyang katalinuhan ay pinahinto siya sa pagaaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. natakot kasi ang kanyang ina na dahil sa pagtatamo ni Tasyo ng higit namataas na katalinuhan, baka makalimutan niya ang Diyos. At gusto din ng kanyang ina na siya ay magpari nalang. Pero hindi ito sinunod, sa halip ay nagasawa nalang ito. Pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa makalimutan na niya ang kanyang mga kayamanan. Kabanata XV- Ang Mga Sakristan Habang binabatak ng mga magkapatid na sina Crispin at Basilio ang kampana, sila ang kausap ni Pilosopo Tasyo at sinabihan sila nito na tawag sila nang kanilang ina na si Sisa para isang hapunang pang kura. Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa Di sanay, siya ay hindi mapapagbintangan na magnanakaw. At kung malalaman ito ng kanilang ina na siyay pinapalo ay hindi ito matatanggap ng kanyang

ina. Ipinakausap ni Crispin na bayaran na lang ni Basilio ang binibintang sa kanya, pero kulang pa ang sasahurin nito kahit magbayad sila. Dahil ito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnakaw na lang siya dahil maililitaw niya ito. Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na kalagayan ang napasok nila sa buhay. Gusto ng magkapatid ay makauwi na at makakain na ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siya ay hindi na sya pinpakain hanggat hini niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang nagnakaw ay sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero.

Kabanata XVI- Si Sisa Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos manalanangin sa kanilang mga yumaong kamag-anak. Pero si Sisa ay gising, hirap na hirap na siya dahil nakapag sawa siya ng ng lalaking irresponsable, sugarol at maraming bisyo. Nang mga gabing iyon ay naghanda siya ng pagkain para sa pagdating nila Basilio at Crispin. Sa kamalasan ng buhay ay hindi nakatikim an mga magkakapatid dahil dumating ang kanilang ama at inubos ang lahat ng ito. Nalungkot at lumuha si Sisa, paano na ang kanyang dalawang mahal na anak, ngayon na nga lang siya makapaghahanda ng pagkain para sa mga anak niya at mawawala pa. Pero hindi nawalan ng pagasa si Sisa at nagsikap parin siyang magluto ng sinaing at mga natira pang daing, naghihintay sa pagdating ng dalawa, nag dasal siya sa Mahal na Birhen ng bigla siyang nagulat sa sigaw ni Basilio mula sa labas ng bahay. Kabanata XVII- Si Basilio Nagulat ang ina ng makita si Basiliong duguan ang ulo, pinagtapat ni Basilio ang katotohanan tungkol dito na; hinabol siya ng guwardiya sibil at pinahihinto sa paglalakad ngunit hini siya tumigil at lalo pa nga itong tumakbo kaya siyay nabaril, sinabi rin niya na naiwan niya si Crispin sa kumbento at sinabi ni Sisa na wag sabihin kaninuman ang dahilan ng pagkasugat sa iyong ulo, at sabihing na aksidente lang ito. Tanong ng ina sa anak; na bakit mo iniwan si Crispin? nawang sagot ng anak ay napagbintangan itong nagnakaw ng dalawang onsa, subalit hindi sinabi ni Basilio ang parusang sinapit ng kanyang kapatid, nalungkot at napaluha si Sisa dahil naawa ito sa anak. Sa pagtulog ni Basilio ay siya ay binangungot tungkol sa kanyang kapatid na si Crispin, napaginipan niya itong ginugulpi ng sakristan mayor hanggang sa mawalan ito ng malay tao, sigaw ng sigaw si Basilio habang natutulog kaya ginising ito ni Sisa, tinanong ng ina kung anu ang napanigipan nito, hindi ipinagtapat ni Basilio ang tunay nyang nakita at sinabi nalang ang kanyang balak sa kanyang pamumuhay. Si Crispin ay magaaral na kay

Pisopong Tasyo at si sisa ay titigil sa pananahi ng damit, nalungkot ng konti si Sisa dahil hindi sinama ang kanyang asawa. Kabanata XVIII- Mga Kaluluwang Naghihirap Napansin ng mga matatanda na nanghihina si Padre Salvi ng magmisa kinabukasan. Ang mga matatandang babae at lalaki ay upang ipaalam sa kura kung sino ang pipiliing magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Padre Damaso, Padre Martin o ang Coordinator? Sa kanilang paghihintay nagkaroon ng usapan tungkol sa pagkakaroon ng Indulhensiya plenarya na kailangan ng mga nagdurusang mga kaluluwa sa purgatoryo upang makaalis roon. Ang isang karaniwang Indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Di nila namalayan na dumating na si Sisa na may dalang ihahain, suot-suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya. Pumunta siya diretso sa kumbento na inaasahang maririnig ang boses ni Crispin subalit wala siyang narinig. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto sa kusina kung pwede bang makausap ang pari pero sumagot ito ng hindi dahil may sakit pala ito, tinanong niya ang kusinero kung nasaan si Crispin sagot ng kusinero: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa. Nangatal si Sisa at nilisan ang kumbento na gulong-gulo ang isip. Kabanata XIX- Mga Problema ng Guro Malapit sa lawa ay naguusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng binta kung saan tinapon ang labi ni Don Rafael Ibarra, ayon sa binata ay kasama din si Tinyente Guevarra sa pagtatapon nito, wala nalang siyang nagawa kung di makipag libing. Malaki ang pasasalamat daw ng binata kay Don Rafael dahil tinulungan siya nito ng magipit siya sa pera, sinabi din niya kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga magaaral ay ang kakulangan sa panggastos. Binaggit din niya na dahil sa kanyang pagbabago ay mas madaling natutuhan ng kanyang mga estudyante na mag kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso na hindi daw bagay sa katulad niya na mangmang ang wikang kastila na ang kailangan lang daw niya ay Tagalog. Ikinumpara pa daw siya kay Maestro Circuela, isang guro na hindi marunong bumasa ngunit nagturo at nakapagtayo ng eskwelahan. Wala na lang siyang nagawa kung di sumunod, pero nag-aral parin siya ng wikang kastila para sa pansariling interes. Nagkasakit ang guro, nang ito ay gumaling, ito ay bumalik at nagturo ulit subalit napansin niya na konti nalang ang kanyang mga estudyante. Sa kanyang pagbabalik ay may bago nang kura at ito ay hindi na si Padre Damaso kaya laking tuwa niya. Naisipan niya tuloy naisalin sa tagalog ang mga librong kastila ang teksto, dinagdagan niya rin ang mga aralin sa katesismo, agrikultura at kaganahang asal na hango sa Unibersida ni Hustensio at Felisa at sa kasaysayan ng Pilipinas. Kanyang naisip sa likod ng mga araling ito ay dapat mas bigyan pansin

ang aral sa relihiyon. Nangako si Ibarra na tutlungan ang guro sa pamamagitan ng pulong sa Tribunal na kanyangaaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor. Kabanata XX- Ang Pulong sa Tribunal Ang Tribunal ay isang malaking lugar na pinagpuplungan ng mga taong may katungkulan sa bayan. Dumating sila Ibarra at ang guro sa gitna ng pagpupulong, may mga pangkat na nakapaligid sa mesa na binubuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang mga conserbador ay binunuo ng mga matatanda, ang liberal naman ay binubuo ng kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista sa San diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at simula na ng pista. Tinuligsa ni don Felipo ang tinyente Mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. Saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilio, isang mayaman na kalaban ni Don Rafael. Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong mosa mayor at komedya sa Tondo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumangayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siyay pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay. Kabanata XXI- Mga Pagdurusa ni Sisa Hindi na malaman ni Sisa ang gagawin tumakbo siya pauwi sa bahay. Matinding kalituhan ang kanyang nadarama nung sinabi ng kawaksi ng kura ang katotohanan tungkol sa pagkawala ni Crispin. Para siyang mababaliw sa kakahanap ng soulusyon kung paano maiiligtas ang kanyang mga anak na sina Crispin at Basilio sa kamay ng maga sibil, ahil dito tumini ang sakit ng kanyang dibdib. Nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay nasilayan niya ang dalawang guwardiya sibil na paalis na. Nang makasalubong siya ng Dalawang ito tinanong siya tungkol sa dalawang onsa na ninakaw ng anak niyang si Crispin, pinilit din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na manghinyi siya ng paumanhin ay hindi naman siya pinpansin nito. Dahil dito kasama niya ito maglakad sa kuwartel. Pagdating nila sa bayan ay sakto kakatapos lang ng misa. Halos damamin niya na ng lubos ang kahihiyan kaagad na pinasok siya sa kuwartel. Nagsumiksik siya na parang daga sa isang sulok. Gusgusin at iisang damit. Para na talaga siyang masisiraan ng ulo sa kanyang kondisyon. Iniutos na palayain siya ngunit hinang-hina na siya kaya hilo-hilo siyang naglalakad patungo sa kanyang bahay. Nang pagkauwi pauilit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ng kanyang mga anak Crispin! Basilio! ngunit wala namang sumasagot, kinabukasan ay kinakausap na niya ang mga gamit sa kanyang bahay, nasiraan na siya ng bait Wag naman sana. ^.^ Kabanata XXII Liwanag at Dilim

Magkasamang dumating sina Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pista. Madalas pag usapan ang pagdating ni Maria dahil matagal na siya hini nakakauwi rito at miinamahal siya ng mga kababayan dahil sa kanyang magandang ugali, kayumian at ganda. Lalong pinag-usapn si Maria nang dumating si Ibarra na maalas namang dumadalaw sa kanya. Sinabi ni Ibarra na handa na ang lahat para sa piknik kinabukasan. Natuwa naman si Maria dahil makakasama niya uli ang mga dating kababata. Pinakiusapan ni Maria si Ibarra na huwag nang isama ang kura dahil natatakot siya rito. Bigla namang dumating si Padre Salvi. Humingi nang paumanhin si Maria at nagdahilan na masakit ang ulo. Inanyayahan ni Ibarra ang pari na sumama sa piknik. Madilim na ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa aan, makasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw nang naghahanap sa kanya. Humihingi ng tulong ang lalaki tungkol sa kanyang problema at mga anak. Kabanata XXII Ang Piknik Magkakasama sina Maria Clara at ang mga matalik niyang kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng na habang naglalakad ay masayang nagkukwentuhan at nagbibiruan. Minsan ay sinasaway sila ni Tiya Isabel pero sige pa rin sila sa kwentuhan. Nagtig-iisang bangka ang mga dalaga kasi lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Si Ibarra ay napatabi kay Maria, si Albino ay kay Victorina. Ang sumasagwan sa alawang bangka ay isang binatang may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik ang laman. Ito ay si Elias. Halos wala silang mahuling isda. Pero sinabi ng mga kalalakihan na sanay si Elias an humuli ng buwaya. Ilang saglit pa nahuli na ni Elias ang buwaya, ngunit malakas ito ito at tila nagagapi nito si Elias. Tinulungan siya ni Ibarra at ng isang anak ng mangingisda. Nailigtas si Elias sa kapahamakan at utang niya ang kanyang buhay kay Ibarra. Nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisa at nakahuli naman ng marami. NAgpatuloy sila sa gubat na pag aari ni Ibarra at doon kumain ng tanghalian. Kabanata XXIV - Sa Gubat Pagkatapos na makapagmisa na maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento para mag-almusal. May binabasa siyang sulat na bigla na

lang nilukot at hindi nagpatuloy sa pagkain. Pinahanda niya ang karwahe at nagpahatid sa piknikan. Tuwang tuwa si Padre Salvi na panoorin ang mga dalaga. Pinuna ng mga kasama ang kanyang galos at sinabi niyang siya ay naligaw. Dumating din si Sisa. Nakita siya ni Ibarra. Inutusan niya ang mga kasama na pakainin ito ngunit bigla na lamang umalis si Sisa. Napunta ang usapan sa pagkawala nila Crispin at basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Sinabi ni Ibarra sa mag kaharap na siya na ang kukupkpo kay Sisa. Nagtanong siya kung siya ay magtatagumpay sa kanyang balk sabay hagis nag dais, binasa niya ang sagot na tumama sa Ang pangarap ay mananatiling pangarap lamang. Ipinihayag niyang nagsisinungaling angh aklat ng kapalaran. Lumapit si Padre Salvi, walng sabi-sabi na hinablot ang aklat at pinagpupunit. Nabanas si Albino at sinabi sa kanya na malaking kasalanan ang angkinin ang isang bagay na hini pag aari ng walang pahintulot. Tumalikod ang kura, biglang umalis at umiwi na sa kumbento. Nagpasya nang umalis ang mga dalaga at binata ahil magsisimula nang dumilim. Matatakip-silim na. Kabanata XXV - Sa Tahanan ni Pilosopong Tasyo Matapos maglibot ni Ibarra tumuloy siya sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya itong nagsusulat at ninais ma huwag na muna itong istorbohin. Ngunit makita siya ng matana na papanaog na, pinigilan niya ito. Sinabi ng matanda na ang kanyang sinusulat ay hindi mauunawaan ngayon ngunit maiintindihan ng mga arating na salin-lahi dahil ito ay higit na matatalino. Isinagguni ni Ibarra ang kanyang balak na magpatayo ng isang paaralan. Sinabi ni Mang Tasyo na huwag na lamang siyang sangguniin. Sumagot si Ibarra na maganda ang kanyang payo pero mahirap itong gawin dahil kailangn pa bang pagtakpan ng isang kasinunaglingan ang isan katotohanan, na ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa gitna ng matitgas na pader ng simbahan. Nagkaroon na debate ng paniniwala ang dalawa. Sianbi ni Ibarra na magiging masaya na siya kung hindi na daraing ang bayan. Ito ay hindi naghihirap tulad na sa isang bansa dahil dati-ratiy tinatangkilik ito ng relihiyon at pamahalaan. Sinabi ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi ito dumaraing. Ipinaliwanag ni Ibarra na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tinatangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at simbahan at hindi ito papayag na sapitin ang araw na sinasabi ni Mang Tasyo.

Iminungkahi ng matanda na limituin na muna ang balak na pagpapatayo ng simbahan at gumawa na lamang ng ibang paraan para sa mga kababayan. Kabanata XXVI- Ang Bisperas ng Pista Nobyembre 10, nagsimula na ang pista sa San Diego kung saan sarisari ang handa, may limang banda ng musiko at may orkestra, sa proyekto na to ni Ibarra ay tumulong ang mga mamayan ng bayan na ito. Ang kura ay humiling na siya na lang ang mangbasbas ng unang bato sa huling araw ng pista, sa pahihinyi ng tulong ng iba ay tumanggi si Ibarra dahil hindi naman simbahan ang kanyang ipapatayo. Sasagutin ni Ibarra ang lahat ng gastos at dahil dito hinangaan siya ng mga binata at magaaral ng Maynila. Lumisan sa isip ni Ibarra ang mga kaaway na binanggit ni Pilosopong Tasyo na ayon sa aral ni Balagtas ay: Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masyang mukhat at pakitang giliw, lalong pag-ingatat kaaway na lihim Kabanata XXVII- Dapithapon Pagkatapos magmisa si Padre Salvi ng kaumagahang iyon, dumiresto siya sa kumbento at nag-almusal, may nabasa siyang liham at nagmadaling umalis at iniwan ang kanyang pagkain, pinahanda niya ang kanyang karwahe at dumiresto papuntang piknikan. Nang makarating siya ay pinauwi niya pabalik ang karwahe, Pinanoo niya si Maria Clara na naghahanap ng pugad ng gansa. Aliw na aliw siya sa kanyang nasisilayan na mga dalaga, hinanap niya na lang ang mga kasama nito. Nang siyay tanungin tungkol dito ay sagot niyang naligaw lang siya. Pagkatapos mananghalian ay napagusapan nila ang tungkol sa tumatampalasan kay Padre Damaso ng dahilan ng pagkakasakit nito. Dumating si Sisa at nakita siya ni Ibarra, kaya agad na inutos na pakainin ang magandang ina, subalit itoy mabilis na umalis. Kabanata XXVIII- Sulatan Nabalita sa pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista ng San Diego, ang hindi naman pagpunta ni Ibarra ay pinagtaka ng lahat. Alasonse kinabukasan ay dinaraos ang prusisyon sa Birhen De la Paz. Samantala, may natanggap si Ibarra na sulat na galing kay Andeng na nakasaad:
Crisostomo Ilang araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kayat ipinagsasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palng mga tao. Kung talagang hindi lang ako kinuwentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila . Ipaabot mo sa akin ang kanyang

kalagayan at ipapadalaw kita kay itay Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay mo ng iyong tsaa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong. Maria Clara P.S Akoy alwin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Adiyos Kabanata XXIX- Ang Umaga

Nag bihis na ng mga magagarang damit ang mga tao. Si Pilospo Tasyo lang ang bukod tanging hindi nagpalit ng damit. Ang tinyente Mayor ay binati siya at sinabi niyang Hindi nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan. Si Don Felipo ay sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng Kapitan at ng Kura. Alas otso ng umaga, nang simula ng prusisyon. Ito ay idinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay San Francisco at ang Birheng De La Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo halip na si Padre Sibyla. Habang may prusisyon ay may nagpapaputok ng kuwitis, orkestra at tugtugin pangsimbahan. Huminto ang Karong sinusundan sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, Kapitan Tiyago, si Maria Clara, Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi naghandog sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo. Kabanata XXX- Simbahan Napakaraming tao sa simbahan. Ang sermon ay binyaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magpapalabas sa loob ng tatlong gabi. Naniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya ang manonood ay mahuhulog ang kaluluwa sa impiyerno. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay papunta na ng langit. Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan, ang kanyang suot ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib, Akala ng mga tao ang alkalde ay isang kastila na nagsuot ng pang komediyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso na pinangungu nahan ng dalawang sakrisatan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik si Padre Damaso at Sibyla sa pupito. Pero umiwas ng pagkatingin kay Padre Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon. Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinagbuksan ang hawak-hawak na kuwaderno ng Prayle. Kabanata XXXI- Ang Sermon Si Padre Damaso ay pinatunayan na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay mula sa aklat

II, kabanata IX, salaysay 20 mga salitang winika ng Panginoon sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng: Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang sila ay turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang pagkauhaw. Sinabi ni Padre Damaso na kanyang binitiwan ang mga salita ng diyos upang maging kapakipakinabang tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si Francisco. Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang Kastila kaya hindi maintindihan ng mga Indiyo. Ang tanging nauunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Walang gana ang mga tao makinig, si Kapitan Tiyago nga ay napahikab. Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa sermon dahil interesado siyang tingnan kung nasaan si Ibarra. Naging nakakatamad na ang sermon na biglang napakuliling na si Padre Salvi na upang huminto na si Padre Damaso sa kakasermon. Pero sumabak parin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinagawa ang misa, si Elias ay lumapit kay Ibarra para magbigay ng babala tungkol sa pagdiriwang bukas sa paaralan. Kailangan ni Ibarra na mag-ingat dahil sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maaari siyang mamatay. Nakilala niya dito si Elias na kaagad na umalis. Kabanata- XXXII Ang Pabasbas Minasdan Mabuti ni Nol Juan kung paano itinaas at ibinaba ang batong malaki na siyang ilalapit sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangang-hanga si Nol sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpupuri ang mga tao doon, sabi ng taong madilaw kay Nol Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisostomo. Malaki naman ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panukalang-bato ng bahay-paaralan. Nagsimulang magbasbas si Padre Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Hindi kumukurap si Elias sa pagkatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Bago simulan ang pagpapalitada, nagsalita muna sa wikang Kastila ang Alkalde. Padakay isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle, mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Hustong nasa ibaba ito, nang biglang naputol ang lubid. Nagiba ang buong balangkas at umalimbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa naganap na pangyayari. Yaon daw ay isang malas na simula. Kabanata XXXIII- Isip na malaya Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias kay Ibarra na ilihim ang pagbibigay ng babala sa kanya, siya lamang ay nagbabaya ng utang na loob. Nagpaalala si Elias na dapat na magingat si Ibarra dahil sa lahat ng dako ay marami itong kalaban. Batas ng buhay ang di-pagkakasundo, lahat tayo ay may kalaban mula sa maliit na kulisap hanggang sa tao:

Mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan. Paalala ni Elias. Ang mga kaaway ni Ibarra ay nagkalat sa lahat ng lugar, dahil ito sa kanyang ninuno at ama na maraming kagalit at kanyang balak na magpatayo ng paaralan. Ito ay kinabahala ni Elias dahil pinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho at hindi ito humihinyi ng mataas na saho kay Nol Juan. Nanghinayang si Ibarra dahil marami pasanang malalaman sa taong ito. Pero ang sabi ni Elias mabuhay man ang taong mailaw at takasan ang bulag na hukuman ng tao, ang diyos ang hahatol sa kanya. Sinikap malaman ni Ibarra kung nakapagaral ba si Elias, sagot ni Elias: napilitan akong maniwala ng lubos sa Diyos, sa pagkat nawala na ako ng tiwala sa Diyos. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Elias. Dahil marami pang gustong kumausap dito ngunit nangakong babalik kung kailangan sa pagtanaw ng utang na loob.

Ipagpapatuloy

Proyekto sa Filipino:
Ang Buod Ng

Noli Me Tangere

Ipinasa ni James Reuben Gruta Ipinasa kay Guro Rhenia Santos

You might also like