You are on page 1of 30

Red Tag: Ano to?

@supermaria
************** Kisap mata, parang isang kidlat lang na dumaan ang lahat ng pangyayari. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapunta sa lugar na ito. Sigawan ng mga nagtatakbuhang tao, sirena ng mga pulis at ambulansya. at usok na lang ang huli kong naaalala bago ko ipikit ang mga mata ko. Si Ren-Ren? Si Many?.........

*******PROLOGUE******* Nagkaroon ng isang pagtitipon sa plaza, para sa pangangampanya ng alkalde namin. Kelangan naming pumunta para sa ipamimigay na pagkain ng mga mangangampanya. Yun ang utos samin ni nanay.

Kelangan sumama kayo, mahirap makipag-agawan hindi ko kayo makukuha ng pagkain ninyo, kung sasama kayo, kayo na ang kukuha ng kakainin nyo. Hindi ako magluluto

ngayong gabi, para bukas na lang natin tong pera na to. Dali ninyot baka marami ng tao doon

Tama si nanay, wala syang napagbentahang kakanin ngayong araw, kung gagastusin namin yung perang yun hindi kami makakain kinabukasan. Salamat sa mga kurakot na buwayang mangangampanya at may paraan para makain kami ngayong gabi.

Lory! San ka pupunta? Sigaw ng bestfriend kong si Ren-Ren

Sa plaza, may pagkain daw na ibibigay sila mayor. Sumama ka na sakin tumakbo sya
papalapit sakin at sumabay sa paglalakad

Alam mo bang yung pera na mga pinamimigay nila ngayon, dapat naman talagang na satin na? Pera yun ng buong Pilipinas pero ginagamit nila sa pangangampanya nila

Saan mo naman napulot yan Ren? Wala tayong alam dyan kasi hindi naman tayo matatalino katulad nila. Kung tama ka man o mali, may mga pagkakamali din tayong mahihirap kung bakit wala tayong nakakain

Hayaan na nga natin yon, wala naman na tayong magagawa, tanggapin na lang na lang natin na mahihirap tayo

Nang makarating kami sa plaza halos hindi mahulugang karayom ito. Dahil na rin mga bata kamit maliliit sumiksik kami hanggang makarating sa harapan. Nakita din namin yung kaibigan naming si Many at ang iba pa. nakapwesto kami sa harapan sa bandang gilid ng stage.

Nag simula na ang programa. Una pinakita nung isang babaeng nagsasaliita sa harapan lahat ng mga proyekto daw na ginawa ni Mayor Chember dun sa malaking TV na parang papel, na kapag may dumaraang tao sa tapat nito nakikita yung anino nya (projector), ang galing nga, may ganun palang TV.

Nang matapos yung palabas sa TV, nagsalita ulit yung babae:

hindi lang po yan ang maibibigay ng atung minamahal na mayor Chember, sa panibagong taon pong ibibigay pa natin sa kanya, maaari pa pong madagdagan ang mga batang kayang pagtapusin ng ating mayor narinig ko naman ang mga bulungan
at ang ibay pagkamangha ng mga tao sa paligid.

Many: papasok ba kayo ngayong pasukan?

Sabay nalang kaming napailing ni Ren-Ren Ikaw ba?

Hindi ko din alam, wala pa ring trabahong kapalit na nakuhay si tatay, kung mayroon man hindi ko na rin siguro babalakin pang mag aral, gastos lang yun, pati sayang lang yung panahon. Mas maganda pang naghuhukay ng basura, atlis may pera pa ko, diba?

Tama si Many, sayang sa panahon lang yun, pero kung nakapag aral ako, maahon ko sila nanay sa hirap. Ayokong maulit pa yung nangyari sa pagkamatay ni itay dahil sa pagnanakaw. Hindi rin sya nabigyan ng maayos na libing, pinagkasya lang namin sya sa hindi nya sukat na kabaong dahil mas mura kung maliit ang kukunin namin.

Muli inaanyayahan ko ang ating minamahal na Mayor Chember Narinnig ko naman


ang hiyawan sa bandang likod namin, ang mga tambay sa lugar namin na pinangugunahan sa pagsigaw ni kuya Asyong, panganay na kapatid ko. Ang iba namay nagsipalakpak kaya nakigaya na din kami

Maraming salamat. ISANG MAGANDANG GABI MGA MINAMAHAL KONG KABABAYAN! Muling nagsipalakpakan ang mga tao.

UL*L! MAHALIN MO MUKHA MO! sabi ni kuya Asyong

Nagsalita si Mayor ng kung anu anong hindi ko naman maintindihan. Nang tumingin ako sa mga tao, halos hindi sila nakikinig at naiinip na rin. Halatang nagugutom na sila at hinihintay na yung pagkaing maya-mayay ipapamigay.

Katulong ang aking partido at bise mayor, sinisugarado kong magkakaroon ng malinis na tubig inumin sa lugar ninyo. Ayos po yon mga kababayan di

Naputol ang pagsasalita ng mayor, pati ang lahat ng tao na napalitan ng pagkagulat at takot. Nagkaroon ng pagsabog mula sa bandang likod ng stage na kinatatayuan ng mayor. Hindi man ito kasing lakas ng pagsabog na nakikita ko sa TV ni aling Memang, pero sapat na para patumbahin yung malaking puno sa gilid namin.

Dahil na din sa dami ng tao, hindi kami nakatakbo agad at naabutan kami sa pagbagsak ng puno. Kisap mata, parang isang kidlat lang na dumaan ang lahat ng pangyayari. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapunta sa lugar na ito. Sigawan ng mga nagtatakbuhang tao, sirena ng mga pulis at ambulansya. at usok na lang ang huli kong naaalala bago ko ipikit ang mga mata ko. Si RenRen? Si Many?.........

**************

Bed No.4, Gloria Corona, kasama po sila sa naganap na pagsabog sa gitna ng pangangampanya ni Mayor Chember. Mula kagabi, hindi pa rin po nagkakamalay ang

pasyente. Stable naman po ang vital signs nya. Naririnig kong sabi ng nars, siguro
ang kausap nya yung doktor

Dok! Ano pong lagay ng anak ko? Bakit hindi pa rin po sya gumigising?

Dr. Aristotle po. Ahh.. Misis Corona. Hindi ko pa po masasabi kung kelan gigising ang anak nyo, ayon po sa narinig nyo, maayos naman po ang vital signs ng pasyente.
(Naiintindihan kaya ng nanay yung baytal shens na sinabi ng doktor? Siguro nga nakapag aral naman si nanay hanggang grade 4 eh).. Kelangan ko po ng resulta ng CT

Scan ng pasyente para Makita po nating kung nagkaroon ng problema sa utak ng pasyente dahil sa pagbagsak nito. Me

DOK! DOK! Yung anak ko po!

Narinig kong tarantang sumisigaw ang isang pamilyar na boses, si aling Mila, nanay ni Ren-Ren. Minulat ko yung mata ko, at biglang umupo. Tumingin ako sa gilid ko. Si Ren-Ren nanginginig yung buong katawan nya at nakatirik ang mga mata. Mayroon ding tubo na nakalagay sa bibig nya na nakakonekta sa isang makina (ventilator). Mayroon din syang benda sa ulo.

Nagmadaling nagpunta yung doktor at mga nars sa kama niya.

Doktor: Prepare!

Nars1: Renato Villar bed number 4

Isinara ng isa pang nars yung kurtina. Sila nanay kasama na ni Aling Mila na umiiyak. Bumaba ako sa kama ko at lumapit sa kurtina at binuksan to. Tarantang taranta ang doktor at mga nars. Lumapit ako sakanya habang kinakabahan kung ano man ang nangyayari sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nanginginig.

Nakapatong yung dalawang kamay ng doktor sa dibdib ni Ren-Ren, habang hawak naman ng isang nars yung bagay na nakakabit sa tubong kaninay nakakabit sa makina. Tila isang lobo na pinipisil ng nars (Ambu Bag).

Nars: Dok, bumalik na po ang pulso ng pasyente

Bigla namang umayos ang mukha ng doktor pati na rin ng mga kasama nitong nars. Okay na ang kaibigan ko. Hindi ko man alam ang tawag sa nangyari sa kanya. Masaya ako at maayos na ang kaibigan ko.

Binuksan na ng doktor yung kurtina at kinausap si nanay at aling Mila. Nakatayo pa rin ako sa gilid ng kama ni Ren-Ren at hawak ang kamay nya.

Hoy Renato, gumising ka na nga jan. Ang hina hina mo Talaga! Sabi na nga bat bakla ka Talaga ehh! Babalik lang ako sa kama ko ha! Matutulog muna ako, masakit pa kasi katawan ko eh! Kelangan paggising ko gising ka na din at hindi ka na nanginginig ha!

Bumalik na ako sa kama ko at humiga.

**************

Manuel Arroyo?! Sino po ang bantay ni Manuel Arroyo?!

Teka pangalan ni Many yun ahh? Dinilat ko yung mata ko. Tama nga ako, si Many nga, kasama rin pala namin sya dito. Ngunit tulog naman ito.

Aling Luz: Ako po! Lumapit naman yung nars kay aling Luz

Nars: Pwede na po kayong makauwi kapag naubos yang swero nya. Maganda po kung

ipapaasikaso nyo na po yung bill nyo. Kung may PhilHealth po kayo mas maganda para makabawas kayo ng babayaran

Aling Luz: Sige po. Salamat Nars

Nanay: Mare, buti pa kayo makakaalis na

Aling Mila: Kelan nga ba ibibgay ni Mayor yung pera para sa mga anak natin? Luz

dapat hindi ka muna magbayad ngayon. Ang alam ko si Mayor ang magbabayad ng lahat ng gastusin pang ospital natin

Nanay: Oo nga mareng Luz, dapat lang na sila ang magbayad nito sila ang may

kasalanan kung bakit nangyari to. Nadadamay mga tao sa away pulitiko nila. Mga gahaman at sakim Talaga sila!

Aling Luz: Mareng Linda, gising na yung anak mo!

Biglang lumapit sa kin si nanay pati na rin si Aling Luz at Aling Mila. Kitang kita sa mukha ni nanay ang tuwa

Anak, gising ka na! May masakit pa ba sayo! Nako! Salamat sa Diyos at maayos na ang lagay mo! Nagugutom ka na ba anak? Biglang tumulo ang luha sa mata ni nanay
habang nakangitit nagsasalita. Umiling lang akot naalala si Ren-Ren

Hindi pa rin po ba sya nagigising Aling Mila?

Malungkot na iling lang ang tugon nito. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha ni Aling Mila. Pero naniniwala naman akong kaya ni Ren-Ren kung ano man ang nangyayari ngayon.

Aling Luz: Mare, una na ako, dadaan muna ako sa munisipyo. Paki bantay muna si

Many, papunta naman na din yung ate nya

Aling Mila: Sige mare, pakibalitaan na lang kami sa ibibigay ni Mayor ahh

Tumingin ako sa nakahigang katawan ni Ren-Ren. Nakakabit pa rin yung tubong nasa bibig nya sa makina. Parang yung makina na yun yung nagbibigay ng hangin sa kanya. Bawat tunog na nangagaling sa makina ay kasabay ng pagatas ng dibdib ni Ren-Ren. Umupo ako pero hindi ko kaya kaya tinulungan ako ni nanay.

Teka anak, kaya mo na bang umupo?

Tumango ako at umayos na ng upo. Nay, uwi na tayo sa bahay, ayoko po dito!

maraming tao Lory hindi pwede nasa ilalim ka pa daw ng obsebasyon ng doktor

Tiningnan ko yung kamay ko, tulad ni Many at Ren-Ren, may nakakabit sa kamay ko na tubo na nakakabit sa tila bote na may lamang tubig na nakasabit sa isang istanteng bakal. Pero dalawa ang nakakabit kay Ren-Ren, isang may tubig at kung hindi ako nagkakamali dugo iyong isa.

Nay, ano to? Para saan to?

Swero yan anak, pampalakas ng katawan mo

Eh bakit po may kasamang dugo yung kay Ren-Ren?

Marami kasing dugong nawala kay Ren-Ren, kaya pinalitan yon. Teka anak, hindi ba sumasakit yang ulo mo?

Hinawakan ko yung ulo ko. Benda? May benda din ako sa ulo?

Medyo na lang po, nay. Kinabahan ako anak, akala ko talaga hindi ka na gigising. Ang haba ng tulog mo
Naalala ko yung nangyari kanina kay Ren-Ren kanina. Hindi ba gumising ako non? Tumayo pa nga ako ehh.

Ibig nyong sabihin, mula kagabi ngayon pa lang po ako nagising?

Oo anak, hindi ka ba nagugutom?

Nakakapagtaka imposibleng panaginip lang ang nangyari kay Ren-Ren, lumapit pa ako sa kanya at hinwakan ang kamay nya.

May nangyari po ba kay Ren-Ren kanina lang?

Oo, kinumbulsyon sya, yung nanginginig yung katawan at nakatirik ang mata

**************
Kinabukasan, nakaalis na sila Many bago pa ako magising. Nadatnan ko na lang din si Kuya Asyong na ang nagbabantay sakin. Pagtingin ko sa kama ni Ren-Ren, nakita kong nakaupo ito at pinapakain na ni aling Mila. Wala na ang tubong nakakonekta sa bibig nya at sa makina, isang tubo na lang na nakapasok sa butas ng ilong nya na nakakonekta sa kulay green na tangke. Wala na din yung tubong nakakabit sa bote na puno ng dugo. Tiningnan ko yung kamay ko na kahapoy may nakatusok na tubo. Wala na din ito.

Umupo ako at ginising si kuya Asyong.

Kuya Asyong. Kuya Asyong. Kuya Asyong Gulat nyang binangon ang ulo at minulat
ang mata sa pagkakadukdok sa gilid ng kama ko.

Oh? Gising na ang bruha!, sige matutulog lang ulilt ako, kainin mo na lang yung pagkain dyan sa gilid, yung kutsara kunin mo dun sa gilid nung bulsa ng bag
Muli nyang binalik yung ulo nya sa pagkakadudok sa kama.

Lory! Gising ka na din pala! Tumingin sya kay Aling Mila Nay, pupunta lang po ako kay Lory

Teka, hindi ka na ba nahihirapan huminga? Kapag hindi na patayin mo na yang oxygen mo

Opo nay Inalis nya yung nakalagay sa ilong nya at pinihit paikot yung tangke at
lumapit na sakin.

Alam mo ba kahapon nanginginig ka at nakatirik yung mga mata mo? Pero panaginip lang ata yun kasi hindi naman daw ako nakitang nagising nila nanay nung mangyari yun

Pareho tayo ng panaginip, napanaginipan din kitang nanginginig at tumutirik yung mga mata, hinawakan ko pa nga yung kamay mo eh

Hah? Ang galing naman ng mga panaginip natin tinatakot tayo. Natakot ako, akala ko nababakla ka nanaman kahapon. Hahaha

Hindi sabi ako bakla, kapag lumaki tayo papakasalan kita, kaya lalaki ako!

Ayoko nga, gusto kong asawa doktor, eh hindi ka naman nag aaral pano ka magiging doktor?

Mag-aaral ako kapag may pera na, pati matalino kaya ako tamad lang!

Hahaha! Nakakatawa ka! Hindi ka pa nga marunong bumasa ng English eh

Natahimik naman kami ng biglang nagsalita si Kuya Asyong: Wag nga kayo maingay,

natutulog pa yung ato! Dun kayo maglaro!

Tara labas tayo?! Kuya Laro muna kami ahh

Oo na! wag lang kayong lalayo maraming multo dito ha!

Multo? Hindi naman totoo yun eh? Hindi na kami nag paalam kaya ling Mila, tutal nagpaalam naman na kami kay kuya Asyong. Lumabas na muna kami, malaki din pala tong kwarto kung nasaan kami, siguro nasa 10 kama yung nandito.

San tayo pupunta?

Kahit saan, nakakasawa humiga sa kama na yon, san nga ba maganda? Nakapunta ka na ba dito?

Hindi pa, bumalik na lang tayo doon, baka makakita pa tayo ng multo!Hinawakan nya
yung kamay ko at pinisil to. Halatang halata yung takot nya sa panginginig. Wala Talaga akong masasabi sa kabaklaan ng bestfriend ko.

Kung ayaw mong sumama bumalik ka na, ayoko bumalik sa kama na yon, baka lagyan nanaman tayo ng kung anu anong itutusok satin, gusto mo ba yon?

Kesa naman makakita ako ng multo. Malapit na mag gabi oh Tinuro nya yung
bintana sa gilid namin. Malapit na nga mag takip silim, nasobrahan na ata ako sa pagtulog kaya hindi ko na alam kung anong oras na

Bakla ka Talaga. Gagala muna ako. Hindi totoo yung multo Iniwan ko na sya at
naglakad. Alam ko namang hindi sya babalik sa kwarto dahil isang malaking duwag si Ren-Ren.

Teka.Teka. Sasama na ako, pero babalik tayo agad ha! Baka hanapin na ako ni nanay

Osya.Osya bakla mo Talaga

************** Ewan ko ba kung saan kami dinadala ng paa ko. Dumaan kami sa lugar ng mga abalang nars dumaan sa gilid nito. Isang mahabang daanan na maraming pinto ang dinaanan namin. May mga nakasulat na numero at pangalan sa bawat pinto, pero hindi ko pa mabasa ng maayos.

Napatabi kami sa gilid ng may nagtatakbuhang mga nars papunta sa isang kwarto.

Nagulat ako dun, ano kayang mayroon dun sa kwartong yun? Tanong ni Ren-Ren

Oo nga eh, parang walang taong mga nakita. Gusto mo tingnan natin?

Ngumiti na lang si Ren-Ren at dumiretso na kami papunta sa kwarto na pinasukan ng mga nars.

Ren-Ren: Alam mo parang ganyan din yung ginawa ng doktor at nars sayo sa

panaginip ko

Sayo din, kaya nga akala ko totoo Talaga yung nangyayari nun

Sumilip kami sa pinto para hindi makita. Isang matandang lalaki ang sinasalba ngayon ng mga nars pero isang doktor. Nakapatong ang isang kamay ng isang lalaking nars sa dibdib, nakakabit na rin sa bibig yung lobo na nagbibigay ng hangin sa lalaki.

Unti-unting nag iiba ang kulay ng mga paa at kamay ng lalaki, nagiging kulay puti ang mga palad at talampakan nya, pati ang mga kuko at bibig nya nagiging kulay itim. Lumabas na umiiyak ang isang dalaga. Siguro hindi nya kinaya yung nangyayari sa lalaki.

CLEAR! Sabi ng doktor nung dinikit nya yung dalawang bagay na hawak nya sa
dibdib ng lalaki. CLEAR!

Mula sa kinatatayuan namin, nakita ko ang pag iling ng doktor sa pamilya ng lalaki.

Time of death 6:19pm Nanlambot ang katawan ko. Sa edad kong siyam, ngayon lang
ako nakakita ng namamatay na tao. Napayuko na lang ako at nagdasal.

Lory, tingnan mo yung lalaki Gulat at tila takot na takot na sambit ni Ren-Ren
habang tinuturo yung lalaking kamamatay lang

Nang ilipat ko ang mata sa tinutukoy nya. Kahit ako nagulat at natakot sa nakita ko. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakita ko. Tumayo ang lalaki sa pagkakahiga nnito pero naiiwan ang katawan nito.

Kaluluwa? Kaluluwa na ba ng lalaking yon ang nakikita namin? Pero bakit kami lang ang nakakakita?

Papalabas na ng pinto yung kaluluwa ng lalaki. Papunta samin. Hindi ako makagalaw, tila napako ang mga paa ko sa sahig. Nanginginig ang mga tuhod ko. Takut na takot ding nakahawak si Ren-Ren sa braso ko.

Huminto sya samin at tumingin. Isa isa nya kaming tinitigan ng matagal ni Ren Ren. Nagtataka ako, pero parang nawala ang takot ko sa mga titig na yun kundi napalitan ng pagtataka.

Nginitian nya kami. Isang matamis na ngiti at pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko at umalis.

Nagtatakang hinarap ako ni Ren-Ren sa kanya Okay ka lang? baka lagnatin ka sa

pagkakahawak ng multong yun. Sinabi ko na nga ba sayo totoo ang multo. Umalis na kasi tayo dito. Tara na Tara na! aya nya habang hinihila ang kamay ko.

Ano ba Ren-Ren, hindi yun multo! Kaluluwa yun. Pati hindi naman sya nakakatakot dahil nginitian nya pa nga tayo, diba?

Nag alisan na yung mga nars sa kwarto at naiwan yung pamilya ng namatay na lalaki. Umalis na din kami. Hindi ko alam kung saan kami dinadala ng paa ko. Patuloy pa din ang pangungulit sakin ni Ren-Ren na bumalik na.

Hindi pa ba tayo babalik, Lory? Ayos ka lang ba? Huminto ako sa paglalakad, nasa
hagdan na kami. Umupo ako sa gitna ng hagdan at ganun din ang ginawa ni Ren-Ren

Bakit sya ngumiti satin? Bakit natin sya nakikita? Bakit nahawakan nya ako at naramdaman ko ang paghawak na yon?

Kasi may third eye tayo! Natakot nga ako baka ako lang nakakakita sa kanya, buti ikaw din, at ikaw pa ang hinawakan nya. Oh? Tara balik na tayo? Tumayo sya at
hinila nanaman yung braso ko. Tumayo na lang ako, at naalalang hindi ko na din alam kung nasan kaming parte ng ospital at kung paano kami babalik sa kwarto namin.

Teka! Naalala mo ba lahat ng dinaanan natin? Hindi ko alam kung nasan na tayo eh

ANOOO?! Ikaw lang tong sinusundan ko, wala akong alam sa mga dinaanan natin.
Kitang kita yung pag-aalala nya sa mukha. Nababakla nanaman yung kaibigan ko

Wag ka-

Wag akong kabahan? Eh kung paluin ako ni nanay? Gabi na kaya, Kung may masamang multo tayong makita dito? Pano kung-

Magtatanong tayo! Ang duwag duwag mo Talaga. Teka.... Tumingin ako sa paligid
kung may dumadaan. Ayun! May tao Isang babaeng nars na nakatayo lang. Lumapit kami sa kanya

Nars? Nars? Sabi ko habang kinakalabit sya. Nagulat kami ng pagharap nito isang
walang matang babae na umiiyak ng dugo, kulay abo ang mukha. Tiningnan ko sya pababa sa pagkagulat at nakita ko ring mayroon syang mga sugat na tila ba hiwa hiwa sa mga braso nito. Sa kanang kamay nya mayroong nakakabit na parang bracelet na kulay pula. Sa sobrang takot nakatayo na lang ako. Sumigaw at kumalas sa pagkakahawak sakin si Ren-Ren. Tumakbo sya pero naiwan ako. Gulat pa rin ako sa nakita ko. Nangnig ako ng hawakan ng babaeng multo ang pisngi ko, at unti unting nilalapit ang nakakatakot nitong mukha.

LORY!! Si Ren-Ren. Lumapit sya sakin at giniit ang kamay ko paalis at tumakbo Bakit hindi ka pa tumakbo? Sabi na nga ba eh! Puro multo sa ospital na to, sana hindi na lang ako sumama Habang hawak hawak ang mga kamay ko

************** Sa pagtakbo namin, nagpatay sindi ang mga ilaw, walang mga tao, parang isang abandonadong ospital ang kinaroroonan namin ngayon. Panaginip pa rin ba to?

Ayon may tao! sigaw ni Ren. Mga nars na pumasok sa isang maliit na kwarto, kung
hindi ako nagkakamali elevator ang tawag don, narinig ko na kay kuya Asyong yan, nung nag aaply daw sya ng trabaho sumakay daw sya dyan.

Nakapasok pa rin kami bago magsara yung pinto.

Hindi kaya multo nanaman tong mga kasama nating nars? bulong ni Ren-Ren.
Tumingin naman ako sa dalawang nars na babae at isang lalaki. Mukha naman silang normal. May hawak hawak yung lalaking nars na parang lalagyan ng mga bote. Ang isa namang babae may hawak na matigas na karton na may nakaipit na mga papel dito.

Nars1 (g): Guys may kasama tayo. Wag kayong maingay. Sabi ng isang nars na babae. Anong ibig nyang sabihin na may kasama kami? Multo nanaman ba? Iginala ko ang mata ko sa loob ng elevator pero wala naman akong nakita. Si Ren-Ren nakahawak nanaman sa mga braso ko

Bumukas ang pinto at lumabas ang mga nars. Lumabas na kami, hindi rin naman namin alam yung gagawin dun sa mga numerong pinipindot pindot doon ehh.

Nung lumabas kami sa elevator na yun, hindi pa rin namin alam kung nasan na kami. Magkakatulad lang naman yung ayos ng lugar. Pati kung saan yung lugar ng mga nars. Ang pinagkaiba lang yung mga pangalan at numero na nakakabit sa bawat pinto, pati yung mga nagtratrabahing mga nars.

Hoy Lory, tingnan mo nasa first floor na ata tayo. Tingnan mo! Iyon nga yung
palabas, pero hindi naman kami lalabas ng ospital kundi babalik kung saan man yung kwarto namin.

Teka, alam mo ba kung pang ilang floor tayo? tanong ko

Hindi din, ang alam ko lang sa taas tayo

Lumakad ako, hindi ko nanaman alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Naririnig kong nagsasalita si Ren-Ren pero hindi ko maintindihan tila tunog lang ng boses nya ang naririnig ko. Diretso pa rin ako sa paglalakad at mapahinto ng may narinig akong maingay na iyak ng babae.

Sya yung kaninang multo. Tara na, tara na! aya ni Ren Ren

SShh.. Sundan natin. Baka kelangan ng tulong!

Kelangan din naman natin ng tulong eh? Kanina pa nga tayo nawawala eh.

Teka na lang, Ren-Ren

Ayan ka nanaman Lory eh

Hindi ko alam Talaga kung bakit ganito ang kinikilos ko ngayon. Parang lahat na lang ng bagay naka depende sa paa ko. Ito din ang may kasalanan kung bakit nawawala kami ni Ren-Ren. Tulad ng sinasabi ni Ren-Ren na maaaring magalit samin sila nanay, hindi ako nakakaramdam ng takot.

Naglakad ako papalapit sa naririnig kong iyak ng babae. Sa hagdan, isang babaeng nakaputi at nakdukdok sa tuhod nya habang humihikbi sa pag-iyak.

Bigla akong hinila sa braso ni Ren Ren. Ayan ka nanaman Lory. Ano ba? Multo yan,

ano bang gusto mo mangyari?

Hindi ko alam Ren-Ren, basta nararamdaman kong tama ang ginagawa ako!

Anong tama dyan?! Ang makipag usap sa multo? Eh kung may mangyaring masama say?

Tumalikod na lang ako sa kanya at hinarap ang babae.

Ate? Bakit po kayo umiiyak? Tuloy pa rin sa pag hikbi. Patuloy pa din ang pag
kalabit at pangungulit sakin ni Ren.Ren. Umupo ako sa tabi ng babae.

May problema po ba kayo? Gusto nyo po bang tulungan ko kayo?

Ren-Ren: AY! Nako naman tumabi ka pa, lorry hindi na nakaktuwa yang ginagawa

mo!

SSSShhh

Nagulat ako ng itaas nya ang ulo nya. Di tulad ng inaasahan ko, pati si Ren-Ren nagulat sa mukha ng babae. Maganda sya, may makinis na mukha, matangos ang ilong,

maganda ang mata at mahahaba ang pilik mata, pero hindi mawawala ang pagka kulay abo ng mga balat niya. Malayong malayo sa multong nakita at sinasabi ni Ren-Ren.

Anong ginagawa nyo dito? Hindi bat takot kayo sakin? Sa unang pagkakataon
nagsalita sya. Sa gulat ni Ren-Ren tumabi sya sakin.

Hindi ka po ba multo? pag uusisa ni Ren-Ren

Ngumiti lang ang babae sabay sabing Patay na ako, isang buwan na ang nakakalipas

Sabi ko na nga ba sayo Lory, multo pa rin sya kahit maganda sya sabi ni Ren Ren na
takot pa din

Ang bakla mo talaga, tingnan mo nga wala naman syang ginagawang masama satin ah?

Pagpasensyahan nyo po yung kaibigan ko ha, matatkutin po kasi sya eh

Ikaw ba? Hindi ka natatakot sakin?

Umiling ako Bakit naman po ako matatakot kung alam kong wala kayong gagawin

sakin? Bakit po nandito pa kayo? Diba po dapat kasama nyo na si God?

Hindi ko pa din kasi nakakamit yung hustisya. Ang buong akala ng lahat nagpakamatay ako, pero ang totoo ginahasa ako ng isang doktor at tinurukan ng kung anu anong ganot na syang kinamatay ko.

Gusto nyo po ba kami na magsusumbong sa kanila, sabihin nyo po kung sinong doktor

Hahahaha. Paano nyo naman magagawa yon? Eh pare-parehas lang naman tayo

Teka. Ano pong ibig nyong sabihing parehas? Singit ni Ren Ren na kaninay
seryosong nakikinig sa kwento ng babae. Ngunit wala na sya nung lumingon kami.

Hindi nyo pa nahahanap yung sarili nyo Narinig namin ang boses nya pero hindi
namin sya nakikita. Sinundan ko sya pero hindi ko na sya nakita. Multo ng Talaga sya. Pero naawa ako sakanya kasi hindi pa ron nya

Nang humakbang ako pabalik, may natapakan akong bagay. Tiningnan ko ito. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung bagay na parang bracelet na kulay pula sa kanang

kamay ng babae, na nakakabit sa kanya. May nakasulat na pangalan, Florence ------- at may numero na 02/14/13 12:51am.

*******EPILOGUE******* Nagulat ako ng bigla akong hilain sa kamay ni Ren-Ren.

Bakit mo ba ako hinihila? Huminto sya bigla at tila gulat na tumingin sa kamay kong
hawak nya

Ano to? tanong nya. Nagulat din ako ng makita ko yung pulang bracelet na katulad
sa nars at nakakabit sakin ito. Nang iikot ko ang kamay ko at iharap ko kung nasan nakasulat ang panagalan ko GLORIA CORONA 05/14/13 6:15pm

Bakit Nandito ang pangalan ko? tanong ko

Ren-Ren: Teka tingnan mo Lory, Mayroon din akong ganyan, pangalan ko din ang

nakasulat saka 0-5-1-4-1-3 5-28 pm. Alam mo ba kung para saan to, at ano to?

Ako: Aba malay ko, ganito lang yung nakita ko dun sa nars na multong nakausap

natin. Teka ng sabihin mo nga sakin kung ikaw nag lagay nito sakin?

Ren-Ren: Basta ba hinila kita, ako na ibig sabihin nag lagay nyan? Hindi ko nga din

alam paano nalagay sakin to eh. Halika na nga

Bigla nya nanaman ako hinila Tara na nga lang. Ako naman sundan mo, wala na akong

tiwala sa paa mo na kung saan saan tayo dinadala

Hinayaan ko na lang sya na hilain ako. Tama sya pahamak tong paa ko. Lahat ng pinupuntahan namin mali kaya hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakauwi.

Si kuya Asyong mo ba yong papunta sa elevator?

Si kuya nga. Tara! tumakbo kami papunta kay kuya at hinabol ang pagsara ng pinto
ng elevator. Konti na lang pero nakaabot kami. Hindi ko din alam kung pano kami nakapasok na kakapiranggot na bukas ng pinto.

Tiningnan ko si kuya ng may ngiti. Alam ko nanamang papagalitan ako nyan. Pero iba ang nakita ko sa kanya. Namumugtong mga mata at mapulang ilong. Mas nagulat pa ako ng makita kong tuloy tuloy na tumulo ang luha nya. Ngayon ko pa lang sya nakita na umiyak. Isa syang siga at sinusunod ng mga kabataan sa lugar namin. Siya lang ang

dahilan ng pag iyak ng mga tao samin. Kaya ni isang saglit hindi ko pa sya nakitang umiyak.

Kuya? Bakit ka umiiyak? Ano pong nangyari pagtataka kong tanong. Pero parang
hindi nya ito naririnig. At bigla ng umandar yung

Nagkatinginan na lang kami ni Ren Ren na may halong pagtataka. Hindi ko alam pero bakit

You might also like