You are on page 1of 2

No one falls in love by chance, it is by choice. No one stays in love by chance, it is by work.

And no one falls out of love by chance, it is by choice. Nandito ako ngayon sa apartment ko, nagta-type (if ever hindi obvious sayo na nagbabasa nito). Bored ako sa kasalukuyang buhay ko ngayon dahil sa isang lingo pa ang pasukan. Pero generally, exciting ang buhay ko. Imba sa pagka-exciting ang buhay ko. College student na ako, BS Civil Engineering dito sa UP. Engineering ang course na kinukuha ko kaya sana wag kang mag-expect ng sobrang gandang output galing dito sa sinusulat (tinatayp) ko ngayon. Inuulit ko, imba sa pagka-exciting ang buhay ko. Itanong mo kung bakit, bilis! Para naman di ka ma-bore habang nagbabasa ka nito. Oh ayan, i-a-assume ko na lang na itinanong mo ako, haha. Para naman parehong sumaya ang buhay natin, bilang bored ako at (assuming again) na bored ka din kasi may oras ka para simulang basahin itong itinype ko.

As a rule of thumb, lahat ng tao ay may sinusunod na schedule. Sa pananaw ko, naimbento ang oras at ang schedule para maging maayos ang buhay ng mga tao sa mundo. Kumbaga, dapat may sinusunod na convention na dapat sundin ng lahat ng tao para magkasundu-sundo. Ang mga nanay sa bahay, eto ang karaniwang ginagawa: gigising, magluluto, maghahanda ng pagkain, maglilinis ng bahay, magluluto, maglalaba, manonood ng drama sa TV kapag ika nga ay vacant time nila. Ang mga estudyante naman, gigising (kadalasan late pa), maliligo (kung minsan hindi pa), kakain (madalas skip na lang din). May mga bagay sa buhay na nagiging parte na ng mga pang-araw-araw na gawin. Kumbaga, routine na ito, at unconsciously ginagawa natin or hinahanap. Katulad ng paghinga, malamang naman sa oo, humihinga naman tayo palagi di ba? Well good luck naman kasi kung hindi di ba? Ang routines na to ay yung mga tipong hinahanap ng katawan natin araw-araw, yung tipo bang hindi ka makatulog pag di mo nagawa. Hindi necessarily mga gawain lang yung papasok sa category ng routines. Pwede rin tong mga taong palagi nating nakikita, nakakausap, nakakasama. Yung para bang nakakamatay pag di mo nakita, para bang di kumpleto araw mo pag di mo nakausap kahit na sa text lang.

Well so ngayon may hint ka na kung tungkol saan itong binabasa mo ngayon. Kukwentuhan kita ng daily routines ng isangsingle na estudyanteng torpe. Torpe? Oo torpe. Pwede rin namang selfish, o kaya naman duwag lang talaga. Pasensya na, kung gusto mo nang tumigil ng pagbabasa, sige, ayos lang naman. Hula ko naman kasi nabasa mo lang to ngayon sa laptop ko without any permission from me kasi unpublished work pa to. Well I mean hindi pa siya tapos so hindi pa siya out for public reading. By public, I mean Burbur, Maggie (ang propeta ng buhay ko). Anyway, since andito ka na sa parteng to, tara nat ito-tour kita sa buhay ko. Bibigyan kita ng pahapyaw sa kung ano bang klaseng tao ako, kung paano ako mag-isip, magdesisyon.

You might also like