You are on page 1of 2

PAGTITIWALA AT PANG-UNAWA SA PAGKATALO NI PACMAN

SA pagkatalo ni Manny Pacquiao, ipakita natin sa buong mundo na tayong mga Filipino ay marunong tumanggap ng pagkalupig. Nakikiisa ako sa marami nating kababayan na nahihirapang matanggap ang pagkatalo ni Pacquiao kay Tim Bradley, pero sa ayaw at sa gusto natin, ang paghaharap ng dalawa ay isang uri ng paligsahan at sa anomang paligsahan, ang nagdedeklara ng matatalo at mananalo ay ang mga hurado. Sa ating matinding pagkalungkot,dalawa sa tatlong tagahatol ay hindi si Pacquiao ang pinili kungdi si Bradley. 'Wag naman nating agad na hinalaing ang nangyari ay isang "niyari" o "inayos na labanan." O pagdudahang ito nga ang nangyari. Mangyayari lamang ito kung may makukuha tayong napakatibay na ebidensiya para ito ay paniwalaan. Kung tama ang pagkatanda ko, nang manalo si Pacquiao laban kay Marquez, ang kampo ng Mexicanong boksingero ay sinabi na sila talaga ang nagwagi, pero tinanggap pa rin ng mga kababayan ni Marquez ang kanyang pagkatalo. Tama na ating itangis ang pagkatalong ito, at huwag nating bigyan ng pagkakataon ang iba na magsabi nang hindi maganda sa ating mga Filipino. Hanggang sa ito ay isinusulat, walang anomang sinasabi si Pacquiao na siya ay may pagdududa sa ginawang paghatol. Sige, ating pabahain ang website ng World Boxing Organization (WBO) tungkol sa ating nararamdaman, at hikayatin ang inyong mga kaibigan at kakilala na gawin ito kung inyong nanaisin. Lahat ng pagtutol at aksiyon kontra sa nangyari ay maaaring gawin. Pero ito po ay gawin sa paraang maayos at matahimik, at ipakita ang ating propesyonalismo. H'wag nating bigyan ng pagkakataon ang ibang tao na tayo ay kanilang pintasan at usigin. Huling ulat, kapwa sinasabi nina Pacquiao at Bradley na sila ay handang magharap uli sa ibabaw ng parisukat na lona sa Nobyembre at ano ang kahulugan nito: Maaaring maibangon ni Pacquiao ang sarili at muling tayong makapagmalaki. Ang nangyari ay isang marangal na pagkatalo sa ating lahat, at kay Pacquiao.

Nagkakatugma ang iskor ng tatlong hurado, nagkataon lamang na ang isa ay mas pumabor kay Bradley. Pero para sa ating lahat, at para kay Pacquiao, wala tayong dapat na ikahiya.

You might also like