You are on page 1of 28

Search Explore Download 2 Comment Link Embed Zoom of 3 Readcast 0inShare I. A.

Pamagat ng Katha Paalam sa Pagkabata - Santiago Pepito B. Sanggunian o Aklat na Pinagkunan Ang Batikan, Volume No. 3, Unang Markahan, 4 th Year: Mga Akdang Rehiyunal ( Journal ) II. Buod Si Celso ay nakatira malapit sa may dalampasigan. Namumuhay ng simple. Nasa ikaapat nabaiting palang ssi Celso at walang pang kamuang-muang. Si Tomas ang ama ni Celso ay isangmangingisda at ang kanyang ina ay si Isidra. Isang pangyayari noon ang naganap kay Isidra at sa isanglalaki na napagkamalan ni Isidra na si Tomas kung bakit may puot ang huli sa babae. Isang palaisipan kayCelso ang lambat ng kanyang ama na hindi naman ginagamit ngunit alagang-alaga at inaayos pa ito.Isang umaga, habang inaantay ni Celso ang kanyang ama sa pagdaong sa dagat at nagpapahinga,nakarinig siya ng isang makabagbag-damdaming kundiman sa isang dampa na tinutugtog ng lalaki.Tinignan niya ito. Tinignan din siya ng tumutugtog ng gitara at hinawakan siya ng mahigpit. Sa pagkakitaniya sa lalaki, sinabi niyana parang nakita na niya ang lalaki, sa salamin. Nang matapos na silangmanghalian ng kanyang pamilya, tumingin siya sa salamin. Pinagmasdan mabuti ang salamin, nang biglasiyang matauhan at malinawan at nakakita ng kaginhawaan. Naliwanagan siya kung bakit parang nakitana niya ang lalaki sa may salamin. Iyon pala, siya ang anak ni Isidra sa lalaking iyon na napagkamalanniyang si Tomas. Lumabas siya ng bahay at may dalang itak. Lumapit siya sa nakasampay na lambat samay bakuran ng bahay at pinagtataga niya ito. Wala siyang galit kay Tomas ngunit humihingi lamang ngpag-unawa. Nag-aapoy ang mga mata ni Tomas nang ginawa ito Celso kaya sinuntok niya ito atbumulagta sa lupa. Tinadyakan at sinikmuran. Duguan si Celso at puro gasgas. Bumulagta siya sa paananng kanyang ama at nahimatay. Pagkagising niya, isang maamong Tomas ang bumungad sa kanya ibatulad nang dati na may pagmamahal at pagunawa. III. PagsusuriA. Uring Pampanitikan Ang akda ay isang uri ng maikling kwento B. Istilo ng Paglalahad Ang istilo ng paglalahad ng mga pangyayari ay pakwento. C. Mga Tayutay1.

H anggang ngayon ba y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? (Pagtatanong) 2. Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. (Pagsasatao) Umaga na 3. Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay nang humarap sa akin. (Pagpapalit-saklaw)- Galit na galit

D . Sariling Reaksyon 1. Pananalig Papampanitikan/Teorya Ang teoryang pampanitikang ginamit sa akdang ito ay Teoryang H umanismo. Ito angpananaw na ang uniberso ay nakasentro sa tao sa halip sa Diyos. 2. Mga Pansin o Punaa. Tauhan y Celso - Isang bata sa ikaapat na baitang sa primary na nakatira malapit sadalampasigan. Marami siyang gustong malaman sa mundo. Bilib ako sa tapang niyaat lakas na loob dahil napalambot niya ang puso ng kanyang kinikilalang ama na siTomas. y Tomas - Isang mangisngisda, kinikilalang ama ni Celso at asawa ni Isidra. Isang lalakina may puot sa puso dahil sa isang pangyayaring ginawa ng kanyang asawa. b. Galaw ng Pangyayari Ang mga pangayayari ay 3. Bisang Pampanitikana. Bisa sa Isip Nagbibigay ito ng liwanag sa isang tao na ang mga anak sa labas na tulad ni Celso aydapat ding mahalin at unawaan at ituring na tunay na anak din nila. b. Bisa sa D amdamin Nagpapatatag ng pagmamahalan sa bawat isa. c. Bisa sa Kaasalan Nagkakaroon ng moralidad at nagiging maganda ang pagtingin ng tao. d. Bisa sa Lipunan Sa pamamagitan ng akdang ito, matutunan ng mga taong may sitwasyong katulad ngkay Celso na tanggapin ang mga anak sa pagkadalaga ng kanilang asawa. Nararapat bigyandin sila ng pagmamahal at tangapin ng bukal sa loob at iturin na tunay na anak. Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng PilipinasSta. Mesa, ManilaKolehiyo ng PagnenegosyoKagawaran ng Pag-aanunsyo at Pampublikong Relasyon PAGSUSURIsaMAIKLING KWENTO AT TULA F ILI 1023Ipinasa kay:Propesora Karen G. San DiegoIpinasa ni:Jhun F red E. F irmezaBADPR I-3DPebrero 10, 2012 pagsusuri-maikling kwento Download or Print Add To Collection 2.5K READS 0 READCASTS 0 EMBED VIEWS

Published by Jhun Fred Firmeza Follow

Search TIP Press Ctrl-F to search anywhere in the document.

Info and Rating Category: Uncategorized. Rating: Upload 02/20/2012 Date: Copyright: Attribution Noncommercial Tags: This document has no tags. Flag document for inapproriate content Related

2 p. Emilio Aguinaldo Ay Opisyal Na Inaugurated Bilang Unang Pangulo at ... Charlie Baranda 142 Reads

8 p.

TALAMBUHAY Vernaliza Cornel Forones 1572 Reads

4 p. RC Mary_Erica_9997 714 Reads Next Leave a Comment

Submit Characters: 400

Raczell Jake Deleon Bongon wala po bang maikling impormasyon tungkol sa may akda?? 08 / 21 / 2012

Jeralyn B. Ang wow..... tnx po dto................... tnx po tlga...... god bless..... malaking tulong po ito...

Join Multiply

Open a Free Shop

Sign In

Help

SEARCH

GO

emo sha
HomeBlogPhotosCalendarReviews

proyekto sa filipino.. (pagsusuri ng nobela)


Proyekto sa Filipino IV pagsusuri ng nobelang : Bata, Bata.. Pa'no ka Ginawa"

Feb 3, '09 2:50 PM for everyone

sharis1019

ni: Lualhati Bautista

shalimar

I Panimula:

Personal Message Report Abuse

Ang Bata, Bata.. Pano ka Ginawa ay isang nobelang isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan. Ito ang naibigang suriin dahil naagaw nito ang pansin ng mga maraming mambabasa lalo na ang mga magulang. Sa mga nakalipas na panahon sunudsunuran lamang

ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makielam. Ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na

may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kayat makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kanyang pagiging magulang sa makabagong panahon.

II Talambuhay ng Awtor:

Si Lualhati Bautista ay ipinanganak noong Disyembre 2, 1945 sa Tondo, Maynila. Ang ama nyang masipag ay nagngangalang si Esteban Bautista habang ang kanyang maarugaing ina naman nya ay si Gloria Torres. Nagaral siya sa

Mababang Paaralang Emilio Jacinto. Nagtapos siya noong taong 1958 sa pagka-elementarya. Matapos ang elementarya nag-aral rin siya sa Mataas na Paaralang Florentino Torres at nakapagtapos sa taong 1962. Bata pa lamang ay nakakitaan na siya ng kagalingan sa pagsulat. Nag-aralang batikang nobelista sa Lyceum of The Philippines bilang isang estudyanteng manunulat. Siya ay tumigil bago pa man matapos ang unang taon sa kolehiyo. Bagamat hindi siya nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay naging bise-presidente siya ng mga Screenwriters Guild of the Philippines at naging pinuno sa Kapisanan ng mga manunulat ng nobelang Popular. Kinilala rin siya ng University of the Philippines Creative Writing Center dahil sa kanyang mga malikhaing obra noong 1986.

III Pagsusuri:

A. Uri ng Genre: Ekonomyang- Pampolitikal o Sosyo-Politikal

Ang nobelang Bata, Bata.. Pano ka Ginawa ay nahahanay sa genre na ekonomyang-pampolitikal o sosyo-politikal sa kadahilanan na nailantad nito ang panlipunan, kultural, politikang pamamalakad, teorya at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.

Naririto ang ilang patunay na itong nobelang ito ay nahahanay nga sa sosyo-politikal.

Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung

tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero hindi na ngayon! (kabanata 22:talata 38, pp. 171)

Kinondena ng US State department ang pagpatay. Nagdemo ang mga taga-San Francisco California laban sa USMarcos dictatorship. Nagprayer vigil sa New York, pinaliligiran ng mga tao ang Philippine Consulate General sa Honolulu bilang protesta. (kabanata 23:talata 6, pp. 173)

B. Buod:

Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng

anak niyang si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at sa pakikipagtulungan niya sa isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na lalaki.

Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalak sanang kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka

kunin na ng mga ama ito ang kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at samahan na kanyang tinutulungan.

Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang pagpapasyang hindi niya giniit sa mga ito. Isa pa ring pagtatapos ng pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay

simula pa lamang ng mga darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. Bata, bata pano ka ginawa?
IV Pagsusuri sa Dulog Formalistiko: 4.1 Tauhan:

Banghay:

Lea ang bida at bayani sa nobela Maya anak na babae ni Lea Ojie anak na lalaki ni Lea Ding lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya Raffy unang asawa ni Lea, ama ni Ojie Johnny kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

4.2 Simula:

Ang simula ng mga napiling mga kabanata ay sinimulang ng mga matitinding mga pangyayari sa kanilang kapaligiran na lubos na nakaapekto sa kanilang katauhan sa nobela. Pinakita nito ang mga naging gawain ng mga mamamayan at mga di magandang gawain ng mga politiko at mga namumuno.

Naririto ang ilang patunay na ang nobela ay sinimulan nga ng mga ganoong pangyayari:

T.V. agad ang hinarap ni Lea pagdating ng bahay pero maski anong pihit ang gawing niya sa selector ay puro statics na lang ang lumalabas. Alas-dose pasado na, sign-off na lahat ng estasyon. Nagpasya na lang siya sa pagtingin ng diyaryo na sa mga oras na itoy balitang balita na: .shot dead seconds after he stepped off a China Airlines Plane.. Assasin still unidentified. (kabanata 22: talata 1, pp.167)

Headlines sa lahat ang nangyayari. Ang balita ay hindi na pambansa kungdi pandaigdig. (kabanata 23:talata 5,

pp.173)

4.3

Suliranin:

Ang mga suliranin sa mga napiling kabanata ay pinasimulan ng mga komosyon tungkol sa mga bata, lipunan, politika at pamilya na gigising sa kanilang kamalayan ukol sa mga pangyayari.

Naririto ang ilang patunay na ito ang naging suliranin sa nobelang binasa:

Pumwesto na si Lea para matulog. Nang maulinigan niya ang kalansing ng susi sa labas ng pinto. Bumukas ang pinto. Si Ding. Mainit agad ang salubong: Asan ang mga bata? Naroon pa kina Raffy. Napahindig si Ding Doon?.. eeh.. si Maya?

Andon din.. Lalong napahindig si Ding. Pati si Maya? Naloloko ka na ba? Naalala ni Lea na may atraso nga pala si Ding; hindi siya sinipot nito kaya siya napilitang gumawa ng ibang paraan. (kabanata 22: talata 3, pp. 168)

Marcos Resign! Iisang tinig ngayon ng bayan. katarungan! Katarungan! Giniling ang mga dilaw na pahina ng PLDT directory para pangconfetti ay nagpa-fasting ang mga bilanggong pulitikal. Humahaba ang listahan ng estudyanteng wanted ay humahaba rin ang mga nabubunyag na secret decrees. Magpapalabas ng pahayag ang simbahan laban sa PCO ay tinanggal bigla ang PCO pinalitan lang pala ng PDA na pareho din ng kahulugan. Nagalit na ang bayan sa

haba ng lokohan at kabit ng galit ng bayan, isinilang ang alyansa ng mga bagong mamamayan. (kabanata 23: talata 11, pp.175)

4.4 Kasukdulan:

Ang kasukdulan sa nobelang ito ay nagpapakita ng tunggalian ng tao sa tao. Ipinakita rito ang tunggalian sa pagitan ni Raffy at Lea tungkol sa anak nilang si Ojie at tungkol rin sa paratring paggugugol ni Lea sa pag tatrabaho. Habang sa sumunod naman na kabanata ay matutunghayan ang tunggalian sa pagitan ng PunongGurong si Mrs. Zalamea at Lea tungkol naman sa legal na kasal o pagkakasal na gigising sa damdamin at magmumulat sa bida ng nobela.

Naririto ang ilang patunay na ito ay nagpapakita ng

tunggalian ng tao sa tao:

Nag-uusap-nag-aaway-nag-dedebate hindi pa din tayo nagkakasundo. Mainit na sagot ni Lea. Alam niyang tinititigan na sila ng babae sa counter pero walang bale sa kanya. Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero hindi na ngayon! (kabanata 22:talata 38, pp. 171)

Nonono Mrs! Em-ar-es. Mrs. Not Em-es. I am safety married, you know? at sa unang pagkakataon nginitian siya ni Mrs. Zalamea; ngiti

ng isang nagmamalaki, at nadidiin sa utak niya, na itoy kasal. Ang M-S ay para lamang sa mga kababaihan na hindi alam kung silay dalaga o walang asawa! (kabanata 23: talata 30, pp. 178)

4.5 Wakas:

Ang wakas ng mga napiling kabanata sa nobela ay nagwakas na may tumitindi pa ring komosyon saisip ng mga pangunahing tauhan na nakapagpabago sa nangingibabaw na emosyon ng bida sa nobela. Nang dahil din sa mga pagbabagong ito ay tumimo rin sa damdamin ng iba ang kwento ng buhay ni Lea.

Naririto ang ilang patunay tungkol sa mga pangyayari na nangyari sa wakas ng napiling kabanata:

Pauwi dala ang mga anak, nararamdaman din ni Lea ang sakit na iniwan sa kanya ng pagsasagutan nila ni Raffy. May epekto pa rin sa kanya ang galit ng walang hiya hanggang ngayon! Masaya siya. Sina na nga ang may bagong anak , siya pa ang may ganang mang away!

Tumawid din sa isipan niyang huwag nang umuwi kung para man lang makaiwas sa away na iniwan niya kanina na baka may continuation pa. Pero san naman sila pupunta sad isoras na ito? Kanino sila matutulog? Nasaisip niya na silang mga lalaki noon, ngayon, at kailanman, ay pampagulo lang sa buhay ng isang babae. Kung maari lang isumpa niya ang mga puyetang lalaki. Kungdi nga lang sa kabila ng mga pait, minsan-minsang may naiibibigay din silang

tamis. (kabanata 22: talata 40-41, pp 171-172) Nata-touch si Lea. Hindi na, hindi na niya gusting alaskahin, pagalitin ang taong ito. Ngumiti siya t inabot ditto ang kamay na mabilis naming hinagip nitot ginanap ng mahigpit. Biglang- bigla sa di inaasahang lugar at pagkakataon, kapwa sila nakakatisod ng isang bagong kaibigan. (kabanata 23: talata 52, pp. 181-182) V Mga Teoryang may kaugnayan sa akda:

Realismo: higit na pinagtuunan sa teoryang ito ang


katotohanan kaysa

kagandahan. May mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran. Ang mga akdang nasa ilalim nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng

pangunahing tauhan at iba pang katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami rin ang tagpuan.

Naririto ang ilang patunay na ang nobelang ito ay nahahanay sa teoryang Realismo:

Higit sa lahat ay sila ang kaaway ni Aquino. Saka pang-ilan na lang ba si Aquino kung tutuusin? Isang dagdag na pangalan na lang sa mahabang listahan ng mga biktima (kabanata 22: talata 3, pp. 167) -sa katunayan ito ay isa ring pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan pinapatay si Benigno Aquino. Ang pangyayari ay nababatay

rin sa totoong buhay.

Humanismo: Binibigyan -pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda . Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan.

Naririto ang ilang pahayag sa akda na nagpapatunay na ito ay nabibilang din sa teoryang humanismo:

I work with a social group. Whats that again? Human rights organization

(kabanata 23: talata 43, pp. 180)

Sabi: Pag nakakarinig ka ng tungkol sa ganitong grupo, napapatunayan mo lang na marami ngang nagaganap na violations of human rights. Otherwise, itong mga grupong ito hindi ito mage exists. (kabanata 23: talata 46, pp. 180) -dahil sa mga pahayag na ito nabuksan ang isipan ng paraming mambabasa na kahit gaano karami ang konstitusyon tungkol sa karapatang pantao ay marami pa ring lumalabag sa mga konstitusyong ito at hindi makatamo ng katarungan.

Naturalismo: Ang mga akdang nagbibigay diin sa mga teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.Ipinakikita rin

ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan nito.

Naririto ang pahayag na kung saan pinalitaw na ang nobelang ito ay nahahanay sa teoryang Naturalismo:

Walastik din naming eskuwelahan yan. Nadisgrasya ko ang mga cards nila, para bang nadisgrasya ko na ang buong educational system. Kung baga sa gobyerno, nonood ka ng rally; subersiyon na ang kaso mo , ano ding? (kabanata 23: talata23, pp. 176)

- napatunayan na sa pahayag na nabasa ay nakakitaan ito ng pagiging natural sa paglalahad ng damdamin.

Feminismo: sa teoryang ito. maaring tignan ang imahen,

pagpapakalarawan ,posisyon ,at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan ,kultural ,pulitikang pamamalakad , teorya ,at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.

Naririto ang ilang pahayag na itong nobelang nabasa ay maaaring maibilang sa teoryang feminismo:

Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero hindi na ngayon! (kabanata 22:talata 38, pp. 171)

-mula sa pahayag na nabasa ay kinakitaan ng kalakasan ng loob si Lea sa pag ako ng responsibilidad bilang isang ama at ina kay Ojie.
Prev: the cheap..^^ Next: the next chapter of my life.. (end of high school life)
reply

Sponsored Links

Shop at the Multiply Marketplace


Low Prices on Shoes, Jewelry, Clothing, Food, Accessories, TShirts, Electronics and much more. Safe Shopping from friendly, trusted sellers. Great deals on local items. 2 CommentsChronological Reverse Threaded reply darcyquacks wrote on Jul 4, '09 May I please add this to my site? I'll put credits. :) reply mheclyde25 wrote on Sep 28, '10 maganda ang pagsusuring ginawa Add a Comment

Submit

Preview & Spell Check

Philippines Marketplace Indonesia Marketplace Open a Free Shop 2012 Multiply English About Blog Terms Privacy Corporate Advertise API Help Sitemap Sulit.com.ph

You might also like