You are on page 1of 2

PRO: First Wave (Wave talaga!! lol) Di ba't kaygandang pagmasdan ng mga larawan? Mga larawang nagtatago ng katuturan?

Mga larawang para bagay buhay? Mga larawang nagbibigay laya sa ating malay? Magandang hapon, aking mga kababayan kami'y sumasang-ayon sa "nude painting" na iyan Sining ay malaya, wala siyang hangganan Kalayaan, kalayaan, ating ipaglaban!

CON: First Wave Bago ko salungatin ang sinabi ni Luis Magandang araw muna sa inyong lahat Sa pananaw naming dalawa ni Vince Pagtanggal sa "Nude Painting" ang siyang nararapat Ang sining ay mahalaga, maganda, at masigla Dito malaya tayong maipapahayag ang ating nadarama Ngunit dapat may limitasyon ang kalayaang ito Para saan ang batas kung puro laya ang tao? Lakandiwa: BLAH...BLAH...BLAH PRO: Second Wave (wave, as in alon) Simulan na natin ang kantsawan Sa aking mga katwiran Sining ay kagandahan At walang halong kabastusan Purong damdamin ang sinasambit Ng mga larawang nakasabit Mga salitang sa kulay dumidikit Mga mensaheng itsura kumakapit Tila hindi niyo lang inuunawa Mga pahayag nais naming ____ Dahil yan ang rason ng aming paglikha Ng mga obrang inyong ____ CON: Second "Alon" Ngunit isipin mo ang ibang tao Sa pagpapahayag ng saloobin mo Kaya katoto isaalang-alang mo May pananagutan tayo sating kapwa tao Mahirap matarok ang isipan ng tao Maraming interpretasyon ang mabubuo nito Kaya sa pagpapahayag ng saloobin mo

Piliting igalang paniniwala ng kapwa mo PRO: Third Wave Ngunit aking kaibigan, Ang sining ay walang pinipiling tutunghayan Alam namin ang aming mga ginagawa Magdudulot ng kaunting kalituhan Pilit naming tinatago Sa mga katwan nilang hubo Ang mga mensahe na nais naming mabuo Sa bawat isipan ng bawat tao CON: Third Wave Ngunit tayong mga Pilipino sadyang konserbatibo Sa pagpapahayag, isaalang-alang ito Sa paggawa nito, kultura ang kinakalaban mo Kaya marapat lamang na pag-isipan ito Sa dinamidami ng gagamiting bagay Bakit katawan pa naipag-palagay? Hindi namin lubos maintindihan ang pakay Kaya marapat lamang ilibing sa hukay Lakandiwa: BLAH...BLAH...BLAH..... PRO: Fourth Wave Tila bagay inyong minamaliit ang aming mga likha Tingnan niyo ang larawan at kayo'y mamangha! Bagama't sila'y nakahubad, Ang mahalaga ay ang salita. Alam kong kayo'y nagugulumihanan Kung bakit pinili nami'y katawan Dahil atensiyon lang naman Ang aming kailangan CON: Fourth Wave (boosh...!!) Kailangan pa ba nating ipangalandakan Ang ating mga katawan Kung alam naman natin NA puno ng malisya ang bayan natin? Mayroon tayong "privacy" sa kalupaan Na dapat nating pangalagaan, Ngunit naman natin kailangan ipangalandakan Ang hubog ng ating katawan

You might also like