You are on page 1of 2

TULA

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.

Elemento ng tula
May apat na sangkap o elemento ang tula at ito ay ang mga sumusunod; 1. Sukat - tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod 2. Tugma - tumutukoy sa pag-iisang tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod sa isang taludturan 3. Sining o kariktan - tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at mairikit na salita 4. Talinghaga - tumutukoy sa paggamit sa tula ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay. 5.Ritmo-tumutukoy ang ritmo sa padron na nabubuo ng pagakakasunod-sunod ng may diin at walang diing pantig sa isang taludtod

Anyo ng tula
Anyo ng tula: Malayang taludturan Tradisyonal May sukat na walang tugma Walang sukat na may tugma

You might also like